Home / LGBTQ + / Ginto't Pilak / Ika-dalawampu't-pitong Bahagi

Share

Ika-dalawampu't-pitong Bahagi

Author: psynoid_al
last update Huling Na-update: 2021-12-11 17:04:14

- 27 -

Magkakasama kami nina Marius, Nico, at prinsipe Lucius na umakyat sa aking dating silid. Pagpasok dito ay agad kong isinara at nilagyan ng dasal ang pintuan. Bumagsak ako sa kama. Sobrang pagod ng aking katawan bagamat ako’y nagsalita lamang, pati na rin ang aking isipan, at maging ang aking kaluluwa.

Hinawakan ako ng aking kabigkis sa kamay.

“Kamusta naman, kaibigan?” tanong sa akin ni Nico, “Maayos ka pa ba r’yan?”

“Humihinga pa...” sagot ko. “Umasa akong may lalaban sa akin... na may magsasabing isa akong halimaw na nagawang patayin ang sarili kong ama... pero... maging ang sarili kong mga kapatid ay pinuri ako bilang Emperador. Na tila ba hindi sila nauugnay sa dugo sa hayop na aking pinaslang...”

“Malaki ang takot nila sa iyo, prinsipe Theodorin.” sagot ni prinsipe Lucius. “At ang takot ay mainam na pampatahimik sa mga bibig at maging sa d****b na nagsusumigaw sa galit.”

Na

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Ginto't Pilak   Ika-dalawampu't-walong Bahagi

    - 28 - “Ah... napaka sarap ng hangin dito sa himpapawid!” sabi ni Nico na sumandig sa aking tabi. Kasalukuyan kaming nakasakay sa barko ng Emperador. Dahil hindi pa maayos ang boses ni Marius ay hindi pa niya magawang utusan ang barko na tumalon at lumitaw na lang sa kaharian ng Ignus. Isa pa, baka mabigla pa ang mga taga-roon, kung basta na lang susulpot ang aming barko sa kanilang himpapawid! Nagpadala na kami ng mensahe kay Haring Titus Vulcan Serafin Ignasius ng bansang Ignus na parating na kami sa kanilang kaharian. Hindi nga namin akalain na may kakayahan pala si Nico na gumawa ng isang Salamin ng mga Pantas! Pinahawak niya ako sa kaniyang balikat, at dala ang isang palanggana na puno ng itim na buhangin mula sa disyerto ng Ignus, ay nagmanipula siya ng bughaw na apoy upang gawin itong salamit, habang sabay na binalutan ito ng sari-saring mga dasal at orasyon. “Ang punong imbentor ng Ign

    Huling Na-update : 2021-12-14
  • Ginto't Pilak   Ika-dalawampu't-siyam na Bahagi

    - 29 - Puno ng ungol ang paligid. May umiiyak... “Bilisan ninyo!” ani ng isang tinig “Ayaw tumigil ng kaniyang pagdurugo!” “Parating na ang tulong!” “Theodorin!” Dumilat ako sa pamilyar na boses, bagamat magaralgal ito. Nasa harapan ko si Marius. Wala siyang maskara. Nakalugay ang kaniyang mahabang buhok, nakadikit sa madungis niyang mukha na basa ng luha. “Mahal... ko...” tila ako’y nanlalambot. Ni hindi ko magawang itaas ang aking braso... “Parating na ang mga maestro...” sabi ng isa pang pamilyar na tinig. Napalingon ako bagamat napaka sakit ng aking ulo. Nakita ko ang ama ni Marius na si Haring Domingo. “Nasaan...” bulong ko. “Nasa Hermosa kayo ngayon,” sagot sa akin ni Haring Domingo. “Bigla na lang kayong lumitaw na duguan...” Napatingin ako sa aking tabi... sa taong hanggang ngayon ay tum

