Share

Babysitting The Heartless Madrial
Babysitting The Heartless Madrial
Author: xxavy

Chapter 1

Author: xxavy
last update Last Updated: 2021-09-02 17:41:08

"Nakakabwisit!"

Huminto ako sa mabibigat kong paghakbang habang hindi parin nawawala ang pagkasimangot ng mukha.

"Oh? Anong nangyari? Natanggap ka? Ito na ba?" Hinarap ko si Genelyn, matalik kong kaibigan magmula noon pa man. Nagniningning ang kaniyang mga mata na sobrang umaasa.

Mas humaba ang nguso ko, nanlanta ang pagkakahawak ko sa mga papeles at dokumento, bumagsak ang mga balikat ko at naiiyak siyang tiningnan. Kalalabas ko lamang sa isa sa mga kumpanyang tanyag dito sa lugar namin. Pero katulad ng hindi na mabilang kong subok, lumabas akong bigo.

Papaano ko ba sasabihin sa kaniya? Wala nang bago. Nakakasawa na 'yung ganito. Na ang kislap sa mga mata namin, galak at pinaghalong excitement at kaba ay kaagad rin maglalaho na parang bula. Bakit kasi kay ilap ng swerte sa akin?

"Hindi parin, e..." umiling-iling ako. Nasaksihan ko ang panlulumo niya."Wala na daw bakanteng slots. Nahuli ako..." humina ang boses kong nangangatal.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at humakbang palapit sa akin. Ang simple niya lang sa suot na pink buttoned blouse at black fitted jeans, maikli ang itim na itim na buhok ngunit tuwid na parang ni-rebond, hindi kagaya ng akin na parang hindi sinusuklayan at nakakainis sa sobrang dami ng split ends.

Tuluyan na akong kinain ng emosyon nang yakapin niya ako. Sumubsob ako sa balikat niya habang hinahagod niya ang aking likuran.

"Awts, okay lang 'yan, bessy! Atleast sumubok ka parin 'di ba? Sumubok parin tayo. Ayos lang 'yan, marami pang pagkakataon. Baka hindi lang talaga para sa 'yo ang oportunidad na 'to," pag-aalo niya, ramdam ko ang sinseridad doon.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya para siya'y harapin."Kung para sa iba, kailangan pa iyong para sa akin? Gen, halos dalawang buwan na tayong pagala-gala para sumugal, namamasahe at nangungutang sa pagbabaka sakaling matanggap kahit janitress man lang. Pero hanggang ngayon, wala paring nangyayari. Parang paulit-ulit nalang ang nangyayari, hindi mo ba napapansin? O sadyang malas lang talaga ako? Tingin mo?" Mahaba kong sabi na ikinangiwi niya.

"Hindi ka malas, gaga. Hindi pa lang talaga tamang pagkakataon para sa 'yo! So tama na ang drama, Aly, okay?" Umurong ang luha ko at napairap nalang ako maging sa pagtawag niya sa akin gamit ang nickname ko na siya lang ang nag-imbento.

Tawag sa akin sa bahay ay Yana habang heto siya at Aly ang ginawang palayaw ko. Kumusta naman ako? Nahihilo na ako sa kanila. Ewan ko ba sa babaeng ito at iyon pa ang napiling nickname ko tapos minsan ay dinadagdagan niya pa ng "masag" so it always end up into alymasag like as in, a crab. Literal, ang sarap niya minsang sabunutan. Ganoon ang atake niya sa akin sa tuwing naaasar ko na siya. Minsan napapaisip na lang ako kung mukha ba akong alimasag?

Ang ganda ko namang alimasag. Duh.

"Alam mo d'yan ka talaga magaling 'no? Sa pagpapalubag ng loob ko."

"Naman!" Pagmamalaki pa ng gaga na parang proud na proud sa ginagawa niya.

Halos hilutin ko ang sentido. Hay nako.

"At pwede ba tigil-tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Aly? Para namang tanga, Gen." Nagsalubong ang kilay ko, kunwari ay galit. Pero dahil si Gen siya, hindi niya iyon seseryosohin.

Sa halip ay nag ngising-aso siya."Ayaw mo no'n? May magandang nag-create sa 'yo ng nickname! Please lang, hindi mo ba alam ang salitang appreciation? Hello, girl. Pinaglaanan ko pa iyon ng effort! Appreciate my effort naman. You're hurting my feelings!" Napabuntong hininga nalang ako nang magpapadyak siya na parang bata habang nakakapit sa  mga braso ko.

Ano bang nangyayari dito sa kaibigan ko? Saan kaya siya pinaglihi? Pero ano pa bang magagawa ko? Hindi naman ako nanalo sa kaniya pagdating sa ganitong tactics niya. Ang kulit ng gagang 'to. Mabuti nalang sanay na ako.

