Home / Romance / Heiress of Fire / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Heiress of Fire: Chapter 11 - Chapter 20

75 Chapters

Chapter 11

"Do you know each other?" May hinalang wika ni Anthony na ikinagulat ni Olive. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ng pinsan nang hindi mapapahiya."Long time ago, can't really recall," kibit-balikat na sagot ni Gregor na marahil ay nahalata ang pag-atubili niya. "So how are you, Ms. Montañez?" Kung may sarkastiko sa wika nito ay hindi niya alam."I'm f-fine." Umupo siya sa swivel chair dahil tila bibigay ang tuhod niya. How ironic life is. Ang taong gusto nilang gipitin ngayon ay ang taong pinagkatiwalaan niya ng pagkababae niya halos isang linggo na ang nakakalipas."You're still beautiful as I remember," makahulugang wika nito. Pinamulahan siya ng mukha at gustong itigil na nito ang pagbibigay ng hint kay Anthony na magkakilala nga sila."Thank you." Kinuha niya ang kape sa mesa at dinala sa bibig.  Saglit siyang napaso pero sinikap pa rin niyang maging kaswal.
last updateLast Updated : 2021-10-11
Read more

Chapter 12

Ibinagsak ni Olive ang telepono sa mesa nang matapos ang ring at hindi iyon sinagot ni Gregor.  Tinawagan din siya ng manager ng banko na pinakansela ni Gregor ang renewal ng loan nito.  Alam niyang wala na rin itong balak pang maging supplier at contractor ng itatayong condominium.Tumayo siya at pinuntahan ang opisina ni Anthony.  Kasalukuyan itong nagdi-discuss sa secretary tungkol sa schedule nito maghapon.  Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ang secretary."Tumawag si Ms. Corpuz, binawi na ni Gregor ang renewal ng loan niya." "So it's Gregor now,"  wika nitong nakatitig sa kanya.  Pinilit niyang manatiling pormal sa harap ng pinsan sa kabila ng ibang kahulugan sa tinig ni Anthony."I suggest we still get him as the contractor and supplier of the Falcon Condo.  By then, baka mapapapayag natin siya na ipagbili ang lupa.""At kung hindi
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more

Chapter 13

Kinabukasan ay ang banko na ang tumawag na approve na ang loan niya.  Hindi na siya nagulat.  Wala na siyang dahilan para umatras.  Bago rin matapos ang araw ay natanggap niya ang draft ng contract in between Falcon Condominium and Angeles Builders Inc.  Lahat iyon ay naaayon sa terms and conditions niya. Muling sumagi sa isip niya ang mukha ni Olive.  Noong una'y handa siyang sumugal at bigyan ng tyansa ang anumang nasimulan nila sa El Nido.  Ngayong nalaman niya kung sino talaga ito ay nagbago ang isip niya.  Masasabi mang may kumpanya siya ay wala pa sa kalingkingan iyon sa yaman ng mga Falcon.  At ayaw niyang maakusahang gold-digger.Pero hindi niya alam kung kaya niyang iwasan ang dalaga lalo't madalas niya itong makikita ngayon kapag tinanggap niya na ang proyekto.  Ang nangyari kahapon sa opisina niya ay isa nang halimbawa.  Magtama lang ang paningin nila'y gusto nang sumasabog ng damdamin niya dito.  
last updateLast Updated : 2021-11-01
Read more

Chapter 14

Maagang pumasok si Olive kinabukasan sa kabila nang hindi pagkatulog sa nagdaang gabi.  Ang mga salitang binitawan ni Gregor kahapon ay nagpagising sa kanya sa katotohanan -- hindi totoong may damdamin ang binata sa kanya.At may girlfriend din ito kaya't malabo na magkaroon pa sila nang tyansang dalawa.  Whatever they had in El Nido was just pure lust.  Lalaki ito at nagpakita marahil siya ng interes.  Bagama't hindi niya alam kung saan banda kahit ilang beses niyan balik-balikan ang mga nangyari.And it's over now.  At dahil aprobado na ang loan nito sa banko at nasa proseso na rin ang kontrata na ang kumpanya nito ang magsu-supply ng construction materials sa itatayong Falcon Condominium, wala na ring paraan para umiwas.  Tiyak siyang hindi kahapon ang magiging huli nilang pagkikita.Pilit niyang inabala ang sarili sa trabaho pero hindi maalis sa isip niya ang nangyaring paghalik nito sa kanya kahapon.  He was trying to resi
last updateLast Updated : 2021-11-02
Read more

Chapter 15

"What are you doing here?" tanong ni Olive sa kanya.  Kahit siya ay hindi alam kung bakit lakas loob siyang sumunod sa opisina nito gayung halos itaboy niya na ito noong isang araw."Another man on the line, huh..." sarkastiko pa niyang wika para itago ang selos. "Who?  Carter?" tanong naman nito na umupo sa swivel chair at pinagkrus ang mga hita."May iba pa ba?  Kunsabagay... Noong una'y iba ang kasama mo.  Tapos nagawa mong ipagkaloob ang sarili mo sa 'kin na isang estranghero...""Kung nandito ka para insultuhin ako, umalis ka na," pigil ang inis nitong wika.  "Wala akong commitment sa kahit na sino kaya karapatan ko na sumama sa ibang lalaki."Totoo naman ang sinabi nito.  Siya na ang wala sa lugar, siya pa ang matapang na sugurin ito ngayon."Is he your lover?"Isang kibitbalikat ang pinakawalan niya.  "Kararating lang niya noong isang araw.  But he was an old flame.
last updateLast Updated : 2021-11-04
Read more

