- 21 - Matagumpay naming nai-panik sa aking silid si Nico. Tumawag ako ng hangin at diretso kaming nagdaan sa aking bintana nang walang sinu-man na nakakakita sa amin. Pagpasok namin, agad ko rin isinara ang mga bintana, pati na ang pinto, at naglatag ng dasal upang walang anumang tunog na makalalabas sa aking silid. “Ngayon, maaari na tayong mag-usap nang walang makakarinig sa atin,” paniniyak ko sa kaniya. “Sigurado ka ba talaga?” tanong ni Nico na tumitingin-tingin sa silid kong halos walang laman. “Wala ka bang tiwala sa amin?” “Hindi naman sa gano’n... pero...” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang sasabihin ko sa inyo ay napaka importante, at maraming buhay ang maaring makitil kung may makakaalam nito...” bulong niya. “Huwag kang mag-alala, sinisiguro kong walang sinu-man ang makakarinig sa pag-uusapan natin ngayon.” Mukhang kinakabahan pa rin siya. “Tungkol saan ba ang iyong bal
ปรับปรุงล่าสุด : 2021-11-27 อ่านเพิ่มเติม