Dahlia’s POV Nang ma-discharge ako sa hospital ay kaagad kaming pumunta ni Ethan sa mansiyon ng Monte Cristo, kaagad kaming sumakay sa kotse ni John at hinatid lamang kami roon. “Salamat, John,” saad ko sa kaniya nang makababa kami. Bitbit ko ang pinamili naming grocery para sa lulutuin mamaya. Balak kasi naming mag-samgyup ni Ethan. “ Salamat, pare!” wika naman ni Ethan sa kaniya. Tumango lamang si John at ngumiti sa akin. “Babalikan kita bukas ng madaling araw,” saad niya sa akin kaya napatango na lang ako sa kaniya. “Nasa sa iyo naman ang number ko, hindi ba?” tanong pa niya. “Yup!” sagot ko. “Mabuti, i-te-text na lamang kita,” saad niya sa akin. Halata ang pagkaseryoso ng kaniyang mukha. Kaya naman ay mas nananaig ang kaniyang kakisigan dahil doon. Mas gumagwapo kasi si John kapag seryoso ang kaniyang mukha. Napailing-iling naman ako, pagnasaan ba naman ang sariling pinsan? Mayamaya lam
Last Updated : 2022-02-09 Read more