Home / LGBTQ + / Ginto't Pilak / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Ginto't Pilak: Chapter 11 - Chapter 20

51 Chapters

Ika-labing-isang Bahagi

- 11 -     “Matapos ng naunang selebrasyon, ito nanaman?” naiinis na sabi ni Marius nang makarating kami sa palasyo ng Emperador. “Hayaan mo na ang kapritsohan ng aking ama, alam mo naman na mahilig siya sa mga kasiyahan.” sagot ko matapos magbuntong hininga. “Mamayang gabi pa naman ang salu-salo, sa ngayon ay makakapag pahinga pa tayo.” “Pahinga? Habang bihag ng mga taga-Ignus ang aking kapatid?” “Alam ko, Marius, makaya mo kayang alamin ang kanilang pinagtataguan?” tanong ko sa kaniya. “Kailangan ko munang magpahinga nang saglit...” sagot niya. “Bagamat binigyan mo ako ng mahika, lubhang nakapagpapagod sa akin ang ginawa nating pagtalon dito sa kapitolyo. Ikaw rin, Theo, ramdam ko na napagod ka rin, mas kailangan mong kumain at magpahinga kesa sa akin!” “Wala ito,” pilit ko. “Mas mahalaga ang malaman agad natin ang lagay ng mga hangganan ng aming bansang Apolinus, at kung pinasok nga ba
last updateLast Updated : 2021-11-04
Read more

Ika-labing-dalawang Bahagi

- 12 -     Naglabas ako ng plasma, isang mala-likidong bagay ito na nagliliyab na tila naipong kidlat. Pinalutang ko ito sa ere upang ilawan ang aming harapan. Nasa loob na kami ng lagusan, at sumara ng kusa ang pintuan nito sa pag pasok namin. Agad ko’ng napansin ang mga bakas ng sapatos sa maalikabok na daanan. Sinundan namin iyon, ngunit alam ko na ang kung sinuman na nagbalak ng masama sa amin ay matagal nang nakatakas. Umikot ito pababa at sa may dulo ay may liku-liko. Sa wakas, umabot kami sa isang pader at nakakita ng isang maliit na pintuan. Nakarinig kami ng tunog ng mga kaldero at pinggan. Pagbukas ko nito, nakita ko ang mga kusinero ng palasyo na gulat na napatingin sa amin. “P-Prinsipe Theodorin?!” sambit ng isang matabang lalaki na may dalang kutsilyo. “May nakita ba kayong taong lumabas mula rito?” tanong ko sa mga nakapaligid sa amin na isa-isang yumuko upang magbigay galang.
last updateLast Updated : 2021-11-06
Read more

Ika-labing-tatlong Bahagi

- 13 -     Nagkakagulo sa palasyo nang kami ay nagbalik. Bitbit ko pa ang natutulog na si Marius sa aking mga bisig na nakatalukbong sa aking balabal. “Prinsipe Theodorin!” tawag ng isang sundalo na nakakita sa amin. “Saan po kayo nanggaling? Kanina pa po kayo pinahahanap ng inyong amang Emperador!” “Namasyal lang kami ni prinsepe Marius.” sagot ko sa kaniya. “Nasaan ang aking ama ngayon?” “Nasa silid aklatan po, kausap ang kaniyang mga heneral at mga tagapag-payo,” muling sagot ng sundalo. Tuluyan akong naglakad papunta sa silid aklatan. Dito madalas magpatawag ng pagpupulong ang aking ama, lalo na tungkol sa mga mahahalagang bagay ukol sa imperyo. Napayuko ang mga sundalong nadaanan namin, mga mukhang alalang-alala at gulat sa aming biglang paglitaw. “Narito na ang prinsipe Theodorin!” pahayag ng bantay sa may pinto ng silid aklatan bago niya kami papasukin. Nakatayo ang mga tao
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more

