ホーム / Romance / Heiress of Fire / チャプター 41 - チャプター 50

Heiress of Fire のすべてのチャプター: チャプター 41 - チャプター 50

75 チャプター

Chapter 41

Tinotoo ni Gregor na doon ito natulog sa condo niya.  Paggising ni Olive kinabukasan ay nakadagan pa ang kamay nito sa katawan niya.  Alas singko pa lang ng umaga, pero dahil maaga siyang nakatulog dahil sa pagod, maaga rin siyang naalimpungatan ngayon.  Dahan-dahan siyang bumaba sa kama at naghilamos sa banyo.  Tinungo niya rin ang komedor para maghanap ng ipapakain kay Gregor mamaya.  Puro instant noodles at prutas ang laman ng pantry niya ngayon dahil mag-isa lang naman siya dito at hindi siya madalas sa condo kumain.  "Good morning..."  Napapitlag siya sa tinig ni Gregor na nasa likuran niya.  Hindi niya akalaing magigising din ito kaagad."Ginulat mo naman ako," nakangiti niyang sabi.  "Magtitimpla muna ako ng kape.""Ako na," agap naman nito na lumakad sa  kusina nang nakayapak.  Puting twalya lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito na hindi niya alam kung mayron man lang
last update最終更新日 : 2021-11-25
続きを読む

Chapter 42

Hindi pa man lumilipas ang kalahating oras mula nang umalis si Jose Abad sa opisina niya, may isa na namang tao na gustong guluhin ang pag-iisip niya.  Ang sabi ng sekretarya ay nakiusap ito na papasukin niya."Ano ang gusto mong ipagkausap sa akin?" tanong niya kay Lenny na umupo sa harap ng mesa niya.  Tumaba na ang babae ngayon kumpara noong huli niya itong nakita sa opisina ni Gregor.  Halata na rin ang umbok ng tiyan nito."Alam kong nahuhumaling ang asawa ko sa 'yo ngayon," panimula nito na hindi niya naiwasang magtaas ng kilay.  "Asawa?  Kasal ba kayo ni Gregor?" "Hindi," mabilis nitong sagot.  "Pero nagsasama na kami nang matagal at magkakaroon na ng anak.  Nakikiusap ako sa 'yo, Miss Montañez, ibalik mo sa akin si Gregor.  Kailangan siya ng anak ko."Nang magsimula itong magpahid ng luha sa pisngi ay naantig ang puso niya.  Hindi peke ang pag-iyak nito.  Totoo itong nasasaktan
last update最終更新日 : 2021-11-25
続きを読む

Chapter 43

Pagkaalis ni Gregor ay pinapasok niya si Carter.  Nakatayo lang siya malapit sa pinto.  Hindi niya puwedeng ipakita ang kahinaan niya sa harap ni Carter. "Sinabi ba ng Papa mo na pinagbantaan niya ako kanina?""Kinausap ka niya?""He went into my office.""I'm sorry, hindi ko alam na gagawin niya 'yun.""He was expecting me to marry you.  But you see... I have a boyfriend, Carter..." wika niya na tila isang negosyo ang pinag-uusapan nila. "Si Gregor ba?"Marahan siyang tumango. "Pero may girlfriend siyang iba, hindi ba?  At buntis 'yung babae."Hindi niya alam kung ang Daddy niya ang nagsabi kay Carter ng tungkol kay Lenny.  Pero hindi na 'yon mahalaga.  At inaasahan na rin naman niyang magkukuntsaba ang dalawa dahil parehong may kailangan sa isa't isa.  Sigurado siyang gagawin ng Daddy niya ngayon ang lahat ng sasabihin ng mga Abad."Problema ko na 'yun, Carter
last update最終更新日 : 2021-11-25
続きを読む

