All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 1431 - Chapter 1440

3080 Chapters

Kabanata 1431

Hindi sinagot ni Joshua ang tanong ni Jim at sa halip ay tumitig siya kay Malcolm mula sa malayo. Nang makita na hindi sumagot si Joshua, hindi mapigilan ni Jim na magtanong, “Ayaw kang makita ni Luna, pero pumayag siyang makita si Malcolm… Sa tingin mo ba ay dahil mas may tiwala siya kay Malcolm kaysa sayo?” Nang marinig ito ni Harvey, kumunot ang noo niya at nagsalita siya, “Mr. Landry, sumosobra ka na.” Alam niya na masama na ang loob ni Mr. Joshua, pero binabanggit pa ito ni Jim. Ngunit, sa ikinagulat ni Harvey, sinabi ni Joshua na tila walang pakialam, “Tama ka. Mas… may tiwala siya kay Malcolm kaysa sa akin.” Nagkatinginan sina Jim at Harvey nang marinig nila ito. Hindi nila inaasahan na… aamin si Joshua dito. Lumingon si Joshua at tumitig siya ng nalilito sa mag-ama at tinanong niya, “Mahirap ba para maintindihan? Marami… akong ginawa dati na nakasakit kay Luna. “Anim na taon na ang nakalipas, naaksidente siya at nanganak siya, pero ako, ang asawa niya, ay wala doo
Read more

Kabanata 1432

Sa isang palad, si Bonnie, dahil sa mungkahi ng tatlong bata, ay binantayan siya at pinagbawalan siya na makita ang kahit sinong mula sa labas. “Ayos lang.” Walang pakialam si Malcolm kung bakit tumanggi si Luna na magpakita sa kanya at sa halip ay inabot niya ang jewelry box habang nakangiti. “Tingnan mo.” Masyadong malayo sina Joshua at Jim sa mesa ng dalawa, kaya’t hindi nila malaman ang laman ng ng jewelry box. Sumandal si Harvey sa bintana at binulong niya, “Wow, wedding ring ba ‘yun?” Kumunot ang noo ni Joshua at inobserbahan niya ng maingat ang ekspresyon ni Luna. “Hindi.” Kung ito ay isang wedding ring, hindi magmumukhang seryoso ang ekspresyon ni Luna. Gayunpaman, ang ekspresyon niya sa ngayon… Tila may bagay siyang sinusuri na nawala sa kanya dati, at ngayon ay sinisigurado niya na ito ay ang bagay na nawala sa kanya. Tumingin si Harvey kay Joshua. “Paano mo naman nalaman na hindi?” Hinimas ni Joshua ang buhok ni Harvey at sinagot niya, “Alam ko lang.” “Da
Read more

Kabanata 1433

Konti pa lang ang lumipas na oras at hindi pa uminom si Luna, pero gusto niya na agad umalis. Nagulat si Malcolm dahil dito. Hindi pa nailagay ng mga tauhan niya ang tracking device kay Luna! Nang maisip niya ito, mabilis na sinabi ni Malcolm, “Luna, alam ko na basta basta ang desisyon ko, pero dahil lang namiss talaga kita.” Lumapit siya sa tabi ni Luna at hinawakan niya ang braso nito. Puno ng pagsisisi at kalungkutan ang kanyang mga mata. “Dahil lumabas ka na rin naman… Bakit hindi mo ako samahan maghapunan?” “Sa sobrang miss ko sayo ay hindi ako makakain at makatulog ng maayos. Alam ko na hindi ka aalis ng bahay ng walang magandang rason, kaya’t ginawa ko ang dahilan na ito para makipag ktia ka sa akin…” Ang sabi niya ng nagmamakaawa. Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya sa mukha ni Malcolm. Kahit na tutol siya sa ideya na niloko siya ni Malcolm… Napansin ni Malcolm na gumaan ang ekspresyon ni Luna, huminga siya ng malalim at humigpit ang hawak niya kay Luna, balak
Read more

