Paggising niya sa umaga ay naroon pa rin si Lenny sa apartment niya. Hindi naman niya ito gustong madaliin na umalis dahil hindi pa ito nakakahanap ng malilipatang apartment.
"Papasok ka pa rin ba sa opisina?" tanong niya dito.
"Gusto mo na rin ba akong itaboy doon?"
"No. Kailangan namin ng maraming empleyado ngayon dahil nagsisimula na ang project sa Falcon Tower 1. May bali-balita na may Tower 2 kaagad na kasunod kapag nagtagumpay ito kaya't kailangang wala tayong maging aberya."
"Salamat naman. Akala ko gagawin mo 'kong parang pulubi palibhasa may nakahanap ka ng iba," sarkastiko nitong wika.
"I'm sorry..." paghingi pa rin niya ng paumanhin.&nbs
"Did you receive the flowers?" tanong ni Gregor sa kanya nang tumawag para kompirmahin ang dinner nila. "Yes. Thank you...""Hmmm... Bakit parang may kasunod pa 'yang sasabihin mo?""I'm sorry... May family dinner kami dahil dumating sina Mama.""So... Our dinner is cancelled," he assumed. "Some other time maybe?""Text me when you get home, mag-o-overtime na lang ako sa opisina," wika nito. "Hindi na, Gregor. Bukas na lang ng umaga siguro. Hindi naman ako papasok nang maaga," suhestyon niya dahil hindi niya alam kung anong oras sila makakauwi. Masyadong gagabihin si Gregor. Isa pa, ihahatid siyang tiyak ni Carter sa condo niya. Ayaw niyang magkaabot ang dalawa doon."Okay sige, tatapusin ko lang ang trabaho ko dito sa opisina uuwi na rin ako. I might get some of my things at my apartment and then I'll go straight to San Luis.""Bakit sa San Luis?" 
Nang makaakyat si Olive sa condo nito ay umalis kaagad si Gregor doon. Sa bahay ng Lola niya sa San Luis siya magpapalipas ng gabi hangga't hindi pa lumilipat ng apartment si Lenny. Pagdating sa bahay niya ay kaagad siyang naglabas ng whiskey para makatulog. Hindi maalis sa isip niya ang kaninang narinig na pag-uusap ng mga magulang ni Olive sa magulang ni Carter. Gusto niyang ilaban ang pagmamahal niya sa dalaga pero ang totoo'y naduduwag siya. Una, hindi niya alam kung paano haharap sa mga magulang ng kasintahan dahil milya milya ang pagitan ng yaman nila. Pangalawa, ano ba ang laban niya kay Carter na bukod sa mas malapit ang edad kay Olive, may-ari pa ng stocks sa National Bank? Sa kabila ng mga agam-agam niya'y maaga pa rin siyang nagtungo sa condo ni Olive. "Coffee delivery," wika niya nang buksan nito ang pinto. "Ang aga mo? Hindi naman ako papasok ng maaga sa opisina hindi tulad kahapon."
At dahil naninibugho ang dibdib niya dahil kasama ni Olive si Carter ngayon, naghintay siya sa isang coffeeshop na malapit sa condo ng kasintahan. Hindi siya papayag na sa dalawang linggo nilang pagkakaroon ng pormal na relasyon ay itatago lang siya nito gayung handa naman siyang ipaglaban ito. Handa niyang patunayan sa pamilya nito na hindi yaman ng mga Falcon ang habol niya.Nang matanaw niya bumaba si Olive sa sasakyan ni Carter ay tumayo na rin siya kahit hindi pa tapos ang in-order na kape. Pangalawa niya na 'yon dahil kanina pa siya dito sa coffeeshop. Habang naglalakad patawid sa condo ay nakita pa niyang humalik si Carter sa pisngi ni Olive. "What was that?" tanong niya kay Olive nang maabutan niya ito sa elevator. Hindi ito nagsalita hanggang marating nila ang unit nito."Ano'ng ginagawa mo dito?" takang tanong nito. "Visiting my girlfriend after another man sent her home," sarkastiko niyang sago
Mula sa tapat ng isang convenience store ay kita ni Gregor na magkasamang bumaba si Carter at Olive sa sasakyan ng una. Isang bar ang pinuntahan ng mga ito. Olive lied to him when she said she was going with her cousin Anthony.Bukod sa sakit, hindi niya alam kung ano pa ang dapat niyang maramdaman. Selos? Insulto? Karma ba ito sa kanya dahil nagsakripisyo na si Lenny na mamalagi sa Palawan para makasama siya pero nakipaghiwalay lang siya sa kasintahan? Nilisan niya ang lugar nang 'yon nang naninikip ang dibdib. Hindi niya alam kung kaya niyang komprontahin si Olive sa pagsisinungaling nito sa kanya. Baka sa huli ay makipaghiwalay lang ito at sabihing nasasakal sa kanya. Hindi niya kaya. Baka dahil sa agwat ng edad nila kaya hindi sila nagkakasundo minsan.Pero hindi niya ito susukuan. "Are you busy? Puwede ka bang makausap?" tanong ng kaibigang si Adrian kinabukasan habang nakasubs
