Hindi magkamayaw ang mga reporter sa harap ng opisina ng Falcon Corp. para makakuha ng panayam kay Olivia Montañez. Isang buwan matapos ang pinal na desisyon niya na hindi magpapakasal kay Carter ay umugong ang bulung-bulungan tungkol sa affairs ng Daddy niya ay kung sino-sinong babae.
Nagbayad sila ng milyon kay Carley para hindi ito magsalita. Nagkaunawaan naman sila ni Carter na ito na ang bahalang magkumbinsi sa Papa nito na huwag nang magsampa ng kaso sa Daddy niya dahil ayaw na ring umuwi sa Pilipinas ni Carley. Pare-parehong makakaladkad ang pangalan nila at pare-pareho silang maabala sa kabi-kabilang hearing maliban pa sa kabi-kabilang reporter na haharang sa kanila.
Pero alam niyang may kinalaman ang Papa ni Carter sa mga naglabasang reklamo sa Daddy niya sa mga affairs nito sa iba't ibang babae. Sa ngayon ay nagmumukmok ang Mommy at Daddy niya sa mansyon sa Dumaran para iwasan ang issue. Walang makakapasok doon. Kaya
"Kailan ka ba babalik dito, Gregor? Baka naman hindi ako makapag-asawa dahil ipinaubaya mo na sa 'kin lahat ng responsibilidad dito?"Tumawa siya sa kabilang linya. Ang dapat na ilang buwan niyang pagbabakasyon sa Maynila ay nauwi sa dalawang taon dahil nagkaroon sila ng partnership ng supplier niya. Mas lumaki ngayon ang Angeles Builders dahil sa dagdag na investors. Siya ang nag-aasikaso sa orders ng kumpanya sa Maynila. Paminsan-minsan ay nagpupunta siya sa Puerto Princesa kapag may importanteng meeting sa malalaking kliyente doon. Minsan naman ay kinakaya na ni Adrian kasama ang buong team ng Angeles Builders. Sa loob ng dalawang taon ay baka wala pang sampung beses siyang bumalik sa Puerto Princesa para dalawin ang kumpanya. At sa lahat ng iyon, iniwasan niyang mapadako sa Falcon Group of Companies. Kahit pa noong lumabas ang balita na ang ama ni Olive ay may hypersexual disorder matapos maglutangan ang mga baba
Alas tres ng hapon dumating sa Puerto Princesa si Gregor kasama si Lovi. Sa apartment na sila tumuloy dahil wala na ang bahay ng Lola niya sa San Luis. "Tatlo ang kwarto dito at may banyo naman sa loob. Feel at home. Bukas pa dadating ang katulong kaya sa labas na muna tayo kakain," aniya kay Lovi."Hmmm... Maganda ang bahay mo. Asawa na lang talaga ang kulang sa 'yo."Napangiti siyang muli sa pangungulit ni Lovi na mag-asawa siya. "Wala pa nga akong balak mag-asawa." Kinuha niya ang maleta nito at dinala sa isang silid. "Bukas tayo pupunta sa opisina. Kapag nagustuhan mo ang trabahong inaalok ko, puwede ka nang magsimula kahit bukas din."Nagtapos naman kasi si Lovi ng Business Management at nagtrabaho sa isang accounting firm bago nito napagdesisyunang maging freelance sales agent ng mga sasakyan. Naging ex-boyfriend kasi nito ang immediate superior kaya't napagdesisyunang mag-re
