All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 1071 - Chapter 1080

3080 Chapters

Kabanata 1071

Pagkatapos nilang marinig ito, parehong lumingon sina Joshua at Mr. Chase para tumingin kay Luna.Dumiin ang ngipin ni Mr. Chase at tumingin siya ng masama kay Luna. “Anong ebidensya ang meron ka? Nakalimutan mo na ba na may sakit ka sa pag iisip ngayon? Hindi pwedeng tanggapin bilang ebidensya ang kahit anong sabihin mo ngayon!“Kung pwedeng gawing ebidensya ang lahat ng sasabihin mo ngayon, edi ang lahat sasabihin ng mga empleyado sa hospital na ito ay pwedeng gawing ebidensya din, bakit mo naman naisip na may taong tutulong sayo? Sino ang magtatanggol sayo at sasabihin na hindi mo binali ang daliri mo?”Kampante si Mr. Chase sa kapangyarihan at impluwensya niya sa hospital, kaya’t hindi niya iisipin na mapapatunayan ni Luna na may sala siya.Ngumiti ng bahagya si Luna, pagkatapos ay lumapit siya sa tabi ni Joshua at tumingin siya sa paligid. Sa buli, nakita niya ang isang speaker na madalas ginagamit ng hospital staff para sabihan ang mga pasyenta na oras na ng tanghalian at hap
Read more

Kabanata 1072

Pagkatapos, tumalikod si Luna at umalis na siya.Umalis si Joshua ng mental hospital habang sumunod sa likod si Luna.Habang papunta sa hotel ni Fiona, tumawag si Luna kay Dr. Robert para sabihin na nasa mental hospital si Janice.“Ikaw siguro ang may pakana!” Sa sobrang taranta ni Dr. Robert nang marinig niya ito. “”Ikaw siguro ang may kasalanan! Kung hindi dahil sayo, bakit makikipagpalit sayo si Janice sa mental hospital at tumanggi siyang umalis? Binigyan kita ng diagnosis na baliw ka na, at pinilit mo ang asawa ko na makipag palit sayo bilang pasyente! Isa kang malamig at walang pusong p*ta!”Hindi mapigilan ni Luna na maaliw habang pinapakinggan si Dr. Robert. “Ako? Walang puso? Kung sa tingin mo ay wala akong puso, ano pala ang tawag mo sa taong sadyang pinatay ang anak at ex-husband ni Ms. Janice para lang makasama siya?”Sa sobrang nabigla si Dr. Robert ay hindi niya alam kung paano siya sasagot. Sa huli, makalipas ang matagal na sandali, dumiin ang kanyang mga ngipin, “M
Read more

Kabanata 1073

Dumilim ang ekspresyon sa mga mata ni Fiona nang marinig niya ito.Dahil binanggit na ito ni Joshua, ibig sabihin ay nakita niya na ang mga interview na ginawa ni Fiona, pero…Nagdownload na siya ng application na binigay sa kanya ni Jake sa mga phone nila Joshua at Lucas… kaya’t paano natuklasan ni Joshua ang tungkol sa mga interview?“Sinabi mo sa media na kahit na mga bata pa lang sina Nigel at Nellie, matalino na sila kumpara sa edad nila. Hindi ba’t pinapahiwatig mo na sila nga ang kumidnap kay Janice?”Tinikom ni Fiona ang mga labi niya. “Hindi ‘yun ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko lang sabihin ay matalinong mga bata sila…”“Ganun ba?” Ngumisi ng malamig si Joshua at binuksan niya ang pinto ng passenger seat. “Pumasok ka. May sasabihin ako sayo.”Pinag isipan ito ni Fiona bago siya sumakay ng kotse.Sa oras na nakita ng bodyguard na nagbabantay kay Fiona na pumasok si Fiona, sumunod siya. Ngunit, bago pa niya buksan ang pinto ng backseat, pinigilan siya ni Joshua at sin
Read more