"Sige, sige na nga. Call me by that nickname whatever---Aray!" Napangiwi ako sa sakit nang bigla niya akong kinurot sa tagiliran.

"Ang arte, ah! Iyan ba ang epekto kapag hindi natatanggap sa mga kumpanyang pinag-a-apply-an mo?" Sinilip niya ang mukha ko.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Bumitaw siya sa akin. Nagsimula na akong maglakad palayo sa parking lot ng kumpanya, nakaharang na kami sa daan, e. Sumunod naman siya sa akin. 

Sa totoo lang, ang bigat talaga ng loob ko. Hindi ko na maintindihan ang pagkakataon. Kung kailan ang para sa akin. Matagal na kaya akong naghihintay. Bakit naman iyong iba na first time lang mag-apply ay natatanggap kaagad? Bakit kapag ako? Minsan hindi ko na alam kung sino ang unfair, ang mundo ba o mga tao na. 

Ang kailangan ko lang naman ay trabaho. Isang marangal at permanenteng trabaho, Siyempre iyong maganda ang suweldo. Mas bumigat pa ang pakiramdam ko nang maalala ang pamilya ko sa bahay. Palagi nalang akong umuuwi nang bigo. Nakakahiya na kina nanay at tatay. 

Tiyak na pagsasabihan na naman ako ni Ate Bridgette. Maririnig ko na naman ang iconic lines niyang; "Wala ka nang magandang ambag sa pamilyang ito!"

Napanguso ako. Sus, wala daw akong magandang ambag. E, ano pa ang tawag ko sa sarili ko? Sorry ate, ha. Ganda lang kasi ambag ko. 

Pero siyempre, never ko iyong sasabihin. Baka maaga akong mapalayas nito. Mahirap na.

"Hoy, Aly! Sandali ang bilis mo namang maglakad! Ano ba 'yan, wait naman! Sana all kasi mahaba ang legs, 'di ba?!"

Bahagya akong bumalik sa kasalukuyan nang marinig muli ang malakas na boses ni Genelyn. Nakahabol na siya sa akin. Nagpakurap-kurap pa ako. Hindi ko namalayan na nalunod na pala ako sa mga isipin, muntik ko na siyang maiwanan.

"Lutang 'yan? Ano ba kasing iniisip mo? Huwag mo nang pakaisipin 'yon! Gusto mo subok ulit tayo?" Tanong niya na nakapagpatigil sa akin. Lumingon ako sa kaniya. May kinukuha siya sa bulsa ng kan'yang pantalon at nang ilabas niya ay papel pala iyon."Tadaaa! Mayroon pang tatlong natitira!" Nag-wiggle pa ang mga kilay niya.

Listahan iyon ng mga company na kailangan kong apply-an. Sadly, 20 companies na ang nag-reject sa akin, iyong iba ay napasahan ko na ng resume pero hanggang ngayon ay nganga parin. Ghinost na yata ako ng mga iyon. Grabe talaga sila. Nakakasama ng loob. Attentive naman ako sa mga interviews pero wala, ligwak parin. Pansin ko lang kadalasang hina-hire ay 'yung mga sexy at pulang-pula ang labi, kung magsuot ng attire ay too revealing pa.

"Ayoko na, Gen. Itapon mo na lang 'yan." Mapait kong sabi.

Nalukot ang mukha niya."Ay? Suko na agad? Final na? Laban laban o bawi bawi?" Nagawa niya pang magsayaw sa harapan ko.

Lukaret talaga.

"Ayoko na nga. Final na," napapailing nalang ako.

"Okay, fine... sayang naman. Akala ko tatapusin natin itong list ngayong araw..." humaba ang nguso niya at ramdam ko nga ang panghihinayang sa kaniyang boses.

Napahinga ako nang malalim at diretso siyang tiningnan."Expected ko na ang mangyayari, hindi na naman ako matatanggap. Lagi namang rejection ang bagsak ko, e. Aasa pa ba ako? Mamamasahe na naman tayo tapos ano? Bigo na naman sa huli. Sayang lang 'yung pamasahe. Nagka-utang pa ako, ikaw rin. Nahihiya na ako sa 'yo, naaabala na kita masyado. Feeling ko sobrang kapal na ng mukha ko." 

"Ulol!" Sa halip ay sinabunutan niya ako. Napangiwi naman ako sa sakit at pilit siyang itinulak.

"Totoo naman kasi!" Giit ko.

At last, binitawan niya na din ang buhok ko. Pinagkrus niya ang mga braso."Hindi ba sinabi kong tapos na ang dramahan? Ngayon ka pa ba manghihinyang sa mga nagastos natin? Atleast sinubukan natin! E, ano ngayon kung rejected ka? Marami pang option, bessy. Saka nandito lang ako. Sasamahan kita kahit saan. Willing na willing ako!" Halos isigaw niya iyon sa mismong mukha ko.

