Hingal-hingal akong tumakbo papuntang kompaniya para ibigay itong binili kong mga kape at dougnuts para sa aking mga katrabaho. Ang totoo niyan, bago pa man ako pumasok sa trabaho ay binibilhan ko na sila ng breakfast nila. Gawain ko na rin ito simula ng makapasok ako dito sa kompaniya. Lahat ng iniuutos nila ay ginagawa ko, hindi rin naman kasi ako makahindi sa kanila. Ibinigay ko na ang mga kape sa ka-workmates ko at nagpasalamat sila sa akin. Masaya ako dahil kahit papaano ay natutulungan ko sila. “Scarlet, pakitapon naman nitong kape ko.” “Scarlet, paki photocopy nga nitong document ko.” “Scarlet, pakilinisan nga ng desk ko.” Iyan ang mga naririnig ko sa office. Ako si Scarlet Hart, isang office assistant dito sa kompaniya. “Scarlet, pakitapon nga ito,” utos ng isa kong katrabaho. “Patapon din nito, Scarlet ha.” “Sige,” nginitian ko naman sila saka kinuha ang mga basura. Habang itinatapon ko ang mga basura ay bigla namang may pumalo sa braso ko. Napakunot ang aking noo at
Last Updated : 2021-09-11 Read more