Home / Romance / Masquerade of Lies / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Masquerade of Lies: Chapter 31 - Chapter 40

57 Chapters

Chapter 30

 Kung sa karaniwang sitwasyon, dapat na ang unang ginawa ni Jacob ay ang lumayo mula kay Paula. Sabihin na mali ang nangyayari, at na hindi niya dapat iyon ginawa. Ang imahe ng maamong mukha ni Kyla ay biglang pumasok sa kaniyang isipan, at ang mukha nitong dismayado ang siyang nagbigay kay Jacob ng lakas ng loob upang itulak nang marahan palayo si Paula sa kaniya. Gulat ang naging ekspresyon sa mukha ng dalaga, halata na hindi niya inaasahan ang ginawa ni Jacob. Agad na nagsisi si Jacob sa kaniyang ginawa ngunit nanatili siya sa kaniyang sarili dahil maski siya ay hindi makapaniwala dahil doon. “Paula,” sambit niya at sinubukan siyang hawakan sa braso. “N-No,” utal na sagot ni Paula. Inilayo niya ang saril mula kay Jacob at inayos ang kaniyang buhok. “I’m so sorry, I didn’t mean to…I mean I’m not in my right mind,” dagdag nito, halos mawalan ng kulay ang kaniyang mukh
last updateLast Updated : 2021-11-17
Read more

Chapter 31

 Napakuyom ang mga kamao ni Jacob habang nanlalaki ang kaniyang mga matang nakatanaw kay Freddie na masayang masayang nakikipag kwentuhan sa mga mayayamang bisita. Halata nito na bagong bago na ang kaniyang buhay, at wala na ang kaibigan niyang minsan niyang nakasama sa hirap at ginhawa ng buhay. Ang malalapad na ngiti ni Freddie ang siyang nagpakulo ng dugo lalo ni Jacob. Hindi siya makapaniwala na ganoon kasaya ang kaibigan matapos siya nitong lokohin at piitin sa isang malagim na sitwasyon. Wala nang pumasok sa isip ni Jacob sa mga sandaling iyon, at ang tangi niya lamang naiisip ay ang kumprontahin si Freddie at ilapat ang kaniyang kamao sa mukha nito. Huminga nang malalim si Jacob. Inilipat niya sandali ang kaniyang mga mata kay Mr. Gregory, na siyang kumakain sa Presidential table at nakikipag huntahan sa mga ilang guests. Tinanaw niya sa kaniyang gilid si Paul at Sid na maingat na nagmamasid sa paligid, at ang ilan pang m
last updateLast Updated : 2021-11-17
Read more

Chapter 32

 Pakiramdam ni Jacob ay nakalutang siya sa hangin. Ngunit bukod sa pakiramdam na tila idinuduyan siya sa kawalan, nababalot ang kaniyang buong katawan ng sakit dahil sa balang natamo niya sa kaniyang tagiliran. Nanlalabo na ang kaniyang mga mata at dahil doon ay hindi niya gaanong makita ang isang mukha na nakadungaw sa kaniya habang siya ay nakahiga. “DAMIEN!” sigaw ni Paula habang nanginginig ang kaniyang mga kamay na sinusubukang pigilin ang dugo sa paglabas. Punong puno na ng dugo ang kaniyang damit ngunit hindi niya iyon inantala. “Stay with me, ‘wag kang pipikit!” sigaw niyang muli. Narinig niya ang mga nagmamadaling yapak ng mga paa kaya’t lumingon siya sa kaniyang likod at doon ay nakita niya sina Paul at Sid na tumatakbo palapit sa kanila. “Paula!!” Agad na hinawakan ni Sid ang magkabilang balikat ni Paula upang sana’y ilayo mula kay Jacob ngunit itinulak siya palayo
last updateLast Updated : 2021-11-18
Read more

