Pumasok si Christopher sa kwarto at umupo siya sa tabi ni Joshua ng nakangiti. “Mabilis mo kaming nahanap. Mas magaling ka pa kaysa sa inaasahan ko.” Tumingin ng masama si Joshua at sinabi niya, “Ano ang binabalak ni Jim?” Kung hindi niligtas ni Jim ang buhay niya at hindi siya inalagaan nito, umakyat na sana siya at nanghingi ng sagot sa halip ng naghihintay siya dito ng tahimik. “Wala naman.” Ngumiti si Christopher at nilaro niya ang phone niya. “Alam mo naman na malala ang kondisyon ni Mrs. Landry. Gusto lang ipakilala Jim si Luna kay Mrs. Landry bago ito pumanaw.” Dumilim ang ekspresyon ni Joshua nang marinig niya ito. “Bakit niya naman gustong makita is Luna bago siya mamatay? Gusto niya ba maghiganti kay Luna sa pagpatay sa anak niyang si Aura?” Umiling si Christopher. “Joshua, ayaw kong maniwala na hindi mo pa rin alam kung ano ang nangyayari, matalino ka.” Pagkatapos itong sabihin, tumahimik ang buong kwarto. Kumunot ang noo ni Joshua, sa sobrang tindi ng aura niy
Ding! Bumukas ang mga pinto ng elevator. Lumabas si Heather sa elevator at sinabi sa lalaking sumusunod sa kanya, “Tatay, iginagalang ko si Jim noon pa man, ngunit ang ginawa niya sa pagkakataong ito ay sumobra na!” Habang sinasabi niya ito, nagpakawala siya ng galit na buntong-hininga at nagpatuloy, "Alam ko na simula nang malaman ni Jim na hindi siya ang tunay na anak ni Nanay, ang tingin niya sa kanyang sarili ay isang tagalabas na tulad ko...pero...anak mo pa rin siya... “Paano niya nagawa ang ganito? Alam na alam niya na nagkasakit si Nanay at hindi niya kayang lumala ngayon, ngunit dinala pa rin niya ang babaeng pumatay kay Aura upang makita siya."Sinusubukan ba niyang patayin si Nanay?" Pinunasan ni Heather ang kanyang mga luha at idinagdag, “Tatay, alam kong palaging nag-aalala si Jim na ang isang tagalabas na tulad ko ay makakatanggap ng napakagandang pagtrato at ako ay makikipagkumpitensya sa kanya para sa mana... “Pero simula nang nangyari noon , natuto na ako
Galit na tinitigan ni Charles si Jim at sinabi, “Si Aura ay kapatid mo sa ama, ngunit hindi lamang hindi mo siya tinulungan noong siya ay nasa Banyan City, hinayaan mo pa siyang mamatay! “Kung hindi pa sapat iyon, hindi mo lang ipinagtatanggol si Luna, dinala mo pa siya rito para bisitahin si Rosalyn! Anong ginagawa mo?" Sumilip si Charles sa bintana at sa silid ni Rosalyn habang sinasabi niya ito. Nang makita niya ang nangyayari sa loob, laking gulat niya na hindi siya makapagsalita. Sa sandaling ito, nakaupo si Luna sa tabi ng kama ni Rosalyn, nakapatong ang kanyang ulo sa balikat ni Rosalyn. Si Rosalyn na dapat ay magagalit dito ay malambing na nakatitig kay Luna habang marahang hinahaplos ang kanyang buhok. Ang eksenang ito… Hindi ganito dapat kumilos ang dalawang magkaaway. Sa halip ay nagmukha silang isang pares ng matagal nang nawawalang mga ina at anak na babae! Napangiti si Jim nang makita niya ang gulat sa mukha ni Charles. "Sa tingin mo ba ganito dapat kumi
“Ano pa ba kaya iyon?” Nagdilim ang ekspresyon ni Heather habang inagaw ang ulat kay Jim. "Iminumungkahi mo ba na si Aura ay hindi anak ng Nanay at Tatay, at sa halip ay si Luna? "Nakumpirma na na anak nila si Aura, kaya ginagawa mo lang itong DNA report para iligaw kami!" Kasama noon, binuksan niya ang folder. Gaya ng inaasahan niya, kinumpirma ng impormasyon sa file na sila ni Aura ay may kaugnayan sa dugo, samantalang ni isa sa kanila ay walang kaugnayan kay Charles o Rosalyn! Isang kislap ng malisya ang sumilay sa mga mata ni Heather. Itinaas niya ang kanyang mga kamay na para bang pupunitin niya ang mga papel. “Patay na si Aura, bakit mo siya piniling insultuhin gamit ito? Wala ka bang puso?" Bago pa niya mapunit ang folder, binawi ito ni Jim sa kanya at umismid, “Heather, sabi mo pineke ko ang ulat na ito, kaya bakit ka desperado na sirain ito? Natatakot ka ba na makita nina Tatay at Nanay ang nilalaman nito?” Habang sinasabi niya ito, iniabot niya ang ulat kay Char