Chapter 44

Hawak niya ang telepono pero hindi niya kayang tawagan si Gregor.  Ano ang sasabihin niya?  Paano niya ipapaliwanag ang mga nakita nito kanina?  Kaya ba niyang sabihin na gusto niyang malaman kung katulad nga siya ng tatay niya na pumapatol kung kani-kanino?  Na nag-experiment siya dahil may identity crisis siya?Sa halip na tawagan si Gregor ay lumabas siya sa condo para puntahan na lang ito ng personal.  Kailangan niya rin namang harapin ito kalaunan.  Kung magagalit ito sa kanya ngayon ay tatanggapin niya dahil nagkasala siya.  Nagtaksil siya kung tutuisin.  Kung sa kanya ginawa ni Gregor 'yun ay baka hindi niya rin ito patawarin.Tumuloy siya sa bahay nito sa San Luis pero wala raw ito roon sabi ng katiwala nito.  Hindi pa ito umuuwi.  "Baka sa apartment niya tumuloy?  Minsan kasi kapag masama ang pakiramdam ng girlfriend niya'y doon 'yun natutulog.  Alam ko'y hindi naman kasi stay-in ang katulong
last update最終更新日 : 2021-11-25
続きを読む

Chapter 45

Tama na nga 'yang pag-iyak mo, Olive," wika sa kanya ni Cassey nang puntahan niya ito sa bahay.  Wala na siyang mapuntahan at mahihingahan ng problema kung hindi ang mga kaibigan.  Gusto niyang magpakalasing. Pero nasa Cebu si Jenny ngayon kasama ang pamilya nito.  Si Casey lang ang nakausap niya pero hindi ito puwedeng umalis sa bahay ngayon dahil wala pa ang mga magulang nito.  Kasama nito ang nakababatan kapatid na hindi naman puwedeng isama sa bar. "Mapapatawad pa kaya niya ako?""If he really loves you, yes.  Oo naman.  Palipasin mo lang ang galit nun tapos ipaliwanag mo nang maayos.""Pero ang sabi niya'y aayusin niya na lang ang relasyon nila ng ina ng magiging anak niya.  Wala na ako sa mga plano niya...""Kasi nga galit siya.  Ganun naman talaga tayo kapag galit, hindi ba?  Madalas nawawala tayo sa katwiran.  Madalas pa nga nakakagawa tayo ng
last update最終更新日 : 2021-11-26
続きを読む

Chapter 46

Hindi magkamayaw ang mga reporter sa harap ng opisina ng Falcon Corp. para makakuha ng panayam kay Olivia Montañez.  Isang buwan matapos ang pinal na desisyon niya na hindi magpapakasal kay Carter ay umugong ang bulung-bulungan tungkol sa affairs ng Daddy niya ay kung sino-sinong babae.Nagbayad sila ng milyon kay Carley para hindi ito magsalita.  Nagkaunawaan naman sila ni Carter na ito na ang bahalang magkumbinsi sa Papa nito na huwag nang magsampa ng kaso sa Daddy niya dahil ayaw na ring umuwi sa Pilipinas ni Carley.  Pare-parehong makakaladkad ang pangalan nila at pare-pareho silang maabala sa kabi-kabilang hearing maliban pa sa kabi-kabilang reporter na haharang sa kanila.Pero alam niyang may kinalaman ang Papa ni Carter sa mga naglabasang reklamo sa Daddy niya sa mga affairs nito sa iba't ibang babae.  Sa ngayon ay nagmumukmok ang Mommy at Daddy niya sa mansyon sa Dumaran para iwasan ang issue.  Walang makakapasok doon.  Kaya
last update最終更新日 : 2021-11-26
続きを読む

Chapter 47

"Kailan ka ba babalik dito, Gregor?  Baka naman hindi ako makapag-asawa dahil ipinaubaya mo na sa 'kin lahat ng responsibilidad dito?" Tumawa siya sa kabilang linya.  Ang dapat na ilang buwan niyang pagbabakasyon sa Maynila ay nauwi sa dalawang taon dahil nagkaroon sila ng partnership ng supplier niya.  Mas lumaki ngayon ang Angeles Builders dahil sa dagdag na investors.  Siya ang nag-aasikaso sa orders ng kumpanya sa Maynila.  Paminsan-minsan ay nagpupunta siya sa Puerto Princesa kapag may importanteng meeting sa malalaking kliyente doon.  Minsan naman ay kinakaya na ni Adrian kasama ang buong team ng Angeles Builders.  Sa loob ng dalawang taon ay baka wala pang sampung beses siyang bumalik sa Puerto Princesa para dalawin ang kumpanya.  At sa lahat ng iyon, iniwasan niyang mapadako sa Falcon Group of Companies.  Kahit pa noong lumabas ang balita na ang ama ni Olive ay may hypersexual disorder matapos maglutangan ang mga baba
last update最終更新日 : 2021-11-26
続きを読む