Kabanata 1074

Pagkatapos, sinabi ni Fiona habang masikip ang lalamunan at nanginginig ang mga labi, “Joshua… Hi… hindi naman siguro kailangan ‘yun, hindi ba? Hindi ba’t binigyan na ako ni Dr. Robert ng diagnosis sa sakit ko? Siya ang pinaka nirerespeto na doctor sa mundo na hindi pa nagkakamali.”Tumingin si Joshua sa maputlang mukha ni Fiona mula sa rearview mirror at ngumisi siya malamig. “Hindi pa siya nagkakamali? Fiona, sa sandali na sinuhulan mo si Dr. Jenson para gumawa ng pekeng diagnosis para kay Luna, hindi na siya ang respetadong Dr. Jenson na kilala natin.“Matagal na akong nagtataka: Bakit walang gamot sa sakit mo? Ibig sabihin ba ay wala na tayong magagawa kundi maghintay na mamatay ka sa loob ng isang taon?”“Dahil dito, marami akong tinanong na doktor maliban kay Dr. Jenson, pero wala silang binigay na siguradong sagot sa tanong ko. Nagtataka pa ako kung paano ka nakakuha ng kakaibang sakit na ito, pero alam ko na ngayon.”Tumingin ng malamig at malupit si Joshua kay Fiona haban
Read more

Kabanata 1075

Dumilim ang ekspresyon ni Joshua nang marinig niya ito. Binaba niya ang phone niya at pagkatapos ay tumingin siya kay Luna. “May konklusyon na ang mga doktor tungkol sa sakit ni Fiona. Gusto mo bang sumama para marinig ang sasabihin nila?”Pinag isipan ito ni Luna, pagkatapos ay tumawa siya. “Syempre gusto ko.”Lumabas siya ng kotse at sinabi niya habang papunta sila sa hospital, “Paano ko naman haayaan ang pagkakataon na masaksihan na mawala ang pagtingin mo sa babaeng pinakamamahal mo, Mr. Lynch?”Tumigil si Joshua nang marinig niya ito. May mapait na ngiti sa kanyang mukha habang pinapanood na naglalakad palayo si Luna.Ang babaeng pinakamamahal niya…Hindi niya hahayaan na mawala ang pagtingin niya dito.Hindi kailanman.…Pumunta ang dalawa sa hospital at nakarating sila sa ika-18 na palapag, kung saan sumasailalim sa checkup si Fiona.Noong una, akala ni Luna ay makikita nila ang bigong itsura ni Fiona at isang grupo ng mga ekspertong doctor nang makarating sila.Ngunit
Read more

Kabanata 1076

“Dahil lang sinabi ni Dr. Robert na tama ito, ibig sabihin ay hindi na siya pwedeng magkamali?”Tumango ng nahihiya ang doctor. “Parang ganun na nga po… Si Dr. Robert ang isa sa pinaka respetadong pangalan sa larangan ng medisina… Para pagdudahan namin ang pagiging dalubhasa niya sa larangan ng medisina… Hindi… Hindi po namin kayang gawin ‘yun.”Pagkatapos magsalita ng doctor, ngumiti si Fiona kay Joshua at sinabi niya, “Joshua, ‘wag mo nang pahirapan ang buhay ng mga doctor. Kung sa tingin mo talaga ay pinepeke ko lang ang sakit ko, bakit hindi mo sabihin kay Dr. Robert na bigyan ulit ako ng isa pang checkup?”Pagkatapos, bumaba siya ng kama at lumapit siya kay Joshua ng nakangiti. Pagkatapos ay humawak siya sa braso ni Joshua at nagpatuloy siya, “Bakit mo kailangan ng sobrang daming doctor para suriin ako? Natakot ako na baka may nagawa akong mali…”Bahagyang kumunot ang noo ni Joshua at inalis niya ang braso ni Fiona, pagkatapos ay sinabi niya ng may malamig na ekspresyon, “Sa t
Read more

Kabanata 1077

“Naaksidente ang sasakyan na sinasakyan ni Dr. Robert.” Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya kay Luna nang binaba niya ang phone. “Papunta dapat siya dito para makita tayo.”Naaksidente si Dr. Robert?Naramdaman ni Luna na para bang nagblanko ang isip niya nang marinig niya ito. Paano nangyari ito?Ilang minuto lang ang nakalipas, sinabi ni Janice na papunta si Dr. Robert sa hospital para makita sila at umamin sa mga pagkakamali niya sa harap ni Joshua, kaya’t paano siya naaksidente bigla?Nagkataon lang ba ito, o may nagplano nito?Kung intensyonal ang aksidente, sinasadya ba ni Dr. Robert na maaksidente para maiwasan na magsabi ng katotohanan, o hindi kaya…Biglang naalala ni Luna ang kakaibang phone call na natanggap niya kanina.Ang taong tumawag sa kanya… ay si Dr. Robert mismo siguro!Kinagat ni Luna ang labi niya at nararamdaman niya na para bang may taong humahawak sa puso niya.Dahil tinawagan agad siya ni Dr. Robert pagkatapos ng aksidente, ibig sabihin ay pum
Read more

