“Naaksidente ang sasakyan na sinasakyan ni Dr. Robert.” Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya kay Luna nang binaba niya ang phone. “Papunta dapat siya dito para makita tayo.”Naaksidente si Dr. Robert?Naramdaman ni Luna na para bang nagblanko ang isip niya nang marinig niya ito. Paano nangyari ito?Ilang minuto lang ang nakalipas, sinabi ni Janice na papunta si Dr. Robert sa hospital para makita sila at umamin sa mga pagkakamali niya sa harap ni Joshua, kaya’t paano siya naaksidente bigla?Nagkataon lang ba ito, o may nagplano nito?Kung intensyonal ang aksidente, sinasadya ba ni Dr. Robert na maaksidente para maiwasan na magsabi ng katotohanan, o hindi kaya…Biglang naalala ni Luna ang kakaibang phone call na natanggap niya kanina.Ang taong tumawag sa kanya… ay si Dr. Robert mismo siguro!Kinagat ni Luna ang labi niya at nararamdaman niya na para bang may taong humahawak sa puso niya.Dahil tinawagan agad siya ni Dr. Robert pagkatapos ng aksidente, ibig sabihin ay pum
Kumunot ang noo ng batang lalaki, pagkatapos ay ngumiti ito ng maliit. “Masyadong boring para sa akin ang probinsya, kaya’t bumalik ako ng maaga.”Pagkatapos, tumingin siya sa ward at tinanong niya, “Nasa loob ba si Aunty Fiona?”Tumigas ang katawan ng bodyguard. Ito ang unang pagkakataon na narinig niya na binanggit ni Nigel si Fiona. Kinamot niya ang ulo niya ng nalilito at sinagot niya, “Opo, nasa loob si Ms. Blake. Inutusan kami ni Sir na—”“Sabihin mo sa kanya na gusto kong makipaglaro siya sa akin,” Mabilis na sumingit ang batang lalaki. “Medyo naiinip ako ngayon.”Nanatiling tahimik ng ilang sandali ang bodyguard, pagkatapos ay sumagot siya, “Pero, sinabi ni Sir na—”“Anak ako ni Mr. Lynch.” Tumingin ng malamig ang batang lalaki sa bodyguard habang nagpatuloy siya sa kalmadong tono, “Ang lahat ng pagmamay ari ni Mr. Lynch ay mapupunta din sa akin. Kung hindi ka nakinig sa akin at ginalit mo ang magiging susunod na President Lynch, alam mo ba ang mga magiging kahihinatnan? K
Kalahating oras na naghintay sina Luna at Joshua sa pinangyarihan ng aksidente bago nailabas ng mga bumbero si Dr. Robert mula sa kotse.Sa oras na pinasok na siya sa ambulansya, mahina na siya at halos wala nang senyales ng buhay sa kanya.Gayunpaman, sa sandali na nakita niya si Luna, lumiwanag ang mga mata niya, lumingon siya at sumenyas siya kay Luna na lumapit sa kanya. Dahil sa pagsusuka, medyo hirap ang mga hakbang ni Luna habang papunta siya kay Dr. Robert. Nilapit niya ang ulo niya para makinig sa sasabihin ni Dr. Robert.“Bi… binigo ko si Janice. Tulungan mo ako na ipasa sa kanya ang mensahe at sabihin mo sa kanya na magpatuloy siya sa pamumuhay… Pati, may kopya ako ng tunay na diagnosis ni Fiona… Tinago ko ito sa hospital sa ibang bansa, kung saan ko pinatay sina Violet at Shaun Lewis… Pwede mo itong kunin sa isang tao, at lalabas ang katotohanan…”Nang matapos siya sa pagsasalita, tumaas ang mga mata ni Dr. Robert, at bumagsak ang kamay niya sa railing.May ilang mga
Maginhawa sa pakiramdam ang panandaliang init na ito.Pagkatapos ang mahabang oras, malungkot na huminga ng malalim si Luna, nakayakap pa rin kay Joshua, “Gusto ko silang ilibing.”Tumango si Joshua. “Sige. Ililibing natin sila pag gumanda na ang panahon. Para sa libingan…”Sumingkit ang mga mata niya bago siya nagpatuloy, Gagamitin natin ang libingan na binili ko para kay Fiona.”Noong una, binili niya ang libingan para kay Fiona dahil akala niya talaga ay mamamatay si Fiona sa loob ng isang taon. Ngunit, base sa mga nangyayari, naisip niya na hindi na magagamit ang libingan, sa isang taon man o dalawa.Sa sandali na marinig ni Luna na binanggit si Fiona, bumalik siya sa sarili. Bumitaw siya sa yakap ni Joshua at lumingon tumingala siya para punasan ang mga luha niya. “Nasa ward pa rin ba si Fiona?”May kutob siya na hindi isang simpleng aksidente ang pagkamatay ni Dr. Robert at pinatay ito para mapigilan si Dr. Robert sa pagsabi ng katotohanan.Kahit hindi si Fiona ang nasa li