Ika-labing-apat na Bahagi

Ika-labing-apat na Bahagi   Hindi pa rin nagigising si Marius. Kinuha ko ang bote ng gamot na hinalo ni maestro Flores at binuksan ito. Agad napuno ang silid ng napaka baho nitong amoy! Pinikit ko ang aking mata, isinubo ang bote, at ininom ito. Ang pait! Ang anghang at parang sinisilaban ang aking bibig! Hindi ko iyon nilunok. Nilapitan ko si Marius sa kama, ibinuka ang kaniyang bibig at hinalikan siya, upang kaniyang mainom ang gamot. Sinara ko ang bibig ni Marius at pinagmasdan ang kakaibang liwanag na dumaan sa kaniyang lalamunan. Nanatili ang liwanag sa kaniyang leeg, bago ito kumalat sa kaniyang katawan at tuluyang naglaho. Biglang dumilat ang mga mata ni Marius! Bumuka ang kaniyang bibig, na para bang may nakain siyang masama na pilit niyang isinusuka. “Huwag!” tawag ko sa tabi niya, “Pinainom kita ng gamot, kailangan mo iyan para agad kang gumaling!” Napatingin siya sa akin,
last updateLast Updated : 2021-11-11
Read more

Ika-labing-limang Bahagi

- 15 -     Inaantok pa si Marius nang pumasok kami sa silid ng aking ama. Pinatawag niya kami upang kausapin. “Ano po ang inyong nais sabihin aking ama?” tanong ko sa kaniya. “Bago ang lahat, kamusta na ang prinsipe Marius ng Hermosa?” nakatitig siya sa nakamaskarang mukha ng aking kabigkis. “Maayos na ba ang iyong kalagayan?” Tumango naman si Marius. Bumalik siya sa maayos nang siya’y gumising, bagamat gutom at nagtataka kung bakit nanlalambot ang katawan niyang nananakit pa rin hanggang ngayon. “Maayos na po ang kalagayan niya, ama, ngunit hindi pa rin bumabalik ang kaniyang tinig,” sabi ko sa Emperador. “Mabuti, mabuti...” lumapit ang aking ama kay Marius at kinuha ang kamay nito. “Labis akong nabahala sa mga nangyari, lalo na at napahamak kang muli... dito pa mismo sa aking palasyo.” Hinimas nito ang kamay ni Marius at napansin ko ang pagkabalisa niya dahil dito. “May sasabihin
last updateLast Updated : 2021-11-13
Read more

Ika-labing-anim na Bahagi

- 16 -     Nagliwanag ang gabi sa mga paputok na pinasindihan ng Emperador. Galing ito sa kaharian ng Ignus, ilan sa mga kalakal nilang hinahangaan ng buong imperyo. Pinailawan naman niya sa mga magus ng Heilig ang buong palasyo gamit ang mga plasma. Pinalutang nila ito sa mataas na simboryo ng silid kung saan kami nagdiriwang. Magkakasunod kaming pumasok habang patuloy na gumuguhit ang makukulay na bulaklak sa langit. Nakabukas ang parteng iyon, kung saan naroon sa nakaangat na dais ang mahabang lamesa na aming kinauupuan. Pumwesto na nga ang Emperador sa gitna nito, sa isang malaking upuan na yari sa inukit na ginto. Sa harap niya ako umupo, katabi ko sa kanan si Marius at ang bunso naming prinsesa, si princesa Camilla. Tahimik siya, hindi nagsasalita at nakatungo lang buong okasyon. Sa aking kaliwa naman ay ang aking mga nakatatandang mga kapatid. Ang panganay naming si Heneral Manuel na siyang namumuno sa
last updateLast Updated : 2021-11-16
Read more

Ika-labing-pitong Bahagi

- 17 -     Nagpatuloy ang mga kaganapan. Ilang aktor at mang-aawit pa ang nagtanghal sa aming harapan. Mayroon ding mga dalubhasang mga magus na pinakitaan kami ng kakaiba nilang kapangyarihan. Nang sa wakas, ay natapos din ang palabas at tinawag na kami ng Emperador. “Prinsipe Marius... aking anak, humarap na kayo sa ating mga mamamayan...” tawag niya sa amin. “Ang Gintong Anak ng Heilig, at ang Dilang Pilak mula sa linya ng mga enkantadong Ravante!” pagmamalaki niya. “Sa isang iglap lang ay dinala nila ang aking hugbo mula sa kabilang dako ng mundo pabalik dito sa kapitolyo!” Naghiyawan at nagpalak-pakan ang mga panauhin namin. Mukhang lalo namang ginanahan ang aking ama. “Ngayon ay may inihanda rin silang palabas para sa ating lahat!” sabi niya bago humarap sa amin. “Ipakita ninyo sa ating mga mamamayan ang kapangyarihan ng Ginto at Pilak!” Tumayo na nga kami ni Marius sa aming pagkaka-upo. Hin
last updateLast Updated : 2021-11-18
Read more