Hindi alam ni Olive kung paano kikilos sa harap ni Gregor. Nabigla siya sa presensya nito dahil ang alam lang niya ay si Adrian lang ang ka-dinner meeting nila ngayong gabi. Ang sabi pa ni Anthony ay pa-thank you nito sa Angeles Builders ang dinner dahil nagkataong walang nakapunta isa man sa mga ito sa Thanksgiving Party ng Falcon Tower 1.Kanina pa dumadagundong ang dibdib niya sa kaba. Gregor still holds that cold stare everytime he looks at her. Kung puwede nga lang ay hindi siya nito tapunan ng tingin kung hindi lang nagkataong magkaharap sila. Ang atensyon nito'y sa kasama nitong babae na lagi pang nakaalalay ang kamay sa baywang nito. Gustong balewalain ang selos sa dibdib niya pero habang lumalakad ang oras ay tumitindi ang damdaming iyon sa dibdib niya.Pero nasaan si Lenny? Girlfriend ba ni Gregor ang kasama nitong babae sa ngayon?"Natutuwa ako na nagkita tayong muli matapos ang dalawang taon, Gregor. &n
Maaga si Olivia sa opisina kinabukasan dahil madaling araw pa lang ay gising na si Romano. Pagkatulog nito ulit ng alas syete ay nagmadali na siyang naligo. Uuwi na lang siya nang maaga para makalaro ang anak. "You're early," pansin sa kanya ni Anthony nang magpunta siya sa opisina nito."Wala ka bang ibang ipapagawa sa 'kin? Pag-iikot sa mga hotels, pag-monitor ng mga empleyado, o kahit pagwawalis pa dito sa opisina mo. Anything, Anthony, except the project that has to do with Angeles Builders.""Ikaw ang Vice-President sa Finance, Olive, bakit kita ilalagay sa pagmo-monitor ng mga empleyado?" kaswal nitong sagot. "Pero sige, ikaw muna ang mag-i-inspect sa branch natin sa San Luis.""Oh, c'mon... Why are you doing this?""Doing what?""Bakit kailangang ako ang humarap kay Gregor? He specifically mentioned two years ago that he didn't want to deal with me anymore.""Bakit nga ba?"
Kanina pa hindi mapakali si Olivia sa opisina niya matapos sabihin ni Anthony na pupunta sila ni Gregor sa Falcon Hotel. That was ten minutes ago. Anytime ay dadating si Gregor sa opisina niya."May I have a minute with you?" Inangat niya ang tingin at nakitang pumasok si Carter. "Of course." Inayos niya ang upo para kausapin ito."Gustong i-discuss ng team ang schedule ng repair sa elevator 8. We will present new set of proposal. Kasama na doon ang monthly maintenance ng lahat ng elevator dito sa building.""Ngayon? May inuutos sa akin si Anthony.""I can't discuss it with Anthony right now, ilang araw na kaming naghihintay sa kanya.""Sige, mamaya pagbalik ko.""Aalis ka?""We will be visiting San Luis Branch. Pag-aaralan na ang expansion sa lahat ng branches ng Falcon Hotel.""Kasama mo si Anthony?""No. Si Mr. Angeles ang kasama k
"Kumusta ang meeting mo sa mga Falcon, Gregor?" tanong ni Adrian nang makabalik siya sa opisina."Okay naman. Binisita namin ni Olive 'yung casino sa Falcon Hotel. It wasn't bad, but we can do better," kaswal niyang sagot."Kayong dalawa lang?" nakangising tanong pa ng kaibigan. "Walang ibang kasama?""Kami lang nga...""How does it feel?""Ang alin?""Maang-maangan ka pa talaga ha," natatawang wika ni Adrian. "Sige, how does it feel to see Anthony again after a long time?"Humalakhak siya sa biro nito saka napailing."Olive and I have separate lives. Matagal na 'yung nangyari sa 'min.""Bakit parang hindi ako naniniwala?" hirit pa nito."Ikaw pala ang hindi pa nakaka-move on eh. Siyanga pala, niyaya kong mag-lunch si Lovi. Sama ka?""No. Marami akong trabaho sa opisina ko.""Oh, c'mon... Paano mo magugustuhan 'yung tao kung lagi mong iiwasa
