“Okay ka na ba?” tanong ni Aira sa akin. Ilang araw rin akong na-confine sa hospital. Medyo kumikirot pa kasi ang aking ulo at sugat dahil sa natamo kong aksidente. “Oo, huwag kang mag-alala, okay? Mabuti na ang aking pakiramdam ang galing ba naman kasi ng nurse ko,” saad ko sa kaniya at nginitian siya. “Naku! Scarlet huwag mo akong bola-bolahin ah, may kasalanan ka pa sa akin. Hindi ko pa nalilimutan iyong pag-resign mo sa kompaniya,” seryoso niyang saad sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. “I’m sorry, ayoko lang kasing madamay ka sa alitan naming ni Gio. Alam ko kasing magwawala ka kapag sinabi ko sa iyo na mag-re-resign na ako,” nakayuko kong saad sa kaniya. “Hindi ba sabi ko sa’yo huwag kang papayag na umalis o mag-resign sa kompaniya. Alam mo ba kung sino ang pumalit sa pagiging sekretarya mo?” Nakita ko ang panlilisik ng kaniyang mga matang nakatingin sa akin. “Si Trisha?” tanong ko sa kaniya. “Hindi, Si Anne! Iyong walang
Huling Na-update : 2021-12-11 Magbasa pa