[73] Cathalina's POV: Napangiti ako ng marinig ang pagsasalita ni stella, natahimik si tristan at kagat ang labi. Natawa ako at hinaplos ang buhok niya kaya napatingin s'ya sakin, karga pa rin si stella. Tumingala sa'kin si kent, tumaas ang kilay ko sa kanya tumaas ang daliri niya at pinaglaruan ang buhok ko, maliit pa lang sila pero mukha matalino ang mga anak ko, hindi ko nga alam na marunong na sila maglakad. Minsan naman ay si stella, ang bibo at madaldal kung ano-ano ang sinasabi, ngayon lang niya nakumpleto ang salita 'Papa'. Si kent lang naman itong masungit sa kanila, pinaghalong ugali ko at ugali ni tristan pero mas nagmana s'ya sa'kin. Minsan lang kung umimik, minsan lang rin ngumiti at kung nginitian ka man niya ngisi lang at tatawa ng mahina. "Say it, again stella.." demand ni tristan, nakangiti sa anak niya na nakaawang ang labi. "Come on, honey sabihin mo nga ulit hmm." malambing na saad niya pa. 
Read more