Ipinagpasalamat ni Olive na hindi dumaan sa kanya si Gregor kaninang umaga dahil malalaman nito na madaling araw na siyang nakauwi. Na-miss niya ang mag-party matapos na sunod-sunod na linggo siyang maging abala sa project ng Falcon Corp. At kahit kasama niya si Carter na siyang gustong ipakasal sa kanya, hindi siya nakaramdam na napi-pressure siya. Carter wants her to be his wife, pero hindi nito ipinipilit ang sarili. Habang si Gregor ay panay ang demand sa kanya ngayon na ilantad niya na ang relasyon nilang dalawa.She loves him, there's no doubt about it. Pero alam niyang tututol lang ang Mommy at Daddy niya dahil si Carter ang napupusuan ng mga ito para sa kanya. And she hates being pressured. Pinagmasdan niya ang bulaklak na ipinadala ni Gregor. Kinuha niya ang tarheta doon at itinago sa drawer niya. Kapag nakita iyon ni Anthony ay tiyak na magtatanong ito kung bakit siya laging pinadadalhan ng bulaklak.
Pakiramdam ni Olive ay may kasalanan siyang kailangang pagbayaran. Nang bumalik si Gregor sa harap niya ay niluwagan niya ang necktie nito. Pinigilan naman nito ang kamay niya."I think we'll have dinner first."Tila naman napahiya siya sa pagpigil nito sa kanya. "Galit ka eh...""Hindi nga...""Then, why won't you allow me to make love to you here? Nagkabalikan ba kayo ng ex-girlfriend mo?""Of course not! You know that I love you and I will never hurt you. Not intentionally at least," mahina nitong wika. Humalik ito sa gilid ng pisngi niya pero iniiwas nitong dumampi ang labi sa labi niya. He was teasing her."Did Carter tried to kiss you?" tanong nito. "At the bar?""Hindi naman ako papayag no!" tanggi niya. Pero ilang beses siyang inakbayan ni Carter at sinubukang halikan sa pag-aakalang lasing na siya."You are a desirable woman, Olive. I won't
Where is Gregor?" tanong ni Anthony nang pumasok sa opisina ni Olive. "I think he left already," kaswal niyang sagot. Pilit niyang itinatago sa mga mata ang damdamin niya sa kasintahan. "Why?" "We are suppose to talk about the expansion in San Luis. Bakit umalis?" "Hindi ko alam, Anthony. You can call him." "Bakit parang may alitan kayo ni Mr. Angeles? May dapat ba akong malaman, Olivia?" nakakunot ang noo nitong tanong. Pilit niyang inililiko ang mga sagot. "Wala, Anthony. Napapayag ko na siyang ipagbili ang lupa niya para masimulan na ang project. That's all." "At paano mo siyang napapayag, aber? What did you do? Ano ang kapalit nang pagpayag niya?" "Wala nga," pagtanggi pa rin niya. "Now that he is selling his property, you can talk to him directly. Ginawa ko na ang parte ko. Okay?" Hindi pa rin naalis
Ilang araw nang tumatawag si Gregor kay Olive pero hindi ito sumasagot. Kahit sa opisina ay wala raw ito sabi ng sekretarya ng kasintahan. Tila ba tinapos na nito ang anumang ugnayan nila nang ganoon lang."Baka naman gusto lang talagang mag-isip kung ano ang magandang gawin sa sitwasyon niyo," katwiran ni Adrian. "Hindi nga rin naman talaga madali ang malamang buntis ngayon ang dati mong girlfriend.""Kaya nga iniintindi ko na lang. Bibigyan ko s'ya ng panahon na mapag-isa, pero hindi ako susuko. Hihingi ako nang hihingi ng tawad kung kinakailangan.""Baka naman sumobra ang pagpapakumbaba mo sa isang Falcon na hindi ka na nagtitira sa sarili mo?" paalala naman ng kaibigan."Hindi ko na nga alam kung ano pa ang dapat kong gawin," naiiling niyang wika."Kung ginawa mo na ang lahat, leave it as it is, Gregor. Hindi mo naman kasi mapipilit ang taong ayaw nang makipag-usap sa 'yo."Hindi niya matan