Chapter 48

Alas tres ng hapon dumating sa Puerto Princesa si Gregor kasama si Lovi.  Sa apartment na sila tumuloy dahil wala na ang bahay ng Lola niya sa San Luis.  "Tatlo ang kwarto dito at may banyo naman sa loob.  Feel at home.  Bukas pa dadating ang katulong kaya sa labas na muna tayo kakain," aniya kay Lovi. "Hmmm... Maganda ang bahay mo.  Asawa na lang talaga ang kulang sa 'yo."Napangiti siyang muli sa pangungulit ni Lovi na mag-asawa siya.  "Wala pa nga akong balak mag-asawa."  Kinuha niya ang maleta nito at dinala sa isang silid.  "Bukas tayo pupunta sa opisina.  Kapag nagustuhan mo ang trabahong inaalok ko, puwede ka nang magsimula kahit bukas din."Nagtapos naman kasi si Lovi ng Business Management at nagtrabaho sa isang accounting firm bago nito napagdesisyunang maging freelance sales agent ng mga sasakyan.  Naging ex-boyfriend kasi nito ang immediate superior kaya't napagdesisyunang mag-re
last update最終更新日 : 2021-11-26
続きを読む

Chapter 49

Hindi alam ni Olive kung paano kikilos sa harap ni Gregor.  Nabigla siya sa presensya nito dahil ang alam lang niya ay si Adrian lang ang ka-dinner meeting nila ngayong gabi.  Ang sabi pa ni Anthony ay pa-thank you nito sa Angeles Builders ang dinner dahil nagkataong walang nakapunta isa man sa mga ito sa Thanksgiving Party ng Falcon Tower 1. Kanina pa dumadagundong ang dibdib niya sa kaba.  Gregor still holds that cold stare everytime he looks at her.  Kung puwede nga lang ay hindi siya nito tapunan ng tingin kung hindi lang nagkataong magkaharap sila.  Ang atensyon nito'y sa kasama nitong babae na lagi pang nakaalalay ang kamay sa baywang nito.  Gustong balewalain ang selos sa dibdib niya pero habang lumalakad ang oras ay tumitindi ang damdaming iyon sa dibdib niya.Pero nasaan si Lenny?  Girlfriend ba ni Gregor ang kasama nitong babae sa ngayon?"Natutuwa ako na nagkita tayong muli matapos ang dalawang taon, Gregor. &n
last update最終更新日 : 2021-11-27
続きを読む

Chapter 50

Maaga si Olivia sa opisina kinabukasan dahil madaling araw pa lang ay gising na si Romano.  Pagkatulog nito ulit ng alas syete ay nagmadali na siyang naligo.  Uuwi na lang siya nang maaga para makalaro ang anak.  "You're early," pansin sa kanya ni Anthony nang magpunta siya sa opisina nito."Wala ka bang ibang ipapagawa sa 'kin?  Pag-iikot sa mga hotels, pag-monitor ng mga empleyado, o kahit pagwawalis pa dito sa opisina mo.  Anything, Anthony, except the project that has to do with Angeles Builders.""Ikaw ang Vice-President sa Finance, Olive, bakit kita ilalagay sa pagmo-monitor ng mga empleyado?" kaswal nitong sagot.  "Pero sige, ikaw muna ang mag-i-inspect sa branch natin sa San Luis.""Oh, c'mon... Why are you doing this?" "Doing what?" "Bakit kailangang ako ang humarap kay Gregor?  He specifically mentioned two years ago that he didn't want to deal with me anymore.""Bakit nga ba?"
last update最終更新日 : 2021-11-27
続きを読む
前へ
1
...
345678
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status