Pagdating mg Lunes ay kinailangan niya ulit tawagan si Gregor para makahingi ng appointment. Nakausap naman niya ang sekretarya at sinabing sa hapon pa ang pasok ng binata dahil kararating lang nito galing sa Maynila. Muli niyang pinag-aralan ang design plan ng casino sa San Sebastian branch. Sa tagal niyang katrabaho si Anthony at ang mga engineers ng kumpanya, kahit paano'y dumami na ang kaalaman niya. May mga pointers na ring ibinigay si Anthony sa kanya kung ano ang dapat ipabago.Nang kumatok ang sekretarya ay alam niyang si Gregor na iyon. Inayos niya ang pagkakaupo at tinanggal ang bara sa lalamunan. Hindi siya puwedeng mataranta dahil lang mag-isa niyang haharapin ang dating kasintahan."Good afternoon, Miss Montañez," pormal na bati nito. Ngumiti siya pero nanatiling pormal si Gregor."Please have a sit, Mr Angeles.""May problema ba sa design na ginawa ng team ko?""May mga gusto lang
"Gregor, nakita mo ba na naka-post for bidding ulit ang construction ng Falcon Hotel and Casino sa San Sebastian?" tanong ni Adrian sa kanya makalipas ang ilang araw. "Kailan pa?""Kahapon pa. We already lost it," naiiling na wika ni Adrian. Alam niyang malaki ang panghihinayang nito. Bumigat lalo ang pakiramdam niya na hindi nawala nang ilang araw. Nag-iwan siya ng mensahe kay Anthony noong araw na nanggaling siya sa Falcon Corp. pero hindi naman ito nag-reply. Ngayon ay mapipilitan siyang puntahan na ito sa opisina."If you don't want to do this, it's fine, Gregor," ani Adrian nang makitang nagliligpit siya ng gamit sa mesa. "Pasensya ka na kung napilit ka naming bumalik dito sa Puerto Princesa para d'yan.""Ako ang dapat humingi ng paumanhin," wika naman niya na nakayuko. "Dapat ay hindi ako umalis dahil ako ang General Manager dito. Susubukan kong mabawi ang project kay Anthony."Ma
Sa Hacienda Falcon ginanap ang kasal nila Gregor at Olive. Naroon ang malalapit na kamag-anak, kaibigan, at empleyado ng mga Falcon. Ang tanging bisita ni Gregor ay ang kapatid niyang si Arthur at pamilya nito, ilang tauhan sa Angeles Builders, at ilang malalapit na kaibigan."Kung hindi ko lang kinakatakot na aatras ka sa kasal, hindi ako papayag na dito tayo nagpakasal at titira mula ngayon. I can afford to give you a grand mansion. Ano pa't naging engineer ako?"Ngumiti nang matamis si Olivia habang nakayakap na rin sa kanya. Nag-alisan na ang mga bisita at nakatanaw na lang sila sa malawak na lawn sa ibaba. Alas onse na halos natapos ang party. Si Romano ay kinuha muna ng mga kapatid ni Olive para magkaroon sila ng panahon sa isa't isa."I want our children to have a happy childhood -- yung may malawak na tatakbuhan, malayang makakapaglaro sa damuhan, may mga punong maaakyat. Pag-aari namin ang lupaing ito at g
Maagang umalis si Gregor kasama si Adrian kaya't malayang nakapagtrabaho si Lovi sa opisina. Hindi niya gustong makaharap si Adrian ngayon. Para bang may obligasyon pa siyang magpaliwanag gayung ito ang may babaeng kahawakan ng kamay. Kapit tuko si Michelle sa binata na ikinaseselos niyang talaga.Pero dahil wala naman siyang karapatang magselos, magpapanggap na lang siyang okay siya. Bago matapos ang araw ay nagtipa siya ng resignation letter at iniwan niya sa mesa. Bukas ay kakausapin niya si Gregor na kailangan niya nang bumalik sa Maynila sa lalong madaling panahon para makasama niya ang kanyang Lola.Paglabas niya sa opisina at pagsakay sa elevator ay nakasabay pa niya si Michelle. Masaya itong nagkukuwento sa mga kasamahan nila sa trabaho."Sasagutin ko na si Adrian ngayon," nakangiti pa nitong wika habang kinikilig naman ang kinukwentuhan nito."Ang sw
