"Dahlia anak!"
Nagulat ako nang marinig na nagtatagalog siya. Yakap-yakap niya ako ng mahigpit kaya napayakap na lamang ako. Hindi ko alam pero agad na tumibok ang aking puso dahil sa warmth ng kaniyang yakap. Hindi ko maintindihan ang feeling.Kita ko ang pagngiti ng malapad ni John sa amin. Nang kumalas kami ay mas lalo ko pang natitigan ang kaniyang mukha. Napakaamo nito at halatang inalagaan talaga ang kaniyang sarili. Namangha naman ako nang makita ang kaniyang mga mata. Halos pareho ito ng sa akin, kulay hazel nut. Pati ang kaniyang buhok na wavy ay ganoon din."How are you anak? I'm sorry ngayon lang ako nagpakita sa iyo simula noong bata ka pa. I don't want you to get in trouble." Nagsimula itong umiyak sa harapan ko kaya nag-alala ko. Naiilang man ngunit hinawakan ko na lamang ang kaniyang likod para patahanin siya."Lo siento. Te quiero," saad niya na nagpakunot sa akin. Bigla akong lumingon kay John para tanungin kung ano ang translation no'ng sinabiNagising ako sa marahang katok sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa kakaisip kung tama ba ang aking desisyon na pumuntang Spain. Hindi ko kasi hinangad ang maging prinsesa o kaya naman ay reyna. Ayaw ko ng gano'n dahil sobrang laki ng responsibilidad nito lalo na hawak mo ang buong palasyo ng Austria. Napahinga ako ng malalim at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Gulat ang rumehistro sa aking mukha nang makita kung sino ang tao sa likod ng pintuan."Nanay? Ano po ang ginagawa niyo rito?" gulat kong tanong sa kaniya. Ngumiti lamang siya sa akin."Can I go inside, anak?" tanong niya sa akin na ikinatango ko. Kaagad ko siyang pinapasok, agad naman siyang pumasok at umupo sa aking kama."Can I talk to you, iha?" tanong niya sa akin."Opo, a-ano po iyon, nanay?""Maupo ka rito, anak," saad niya sa akin. Mabilis naman akong umupo sa tabi niya."I want you to be honest, iha. Nagta
Halo-halo ang aking emosyon dahil nasa byahe na kami papuntang Spain. Nakasakay kami sa isang private airplane at asikasong-asiko kami habang nasa loob. Nasa unahan ang aking ina at nasa likod naman kami ni John.Marami rin ang mga pagkaing inihain sa amin, sa harap namin ang isang malaking flatscreen at nanunuod kami ng balita sa Spain. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi ng news anchor.“You should learn how to speak Spanish, Dahlia. Para hindi naman ganiyan ang mukha mo kapag makikihalubilo ka sa mga tao roon sa Spain, nakakunot ang mukha,” saad ni John sa akin. Napangiwi ako sa kaniyang sinabi.“I really have to, John. Gusto kong matuto so that I can understand you all,” ngiwing saad ko sa kaniya.“Don’t worry about it, anak. Karamihan sa mga tao roon ay nakakaintindi ng tagalog,” saad ni nanay sa akin na ikinalaki ko ng mga mata.“WHAT? Paano po nangyari iyon?” tanong ko sa kaniya.
Scarlet POVKasalukuyan akong inaayusan ng mga artist. Narito kami sa isang malaking mall na pagmamay-ari ng aking pamilya. Isipin mo iyon hindi ko na kailangan pang mag-shopping ng may bayad dahil libre na raw ang lahat kapag ako ang kukuha. Binigyan din ako ng red card ni John palatandaan na nasa Royal Family ako. Nagtataka nga ako kay John kung bakit black card sa kaniya.“Pansin ko lang bakit black card ang nasa sa iyo?” tanong ko kay John habang nakatingin sa kaniya sa salamin. Inaayos kasi ng artist ang aking buhok para sa welcome party mamaya. Hindi naman kasi puwedeng hindi ako nakaayos, losyang na kasi akong tingnan dahil sa stress sa Pilipinas. “May apat na card dito sa palasyo. Ang pinakamataas ay ang Black card tanging ang reyna at ang mga anak niya lang ang mayro’n nito. Red card naman ang sa relatives ng pamilya kagaya ko na pinsan mo. Blue card sa mga matataas na empleyado ng palasyo, y