Mahigpit ang hawak ni Luna sa phone at sinagot niya ng malamig, “May utang ako sayo? Nagbibiro ka ba, FIona?”Tumigil ng ilang sandali si Fiona nang marinig niya ito, pagkatapos ay tumawa siya. “B*bo ka talaga. Wala ka pa ring alam? Pero, ayos lang naman na wala kang alam. Wala ka rin namang karapatan para malaman!”“Ang gusto ko lang sabihin mo na kapag namatay ako, idadamay ko si Nigel!”Pagkatapos, binaba niya ang phone.Mahigpit ang hawak ni Luna sa phone at naramdaman niya na parang lumubog ang puso niya. Lumingon siya at tumingin siya ng balisa kay Joshua. “Sinabi ni Fiona na hahanapin niya si Nigel… Nasaan si Nigel?”Kahapon, pinaghihinalaan niya na dinala ni Joshua sina Nigel at Nellie sa youth education center na binanggit ni Joshua, ngunit tinanggi ito ni Joshua, kaya’t nasaan ang mga bata?Nakita ni Joshua ang nag aalalang tingin sa mga mata ni Luna at lumingon siya para lumayo ng tingin kay Luna. “Nasa villa sa kanayunan sina Nigel, Nellie, at Granny Lynch. Kanina lan
Pagkatapos, tumalikod siya at umalis.Tumingin si Joshua kay Luna, na sinusubukan na pigilan ang kanyang mga luha, at lumapit siya dito, umakbay siya kay Luna. “‘Wag kang mag alala. Kahit na mamatay tayo, mamamatay tayo habang nililigtas sina Nigel at Nellie.”Kung hindi dahil sa kanila, hindi mapupunta sina Nigel at Nellie sa sitwasyong ito. Bilang magulang, kahit na wala silang magagawa para sa mga bata, kailangan pa rin nilang gawin ang lahat ng makakaya nila.Hinanda na ni Lucas ang mga kotse. Naghanda siya ng mga high-spec SUV para sa biyahe kung sakaling magkaproblema sila habang bumabyahe sa bagyo. Bukod pa dito, may supply ang mga SUV ng mga kailangang gamit kung sakaling may emergency.Agad na hinila ni Joshua si Luna papunta ng kotse, kahit na suot niya pa rin ang damit niyang puno ng dugo mula sa aksidente ni Dr. Robert.Siya ay isang tao na ayaw dati na humarap ng marumi at magulo na tulad nito, ngunit ngayon, hindi man lang dumaan sa isip niya ang magpalit ng damit. M
Tumahimik si Joshua nang marinig niya ang mga sinabi ni Luna.Sa katotohanan, sa simula pa lang, ang tanging koneksyon nila Joshua at ni Fiona ay ang bone marrow na nilagay sa katawan ni Nigel, ngunit sa tingin niya ay hindi niya dapat sabihin ang katotohanan kay Luna.Ayaw niya na isipin ni Luna na tinulungan niya si Nigel, para hindi umalis ng Banyan City si Luna na walang utang sa kanya at hindi puno ng pagsisi.Mas mabuti nang umalis si Luna ng may masamang loob kay Joshua dahil ang pagkamuhi na ito ay ang maglalayo sa kanila, at makakapagsimula na ng bagong buhay si Luna kasama ang mga bata.“Wala kang sagot para dito?” Nanunuya si Luna, pagkatapos ay lumingon siya para tumingin sa bintana.Alam niya na na ito ang kalalabasan.Hindi isang tao si Joshua na marunong harapin ang kanyang pagkakamali, maging anim na taon na ang makalipas o sa mga sandaling ito.Patuloy ang pagbuhos ng ulan sa labas ng bintana, sa sobrang lakas nito ay malabo ang makikita sa labas, at mas naging
Walang dahilan si Luna para tumanggi sa alok ni Joshua. Huminga siya ng malalim at sumakay siya sa likod ni Joshua.Nasaksihan ni Lucas ang paraan ng pagkilos ni Joshua ay naging malambing habang dumiretso ang likod nito habang nasa likod si Luna.Hindi pa kumilos si Joshua ng ganito kalambing sa ibang tao, maging kay Alice o kay Fiona.Habang karga si Luna sa likod, umakyat si Joshua. Maingat niyang karga si Luna sa ilang kilometrong paglalakad at hindi siya gumawa ng maling hakbang.Kahit na pagod na sina Lucas, Zach, at Yuri, patuloy pa rin si Joshua sa paglalakad ng matatag.Napansin ni Luna na bumagal na ang iba at hindi niya napigilang magtanong, “Joshua, bakit hindi mo muna ako ibaba? Kaya kong maglakad ng kaunti.”Mas mababaw na ang tubig habang malapit na sila sa pupuntahan nila, kaya’t kahit na naglakad si Luna, hindi papasok sa sugat niya ang maduming tubig.Dahil pagod na sina Lucas at ang iba, malamang ay pagod na rin si Joshua.“Kaya ko pang magpatuloy.” Ngumisi s