Kanina pa kinakabahan si Olivia sa kakaibang ikinikilos ni Gregor. Nag-grocery sila pero hindi naman pala ito magluluto sa bahay. Gusto raw nitong makasama ang anak pero hindi pa naman sila umuuwi.Parang may inililihim ito sa kanya dahil kung sino sino rin ang kinakausap nito sa telepono kanina pa. Hindi naman siya nanghihinala na babae ang kausap nito at lalong hindi siya nanghihinala na baka may karelasyon itong iba. Kinausap pa nito si Anthony kanina bago sila umalis sa opisina.Pero ngayong nakita niya ang magandang setup ng pandalawahang mesa sa tabi ng dagat, lalong tumindi ang kaba niya. This isn't a regular dinner. Ang mesa lang nila ang napapalamutian ng magandang bulaklak sa paligid, may string lights mula sa arko hanggang sa dulo ng pasilyo kung saan matatagpuan ang mesa, at higit sa lahat, may rose petals na nakapalibot doon.Sandali nitong kinausap ang may-ari na kanina pa din nakangiti sa ka
Alas singko nang tawagan ni Gregor si Olivia. Galing sila sa meeting ni Adrian pagkatapos ay dumaan siya sa isang jewelry shop para bumili ng singsing. Gusto niyang paghandaan ang proposal kay Olivia na hindi pa niya alam kung paano isasagawa. Mas nauuna ang takot sa dibdib niya."Susunduin kita. Tayo na lang ang mag-grocery.""Suhestyon ba yan o utos?" sarkastiko nitong tanong. Alam niyang iniinis siya nito."It depends on how you take it. Regardless, you still need to say yes."Tila nakita niyang umikot ang mata nito sa inis. Lihim siyang ngumiti."Katatapos lang ng meeting. Mag-uusap lang kami sandali ni Anthony bago ako umalis.""I'll be there in thirty minutes.""Bakit kailangan mo 'kong sunduin?" tanong nito."Why not? Bakit, may iba bang susundo sa 'yo?""Wala naman!" agad nitong tanggi. "Hindi lang ako sanay na may sumusundo sa 'kin. May sari
Kinabukasan pa pumasok si Lovi dahil hindi niya alam kung paano haharap kay Adrian pagkatapos ng mga nangyari. Wala si Gregor kahapon dahil kasama nito si Olivia at doon din ito natulog sa condo ng kasintahan nito.Pagbaba pa lang niya sa jeep sa tapat ng building ng Angeles Builders ay nakita niya na ang paghinto ng sasakyan ni Adrian sa parking lot. Kasunod niyon ay ang pagbaba nito at pag-ikot sa passenger's side para pagbuksan ang sinumang kasama nito sa sasakyan. Kaagad umahon ang selos at galit sa dibdib niya nang makitang ang napapabalitang nililigawan nitong si Michelle ang hawak nito ng kamay.Gusto niyang sumakay ulit sa jeep pero nakaandar na ito. Isang busina naman ang nagpagising sa diwa niya na tila nakaharang siya sa dadaanan nito. Ang gagawin niyang pag-atras ay naudlot nang tinawag ni Gregor ang pangalan niya."Lovi!"Ngumiti siya nang binigyan niya ng espasyo ang kotse nito para makaliko. H