Kabanata 1078

Kumunot ang noo ng batang lalaki, pagkatapos ay ngumiti ito ng maliit. “Masyadong boring para sa akin ang probinsya, kaya’t bumalik ako ng maaga.”Pagkatapos, tumingin siya sa ward at tinanong niya, “Nasa loob ba si Aunty Fiona?”Tumigas ang katawan ng bodyguard. Ito ang unang pagkakataon na narinig niya na binanggit ni Nigel si Fiona. Kinamot niya ang ulo niya ng nalilito at sinagot niya, “Opo, nasa loob si Ms. Blake. Inutusan kami ni Sir na—”“Sabihin mo sa kanya na gusto kong makipaglaro siya sa akin,” Mabilis na sumingit ang batang lalaki. “Medyo naiinip ako ngayon.”Nanatiling tahimik ng ilang sandali ang bodyguard, pagkatapos ay sumagot siya, “Pero, sinabi ni Sir na—”“Anak ako ni Mr. Lynch.” Tumingin ng malamig ang batang lalaki sa bodyguard habang nagpatuloy siya sa kalmadong tono, “Ang lahat ng pagmamay ari ni Mr. Lynch ay mapupunta din sa akin. Kung hindi ka nakinig sa akin at ginalit mo ang magiging susunod na President Lynch, alam mo ba ang mga magiging kahihinatnan? K
Read more

Kabanata 1079

Kalahating oras na naghintay sina Luna at Joshua sa pinangyarihan ng aksidente bago nailabas ng mga bumbero si Dr. Robert mula sa kotse.Sa oras na pinasok na siya sa ambulansya, mahina na siya at halos wala nang senyales ng buhay sa kanya.Gayunpaman, sa sandali na nakita niya si Luna, lumiwanag ang mga mata niya, lumingon siya at sumenyas siya kay Luna na lumapit sa kanya. Dahil sa pagsusuka, medyo hirap ang mga hakbang ni Luna habang papunta siya kay Dr. Robert. Nilapit niya ang ulo niya para makinig sa sasabihin ni Dr. Robert.“Bi… binigo ko si Janice. Tulungan mo ako na ipasa sa kanya ang mensahe at sabihin mo sa kanya na magpatuloy siya sa pamumuhay… Pati, may kopya ako ng tunay na diagnosis ni Fiona… Tinago ko ito sa hospital sa ibang bansa, kung saan ko pinatay sina Violet at Shaun Lewis… Pwede mo itong kunin sa isang tao, at lalabas ang katotohanan…”Nang matapos siya sa pagsasalita, tumaas ang mga mata ni Dr. Robert, at bumagsak ang kamay niya sa railing.May ilang mga
Read more

Kabanata 1080

Maginhawa sa pakiramdam ang panandaliang init na ito.Pagkatapos ang mahabang oras, malungkot na huminga ng malalim si Luna, nakayakap pa rin kay Joshua, “Gusto ko silang ilibing.”Tumango si Joshua. “Sige. Ililibing natin sila pag gumanda na ang panahon. Para sa libingan…”Sumingkit ang mga mata niya bago siya nagpatuloy, Gagamitin natin ang libingan na binili ko para kay Fiona.”Noong una, binili niya ang libingan para kay Fiona dahil akala niya talaga ay mamamatay si Fiona sa loob ng isang taon. Ngunit, base sa mga nangyayari, naisip niya na hindi na magagamit ang libingan, sa isang taon man o dalawa.Sa sandali na marinig ni Luna na binanggit si Fiona, bumalik siya sa sarili. Bumitaw siya sa yakap ni Joshua at lumingon tumingala siya para punasan ang mga luha niya. “Nasa ward pa rin ba si Fiona?”May kutob siya na hindi isang simpleng aksidente ang pagkamatay ni Dr. Robert at pinatay ito para mapigilan si Dr. Robert sa pagsabi ng katotohanan.Kahit hindi si Fiona ang nasa li
Read more
PREV
1
...
106107108109110
...
308
DMCA.com Protection Status