Bahagya tuloy akong napapikit pero sumilay ang ngiti sa mga labi.

"Talaga?" 

"Oo naman! Kaya 'wag na 'wag mong sasabihin na makapal ang mukha mo, okay? Wala namang mukhang manipis kaya huwag mong masyadong dibdibin dahil may likod ka pa!" 

"Gaga!" Ako naman ang humila sa buhok niya. Todo pagpupumiglas naman siya.

Okay na sana, e. Kaso sinira niya na naman ang moment.

Tulad ng sinabi ko, kinuha ko sa kaniya ang listahan at ako na ang kusang nagtapon niyon sa basurahan. Nakanguso niya akong pinagmamasdan. Ipinagpatuloy namin ang paglalakad palayo sa panghuling kumpanyang sinubukan kong apply-an. Malungkot akong tumanaw doon sa huling pagkakataon.

Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para sa akin. Baka kailangan ko ulit maghintay. Ngunit hindi ko tiyak kung hanggang saan pa ba ang kaya ko. 

Nawawalan na ako ng pag-asa.

"Kung mag-model ka nalang kaya?" 

"Anong sinabi mo?" Marahas kong nilingon si Gen.

Nagkibit-balikat siya."Sabi ko mag-model ka nalang. Tutal matangkad ka naman, maganda, makinis, maputi, sexy..." hinubog niya pa ang katawan ko pacoca-cola body."Jusko, bessy! Bakit nga ba hindi natin naisip ito noon pa? Pwedeng-pwede kang magmodelo!" Niyugyog niya pa ang balikat ko.

Matagal ko siyang tiningnan. Hindi na ako nagulat sa kaniyang suhestiyon dahil hindi na mabilang na beses iyong sumagi sa isip ko. 

Hindi ako tumaliwas sa mga papuri niya sa akin dahil aware naman ako doon dati pa. Madalas akong mapagkamalang may lahi dahil daw sa kutis kong maputi at makinis na parang pinaliguan ng gatas, ang mga mata kong nagiging matingkad na kulay brown kapag nasisinagan ng araw at ang mukha kong kaiba sa itsura ng mga kapatid ko. Minsan ay tinawag akong ampon ng mga kaklase ko noon pero hindi ko binigyan ng pansin kasi in-assure naman ako ni nanay at tatay na hindi ako ampon. Saka ramdam ko kaya ang sincerity doon! Tinitigan ko nga si nanay at natuwa ako nang makitang may kaunti kaming pagkakahawig sa isa't-isa kaya naman hindi ko na iyon pinroblema pa.

Umihip ang malakas na hangin. Sinikop ko ang maalon at mahaba kong buhok."Matagal ko na din naiisip ang bagay na iyan pero... wala sa plano ko. Never kong nakahiligan ang rumampa sa maraming tao at sa harap ng camera," sagot ko na ikinalaglag ng balikat niya.

"Sayang naman ang ganda at tangkad mo! Pangarap ko pa namang magkaroon ng kaibigang model. Hmp!" Hindi na maipinta ang mukha niya. Natawa ako.

"E 'di ikaw nalang ang mag-model. Support kita. Yiiie!" Sinundot ko siya sa tagiliran.

Todo iwas naman siya sa kiliti."Aly, enebe!" Pabebeng aniya.

Rumolyo ang mga mata ko."Sumayaw nalang kaya ako sa disco bar? Paikot-ikot lang sa pole habang may colorful lights sa paligid," sabi ko bigla. Sinundan naman ng halakhak niya.

"Gagi! Hindi ko ma-imagine!" Utas na siya kakatawa, umabot pa sa puntong napaluha na siya."Pero infairness. Feel ko din doon ka yayaman. Marami kang maaakit, girl! Baka magkaroon ka pa ng papa de asukal!" Humagalpak ulit siya sa tawa.

Napaisip naman ako."Siguro nga 'no. Hmm, try ko rin kaya. Baka iyon talaga ang para sa 'kin." 

Natigil siya sa pagtawa at nanlalaking mata akong tiningnan.

"Ay, shutek. Seryoso?!" Nagugulat niyang tanong, na parang hindi niya ako tinawana kani-kanina lamang.

Inosente akong tumango."Oo, bhe. Seryoso ako." 

"Alyana naman!" 

Pareho na kaming natawa habang naglalakad sa kalsada. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil nandyan siya. Mabuti nalang hindi ako nag-iisa sa pakikipagsapalaran. Mabuti nalang nariyan siya. Kahit ang lakas ng trip niya, hindi ako nagsisising magkaibigan kami.

Nauwi kami sa pagkain ng tusok-tusok nang may makasalubong kaming stall. Kilala namin si manong na nagtitinda niyon kaya kaunting jamming lang sa kaniya, binigyan niya agad kami ng hiling. Nakikipagtawanan kami sa kaniya na parang hindi ako na-reject sa ilang kumpanyang pinasukan ko. 