Chapter 33

 Ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ni Jacob ang nagpagising sa kaniyang diwa.  Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, ang puting kisame ng hospital ang unang bumungad sa kaniya. Halos ilang segundo rin niyang kinalkal ang kaniyang isipan upang alalahanin kung ano ang nangyari at kung bakit siya naroroon. Naramdaman niya na may nakadantay sa kaniyang braso sa gilid, nang ilipat niya ang kaniyang mga mata roon, ay nakita niya na may nakayukyok na ulo sa kaniyang tabi na siyang dinadaganan ang kaniyang braso. Pilit na ginalaw ni Jacob ang kaniyang kamay, hindi naman siya nahirapan na gisingin ang natutulog na taong iyon, dahil agad na umangat ang ulo ni Paul at pupungas pungas pang humarap sa kaniya. “Bakit dito ka natulog? Pwede mo naman akong iwan,” natatawang sambit ni Jacob. Naramdaman niya naman agad ang kirot sa kaniyang tagiliran dahil sa biglaang paggalaw ng kaniyang katawan.
last updateLast Updated : 2021-11-18
Read more

Chapter 34

 Lumunok nang dahan dahan si Jacob dahil sa kaba. Ramdam niya rin ang pamamawis ng kaniyang mga palad, kaya naman panay ang punas niya sa kaniyang kumot. Hinayaan niya lamang ang TV na nakabukas upang nang sa ganoon ay doon niya itutuon ang kaniyang mga mata. Kahit na malakas ang volume no’n, walang tunog na pumapasok sa kaniyang tainga na magpapabura ng kaba sa kaniyang dibdib. Napagitlag siya sa katok mula sa pinto. Ang mga katok na kanina pa niya hinihintay ay dumating na. Dahan dahan itong bumukas, at doon lumusot si Mr. Gregory na nasa maayos na kalagayan na. Sa likod niya ay nakatayo at nakabantay sina Paul at Sid. Halata sa mga mukha nito ang kaba para sa kasamahan. “Hello Mr. Damien,” bati ng Presidente. Lumapit siya sa kama ni Jacob, na agad namang inabot nag remote ng TV at pinatay. “H-Hello, Sir,” bati naman ni Jacob. “Upo ho kayo.” Huminga siya nang malal
last updateLast Updated : 2021-11-19
Read more

Chapter 35

 “Do you want anything? Coffee? Tea?” tanong ni Garett. Hindi pa rin makapaniwala si Jacob dahil nasa iisang silid lamang sila ni Garett at ni Mr. Gregory. Hindi niya halos makontrol ang kaniyang mabibigat na paghinga dahil sa tensyong namumuo sa kaniyang dibdib. “Are you okay? You look pale, Damien,” pansin ng Presidente sa kaniya. Doon na natauhan si Jacob at inilipat ang kaniyang mga mata kay Mr. Gregory. “I’m o-okay Sir,” sagot ni Jacob. Inilapag ni Garett sa kaniyang harap ang isang basong tubig, na siya namang tinitigan nang matagal ni Jacob. “Mr. Garett here is my personal lawyer. He had been working with me for almost years since I started my presidential run that is why I am certain he’ll be of good use to this matter,” masayang paliwanag ni Mr. Gregory. Napangiti naman dahil doon si Garett at tumango kay Jacob. “
last updateLast Updated : 2021-11-19
Read more

Chapter 36

 Kinilos ni Jacob ang kaniyang mga kamay ngunit hindi halos ito gumalaw mula sa mahigpit na pagkakatali nito. Bawat hinga niya, dumodoble ang sakit sa kaniyang tagiliran dahilan upang mawalan siya ng lakas upang ipagpatuloy ang kaniyang pagsubok na tumakas. Napagitlag siya nang magbukas ang pinto ng silid. Ang mabigat na metal na kumikiskis sa sahig ay sapat na upang pasakitin ang kaniyang tainga, na siya ring nagbigay sa kaniya ng kaba. “Pakawalan mo ‘ko!!” sigaw niya kay Garett, na kapapasok lamang dala dala ang kaniyang sigarilyo at sinindihan ito. Naupo si Garett sa kaniyang harapan. Sa likod niya ay may dalawang bantay at isa sa pinto. Mataman siya nitong tiningnan na tila ba anumang oras ay papatayin na siya nito. “You had the guts to fuck up my plan and you demand to be released?” Ngumisi ito sa pagka dismaya. “I really admire the courage you have, Mr. Jacob. Truly,
last updateLast Updated : 2021-11-20
Read more

Chapter 37

 “Are you really sure you’re alright?” tanong ni Lauren na nakaupo sa kaniyang tabi. Kasalukuyang nasa gitna ng meeting si Mr. Gregory sa isang meeting room ng mansyon, mula umaga hanggang tanghali ay si Jacob at isa pang bodyguard ang nagbantay sa pinto. Pinagpahinga siya nina Paul at Sid kaya naman nagkaroon si Jacob ng pagkakataon na makakain at makapag pahinga. “Yeah, medyo kumirikot lang yung sugat pero kaya ko,” sagot naman ni Jacob. Binigyan niya ng isang maliit na ngiti si Lauren upang kumbinsihin ito, kahit na sa totoo ay kanina pa umiikot ang paningin ni Jacob dahil sa hilo at sa sakit ng kaniyang tagiliran. Tumango naman si Lauren sa kaniya, at base sa ekspresyon nito, hindi masabi ni Jacob kung naniwala nga ba ito sa kaniya. Tatlong magkakasunod na katok ang dumating sa pinto, nang magbukas iyon ay dumating si Nanay Sol na may dala dalang mga pagkain. “Kumain k
last updateLast Updated : 2021-11-20
Read more

Chapter 38

 Namumutla si Jacob na bumagsak sa kaniyang kama. Ramdam niya ang lamig sa kaniyang mga kamay at paa, kahit na tirik na tirik ang araw sa labas at hindi na siya nag-abala pang buksan ang aircon ng kaniyang kwarto. Hinubad niya ang necktie na kanina pa tila sumasakal sa kaniya, na akala niya na ang dahilan kung bakit hindi siya makahinga. Nang maalis niya ang kaniyang mga sapatos, hindi na niya rin hinubad ang kaniyang medyas dahil iyon ang tumutulong sa kaniya upang ibsan ang panlalamig. Nais niyang imulat ang kaniyang mga mata, ngunit masyado na siyang nahihilo at nanghihina, kaya naman hindi na niya pinilit pa na buksan ito kahit na narinig niya ang sunod sunod na katok sa kaniyang pinto. “Damien?” boses ni Lauren ang nagmula roon. Nang hindi siya sumagot, kumatok itong muli at naghintay. Dala dala niya ang wallet ni Jacob na naiwan niya kanina sa silid ng kanilang pinagkainan. Aalis na sana si Lauren dahil naisip
last updateLast Updated : 2021-11-21
Read more

Chapter 39

 “Damien.” Napaangat ang tingin ng lahat nang tawagin ni Mrs. Estella si Damien habang sila ay nasa hapag at naga-almusal. “Can you come to my office later? I need you to do something.” “What’s that honey? I don’t have anything to do until eleven maybe I could help?” sagot naman ni Mr. Gregory. Napatingin sa kaniya si Mrs. Estella at ngumiti naman ito sa kaniya. “No, Honey it’s fine. I know you got a lot of papers piled up, besides it requires a legwork. I just need to move things…Damien, will that be okay? Is your wound totally healed?” “Yes Ma’am,” mabilis na sagot ni Jacob. Nagkatinginan naman agad sila nina Paul at Sid nang sabihin iyon ng ginang. Alam nilang tatlo na hindi pa rin ganoon kagaling ang sugat ni Jacob at anumang oras ay pwedeng bumukang muli ang tahi niya. “Tutulong na rin p
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status