    Huling Na-update : 2021-12-16
  • Ginto't Pilak   Ika-tatlongpung Bahagi

    - 30 -Maya-maya pa ay nagpulong na kami sa silid ni haring Domingo.“Lumagak na ang dugo.” ani ko. “Ang susunod ay ang pagtupok ng apoy na magdudulot ng abo.”“Tutupukin natin silang lahat.” singasing ni Nico sa aking tabi na puno ng poot. Suot niya sa kaniyang leeg ang pulang diyamante na tila nagniningas din sa galit. Bahagyang uminit ang silid.“Huminahon ka, Nicolai Alcione.” tawag sa kaniya ng hari ng Hermosa. “Walang maayos na plano ang mabubuo kung puro galit ang paiiralin natin.”“Patayin silang lahat! Iyan ang pinakamainam na plano!” sagot niyang nanginginig sa galit. “Hinding-hindi ko sila patatawarin sa kanilang ginawa!”“Nicolai. Huminahon ka.” utos ng boses ni Marius, at bagamat magaralgal pa ito at mahina lang, ay napatitig sa kaniya si Nico na napahinga nang malalim.“Nico.” t

    Huling Na-update : 2021-12-18
  • Ginto't Pilak   Ika-tatlongpu't-isang Bahagi

    - 31 -Maya-maya pa ay sinama kami ng hari sa isang liblib na kuweba sa ilalim ng palasyo. Pinagsuot niya kaming tatlo ng magkakaparehas na mga balabal at pinasunod kami sa liku-likong mga lagusan na tanging ang hari lang ng Hermosa ang nakakaalam.“Sa aming bansang Hermosa, balanse ang mga kaalaman at galing ng mga mamamayan sa sining at siensiya.” may hinawakan siyang pader na bumukas na tila pintuan. “Nasa aming bansa ang pinakamalaking unibersidad sa buong imperyo, ang pinaka malaking silid-aklatan na naglalaman ng lahat ng nasulat na libro, at ang pinakamodernong mga gamit.” humarap siya sa amin at ngumiti. “Hindi nga lang namin ipinapaalam ang aming mga imbensyon sa kapitolyo. Ang dahilan ay, mula nang mamatay ang mahal na emperatris, ay naging pabaya na ang emperador sa kaniyang mga mamamayan. Ang kaniya namang mga heneral ay naging ganid sa kapangyarihan, pati na rin sa mga likas na yaman ng imp

    Huling Na-update : 2021-12-21
  • Ginto't Pilak   Ika-tatlongpu't-dalawang Bahagi

    - 32 -“Ginoong Alcion!” sigaw ng mga taong nakakita sa amin. “Ginoong Alcion! Buhay po kayo!”Nagtakbuhan papalapit kay Nico ang kaniyang mga tauhan na mahigpit siyang niyakap habang nag-iiyakan. Labing dalawa silang katao, mga babae at lalaki na nasa edad labing apat pataas, sa aking tantsa.“Kamusta? Maayos ba ang lahat? Nasaan na ang iba?” sunud-sunod na tanong ni Nico. “At ilang beses kong sasabihin na Nico lang ang itawag n’yo sa ‘kin?!”“Ginoong... Nico...” hikbi ng isa, “Nasa may pintuan po ang iba, sinisiguradong hindi makakapasok ang mga sundalo sa inyong talyer...”“Hindi po namin malaman ang gagawin namin nang dumating ang mga kawal ng hari... pinipilit nila kaming ilabas ang mga imbensyon ninyo...” sabi ng isa pa.“Ang sabi po nila, namatay ka raw nang sumugod ang mga salbahing Ravant na puma

    Huling Na-update : 2021-12-23
  • Ginto't Pilak   Ika-tatlongpu't-tatlong Bahagi

    - 33 -Matapos naming ‘gisingin’ ang mga Patubig, sinunod namin ang iba pa. May mga sasakyan din siya na may mga matatalas at matatalim na patalim sa paligid. May tatlong piraso naman ito.“’Bungkal’ ang pangalan nito.” sabi niya sa akin habang hinahawakan niya ang talim ng isa na sing haba ng kaniyang binti. “Binubungkal niya ang lupa para mabilis makapagtanim ang mga magsasaka. Pero pinataas nila at pinahabaan ang mga talim para umabot ito sa tao.”May lima pa kaming nilapitan. Ang dalawang ‘Halukay’ na kayang magbutas ng bundok na yari sa bato. Ang huli naman ay ang tatlong ‘Lipad-Ulap’ na gumagamit ng mainit na hangin para lumipad sa himpapawid kung saan pwedeng maghulog ng tubig ang sasakyan na may tangke na nakakabit sa ilalim.“Handa na ang lahat.” sabi ni Nico matapos hawakan ang huling Lipad-Ulap. &ld

    Huling Na-update : 2021-12-25
  • Ginto't Pilak   Ika-tatlongpu't-apat na Bahagi

    - 34 -Napasigaw sa galit ang bagong hari ng Ignus, samantalang bumulusok muli pababa ang dragon kasama siya.“Sundan mo sila!” sabi ko kay Nico.“Madaling sabihin, ngunit mabagal ang takbo ng Lipad-Ulap, at ikaw ang may kapangyarihang hangin!”Napaisip ako sa kaniyang sinabi!Pinutol ko ang lobo sa aming Lipad-Ulap at tinawag ang hangin upang dalhin ang sinasakyan naming basket sa pinuntahan ni haring Piralis! Malapit na kami sa palasyo noon, at nakita naming dumaaan ang dragon sa isang malaking arko na papasok dito.“Hindi ko alam na may dragon pa palang nabubuhay sa ating mundo!” sabi ko kay Nico habang patuloy namin silang tinutugis.“Isa ito sa mga sikreto ng mga Ignasius.” sagot ni Nico. “Matagal na ngang nawala ang mga hayop na may mahika sa mundo. Hinuhuli kasi sila at pinapatay ng mga magus na gustong maging mas malakas. Pero ang pamily

    Huling Na-update : 2021-12-28
  • Ginto't Pilak   Ika-tatlongpu't-limang Bahagi

    - 35 -“Lumayo kayo sa akin! Mga hangal! Parating na ang inyong katapusan!” Tinira niya ng kidlat ang isa sa mga tauhan ni Nico na yumuko lang, at muling tumindig. Nanlaki ang mga mata niya, hindi makapaniwalang walang talab ang kaniyang kapangyarihan sa mga tauhan ni Nico na puros nakasuot ng makakapal ng balat. “Ricardo! Ang walang hiyang baboy!” sigaw ni Nico na sumugod sa kaniya! “Nico, sandali!” sigaw ko sa kaibigan. Alam kong wala siyang suot na goma pang-kontra sa kidlat ng aking kapatid! “Anong ginagawa mo rito!” nanlalaki ang mga mata ng kapatid kong napatitig sa akin, tapos ay sa katabi kong si Marius. “B-buhay ka...” nanginginig ang boses niya. “At pananagutin namin kayo sa kataksilan na ginawa nyo sa amin!” sigaw ko pabalik! “Haaaa!!!” sumigaw ni Ricardo at nagpaulan ng matatalim na kidlat sa amin. Tutulungan ko pa sana si Nico, pero nakita ko siyang sinasalag ang bawat kidlat ng malalaking kalasag sa magkabila niyang braso na gawa sa diamante! Itinuro niya ang lupa

    Huling Na-update : 2021-12-30

Pinakabagong kabanata

  • Ginto't Pilak   One Way Talk :D

    Hello Dear Readers! ʕ•́(ᴥ)•̀ʔっ Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay sa kuwentong ito! Actually, ito po ay isang side story para sa mas mahabang kuwento (in English) na 'Phasma' whose story actually takes place in the new world, 10,000 years in the future. Ang Phasma po ay isang young adult fantasy adventure novel na on-going dito sa GoodNovel(hindi po ito BL or boys love ʕˆ(ᴥ)ˆʔ ) general patronage po ito, with a bit of dark fantasy here and there. Sana po ay nagustuhan ninyo ang storya na ito, at maisipang basahin din ang Phasma na sigurado po ako, ay magugustuhan din ninyo! Pwede rin po kayong magpakape kung nais pa ninyo ako'ng pasalamatan at suportahan!Hanapin n'yo lang po ako sa ko-fi dot com! look for psynoidal ʕ-(ᴥ)-ʔ may mga specials po at extras doon na naghihintay para lamang sa inyo! Muli po, salamat at mag-ingat po ang lahat! - ako

  • Ginto't Pilak   Ika-limampung Bahagi – Ang Pangwakas

    - 50 -Magkayakap kaming nagpakahulog sa aming kama.Nakabalik na kami sa silid kung saan kami nagising, kung saan kami natulog sa loob ng limang taon!Tumatawang humalik sa aking bumbunan ang pinakamamahal ko’ng kabigkis habang kinukuskos ko sa mabango niya’ng dibdib ang aking ulo.”Napakasarap ng ating pinagsaluhan kanina!” sabi niya na bahagyang nangangamoy alak ang bibig. ”Parang `di pa rin ako makapaniwalang limang taon tayo natulog, pero ibaang sinasabi ng aking tiyan! Gusto ko pa rin kumain hanggang ngayon!””Isabukas na natin iyon, mahal,” sabi ko sa kanya habang pataas ang mga halik ko sa kanyang leeg. ”Ngayong gabi, ikaw lang ang nais ko’ng kainin!”Napahagikhik si Marius.”Hindi pa rin ako makapaniwalang limang taon tayong nawala!” patuloy niya habang hinuhubad ko ang suot niya’ng tunika. &r

  • Ginto't Pilak   Ika-apatnapu't-siyam na Bahagi

    - 49 -“At bakit naman ako magiging Emperador?”Iyan ang tanong ko sa dalawang hari sa aming harapan.Napatunganga sa akin si Nico at si Haring Domingo.”Hindi ba’t dapat lang na koronahan ka na namin bilang punong tagapamahala sa bagong mundo’ng ito?” sabi ni Haring Domningo.”Hindi naman ako papayag na mas mataas pa ang posisyon ko sa iyo!” sabi naman ni Nico na sumimangot sa akin. ”Hindi ako pinanganak na dugong bughaw, at sa totoo lang, hindi ko ginusto ang posisyon na `to, kung `di lang `to pinilit sa `kin ng mga tao!””Pero bagay na bagay ito sa `yo!” sabi ni Marius na nakangiti sa kaniya.“Ay, ikay, Dilang Pilak! Ngayon lang kita narinig magsalita, pero `wag mo ako’ng ma-utuasang manatili sa posisyo’ng ito, ha?” biro nito sa aking kabigkis.“Pero, hindi ba’t bagong

  • Ginto't Pilak   (48) Ika-apatnapu't-walong Bahagi

    - 48 -Nilibot naming dalawa ni Marius ang mga tindahan. May mga nagkakalakal ng damit sa isang tindahan, at kapalit ng suot naming makapal na tunika, ay kumuha kami ni Marius ng tig-isang balabal. Namasyal kami sa paligid at naaliw sa mga tanawin nang mga tao na sama-sama – mapa Heilig, Ravante, o Ignasius man. Lahat sila masayang nagbabatian at nagtutulungan. Binigyan nila kami ng mga pagkain, laruan, at mga palamuti. Isang kumonidad na walang discriminasyon sa isa’t-isa.May grupo ng mga bata na lumapit kay Marius. Mga batang ginto ang buhok ngunit madilim ang kulay ng mga mata. Mga pulang buhok na kasing bughaw ng langit ang mata. Mukhang ito na nga ang pinangarap naming mundo kung saan ang lahat ay pantay-pantay at nagkakaisa.Nagdala ang mga bata ng mababangong bulaklak na ikinuwintas nila sa aking kapares. Tuwang-tuwa naman si Marius na nakipagsayawan at nakipaglaro sa kanila, hanggang sa buma

  • Ginto't Pilak   (47) Ika-apatnapu't-pitong Bahagi

    - 47 -Katabi ko na si Marius sa aking paggising.Nakahiga kami sa malapad at malambot na kama sa isang silid na bago sa akin. Natatakpan kami ng kumot, at kapwa nakasuot ng manipis na tunika na yari sa malambot na tela.Lumapit ako upang siya ay yakapin ng mahigpit. Maayos na ang aking pakiramdam, wala nang pagod. Hinalikan ko ang dulo ng ilong ni Marius at napangiti nang unti-unti siyang dumilat.“Kamusta, mahal?” tanong ko sa kaniya.“Inaantok pa,” sagot niya na nagsumiksik muli sa aking dibdib.“Ayaw ko pa ring bumangon...”Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito upang halikan ang matatamis niyang labi. Nangiti si Marius na gumanti rin ng halik at binalot ang kaniyang mga braso sa aking batok.Lumalim ang aming mga halik. Pumaibabaw ako sa katawan niyang porselana, hinimas ang mala-sutla niyang balat mula leeg papunta sa kaniyang dibdib,

  • Ginto't Pilak   (46) Ika-apatnapu't-anim na Bahagi

    - 46 - “Saan kayo nanggaling!?” tanong ni Haring Domingo na may halong takot at galit. “Dalawang linggo kayo nawala!” “Ha?” gulat na bigkas ni Nico, “Pero wala pa kaming dalawang oras sa kabilang mundo!” “Kabilang mundo?” muling tanong ng hari. “Sinasabi ko na nga ba ipipilit ninyo itong gawin!” “Nagawa naming magbukas ng lagusan papunta sa ibang mundo, ama.” sagot ni Marius sa kaniya. “Maaari tayong manirahan doon hanggang sa mawala ang salot sa hangin dito sa ating mundo.” “Kung may maililikas pa tayo!” sagot ni Haring Domingo. “Bakit po, may nangyari nanaman ba?” tanong ni Nico. “Nang gabi na kayo ay nawala, dumating ang malalaking alon. Nagawa nitong lampasan ang matataas na bahura at bulubundukin na hinarang ni Theodorin.” salaysay ni Haring Domingo. “Bagamat hindi na kasing lakas dahil sa mga harang, marami pa rin ang natupok sa pagbahang dulot ng mga alon.” “Ang

  • Ginto't Pilak   (45) Ika-apatnapu't-limang Bahagi

    - 45 - Bumagsak ako sa makapal na halaman na may mga itim na prutas.Tumingin ako sa paligid at nakita ang aking mga kasamahan na nagpapagpag ng sarili.“Isa itong puno ng igos.” sabi ni kuya Aurelio na agad pumitas at kumagat ng isa. “At lasa rin itong igos!”“Hinay-hinay lang, baka sa mundong ito, ay lason ang punong iyan!” paalala ko sa kaniya.Tumingin lang sa akin ang kapatid ko, tapos ay lumapit sa isa pang halaman. “Eto naman ay granada.” Pumitas siya ng isa, biniyak ito sa gitna, at kinain ang mga buto sa gitna nito. “Hayaan ninyong subukan ko kung lason nga ang mga halaman dito.”Muli ko sana siyang sasabihan, nang bigla siyang batukan ni Nico!“Baliw, pwede natin subukan `yan sa ibang paraan, kesa ipahamak mo pa ang sarili mo,” sabi nito. Tinitigan siya ni Aurelio, nanlalaki ang mga mata. Bilang isang prinsipe

  • Ginto't Pilak   (44) Ika-apatnapu't-apat na Bahagi

    - 44 - Sa halip na magpaliwang pa, ay dinala na lang ako nina Nico sa may dalampasigan. Libu-libong mga patay na isda at iba pang mga yamang dagat ang lumulutang dito. Puro sila walang buhay, ay halos matakpan na nila ang buong dalampasigan.“Nagkalat sila sa buong kahabaan ng kanlurang bahari ng isla.” sabi ni Marius sa tabi niya. “At napansin mo rin ba ang tubig?“Kulay itim ito...” sagot ko. Marahil ay dahil ito sa dami ng mga patay na isda sa paligid...“Isipin mo na lang ang magiging epekto nito sa mga tao?” sabi ni Nico. “Buti na nga lang at walang umiinom ng tubig alat, pero pano na `pag inabot ng salot pati ang tubig natin na galing sa ilalim ng lupa?!”“Theo,” kinapitan ni Marius ng mahigpit ang kamay ko. “Hindi natin alam ang maaari pang mangyari sa susunod na mga araw... at sa tingin ko ay hindi na natin ito dapat hintayin pa.&rd

  • Ginto't Pilak   (43) Ika-apatnapu't-tatlong Bahagi

    - 43 - Ilang oras pa ay nasa may Timog na kami ng Ignus, muling nagsasakay ng mga mamamayan. Nasabihan na namin nang nakaraang araw ang mga taga Ignus na pumunta rito, at ngayon nga ay nasa dalawang-libong katao ang kasalukuyang sumasakay sa mga dala naming Lipad-Ulap upang lumikas sa Hermosa. “Salamat! Mga ginoo!” tawag nila sa amin. Kulay pula ang mga mukha nila mula sa alikabok at buhangin sa disyerto. “Salamat sa aming mga tagapagligtas!” “Ginagawa lang po namin ang gagawin ng sinuman, para sa mga kapwa nilang nangangailangan ng tulong.” tugon ko sa kanila. “Napakadakila talaga ng bago nating emperador!” at lahat sila ay pumuri sa akin. Napangiti na lang ako at kumaway, at bago pa sila magpuri pang muli ay pumanik na ako sa aming Lipad-Ulap kung saan pinapanood ni Marius ang mga tao. “Mahal na mahal nila tayo,” sabi niya sa akin. “Mamahalin nila ang sinumang tutulong sa kanila,” sagot ko

DMCA.com Protection Status