"Kumusta naman kayo mga hija? Palagay ko'y parati ko na lamang kayong nadadatnan na naglalakad sa gitna ng kalsada. May mga bahay naman kayong inuuwian, ano?" Pagtatanong ni manong.

Nagkatinginan kami ni Gen.

Akala ba ni Manong ay palaboy-laboy na kami sa daan? Ay, grabe.

Ako ang unang nakabawi."Ah, oho. May mga bahay naman ho kaming inuuwian. Nagkataon lang ho talaga na nakikita nyo kaming gumagala sa kalsada," napangiwi ako sa huli kong pangungusap.

"Gumagala amp," komento pa ni Gen.

Mabuti nalang madaling maka-gets si manong. Nagpatango-tango nalang ito.

"Kahit naman ganoon, e hindi naman kayo mga mukhang pulubi. Sa gaganda nyong iyan..." papuri niya pa.

"Hala, manong! Sobra-sobra na po ang iyong kabaitan sa amin. Wala na po kaming lima dito! Charot!" Napailing nalang ako nang makitawa naman si manong sa kalokohan ng kaibigan ko.

Huling kain ko na sa fishball na nakatusok sa stick nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon. Itinapon ko muna ang stick bago iyon kinuha. Naningkit ang mga mata ko habang binabasa ang e-mail na nagpop-up.

Klea Ortiz:

Good day, Alyana! I would like to inform you about the resume you have submitted to us last week. Congratulations, you are hired as  the babysitter at the Madrial's mansion! We will just send you the instructions, other details so as the address of the mansion once you send a reply to this message. Thank you and have a nice day!

Unti-unti, namilog ang mga mata ko. Ngayon ko ulit naalala na nag-apply rin pala ako online, may mga nakita akong post para sa mga available position sa ilang kumpanya at kahit anong trabaho at hindi ako nag-alangan na ipasa ang requirements na kailangan. Natatandaan kong siya 'yung secretary ng mga Madrial. Hindi ko kilala ang apelyidong iyon pero alam kong makapangyarihan iyon dahil nakita kong hindi lang basta-basta maging ang katulad niyang sekretarya.

Nanginginig ang mga kamay kong nagtipa ng reply. Pumikit ako at ilang ulit huminga ng malalim.

"Huy! Anong nangyayari sa 'yo? Inhale exhale session na ba ito?" Napansin ni Gen ang ginagawa ako.

Naluluha ko siyang hinarap bago ko hinawakan ang magkabilang balikat niya."May trabaho na ako! Waaaah!" Niyugyog ko balikat niya sa sobrang saya.

Katulad ko, nanlaki na rin ang mga mata niya.

"Weh? Sa tunay?" Ilang beses akong tumango sa kaniya."Yay! I'm so proud of you, bessy!" At sabay na kaming nagtatalon sa tuwa.

"This is it! This is it! Thank you, Lord! Huhu, you're the best!" Hindi ko na ininda kung mukha na kaming baliw dalawa dito. 

Patuloy kami sa pagtalon at pagsisigaw.

"Ano bang sabi? OMG! Excited na ako, bes!" Nasasabik niya akong tiningnan. Malawak ang ngiti ko iyong sinuklian.

"I'm hired as the babysitter at the Madrial's mansion. Nararamdaman kong ito na ang simula, Gen. Ito na talaga," bumitaw ako at medyo lumayo para damhin ang pakiramdam na parang nakalutang sa saya."Dito ko na ma-i-aahon sa hirap sina nanay..." na matagal ko nang inaasam.

Hindi ko ito hihindi-an. Ang unang oportunidad na tumanggap sa akin.

Madrials...

Related chapters

  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 2

    Hindi na matanggal ang abot-tengang ngiti sa mga labi namin ni Gen hanggang sa pumara kami ng jeep pabalik sa baranggay namin pauwi. Hindi na rin siya matigil kakatanong sa akin tungkol sa magandang balitang namutawi kani-kanina lang."Dali na, Aly! Patingin! Super excited na ako! Mygod, finally!" Kanina pa siya gan'yan. Hinihila-hila ang laylayan ng damit ko.Pinagtitinginan na nga kami ng ibang pasaherong kasama namin dito sa loob ng jeep. Nawewerduhan na sila sa pinaggagawa nitong katabi ko. Masyado siyang magaslaw kaya wala akong nagawa kundi ibigay sa kan'ya ang cellphone ko. Kaagad naman niya iyong tinanggap para tingnan ang e-mail na natanggap ko galing sa secretary ng mga Madrial.Masyado akong masaya para maimbyerna. Habang nasa byahe ay hindi na mawala ang ngiti ko. Feeling ko kahit may nakakainis na bagay pa akong makita o maranasan ay mananatili akong masaya. Walang sinuman man o ano man ang makakapagtanggal ng ngiti ko ngayon. Hina

