Chapter 37Sabay kaming bumalik ni Ariana sa upuan. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko dahil sa naging usapan naming dalawa.“Ano ginawa niyo sa CR?” tanong agad ni Damon nang makabalik kami ni Ariana sa upuan.“Nag Bible study,” pilosopong sabi ni Ariana bago irapan ang kapatid.Napangiti ako nang marinig ang mahinang tawa ni Marco. Pinagtutulungan ng dalawa si Damon.“Ano ba kasing gagawin sa CR? Malamang to take a pee. Isip isip din kuya, nakakahiya kay Amber,” dagdag pang pang-aasar ni Ariana.“Oo nga Damon. Bahala ka, kapag ikaw pinagpalit ni Amber kay Terrence,” sabat ni Belle. Tumawa si Belle at Diana.Sumali pa ang dalawang 'to. Malamang ay mapipikon si Damon. Asar talo pa naman ang isang 'to.Sininghalan ni Damon ang apat bago dumikit sa'kin.“Inaaway nila 'ko,” bulong niya sa'kin.“Hayaan mo sila,” sabi ko.“Hindi mo man
Terakhir Diperbarui : 2021-12-05 Baca selengkapnya