Kabanata 1434

Umikot ang mga mata ni Jim. “Nakikinig ba ang anak mo sa lahat ng sinasabi mo?” Pinag isipan ito ng saglit ni Joshua, pagkatapos ay sumagot siya, “Oo, nakikinig sila, at hindi nila ako tinatawag na Mr. Lynch.” Muling umikot ang mga mata ni Jim at sinabi niya, “Bahala ka.” Hindi nagtagal, dumating na ang chicken na inorder ni Harvey. Ang isa sa mga tauhan ni Malcolm, na nagbihis at nagpanggap na isang waiter, ay ‘aksidente’ na nabunggo kay Luna at naglagay ng maraming tracking device sa damit niya ng hindi napapansin ni Luna. Kumain si Harvey ng fried chicken at sinasadya niyang lagyan ng mantika ang damit ni Luna. Pagkatapos, kumuha siya ng tissue at tinulungan niya na punasan ang damit ni Luna habang palihim na tinatanggal ang mga tracking device. Kumunot ang noo ni Malcolm habang pinapanood niya na nililinis ni Harvey si Luna. “Harvey, hindi ka ba… tinuruan ng tatay mo ng tamang asal sa mesa?” Mayaman ang pamilya Landry, at bilang mga master ng pamilya Landry, paano nag
Read more

Kabanata 1435

“Joshua Lynch!” Nang makita ni Malcolm si Joshua, sa sobrang taranta niya ay humigpit ang hawak niya sa tasa niya sa punto na namutla ang mga kamao niya. Tumingin si Joshua sa kamay niya at ngumiti siya ng maliit. “Mr. Quinn, matagal mo na akong hinahanap… HIndi mo inaasahan na darating ako sa harap mo, hindi ba?” Yumuko siya at tumingin siya sa phone niya. Sa mga sandaling ito, nakatanggap siya ng message mula kay Harvey na may nakasulat, [Tagumpay ang plano.] Ibig sabihin ay ang mga tao na pinadala ni Malcolm para sumunod kay Luna ay sa halip ay nakasunod sa kotse ni Harvey. Bukod pa dito, ang lahat ng tracking device na nilagay kay Luna ay tinanggal na at sa halip ay nakay Harvey ang mga ito. Nang makita ito ni Joshua, huminga siya ng malalim at lumingon siya para tumingin kay Malcolm, na siyang nakatitig sa kanya na tila gusto siyang patayin nito. “Kung hindi ka agad tumayo ngayon, Mr. Quinn, baka hindi ka na makakuha ng pagkakataon.” Pagkatapos, naglabas ng makinan
Read more

Kabanata 1436

Suminghal ang lalaking namumuno sa grupo at sinabi niya, “Ang lakas ng loob ng lalaking ito na saktan si Master Quinn. Pupunuin natin ng bala ang ulo niya ngayong gabi!” Pagkatapos umikot ng Ring Road ng limang beses kasama ang mga kotse na humahabol sa kanya, lumitaw sa kotse ni Joshua na paubos na ang gasolina. Bukod pa dito, natamaan na ng ilang putok ng bala ang kotse niya. Biglang nagring ang phone ni Joshua. Ito ay isang message mula kay Bonnie. Nakauwi na ng ligtas si Luna. Sa sandali na matanggap niya ang message na ito, huminga ng malalim si Joshua at lumiko siya paalis ng freeway, papunta sa isang kalsada na walang laman. Ngumisi ang mga lalaki sa likod niya nang makita nila ito. Bobo ba ang lalaking ito? Bakit siya lumiko at pumunta sa ganitong lugar? Hindi lang nila mahahanap si Joshua, mahuhuli pa nila ito ng buhay! Inutos ng leader na sagarin ang bilis ng kotse at habulin ang kotse ni Joshua. Mahuhuli nila ng buhay si Joshua! Itinabi ng mga lalaki ang ba
Read more

Kabanata 1437

Nang makarating si Luna sa Tea Cottage, sumapit na ang gabi. Si Bonnie, na nakaupo sa sofa, ay tumalon at niyakap niya si Luna nang makita niya na pumasok ito. “Ayos ka lang, mabuti naman!” Sa sobrang bilis at lakas tumalon ni Bonnie ay halos nawalan ng balanse si Luna. Muntik na siya natumba at inayos niya ang tayo niya bago niya tinanong, “Anong nangyari?” “Kanina lang, nakita ko sa balita na may barilan sa Lucky Den, at nasaktan si Malcolm. Akala ko ay—” Tumigas ang buong katawan ni Luna nang marinig niya ito. Lumingon siya at tumingin siya sa TV screen. Ipinapahayag ng newscaster ang breaking news sa barilan sa Lucky Den ng may malamig na boses, “Sa sobrang bilis ng pangyayari ay sa oras na mapansin na ito ng lahat, nasaktan na ang mga binti ni Master Quinn, at umalis ang shooter sa eksena. “Mabuti na lang at naaksidente ang mga binti ni Malcolm Quinn noong isang buwan na ang nakalipas, na nagresulta ng pagkaparalisado ng mga binti niya. Kaya naman, kahit na binaril siy
Read more