Pinikit ni Charles ang kanyang mga mata at itinulak ang katawan ni Heather palayo sa salamin na bintana. Sa loob ng kwarto, nakangiti si Rosalyn habang nakikipagkwentuhan kay Luna. Pinagmasdan ni Charles ang mahinang ngiti sa mukha ni Rosalyn sa pamamagitan ng salamin. Matagal-tagal na rin mula noong huli niya itong nakitang ngumiti. Mula nang ikasal siya dito, wala na siyang ginawa kundi pangungutya at panunuya. Tinawag siyang mistress ng mga tao at inakusahan siya sa paghihiwalay nina Charles at Lucy... Siya ay sinabihan ng lahat ng klaseng pag-insulto, ngunit lahat ng iyon ay tiniis niya sa paglipas ng mga taon. Palagi niyang sinasabi sa kanya na ayos lang ang lahat, ngunit matagal na niyang hindi nakikitang ngumiti siya ng ganito. Hindi napigilan ni Charles ang sarili na itulak ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay umalingawngaw ang boses ni Luna mula sa loob ng kwarto, “Si Nigel ay isang bihasang hacker, si Neil ay isang mabait at mapagmahal na bata, at s
Pumikit si Luna at nagpakawala ng mapait na tawa. Noong nasa ward siya kasama si Rosalyn, naawa siya dahil alam niyang, tulad niya, si Rosalyn ay isang babaeng magsasakripisyo ng lahat para sa lalaking mahal niya. Marahil ay minana niya ang katapatan ni Rosalyn. Pagkamatay ni Lucy, alam na alam ni Rosalyn na hindi sa kanya ang puso ni Charles, ngunit kusang-loob niyang inalagaan ito at tinulungan siyang alagaan ang Landry Group bilang kaibigan. Nagpatuloy ito sa loob ng tatlong taon hanggang, isang araw, si Charles ay nalasing ng sobra at napagkamalan siyang si Lucy. Sabay silang natulog na naging dahilan ng pagsilang ni Luna. Gayunpaman… Ayaw aminin ni Charles na sumiping siya kay Rosalyn dahil ito ay isang pagtataksil sa pangako niya kay Lucy. Kaya naman, ipinadala niya si Luna, na napakabata pa at wala pang maalala, sa isang ampunan sa Sea City. Nang malaman ito ni Rosalyn ay dali-dali siyang pumunta sa ampunan para hanapin siya. Nakita ito ni Joseph, na nagtatrabaho
Gayunpaman, buong lakas na hinawakan ni Charles ang kamay ni Luna, determinadong huwag siyang bitiwan. "Luna," umunga siya sa mahina at paos na boses. "Nakita mo naman ang hitsura ng iyong Nanay. Kung hindi ka nagpakita, hindi siya makakaligtas sa araw na ito. Pakiusap, nakikiusap ako sa iyo… “Pakiusap huwag kang umalis. Manatili ka dito sa amin, pwede ba? "Aaminin ko ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa nakaraan, at ipinapangako kong babawi ako sayo sa hinaharap—" "Hindi ka niya kailangan para makabawi sa kanya, at hindi rin siya mananatili." Bago natapos ni Charles ang kanyang pangungusap, isang malamig na boses ang umalingawngaw mula sa direksyon ng hagdanan. Parehong natigilan sina Luna at Charles, pagkatapos ay napatingin sa direksyon ng boses. Si Joshua, na nakasuot ng ganap na itim, ay nakatayo sa hagdanan, ang kanyang mga labi ay pumulupot sa malamig na pag-ismid. Parang kanina pa siya nandito. Nang makitang nakatingin ang dalawa sa kanya, ngumisi si Joshua a
Bumaba ang elevator mula sa pinakamataas na palapag ng ospital. Buong elevator ride, hawak ni Joshua si Luna malapit sa kanya. Nanatiling tahimik si Luna habang hinahayaan niyang hawakan siya. Gayunpaman, hindi siya umimik bilang tugon sa sinabi ni Joshua. Alam din ni Joshua na malamang na gulong-gulo ang isip ni Luna kaya hindi na niya ito pinilit na sagutin siya. Dumating ang elevator sa unang palapag. Dahan-dahang lumabas ng elevator si Luna na para bang hinigop palabas ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan. Anong ginagawa ni Joshua dito? Gaano ang narinig niya sa pagitan nila ni Charles? Nahulaan ni Joshua na malamang na wala sa mood si Luna na makipag-usap, kaya hindi siya umimik sa buong biyahe pabalik sa Tea Cottage. Tahimik silang nakaupo sa backseat habang nakatingin sa nadaraanan na tanawin. Nabalot ng katahimikan ang hangin sa pagitan nila. Hindi nila naisip na...isa sa kanila ay isang Lynch, at ang isa ay isang Landry. Mga mortal na magkaaway. Pin
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya