“Damien.” Napaangat ang tingin ng lahat nang tawagin ni Mrs. Estella si Damien habang sila ay nasa hapag at naga-almusal. “Can you come to my office later? I need you to do something.”
“What’s that honey? I don’t have anything to do until eleven maybe I could help?” sagot naman ni Mr. Gregory. Napatingin sa kaniya si Mrs. Estella at ngumiti naman ito sa kaniya.
“No, Honey it’s fine. I know you got a lot of papers piled up, besides it requires a legwork. I just need to move things…Damien, will that be okay? Is your wound totally healed?”
“Yes Ma’am,” mabilis na sagot ni Jacob. Nagkatinginan naman agad sila nina Paul at Sid nang sabihin iyon ng ginang. Alam nilang tatlo na hindi pa rin ganoon kagaling ang sugat ni Jacob at anumang oras ay pwedeng bumukang muli ang tahi niya.
“Tutulong na rin p
Patuloy lamang sa pagda-drive si Jacob upang dalhin sa sementeryo si Lauren, habang ang dalaga naman ay abala sa kaniyang laptop habang naka-upo sa backseat ng kotse. Hindi maipinta ang mukha nito, na tila ba may masama siyang binabasa base sa kaniyang nakakunot na noo at seryosong mga mata.Nang ihinto ni Jacob ang kotse sa parking lot, doon lamang siya binigyan ng tingin ni Lauren. “Thank you, just wait here I’ll be quick.” Agad na lumabas si Lauren ng kotse, sa sobrang bilis ng kaniyang paggalaw ay hindi na halos nakasagot pa si Jacob at naiwan na lamang na hindi makapaniwala. Tinanaw niya si Lauren habang ito ay tumatakbong papasok sa sementeryo na may mataas na gate, at mataas na mga pader upang takpan ang loob.“Ano nanaman kayang gagawin nun?” bulong ni Jacob sa sarili. Napabuntong hininga na lamang siya sapagkat alam niyang kapag sumunod siya, ay tiyak na magagalit ito sa kaniya. Tinatapik
Dahan dahang iminulat ni Lauren ang kaniyang mga mata. Mabibigat at malalalim na paghinga ang kaniyang pinakawalan, at pilit niyang sinanay ang kaniyang paningin sa dilim na kaniyang pinaggisingan.“D-Damien?” nanghihinang tawag niya. Nang igalaw niya ang kaniyang mga kamay, doon niya lamang naramdaman ang mahigpit na pagkakatali ng lubid roon at pati na rin sa kaniyang mga paa. Napagtanto niya rin na nasa isang malawak na kwarto siya dahil nag-echo ang kaniyang boses sa mga dingding. “Damien!” tawag niyang muli, ngunit ang katahimikan ng paligid ang tanging sumagot sa kaniya.Napatalon siya sa gulat nang magbukas ang pinto sa kaniyang harap. Sumuot sa siwang ang liwanag na nagmumula sa labas na sa kaniyang pagkakatanaw ay isang bakanteng lote. Tatlong lalaki ang pumasok ngunit isa lamang ang lumapit sa kaniya. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nahaharangan ng katawan nito ang liwanag.
Kabi-kabila ang mga balita tungkol sa pagkawala ni Lauren. Kabi-kabila rin ang tunog ng telepono sa bawat sulok ng mansyon ng mga Guavez, at hindi magkamaliw sa pagsagot sina Nanay Sol at iba pang kasambahay sa mga reporters at malapit na kaibigan ng kanilang pamilya.“Hello? Pasensya na po, wala rin kaming balita sa kaniya. Maglalabas na lang po ng statement si Mr. Gregory kapag may natanggap na kaming update,” sagot ni Nanay Sol sa isang kaibigan ni Lauren mula sa kaniyan unibersidad. Marahang ibinaba ng matanda ang telepono na hindi na nito pinakinggan pa ang kasunod na sinabi ng tumawag. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng matanda dahil sa pagod at pagkabahala. Magdamag naman na hindi natulog sina Paula, Sid at Paul sa paghahanap sa dalawang nawawalang miyembro nila.“Is there any news?” tanong ni Paula, na kaliligo lamang at handa nang magpunta sa FBI upang ipaalam ang nangyayari. &l
Nagkatinginan nang matagal ang dalawa. Isang dangkal lamang ang pagitan ng mukha ni Lauren at Jacob, kaya naman parehas nilang pinakakalma ang kanilang mga puso sa takot na ito ay naririnig na dahil sa katahimikang bumalot sa paligid.Kumikinang ang mga mata ni Lauren, at habang ang kaniyang mga labi ay nakaawang pa sa gulat, hindi rin maitatago ang saya sa kaniyang dibdib. Samantala, si Jacob naman ay hindi makapagsalita sa gulat, hindi niya rin halos maibuka ang kaniyang mga labi dahil patuloy niya pa ring hinahalukay ang kaniyang isip sa tamang salitang dapat na lumabas mula rito.“Do I have to apologize?” tanong ni Lauren na siyang bumasag sa mahabang katahimikan. Ang mga mata nito ay nakatuon lamang sa mga mata ni Jacob at ikinukulong ang binata sa mga tingin nito. “Please tell me if I need to apologize, or should I just act accordingly to my feelings.”“L-Lauren…&r
Tumawa nang malakas si Garett. “Can you say it again? Please make It louder.” Inilagay niya sa mesa ang cellphone na halos abot kamay lang ni Jacob, kung hindi nakatali ang mga ito.“Huwag mo nga akong lokohin Kuya. Si Jacob, kumusta na siya? Baka naman pinahihirapan mo siya sa trabaho.” Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa buong silid. Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Jacob dahil hindi siya halos makapaniwala na boses nga ni Kyla ang naririnig niya mula sa cellphone.Ngunit higit pa sa kaniyang boses ang dahilan kung bakit tila hinahatak ang kaniyang sikmura sa pagkakataong iyon.“Kahit na pinagpalit niya ako sa pera, mahal ko pa rin siya Kuya. Kaya please, ‘wag mo siyang pahihirapan ah? Magtatampo talaga ako kapag ginantihan mo siya sa trabaho.”“Oh don’t worry my little sister, he’s doing fine
Galit. ‘yan lang ang tanging nararamdaman ni Jacob nang imulat niya ang kaniyang mga mata, at natagpuan ang sarili na nasa kwarto na siya ng mansyon. Hindi niya akalain na may ikasasama pa pala ang sitwasyon kung saan siya napunta, at ang pinaka masaklap pa na ang taong ibinuhos niya ang lahat maski nakataya ang buhay niya ay siya rin palang magdadala sa kaniya ng matinding galit na iyon.Hindi na niya namalayan na sunod sunod na pumatak ang mga luha galing sa kaniyang mga mata. Marahas niya iyong pinunasan at huminga nang malalim bago siya dahan dahang bumangon. Pakiramdam niya ay tone toneladang bakal ang tumama sa kaniyang katawan sa bigat at sakit nito.Sunod sunod na pagkatok ang dumating sa kaniyang pinto. Inayos niya ang sarili kahit na hindi niya alam kung alam ba ng mga tao sa mansyon na nawala siya kagabi, at kung paano siya ibinalik ni Garett sa kaniyang silid.Dahan dahan niyang binuksan a
“Are we all set?” tanong ng Presidente. Isa isang isinampa nina Paul, Sid at Jacob ang mga gamit nito sa kotse. Bagamat isang linggo lamang ang itatagal ng kanilang pag-alis, maraming bagahe ang kanilang dala sapagkat marami rin silang isinaman ni Mr. Gregory.Kasama na roon si Lauren, na siya namang nakasakay na sa kaniyang sasakyan at naghihintay na lamang ng pag-alis.“Make sure na walang makakalimutan okay? Yung mga documents, please secure it properly and don’t lose it.” Humarap si Mr. Gregory kay Mrs. Estella, na sa personal na dahilan ay hindi makakasana. Kailangan niyang bisitahin ang isa sa mga kapatid niya dahil sa sakit sa puso, at kailangan niya ring asikasuhin ang mga maiiwang trabaho ng kaniyang asawa.“You take care of yourself here, alright?” Hinalikan ni Mr. Gregory ang noo ni Mrs. Estella.“Of course, I’ll take care
Halos matuod si Jacob sa kaniyang kinatatayuan nang makita niya si Lauren na pumasok. Iba sa karaniwan nitong ayos ng buhok na minsang nakatali lamang ng ponytail o di kaya’y nakaladlad lamang sa kaniyang likuran, maayos itong nakataas sa kaniyang ulo at napalilibutan ng maliliiit na dyamante sa bawat sulok nito. Dahil nakataas ang kaniyang buhok, kitang kita ang hulma ng kaniyang katawan mula sa kaniyang balikat, suot ang malalim na berdeng gown na simple lamang na nakadantay sa kaniyang katawan upang palabasin ang hubog nito, at ang kaniyang mataas na sapatos na kulay itim ang siyang nagpa-ikot sa lahat ng ulong nadaraanan ng dalaga.Hindi nais ni Jacob na umangat ang kaniyang ulo, o isipin na siya lamang ang nakapukaw ng atensyon ng dalaga, ngunit ang mga mata ni Lauren ay sa kaniya lamang nakatuon hanggang sa makapasok siya sa hall. May iilan na nakapansin kung saan ito nakatingin, kaya naman napukaw rin ang mga mata ng iba papunta kay Ja
Umalog nang malakas ang yate, dahilan upang magkatinginan ang maga-ama sa isa’t isa. Itinaas ni Paula ang kaniyang mga kamay upang pakalmahin sila at saka siya tumayo upang silipin kung ano ang dahilan nito. Mula sa maliit na siwang ng pintuan ng storage room, nakita ni Paula ang isa sa mga tauhang dumaan at tumalon upang makarating sa deck.Bumaling siya kina Lauren at bumulong, “Nakabalik na tayo.”Tila isang malaking tinik ang natanggal sa lalamunan ni Lauren. Buong byahe ay halos pigil pigil niya ang kaniyang hininga dahil sa takot na baka biglang tingnan ng kung sino man sa mga tauhan ang storage room at matagpuan sila.“Kailangan natin silang maunahan, bago nila tayo makita rito,” sabi ni Mr. Gregory at dahan dahan na binuhat ang sarili upang tumayo. “Sumunod kayo sa’kin, at kahit anong mangyari, ipangako niyo sa’kin na uunahin niyong iligtas ang inyong
“Lauren!” Marahang niyugyog ni Jacob ang balikat ni Lauren upang ito ay magising. Agad namang napadilat ang dalaga dahil sa gulat ngunit tinakpan ni Jacob ang knaiyang bibig upang hindi ito sumigaw o magsalita. “Huwag kang maingay,” babala ni Jacob. Tumango naman si Lauren at saka tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga. Nang ilibot niya ang kaniyang mata sa silid, nakita niya si Paula na nakaabang sa pinto hawak hawak ang isang patpat, at si Mr. Gregory na nakasandal sa pader na katabi niya.“Ano’ng nangyayari?” gulat na tanong ni Lauren. “Bakit tayo nandito?”“Papatayin nila tayo,” sagot ni Jacob na siya namang ikinalaki ng mga mata ng dalaga. “Utos ng Mommy mo na kapag hindi niyo pinatay si Sir Gregory, ay tuluyan na tayo para hindi na makabalik pa.”“What?!” mahinang sigaw ni Lauren. Nanayo ang mga balahibo niya sa kan
“Alam mo ba ang ginagawa mo?!” sigaw ni Jacob kay Lauren. Kitang kita ang gulat sa mga mata nito, na agad din niyang itinago. “Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo Lauren. Alam kong hindi mo kayang gawin ‘to!”“Tumahimik ka!!” sigaw pabalik nni Lauren. Itinutok niya ang baril kay Jacob nang magtangka itong humakbang upang agawin ito sa kaniya. “Please, just let me finish this all for once. I’m really tired, Damien.” Masaganang luha ang tumulo sa mga mata ni Lauren, unti unti naman niyang ibinalik ang baril niya sa kaniyang ama na pinanonood lamang siya sa kaniyang ginagawa. “I’m really sorry Dad. We’ve prepared long for this. I can’t let you hurt Mom again.”Huminga nang malalim si Mr. Gregory, itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay sa hangin at saka pumikit. “Do what you have to do, Lauren. After all, nothing can change y
Nang makababa sina Jacob, buhat buhat si Mr. Gregory sa isang stretcher ay agad niyang inilibot ang kaniyang mga mata sa isla na kanilang pinuntahan. Walang ibang tao ang naroroon bukod sa mga nagdala sa kanila. Sa gitna ng mabatong isla ay nakatayo ang mansyon na may kaliitan lamang sa mansyon ng mga Guavez ngunit malalaman na pinagmamay-arian ng isang mataas na personalidad base sa seguridad na naka-implementa rito.Bawat sulok ay may camera, at bawat pinto ay may bantay. Tulad ng mga naghatid sa kanila, ang mga ito ay nakasuot din ng itim na maskara na natatakpan ang kanilang mga ulo hanggang leeg.Tinapik siya ng isa sa mga tauhan at agad naman na napalingon dito si Jacob. “Ipasok na natin si Mr. Gregory sa loob, naghihintay na sila.”“Sila?” banggit ni Jacob. “Sinong sila?”Ngunit hindi ito sinagot pa ng tauhan. Sa halip, nagsimula
Umiikot ang paningin ni Jacob. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa pagod na kaniyang nararamdaman, o sa takot na bumalot sa kaniya nang pumasok sa kaniyang isipan na hindi na siya pwede pang umatras sa pagkakataong iyon, nang isara na ni Mr. Gregory ang kaniyang mga mata dhail umepekto na ang droga na inilagay ni Jacob sa pagkain niya.Ilang minuto na ang nakalilipas, ngunit ang sasakyan nila ay nananatili pa ring naka-park sa tapat ng restaurant na kanilang pinagkainan. Nanginginig ang mga kamay ni Jacob na kinapkap ang kaniyang cellphone upang tawagan si Garett.Sinagot ni Garett ang tawag sa pangatlong ring. “I am only accepting good news.”Napapikit nang mariin si Jacob bago niya sinagot ang bungad sa kaniya ni Garett. “Nagawa ko na ang unang hakbang. I-send mo sa’kin ang address kung saan ko siya dadalhin.”Mahabang katahimikan ang b
Isa lang ang nasa isip ni Jacob sa buong oras na dinadrive niya ang sasakyan pabalik ng mansyon. Ang matapos na ang lahat ng ito. Matagal niyang pinaghandaan ang pagkakataon mapag-isa ang Presidente kasama niya nang maisagawa na niya ang kaniyang plano, ngunit ngayon na nabigyan na siya ng pagkakataon ay tila nawala ang lahat ng kaniyang lakas ng loob. Mula nang makaalis sila sa hotel, hanggang sa makaalis sila sa unang city pabalik ng mansyon ay mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.“Do you know a good place to eat some Chinese food? I’m craving for some. Maybe we could stop for awhile kapag may nadaanan ka Damien, okay?” sabi ni Mr. Gregory sa likod habang siya ay abala sa pagbabasa ng magazine. Hindi naman sumagot sa kaniya si Jacob dahil nasa kalaliman pa rin ito ng kaniyang pag-iisip kaya naman napunta na ang kaniyang mga mata sa binata. “Damien?”Napatingin si Jacob sa rear mirror ng sa
Ramdam ni Jacob ang ihip ng malamig na hangin nang makalabas siya ng building kung saan dinaraos ang meeting ni Mr. Gregory sa mga farmers and fishers unions. Ayaw man niyang iwan ito sa loob, ang pangalan na tumambad sa kaniyang cellphone ay kailangan niyang sagutin.“Garett,” tawag ni Jacob nang sagutin niya ito. Lumayo siya nang bahagya sa building at inilibot ang kaniyang mga mata upang tingnan kung may nakasunod, o nakatingin sa kaniya. “Ano’ng kailangan mo?”“Mr. Jacob, are you having a good time?” May halong pagka-pilyo ang boses ni Garett na alam ni Jacob ang tunog. May binabalak nanaman ito sa kaniya. “I heard the meeting’s going too well. It’s quite disappointing dahil inaasahan ko na magkakagulo sila at sila na mismo ang gagawa ng trabaho na hindi mo magawa gawa.”“Hindi magagalaw ng mga taong nasa
“It came to my attention that you were suppose to pick me up at ten in the morning, why didn’t you show up?” Ang mga salitang iyon ang unang bumungad kay Jacob nang makapasok siya sa hotel room ni Mr. Gregory. Hindi man siya nilingon ng matanda, rinig ang pagkadismaya sa tono nito at kung paano nito ipinahayag ang kaniyang mga sinabi. “You are supposed to be here before I wake up, yet you came an hour after I woke up.” Sa wakas, tinapunan siya ng mga tingin ng matanda. “What’s wrong Damien?”“Sorry Sir,” sagot ni Jacob. Nakatayo lamang siya sa may pintuan dahil hindi niya rin kayang humakbang pa upamg kumapit sa Presidente. Hindi naman niya maaaring sabihin ang dahilan kung bakit siya na-late, at kung bakit hindi niya ito nasundo sa takdang oras. Namuo ang pawis sa palad ni Jacob, at ang kaniyang mga mata ay nanatili lamang sa kaniyang mga sapatos. “Tinanghali po ako ng gisi
Agad na bumagsak si Jacob sa kaniyang kama matapos niyang maligo. Kasalukuyan namang pumalit sa kaniya sa banyo si Sid, at nasa balcony si Paul na nags-stargazing. Hindi niya alam kung nais ba niya talagang makasama ang dalawang ito sa loob ng isang linggo, dahil nangangamba siya na baka sinundan sila ni Garett at madamay ang dalawa kapag kinuha siyang muli ng mga tauhan nito.Ipinikit ni Jacob ang kaniyang mga mata habang ang kaniyang isang braso ay ipinatong niya sa mga ito. Ang mukha ni Lauren ang agad na pumasok sa kaniyang isipan. Tila hindi siya makapaniwala na ang isang tulad nito ay may gusto sa kaniya, sa kaniya na walang maipagmamalaki at higit sa lahat, ang siyang pinaka nagtatangka sa kanilang buhay. Tinakpan ni Lauren ang galit na nararamdaman niya para kay Kyla. Ngunit alam niya na hindi niya dapat na palalain pa ang nararamdaman nito sapagkat anumang araw ay nakalagay sa panganib ang buhay nito kung patuloy siyang didikit kay Jacob.