Kanina pa ako kinakabahan dahil sa sinasabi sa akin ni John. Hindi ko inaasahang pati rito ay may ‘di gusto pa rin tao sa akin. Nalulungkot ako dahil pati tunay kong kapatid ay kinaayawan ako. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para kaayawan niya ngunit wala na akong paki roon.Sawang-sawa na ako mamalimos ng pagmamahal lalo na sa minamahal ko. Ilang taon din akong nagtiis at naghabol para lang matanggap niya ako ngunit wala pa rin kaya ngayon hindi ay wala na akong pakialam. Ang iisipin ko na lamang ang aking anak, aking sarili at ang mga taong tanggap ako kung sino ako.Narito ako sa dressing room at kasalukuyang binibihisan ng mga designers. Nasa labas si John at naghihintay lamang ito. Ako ang pumili ng aking susuotin dahil alam ko ang damit na babagay sa akin. I graduated as a Fashion Designer kaming dalawa ni Emery. Naalala kong pangarap naming makapunta rito sa Spain at maging sikat na fashion designer ngunit nagkahiwalay kami ng landas dahil matapos ng
Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse ni John at tahimik na bumabyahe. Papunta na kami sa palasyo at walang imik na tinatahak iyong daan patungo roon. Alas syete na ng gabi, hindi na namin namalayan ang oras dahil sa rami ba naman ng abubot at pinaggagawa nila sa aking mukha, buhok at katawan. Talaga namang nagsilbi akong prinsesa dahil sa kanila. Masasabi kong maganda ang industriya ng fashion designer dito sa bansa.Isa rin kasi ang bansang ito sa napakaraming sikat na industries sa buong bansa lalo na sa larangan ng fashion.“Naalala ko, bakit pala walang tao doon sa mall na pinuntahan natin kanina?” tanong ko sa kaniya na habang nakakunot ang aking noo. Na-cu-curious nga talaga ako kanina at hindi ko maiwasang magtaka.“Ahh, kasi pinasara muna ang mall dahil dadating ka,” walang lingon-lingong saad ni John sa akin na ikinanganga ko ng bibig. Grabe!“SERYOSO KA?” gulat kong tanong sa kaniya.“Nakakatawa
Dahlia’s POV “I welcome the opportunity to speak to all the people of Austria, wherever they live and whatever race they came from. Let me begin with a heartfelt thank you to all the people here who attend this party…”Kasalukuyan kaming nasa gitna ng isang malaking stage. Nasa gitna si nanay na nagsasalita sa micropono. She was delivering her speech to the people in front of us. Kanina pa ako kinakabahan baka kasi ay mapasabak din ako sa speech hindi ako prepared. Nasa tabi ko ang aking kapatid na si Isabella, ni hindi man lang ako nito pinapansin at tinataponan ng tingin. Napakaseryoso ng kaniyang mukha na para bang sinusuri ang mga tao sa harap namin. Hindi ba siya marunong ngumiti? Ganito ba talaga siya? Napakatahimik at blanko palagi ang ekspresyon?“People of Austria, let’s all welcome my long-lost daughter, PRINCESS SOFIA DAHLIA PARMA!”Nagitla ako nang marinig ko ang aking pangalan kay n
Magagandang ilaw sa fountain ang bumungad sa amin. Napamangha ang mga tao lalo na ako nang makita ang pagsabog ng fireworks sa taas ng fountain na iyon. Isang sulat ang nabuo sa fireworks kaya binasa ko ito.“WELCOME PRINCESS SOFIA” Iyan ang nakasulat, napangiti ako nang makita iyon grabe ang pagkabog ng aking dibdib dahil doon. Masayang-masaya ako dahil naramdaman kong pinaghandaan talaga ng palasyo ang pagdating ko. Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakaramdam ng sense of belongingness simula noong naging malupit sa akin si Travis, dating asawa ko.“Nagustuhan mo ba?” tanong ni John sa akin na ikinangiti ko ng malapad.“Oo naman, sobra kong nagustuhan, grabeng preparation naman ito, paano sila nakapaghanda gayong napakaikli lang ng oras?” tanong ko sa kaniya.“Nakahanda na kasi ang lahat bago pa man tayo nakaalis ng Pilipinas. Hindi naman kasi hahayaan na isang pucho-pucho lang ang pa-welcome p
Rinig ko ang malalakas na yabag malapit sa aking kwarto. Hindi ko alam kung ano ang mayro'n kaya kaagad akong bumangon sa aking kama. Ni hindi man lang ako ng mahimbing kahit na sobrang lambot at komportable ng aking kama. Siguro ay naninibago lamang ako."Princess Sofia!" sigaw sa akin ng hindi ko kilalang boses. Napalingon ako sa orasan, alas syete na pala ng umaga."Princess Sofia!" sigaw ulit nito. Kaagad akong nag-ayos ng aking sarili at marahang binuksan ang pintuan.Bumungad sa akin ang mga nakayukong mga servants, nakahilera lamang ito na para bang may performance silang gagawin. Natawa ako sa kanilang formations ngunit hindi ko ito pinahalata."I'm sorry Princess Sofia but you have to prepare yourself, because you have a class in Spanish language at exactly 8 o'clock this morning," nakayukong saad ng isa sa mayordoma siguro. Iba kasi ang uniform niya sa uniform ng iba at nasa gitna pa siya."Kami po ang servan