Ika-labing-walong Bahagi

- 18 -     Niyakap ko si Marius pagkasara ko ng aking pinto. Ihinatid kami ni heneral Gregorio na matapat na nagbabantay sa amin, kasama ang kaniyang mga sundalo, upang siguraduhin na walang sinu-mang haharang sa amin sa pagpanik sa silid. Sa tingin ko naman ay wala nang mangangahas pang lumapit sa amin, matapos nila mapanood ang aming munting palabas. Marahan akong tinapik ni Marius sa likod. Huminga ako ng malalim. Kahit ako ay nabigla sa aking ginawa. “May buhay ang nilalang na iyon...” aking ibinulong, “at dama ko ang sakit at takot na kaniyang naramdaman nang bawiin ko ang buhay na iyon.” Napahigpit ang kapit sa akin ni Marius. Hinawakan niya ang aking mukha, hinarap ako, at umiling. Nangungusap ang kaniyang mga mata na malungkot ang tingin sa akin. “Alam kong palabas lang iyon... na iyon ay nilikha ko lang mula sa aking imahinasyon... ngunit...” Huminga ng malalim si Marius.
last updateLast Updated : 2021-11-20
Read more

Ika-labing-siyam na Bahagi

- 19 -     Patago kaming lumabas ng palasyo ng Emperador. Marami akong alam na mga lagusan, mula pa sa pagkabata, noong madalas kaming tumakas ng aking mga nakatatandang mga kapatid upang maglaro sa hardin. Nagsuot si Marius ng tunikang itim na may mataas na kuwelyo upang itago ang mga h***k ko sa kaniyang leeg, ako naman ay itim din ang suot, isang simpleng tunika. Parehas kaming nagsuot ng balabal at nagpataw ng mahika sa aming sarili upang makahalubilo kami sa mga tao sa kapitolyo nang hindi nakikilala. “Nakikita mo ba ang lugar na iyon?” turo ko kay Marius na nakatakip ang balabal sa ulo upang maitago ang kaniyang maskara. “Napaka sarap ng tinda nilang kakanin sa lugar na iyon.” Isang simpleng maskarang kahoy lang ang suot niya, upang hindi makaagaw-pansin. Inakay ko siya papunta roon para bumili ng ilang pagkain. “Taga saan po kayo?” tanong sa akin ng binatang nagtitinda roon. “Kadadating lang ba
last updateLast Updated : 2021-11-23
Read more

Ika-dalawampung Bahagi

- 20 -     Bigla akong natigilan, pati na rin si Marius na aabutin na rin sana ang kaniyang kamay. “`Wag kayong mag-alala, hindi ako sundalo, wala akong balak sakupin ang lugar na `to!” tumatawa niyang sinabi, “At tingin ko naman, hindi kayo tulad ng iba d’yan na makikitid ang utak at galit sa lahat ng mga taga-Ignus?” “H-hindi naman.” sagot ko, napangiti. Tinuloy na rin ni Marius ang pagkamay kay Nico, matapos tumingin sa akin. “Balita ko nga ay mainit ang tingin ng mga taga-Apolinus sa mga taga-Ignus?” tanong ko sa kaniya. “Sa Hermosa naman ay hindi ganoon kagalit ang mga tao sa kanila.” “Haay... dahil yan sa mga tsismis na naglipana sa paligid,” sagot niya. “Tsismis?” tanong kong muli. Mukha ngang mas marami kaming makukuhang balita sa lugar na ito. “May kumakalat kasi na balita na sinusugod daw ng mga kawal ng Ignus ang mga bayan malapit sa hangganan. Para namang may kakayahan ang Ignus na
last updateLast Updated : 2021-11-25
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status