EliNasa hapag-kainan kami ngayon nina Mama, kumakain ng dinner kasabay ang kaklase kong si Theo.Eto na 'yon. Unti-unti nang nagka-katotoo ang mga assumptions ko kanina. Ayokong magdilang anghel kaya panay ang dasal ko sa isip ko na sana ay tumila na ang malakas na ulan."Naku Theo, mukhang natuloy 'yung bagyong napanood ko sa balita kanina. Ang lakas ng ulan at hangin sa labas oh. Mukhang hindi ka na makakauwi niyan. Tsk, tsk, tsk!" Bigla akong napalingon kay Mama dahil sa sinabi niya. Sinasabi na nga ba. Hindi pwedeng dito magpalipas ng gabi si Theo. I know concern lang si Mama sa kaklase ko pero hindi niya kasi maiintindihan 'yung side ko. I mean, wala naman kasi kaming guest room eh. At malamang sa malamang ay sa kwarto ko siya patutulugin ni Mama kung magkataon mang hindi siya makauwi. Iniisip ko pa lang kung anong puwedeng mangyari ay mababaliw na ako.
Magbasa pa