    Last Updated : 2021-09-02
  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 3

    Ang dami kong isinakripisyo para sa oportunidad na ito kaya dapat maging maganda ang kalabasan nito. Simula bata pa ay hindi na kami mapaghiwalay ni Gen. Palagi kaming magkasama saan man. 'Tapos iyong pamilya ko... iniwan ko alang-alang sa trabahong naghihintay sa 'kin.Ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Ngunit wala na akong magagawa pa. Nandito na ako, babyahe na patungong Manila kung saan pumabor sa akin ang swerte.Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na may trabaho na ako. After my countless attempts... hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Masaya ako at excited pero nalulungkot rin. Nalulungkot ako kasi kinailangan kong iwan ang pamilya ko at kaibigan ko para kumita ng pera. Wala, e. Ganito talaga ang buhay. Kailangan makipagsapalaran kahit walang kasiguraduhan, kahit mahirap man mawalay sa mga minamahal.That's why I salute those OFW since then. They are the real heroes. The real strong people. Dahil patuloy parin sila sa pag

    Last Updated : 2021-09-02
  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 4

    "S-siya po? Siya po ang ib-babysit ko? Nagbibiro po ba kayo?" Halos hindi ko maalis ang tingin sa matangkad at guwapong lalaking nasa harapan ko ngayon."No, hija. We aren't bluffing around. You heard it right. You're going to babysit our son." Nginitian ako ni Madam Anisha.Ngunit hindi na ako makangiti! Sa lagay na ito? Sa tingin nila makakangiti pa ako? I'm super shock to the highest level!"Don't you worry. He's not that hard to deal with. Trust me. But, I just want you to know that he's still that kind of brat because he's been spoiled for a long time. Please, bear with my son, hija. Can you do that for us?" Wika naman ni Senyor Theodore.Napakurap ako at hindi agad nakasagot. Nanatili lamang ang titig ko sa anak nilang nakatitig din sa akin. Iyon nga lang, kahit anong rahas ng tabas ng panga nito at katulis ng ilong, nagmumukha parin itong inosente para sa akin. Ang mga mata nito ay nagtatanong, parang bata na walang kamuwang-muwang.Bakit?

    Last Updated : 2022-01-17
  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 5

    Hindi ako mahilig sa mga bata, kahit pa noong nag-aaral pa ako. Tanging si Zoren lamang ang nakahiligan ko. Kasi para sa akin, ang mga bata ay nakakainis, makukulit at maiingay. Ngunit bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hindi nga bata ang dapat kong alagaan ngayon, pero isa namang makisig at mala-adonis na nilalang. Napapatanong tuloy ako kung ano ba talaga ang mas maganda?Ang mag-alaga ng isang bata o ng tulad niyang isip-bata?Sabi ko sa sarili ko, kahit anong trabaho nalang ay papasukin ko. Kaya kahit gaano pa kahirap ang isang ito, paninindigan ko hanggang dulo."Sir Gio, upo ka muna riyan..." sabi ko at itinuro sa kaniya ang isang high chair dito sa may kitchen.Tumingin lang siya sa akin at nanatiling tuod na nakatyo roon. Narinig ko ang bulungan ng mga kasambahay na kasalukuyang naririto. Sa pagkakatanda sa mga pangalan nila ay sila sina ate Carmen, ate Susan, ate Jody at ate Malou. Sa tingin ko din ay kasapi sila ng mga kapitbahay nam

    Last Updated : 2022-01-17
  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 6

    "Psst! Manang Helen!" Pasimple kong tinatawag si Manang habang sinasamahan ko si Sir Gio na manood ng TV sa sala.Lumingon naman sa akin si Manang."Oh, Alyana? May kailangan ka?" Naglakad siya papalapit sa akin."Ganoon po ba talaga si Sir Zadge? Ang cold niya tapos nakakatakot iyong aura niya!" Mariin kong ibinulong.Pagkatapos kasing dumating ng kapatid nitong si Sir Gio ay nacurious tuloy ako sa pagkatao ni Sir Zadge. Mukhang masungit at may menstrual period. Kanina lamang dumating ang parents nila galing Italy Italy sinalubong ang panganay nilang bagong dating. Oh 'diba? Ang angas ng pamilyang ito, grabe. Kaya din pala hindi ko nakikita noong mga nakaraang araw ko rito si Sir Zadge ay doon ito namalagi sa Las Vegas dahil hilig din daw nito ang music at nagkaroon ng concert roon bukod sa paghahandle ng kanilang kumpanya.Maraming kumpanya ang mga Madrial. Mayroon sa iba't-ibang panig mundo kaya siguro ang busy nilang pamilya. Pero dahil nagkagani

    Last Updated : 2022-01-17
  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 7