Walang nagawa si Olivia nang doon magpasyang matulog ni Gregor. Naibsan naman na ang mga tanong at takot sa dibdib niya. Pero kahit nagkaayos na sila at nakapagpaliwanag na siya, parang hindi buo ang nakikita niyang pagtanggap ni Gregor sa kanya. Tila may pader pa rin sa pagitan nila na hindi niya maipaliwanag. Tulad kanina, niyakap siya nito matapos niyang umiyak. Pero pagkatapos no'n ay hindi na nasundan. At napansin din niyang tila malalim ang iniisip nito."Tulog na si Romano, magpahinga ka na rin sa silid," wika nito nang matapos nitong dalhin ang bata sa kwarto. Umupo ito sa sofa at naghanap ng mapapanood sa cable TV. Napilitan siyang sundin ang sinabi nito dahil wala na itong ibang sinabi. Nang lumabas siya para magtungo sa kusina matapos ang kalahating oras ay nakapikit na itong nakalalapat ang paa sa center table.Paggising niya sa umaga ay may naaamoy siyang niluluto sa kusina. Alas sais pa lan
Karga ni Gregor ang anak nang sumakay sila sa chopper pabalik sa Puerto Princesa. Hindi naman na nangilala ang anak sa kanya. Tahimik lang si Olive na nasa tabi niya hanggang makabalik sila sa condominium nito. Kinabukasan pa pupunta ang yaya sa condo na isasabay na lang ni Anthony sa umaga."So, what now? What would be our arrangement with Romano?" tanong niya kay Olivia."You can visit him anytime you want, Gregor," mahina nitong sagot. Sa lahat ng galit na ipinakita niya ay hindi ito nagpakita ng panlalaban o paninisi sa kanya. Pero hindi niya alam kung paano aayusin ang relasyon nila ngayon matapos nitong hindi magtiwala at maniwala sa kakayanan niya.Siguro nga ay may pinagdadaanan ito noong buntis ito kay Romano. Pero ilang beses din niyang ipinilit ang sarili niya noon na paulit-ulit tinanggihan ni Olivia."I will stay overnight.""Hindi ka pwede dito matulog," agad nitong tanggi sa suhestyon niya.
Nang dumating si Gregor sa condo niya ay seryoso pa rin ang mukha nito. Hindi niya alam kung paano itatama ang iniisip nito na ang gusto lang niya ay itago ang relasyon nila. Hindi rin niya alam kung bakit umabot sila sa gano'n gayung pareho naman nilang mahal ang isa't isa. "N-nakahanda na ang chopper..." mahina niyang wika dahil hindi naman tumitingin si Gregor sa kanya. Sumunod naman ito sa kanya hanggang makasakay sila sa chopper. Kinakabahan din siya sa pagkikita ng mag-ama. Ang nasa mansyon lang ngayon ay ang Auntie Margarita at Uncle Antonio niya. Paglapag sa Dumaran ng chopper ay tumuloy sila sa mansyon. Sinalubong sila ni Margarita sa hardin. Ipinakilala niya si Gregor sa tiyahin. "Si... Gregor ho, Auntie... Siya ho ang ama ni Romano..." "Magandang araw ho," bati ni Gregor na kinamayan ang Auntie Margarita niya. "Magandang araw din, iho. Pumasok kayo. Ipaghahanda ko kay
"It's okay, Anthony," wika ni Olive sa pinsan nang tumawag ito para sabihin na alam na ni Gregor na may anak siya. He knew that that child was his too. Ngayon ay hindi niya alam kung paano haharapin ang kasintahan dahil hindi siya nagkusang magtapat dito.Alas sais ng umaga nang puntahan niya ang apartment ni Gregor na ngayon lang niya narating sa kauna-unahang pagkakataon. Nag doorbell siya na kaagad namang pinagbuksan ng katulong."Sino ho sila?""Hmmm... Olivia Montañez ho... Kasintahan ni Gregor. Nariyan ho ba siya?" alanganin niyang tugon."Tulog pa ho si Sir Gregor.""Anong oras ho ba siya nagigising?" tanong niya dahil tanghali na."Susubukan ko hong katukin," wika ng katulong na umalis sandali sa harap niya. Pagbalik nito'y sinabi nitong pumasok na siya dahil kagigising lang ni Gregor.Pumasok siya sa gate at sa kabahayan. Tila isang townhouse ang b