Sa Hacienda Falcon ginanap ang kasal nila Gregor at Olive. Naroon ang malalapit na kamag-anak, kaibigan, at empleyado ng mga Falcon. Ang tanging bisita ni Gregor ay ang kapatid niyang si Arthur at pamilya nito, ilang tauhan sa Angeles Builders, at ilang malalapit na kaibigan."Kung hindi ko lang kinakatakot na aatras ka sa kasal, hindi ako papayag na dito tayo nagpakasal at titira mula ngayon. I can afford to give you a grand mansion. Ano pa't naging engineer ako?"Ngumiti nang matamis si Olivia habang nakayakap na rin sa kanya. Nag-alisan na ang mga bisita at nakatanaw na lang sila sa malawak na lawn sa ibaba. Alas onse na halos natapos ang party. Si Romano ay kinuha muna ng mga kapatid ni Olive para magkaroon sila ng panahon sa isa't isa."I want our children to have a happy childhood -- yung may malawak na tatakbuhan, malayang makakapaglaro sa damuhan, may mga punong maaakyat. Pag-aari namin ang lupaing ito at g
Maagang umalis si Gregor kasama si Adrian kaya't malayang nakapagtrabaho si Lovi sa opisina. Hindi niya gustong makaharap si Adrian ngayon. Para bang may obligasyon pa siyang magpaliwanag gayung ito ang may babaeng kahawakan ng kamay. Kapit tuko si Michelle sa binata na ikinaseselos niyang talaga.Pero dahil wala naman siyang karapatang magselos, magpapanggap na lang siyang okay siya. Bago matapos ang araw ay nagtipa siya ng resignation letter at iniwan niya sa mesa. Bukas ay kakausapin niya si Gregor na kailangan niya nang bumalik sa Maynila sa lalong madaling panahon para makasama niya ang kanyang Lola.Paglabas niya sa opisina at pagsakay sa elevator ay nakasabay pa niya si Michelle. Masaya itong nagkukuwento sa mga kasamahan nila sa trabaho."Sasagutin ko na si Adrian ngayon," nakangiti pa nitong wika habang kinikilig naman ang kinukwentuhan nito."Ang sw
Kanina pa kinakabahan si Olivia sa kakaibang ikinikilos ni Gregor. Nag-grocery sila pero hindi naman pala ito magluluto sa bahay. Gusto raw nitong makasama ang anak pero hindi pa naman sila umuuwi.Parang may inililihim ito sa kanya dahil kung sino sino rin ang kinakausap nito sa telepono kanina pa. Hindi naman siya nanghihinala na babae ang kausap nito at lalong hindi siya nanghihinala na baka may karelasyon itong iba. Kinausap pa nito si Anthony kanina bago sila umalis sa opisina.Pero ngayong nakita niya ang magandang setup ng pandalawahang mesa sa tabi ng dagat, lalong tumindi ang kaba niya. This isn't a regular dinner. Ang mesa lang nila ang napapalamutian ng magandang bulaklak sa paligid, may string lights mula sa arko hanggang sa dulo ng pasilyo kung saan matatagpuan ang mesa, at higit sa lahat, may rose petals na nakapalibot doon.Sandali nitong kinausap ang may-ari na kanina pa din nakangiti sa ka
Alas singko nang tawagan ni Gregor si Olivia. Galing sila sa meeting ni Adrian pagkatapos ay dumaan siya sa isang jewelry shop para bumili ng singsing. Gusto niyang paghandaan ang proposal kay Olivia na hindi pa niya alam kung paano isasagawa. Mas nauuna ang takot sa dibdib niya."Susunduin kita. Tayo na lang ang mag-grocery.""Suhestyon ba yan o utos?" sarkastiko nitong tanong. Alam niyang iniinis siya nito."It depends on how you take it. Regardless, you still need to say yes."Tila nakita niyang umikot ang mata nito sa inis. Lihim siyang ngumiti."Katatapos lang ng meeting. Mag-uusap lang kami sandali ni Anthony bago ako umalis.""I'll be there in thirty minutes.""Bakit kailangan mo 'kong sunduin?" tanong nito."Why not? Bakit, may iba bang susundo sa 'yo?""Wala naman!" agad nitong tanggi. "Hindi lang ako sanay na may sumusundo sa 'kin. May sari
Kinabukasan pa pumasok si Lovi dahil hindi niya alam kung paano haharap kay Adrian pagkatapos ng mga nangyari. Wala si Gregor kahapon dahil kasama nito si Olivia at doon din ito natulog sa condo ng kasintahan nito.Pagbaba pa lang niya sa jeep sa tapat ng building ng Angeles Builders ay nakita niya na ang paghinto ng sasakyan ni Adrian sa parking lot. Kasunod niyon ay ang pagbaba nito at pag-ikot sa passenger's side para pagbuksan ang sinumang kasama nito sa sasakyan. Kaagad umahon ang selos at galit sa dibdib niya nang makitang ang napapabalitang nililigawan nitong si Michelle ang hawak nito ng kamay.Gusto niyang sumakay ulit sa jeep pero nakaandar na ito. Isang busina naman ang nagpagising sa diwa niya na tila nakaharang siya sa dadaanan nito. Ang gagawin niyang pag-atras ay naudlot nang tinawag ni Gregor ang pangalan niya."Lovi!"Ngumiti siya nang binigyan niya ng espasyo ang kotse nito para makaliko. H