    May banyo naman ang sariling kuwarto ni Sir Gio kaya doon ko siya papaliguan. Hindi na din pala siya nagsusungit kapag pumapasok ako sa kaniyang kwarto hindi katulad noon na ayaw niya talaga akong papasukin. Excited na ako! Ahihi.Okay, Alyana. Remember, trabaho lang.Nag-inhale exhale muna ako bago siya sinamahan umakyat patungong kuwarto niya. Ang laking lalaki niya, napakatangkad. Kahit second born siya ay parang magkasing tangkad na sila ng kaniyang Kuya. At napansin ko rin na namimintog ang kaniyang mga muscles tapos maumbok rin ang kaniyang pwetan.Siguro suki 'to ng gym noon? May abs rin kaya siya? Ilan naman kaya?Gosh! Stop na, Aly! Behave!"Ngayon ay magsasando ka kasi medyo mainit ang panahon. Ayos ba?" Pagkapasok namin sa kuwarto ay ipinakita ko sa kaniya ang damit na susuotin niya.Kumunot ang kaniyang noo, hindi yata nagustuhan ang kulay. Yellow iyon, eh. Sumimangot ako at binuksan ang walk in closet niya. Nilingon ko siy

    Last Updated : 2022-01-17
  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 8

    Masyadong busy ang mga tao ngayon kaya wala kaming ginawa ni Sir Gio sa buong araw kundi ang mag movie marathon. Na-realize ko din na maganda ang katayuan ko dito, hindi na ako masyadong nahihirapan at bukod pa doon, tinupad nga ng mag-asawang Madrial ang magandang pagpapasuweldo sa akin.Kaya nangako ako sa sarili ko na hindi na ako aalis sa trabahong ito. Dahil bukod sa unti-unti ko na itong nagugustuhan, sa palagay ko ay ayaw ko na din mahiwalay sa kay Sir Gio. Napamahal na kasi siya sa akin, e.Napamahal. Hayyy...Hindi ako sumuko sa kakaturo sa kaniya ng ilang baby words. Nakakatuwa nga kasi success namin ang iba, 'yun nga lang mas marami ang failed. Kaya nagdesisyon akong 'wag nalang pilitin muna. Siguro kasi malaki talaga ang naging epekto sa kaniya ng trauma."Kawawa ka naman, Sir Gio..." nasabi ko nalang habang pinupunasan ang basa pa niyang buhok.Nandito ulit kami sa kaniyang kwarto at katatapos ko lang siyang paliguan. Oha. Alagang Alya

    Last Updated : 2022-01-17
  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 9

    "Huwag ngayon, Sir Gio." Malamig kong sinabi.Pagkatapos ng nangyaring kiss ay agad akong umalis sa kaniyang kuwarto. Ngunit sinundan niya ako dito sa garden habang nagdidilig ako ng mga halaman. Kanina pa siya riyan, kinukulbit ako o 'di kaya ay umuungot sa tabi ko para lang mapansin ko.Nasa shock stage pa ako, eh. Aba, sino ba namang hindi mash-shock doon? All my life, virgin pa ang lips ko 'no! Bakit niya kaya ginawa iyon? Trip niya lang? Naku, kung trip niya lang, bahala siya sa buhay niya! Pesteng pogi na mapang-abuso sa aking marupok na puso.Kanina pa din kami dito parang magjowa na nagkatampuhan. Naguguluhan na nga sa amin sina Manang at sa ikinikilos nitong si Sir Gio. Baka kapag nagtagal ay madiskubre pa nila ang kalapastanganang ginawa niya sa akin.Nasa tapat ako ng mga gumamela nang kinulbit niya ako sa likod."Yana..." 'yan, palaging ganiyan. Puro pangalan ko binabanggit niya.Ang hinihintay ko ay 'yung 'sorry, baby' niya! My go

    Last Updated : 2022-01-17

Latest chapter

  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 15

    Halos ilang ulit kong sinampal ang sarili pagkatapos ng nangyari. Baka kasi nananaginip lang ako. Baka hindi iyon totoo. Baka gawa-gawa lamang ng malikot kong imahinasyon.Pero hindi, eh. Nasaktan ako sa mga sampal ko kaya totoo 'to. Totoong muntik na naming magawa iyon. Shocks.Sino ba naman ang hindi makakapagpigil kung may inaalagaan kang pogi at mabango na adik sa kiss? Shet na malagket! Hindi parin naaalis ang amoy niya sa akin pati ang init na naramdaman ko no'ng ginawa namin iyon, tila bumabalik habang patuloy na rumerehistro sa utak ko ang senaryo."Alyana, ibigay mo ito kay senyorito Gio." Inabot sa akin ni Manang ang isang PSP controller."Aye aye, manang!" Malawak ang ngiting kinuha ko iyon at nilisan ang sala upang puntahan si Sir Gio sa living room ng kaniyang kwarto.Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang likod niya. Nakaangat ang mukha niya sa