Kabanata 1438

Biglang may isa sa mga katulong na kumatok sa pinto niya. “Ms. LUna, ito po ang recording device na iniwan ni Mr. Lynch ngayong araw—” Nilagay niya ang kumot sa ulo niya at sumagot siya, “Itapon mo na. Hindi ko na kailangan pakinggan ‘yan.” Nanatiling tahimik ng ilang sandali ang katulong, pagkatapos ay nilagay nito ang recording device sa suitcase ni Luna, na nakalagay sa tabi ng pinto niya. Pumikit si Luna habang nakinig siya sa mga paalis na hakbang ng katulong. May mapait na ngiti sa kanyang mukha. Paano siya maniniwala na ang isang makasariling lalaki na hindi umaamin sa mga pagkakamali niya ay biglang magbabago para sa kanya sa loob ng dalawang linggo? Nauto siya ng mga matatamis na salita ni Joshua.…Sa Swan Lake Chalet. Inabot ni Joshua ang silver na baril kay Jim at sinabi niya, “Salamat.” Tumingin si Jim sa baril at hinagis niya ito sa basurahan. “Hindi ko na ito kailangan.” Ngumiti si Joshua at napagtanto niya kung ano ang tinutukoy ni Jim. “Malalaman ng m
Read more

Kabanata 1439

May nangyaring masama kay Rosalyn! Agad na tumayo si Jim at lumaba siya ng pinto, nakalimutan niya na ang pinag uusapan nila ni Joshua. “Christopher! Christopher!” Samantala, tumakbo si Christopher palabas ng kwarto sa isang sulok ng bahay at tinanong niya, “Ano ang problema?” Wala man lang oras para magpaliwanag si Jim. Sa halip, hinawakan niya ang braso ni Christopher at tumakbo siya palabas ng kwarto. Suot pa rin ni Christopher ang slippers nya, at dahil hinila siya palabas ng bahay, natanggal ang slippers niya. Hinila siya papunta sa kotse ng nakapaa. Nakatayo si Joshua sa tabi ng bintana at pinanood niya itong mangyari. Sa oras na makita niya na ang nag aalalang mukha ni Jim, sinundan niya ito palabas ng pinto. Pagsapit ng gabi, ang driver at ang karamihan sa mga katulong ay umuwi na, at may natira na lang na ilang mga bodyguard. Umupo si Jim sa driver’s seat, ngunit sa sobrang kaba niya ay hindi niya magawa na buksan ang makina. Sa sobrang inis niya dahil dito ay kinu
Read more

Kabanata 1440

Bukod pa dito… Anong ibig sabihin ni Heather na halos sumama si Charles kay Lucy noong namatay si Lucy? Isang kasinungalingan ito para protektahan ang reputasyon ni Charles! Namatay si Lucy noong mga nakalipas na taon… at nagpakasal si Charles limang taon lang pagkatapos ng pagkamatay ni Lucy! Hindi ito pinaniniwalaan ni Joshua. Bukod pa dito, hindi nagpakita ng awa si Charles kay Granny Lynch bago ito namatay… Kung mahal niya talaga si Lucy, bakit niya papatayin ang nanay ni Lucy ng hindi nagdadalawang isip? Nang maisip ito ni Joshua, napaismid siya at pumikit siya. Samantala, sa loob ng hospital… Umiilaw pa rin ang ilaw ng emergency room. Nakaupo si Charles sa bench sa harap ng emergency room, hawak niya ang ulo niya. Isang doctor si Christopher, pumasok rin siya sa emergency room. Samantala, nakasandal si Jim sa pader, nakatitig siya ng hindi kumukurap sa pinto ng emergency room. Dumating ang elevator sa palapag nila. Lumabas si Heather ng elevator, mukha s
Read more
PREV
1
...
142143144145146
...
308
DMCA.com Protection Status