Walang nagawa si Olivia nang doon magpasyang matulog ni Gregor. Naibsan naman na ang mga tanong at takot sa dibdib niya. Pero kahit nagkaayos na sila at nakapagpaliwanag na siya, parang hindi buo ang nakikita niyang pagtanggap ni Gregor sa kanya. Tila may pader pa rin sa pagitan nila na hindi niya maipaliwanag. Tulad kanina, niyakap siya nito matapos niyang umiyak. Pero pagkatapos no'n ay hindi na nasundan. At napansin din niyang tila malalim ang iniisip nito."Tulog na si Romano, magpahinga ka na rin sa silid," wika nito nang matapos nitong dalhin ang bata sa kwarto. Umupo ito sa sofa at naghanap ng mapapanood sa cable TV. Napilitan siyang sundin ang sinabi nito dahil wala na itong ibang sinabi. Nang lumabas siya para magtungo sa kusina matapos ang kalahating oras ay nakapikit na itong nakalalapat ang paa sa center table.Paggising niya sa umaga ay may naaamoy siyang niluluto sa kusina. Alas sais pa lan
Karga ni Gregor ang anak nang sumakay sila sa chopper pabalik sa Puerto Princesa. Hindi naman na nangilala ang anak sa kanya. Tahimik lang si Olive na nasa tabi niya hanggang makabalik sila sa condominium nito. Kinabukasan pa pupunta ang yaya sa condo na isasabay na lang ni Anthony sa umaga."So, what now? What would be our arrangement with Romano?" tanong niya kay Olivia."You can visit him anytime you want, Gregor," mahina nitong sagot. Sa lahat ng galit na ipinakita niya ay hindi ito nagpakita ng panlalaban o paninisi sa kanya. Pero hindi niya alam kung paano aayusin ang relasyon nila ngayon matapos nitong hindi magtiwala at maniwala sa kakayanan niya.Siguro nga ay may pinagdadaanan ito noong buntis ito kay Romano. Pero ilang beses din niyang ipinilit ang sarili niya noon na paulit-ulit tinanggihan ni Olivia."I will stay overnight.""Hindi ka pwede dito matulog," agad nitong tanggi sa suhestyon niya.
Nang dumating si Gregor sa condo niya ay seryoso pa rin ang mukha nito. Hindi niya alam kung paano itatama ang iniisip nito na ang gusto lang niya ay itago ang relasyon nila. Hindi rin niya alam kung bakit umabot sila sa gano'n gayung pareho naman nilang mahal ang isa't isa. "N-nakahanda na ang chopper..." mahina niyang wika dahil hindi naman tumitingin si Gregor sa kanya. Sumunod naman ito sa kanya hanggang makasakay sila sa chopper. Kinakabahan din siya sa pagkikita ng mag-ama. Ang nasa mansyon lang ngayon ay ang Auntie Margarita at Uncle Antonio niya. Paglapag sa Dumaran ng chopper ay tumuloy sila sa mansyon. Sinalubong sila ni Margarita sa hardin. Ipinakilala niya si Gregor sa tiyahin. "Si... Gregor ho, Auntie... Siya ho ang ama ni Romano..." "Magandang araw ho," bati ni Gregor na kinamayan ang Auntie Margarita niya. "Magandang araw din, iho. Pumasok kayo. Ipaghahanda ko kay
"It's okay, Anthony," wika ni Olive sa pinsan nang tumawag ito para sabihin na alam na ni Gregor na may anak siya. He knew that that child was his too. Ngayon ay hindi niya alam kung paano haharapin ang kasintahan dahil hindi siya nagkusang magtapat dito.Alas sais ng umaga nang puntahan niya ang apartment ni Gregor na ngayon lang niya narating sa kauna-unahang pagkakataon. Nag doorbell siya na kaagad namang pinagbuksan ng katulong."Sino ho sila?""Hmmm... Olivia Montañez ho... Kasintahan ni Gregor. Nariyan ho ba siya?" alanganin niyang tugon."Tulog pa ho si Sir Gregor.""Anong oras ho ba siya nagigising?" tanong niya dahil tanghali na."Susubukan ko hong katukin," wika ng katulong na umalis sandali sa harap niya. Pagbalik nito'y sinabi nitong pumasok na siya dahil kagigising lang ni Gregor.Pumasok siya sa gate at sa kabahayan. Tila isang townhouse ang b