  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 14

    Bakit nga ba sumusugal parin tayo kahit alam naman natin na mula una hanggang sa huli ay tayo parin ang talo? Natural na siguro sa tao ang maging marupok, ang sumugal sa mga bagay na sarili lang din ang dehado. Katapangan nga bang matatawag ito? Katangahan? O karupukan? Maalin sa tatlo ay hindi ko alam.Habang naglalakad patungong pamilihan ay hindi na nawala sa isip ko 'yong sinabi sa akin ni Manang Helen. Nagpaulit-ulit ang mga sinabi niya na parang sirang plaka at habang nangyayari iyon ay unti-unti ko nang naiintindihan ang mga salitang binitawan niya.Patungkol iyon sa akin at kay Sir Gio. Wala siyang alam sa namamagitan sa amin pero may pakiramdam na siya. Ramdam ko iyon. Simula noong nalaman niya ang aksidenteng halik na nangyari sa amin ni Sir Gio ay naging mapagmasid na siya, parang laging nay pag-aalinlangan kapag gagawin ko na ang duty ko sa senyorito nila.Hindi man halata pero sa totoo lang ay natatakot ako. N

  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 13

    Ano 'yon, Alyana? Anong nangyari? Akala ko ba tama na iyong halik lang? Bakit parang sumobra naman yata?Kasalukuyan akong naghahalo ng whipped cream na nasa bowl habang nakatulala. Nauulinigan ko ang mga boses nina ate Carmen sa aking paligid. Kasama ko din kasi sila rito sa kusina, saglit kong pinalitan si Manang dahil may ibang inutos sa kaniya si Madam Anisha."Ewan ko. Basta ako hindi ako basta basta pumapasok sa kwarto nina Senyor at Madam lalo na sa mga Senyorito. Ayokong magmukhang salang respeto..." boses iyon ni ate Jody."Agree ako dyan. Hindi ko nga alam bakit iyong iba dyan ay ang lakas ng loob gawin iyon. Hays, palibhasa masyadong pabida kina Madam." Si ate Malou naman iyon.Para akong natauhan bigla. Mariin ang pagkakatikom ng aking bibig. Bumagal ang paghahalo ko sa cream at malakas na tumikhim. Doon sila natahimik. Umirap ako sa kawalan. Itong mga nanay na ito talaga. Pagchichismisan na ng

  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 12

    Pagpatak ng alas dose ay tumulong ako kina Manang sa paghahanda nila para sa tanghalian. Ngunit sa gitna ng paghahanda ng mga pagkain sa hapag ay tumunog ang landline. Sinagot iyon ni ate Malou at pagkatapos ng tawag ay pinanood namin siyang bumalik sa tabi namin."Hindi daw matutuloy ang dinner para mamaya kasi parehong pagod si Madam at Senyor sa naging byahe nila." Pagbabahagi niya.Napatango kami at naiintindihan ko naman iyon. Sa ilang years na pabalik-balik at palipat-lipat sa ibang bansa ng mag-asawang iyon sino ba namang hindi mapapagod. I wonder kung nagsasawa rin kaya sila sa mga tanawin na nakikita nila? Duda ako doon. Ang sarap kaya magtravel around the world at kahit pa tungkol sa business ang dahilan nila, couple goals parin iyon para sa akin!Pangarap ko din makarating sa iba't-ibang bansa at libutin ang halos buong mundo. Kung ako 'yon, hinding-hindi ako magsasawa magtravel lalo na magsight-seeing ng mga tanawin. Mas maganda kung may kasamang jow

  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 11

    "Anong gusto mong panoorin ngayon? Harry Potter Series? Titanic? Shrek? Or... Fifty Shades of Grey?" Napangisi ako sa huling choices na ibinigay sa kaniya.Kasalukuyan kaming nandito sa kuwarto ni Sir Gio kung saan may malaking flat screen tv at para talagang nasa sinehan ang set-up. Sobrang manly ng kaniyang silid, mula sa kisame hanggang sa maliliit na detalye at furnitures. Humahalimuyak pa ang bango ng ginagamit niyang shower gel at pinaghalong aftershave at baby cologne. 'Yung baby cologne kasi nilalagay ko sa kaniyang pabango kapag bagong ligo siya, ako pa bumili niyon noon sa convenience store mabuti at nadala ko dito. Bagay naman kasi sa kaniya ang amoy. Kaya ang sarap-sarap tuloy niyang amuyin.Kita ko ang pagkunot ng noo ni Sir Gio habang pinapakita ko sa kaniya ang hilera ng mga papanoorin namin sa screen. Ni-highlight ko talaga iyong Fifty Shades of Grey. Natatawa nalang ako habang nahihirapan siyang pumili."Ano na? Tumatakbo ang oras!" Pinressure k

