Hindi ako mahilig sa mga bata, kahit pa noong nag-aaral pa ako. Tanging si Zoren lamang ang nakahiligan ko. Kasi para sa akin, ang mga bata ay nakakainis, makukulit at maiingay. Ngunit bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hindi nga bata ang dapat kong alagaan ngayon, pero isa namang makisig at mala-adonis na nilalang. Napapatanong tuloy ako kung ano ba talaga ang mas maganda?Ang mag-alaga ng isang bata o ng tulad niyang isip-bata?Sabi ko sa sarili ko, kahit anong trabaho nalang ay papasukin ko. Kaya kahit gaano pa kahirap ang isang ito, paninindigan ko hanggang dulo."Sir Gio, upo ka muna riyan..." sabi ko at itinuro sa kaniya ang isang high chair dito sa may kitchen. Tumingin lang siya sa akin at nanatiling tuod na nakatyo roon. Narinig ko ang bulungan ng mga kasambahay na kasalukuyang naririto. Sa pagkakatanda sa mga pangalan nila ay sila sina ate Carmen, ate Susan, ate Jody at ate Malou. Sa tingin ko din ay kasapi sila ng mga kapitbahay nam
Last Updated : 2022-01-17 Read more