Chapter 16

Ibinaba ni Olive ang telepono at sinubukan pang umirap sa kanya.  Itinukod niya ang mga kamay sa mesa nito at bahagyang yumuko."Do you know that I recognized your voice the first time I heard it?""Huwag mo na 'kong bolahin, Gregor.""Nagsasabi ako ng totoo.  Kahit tinarayan mo 'ko sa telepono at tinanggihan na ang proposal ko, hindi mawala sa balintataw ko ang lambing ng boses mo.  I could've recognized you in El Nido if only you used your name Olive.  Dahil ikaw rin talaga ang sumagi sa isip ko noong una tayong nagkausap nang personal.  "This is a business meeting, not an acquaintance party.""Okay then, shall we?""Dito na lang tayo mag-meeting," suhestyon ni Olive. Inikot niya ang paningin sa opisina nito.  A grand executive office.  Walang-wala sa kalingkingan ng opisina niya.  Bawat sulok ng silid ay hindi biro ang halaga."Shall I call you Olive?""Miss Monta&nt
last updateLast Updated : 2021-11-05
Read more

Chapter 17

Pinagmasdan ni Olive si Gregor habang gumagawa ito ng kape para sa kanilang dalawa.  Dapat ay kanina pa niya ito pinaalis dahil hindi ito dapat magtagal sa condo niya.  May girlfriend ito.   Gayunman ay hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya ito mapaalis.  At parang may saya sa puso niya na siya ang pinili nitong makasama ngayon kaysa ang kasintahan nito.  Kahit alam niyang mali.   "Do you love living alone?  I mean... this house is lonely without a company," ani Gregor nang maupo sila sa dining room. "Nakasanayan ko na rin.  Noong una'y nahirapan ako, kasi sa Dumaran naman talaga ako nakatira.  Pero dahil ako ang panganay, at wala namang ibang makakatulong si Anthony, kailangan kong matutong maging independent." "So... sino 'yung lalaki na unang kasama mo sa restaurant?" "That was Rico.  My ex-boyfriend." "What happened?  Bakit ngayon ang sabi mo single ka na?" 
last updateLast Updated : 2021-11-06
Read more

Chapter 18

Mabigat ang katawan na bumangon si Olive kinabukasan.  Alas singko pa lang ng umaga.  Nakita niyang may mga tawag si Gregor pero hindi niya nakita dahil nakatulog na siya nang mahimbing.Tumunog muli ang telepono niya bago siya magtungo sa banyo para maligo.  Dumapa siya sa kama nang itapat sa tainga ang telepono at sinagot iyon."Hello...""Did you dream about me last night?" tanong nito nang pabulong.  His husky voice brought shivers to her spine.  Hindi niya alam kung bakit ganito katindi ang epekto ni Gregor sa kanya."I slept well.  Bihira naman akong managinip," nakatawa niyang sagot.  "I dreamt about you," kwento naman nito."Anong panaginip mo sa 'kin?  I hope it wans't a nightmare.""I always dream of you babe... I dream of running my fingers through your hair... kissing your lips...""Okay, enough..." aniya na tumayo na at kinuha ang twalya sa paanan ng kama.  "Did
last updateLast Updated : 2021-11-07
Read more

Chapter 19

"Saan ka galing?" tanong ni Lenny nang pumasok siya sa apartment.  Dumaan na siya ng kape at sandwich sa isang restaurant bago umuwi.  Alam niyang magtataka ang kasintahan kung bakit siya lumabas nang maaga."Nagpa-carwash ako," pagdadahilan niya.  "Dumaan na rin ako ng kape d'yan sa labas.""Hindi ka yata nagmamadali pumasok ngayon?  Halos alas otso na?"Alam niya ang ibig sabihin ni Lenny.  Dati alas syete pa lang aligaga na siyang umalis sa bahay dahil iniiwasan niya ang pagsisilbi nito tulad ng pagtimpla ng kape at paghahanda ng gamit niya."Katatapos lang ng monthly report ni Malou," pagdadahilan niya na ang tinutukoy ay ang head niya sa Accounting Department.  "Re-review-hin ko na lang naman kaya kahit hindi ako pumasok nang maaga.""Mag-shopping naman kaya tayo?  Hindi na tayo nakakalabas kasi puro ka trabaho.  Wala na 'kong bagong damit, kaunti lang kasi ang dinala ko.""Hmmm... Sige...
last updateLast Updated : 2021-11-08
Read more

Chapter 20

Paggising niya sa umaga ay naroon pa rin si  Lenny sa apartment niya.  Hindi naman niya ito gustong madaliin na umalis dahil hindi pa ito nakakahanap ng malilipatang apartment."Papasok ka pa rin ba sa opisina?" tanong niya dito. "Gusto mo na rin ba akong itaboy doon?""No.  Kailangan namin ng maraming empleyado ngayon dahil nagsisimula na ang project sa Falcon Tower 1.  May bali-balita na may Tower 2 kaagad na kasunod kapag nagtagumpay ito kaya't kailangang wala tayong maging aberya.""Salamat naman.  Akala ko gagawin mo 'kong parang pulubi palibhasa may nakahanap ka ng iba," sarkastiko nitong wika."I'm sorry..." paghingi pa rin niya ng paumanhin.&nbs
last updateLast Updated : 2021-11-12
Read more
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status