  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 10

    Simula noong hinalikan ko si Sir Gio, bigla na lamang siyang umiwas sa akin. Hindi man siya umiimik ngunit ramdam ko at alam ko sa mga kilos niya. Iniiwasan niya ako.Kaya napaisip ako.Mali ba iyong ginawa ko? Mali ba na hinalikan ko siya? Nadala lang naman ako ng damdamin ko. Ano kayang iniisip niya? Siguro akala niya isa talaga akong manyak na babae na nagte-take advantage sa kaniya?But he answered my kisses! Sinuklian niya 'yung mga halik ko kaya inakala ko na okay lang! Tinanggap niya 'yung mga halik ko kaya hindi ko naisip na magkakaproblema, na iiwas siya.Akala ko kasi nagustuhan din niya. Marahil nadala lang din siya ng tukso. Kasi lalaki parin naman siya, at iyong ginawa kong paghalik ay maling-mali nga yata talaga.He's clearly avoiding me and I'm frustrated to think that he's also mad at me because of my sudden kiss. Kahit anong suyo ko, wala. Lalayo lang siya at lilipat sa pwesto kung saan malayo sa akin. Na para bang may sakit

  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 9

    "Huwag ngayon, Sir Gio." Malamig kong sinabi.Pagkatapos ng nangyaring kiss ay agad akong umalis sa kaniyang kuwarto. Ngunit sinundan niya ako dito sa garden habang nagdidilig ako ng mga halaman. Kanina pa siya riyan, kinukulbit ako o 'di kaya ay umuungot sa tabi ko para lang mapansin ko.Nasa shock stage pa ako, eh. Aba, sino ba namang hindi mash-shock doon? All my life, virgin pa ang lips ko 'no! Bakit niya kaya ginawa iyon? Trip niya lang? Naku, kung trip niya lang, bahala siya sa buhay niya! Pesteng pogi na mapang-abuso sa aking marupok na puso.Kanina pa din kami dito parang magjowa na nagkatampuhan. Naguguluhan na nga sa amin sina Manang at sa ikinikilos nitong si Sir Gio. Baka kapag nagtagal ay madiskubre pa nila ang kalapastanganang ginawa niya sa akin.Nasa tapat ako ng mga gumamela nang kinulbit niya ako sa likod."Yana..." 'yan, palaging ganiyan. Puro pangalan ko binabanggit niya.Ang hinihintay ko ay 'yung 'sorry, baby' niya! My go

  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 8

    Masyadong busy ang mga tao ngayon kaya wala kaming ginawa ni Sir Gio sa buong araw kundi ang mag movie marathon. Na-realize ko din na maganda ang katayuan ko dito, hindi na ako masyadong nahihirapan at bukod pa doon, tinupad nga ng mag-asawang Madrial ang magandang pagpapasuweldo sa akin.Kaya nangako ako sa sarili ko na hindi na ako aalis sa trabahong ito. Dahil bukod sa unti-unti ko na itong nagugustuhan, sa palagay ko ay ayaw ko na din mahiwalay sa kay Sir Gio. Napamahal na kasi siya sa akin, e.Napamahal. Hayyy...Hindi ako sumuko sa kakaturo sa kaniya ng ilang baby words. Nakakatuwa nga kasi success namin ang iba, 'yun nga lang mas marami ang failed. Kaya nagdesisyon akong 'wag nalang pilitin muna. Siguro kasi malaki talaga ang naging epekto sa kaniya ng trauma."Kawawa ka naman, Sir Gio..." nasabi ko nalang habang pinupunasan ang basa pa niyang buhok.Nandito ulit kami sa kaniyang kwarto at katatapos ko lang siyang paliguan. Oha. Alagang Alya

  • Babysitting The Heartless Madrial   Chapter 7

    May banyo naman ang sariling kuwarto ni Sir Gio kaya doon ko siya papaliguan. Hindi na din pala siya nagsusungit kapag pumapasok ako sa kaniyang kwarto hindi katulad noon na ayaw niya talaga akong papasukin. Excited na ako! Ahihi.Okay, Alyana. Remember, trabaho lang.Nag-inhale exhale muna ako bago siya sinamahan umakyat patungong kuwarto niya. Ang laking lalaki niya, napakatangkad. Kahit second born siya ay parang magkasing tangkad na sila ng kaniyang Kuya. At napansin ko rin na namimintog ang kaniyang mga muscles tapos maumbok rin ang kaniyang pwetan.Siguro suki 'to ng gym noon? May abs rin kaya siya? Ilan naman kaya?Gosh! Stop na, Aly! Behave!"Ngayon ay magsasando ka kasi medyo mainit ang panahon. Ayos ba?" Pagkapasok namin sa kuwarto ay ipinakita ko sa kaniya ang damit na susuotin niya.Kumunot ang kaniyang noo, hindi yata nagustuhan ang kulay. Yellow iyon, eh. Sumimangot ako at binuksan ang walk in closet niya. Nilingon ko siy

DMCA.com Protection Status