Hindi na matanggal ang abot-tengang ngiti sa mga labi namin ni Gen hanggang sa pumara kami ng jeep pabalik sa baranggay namin pauwi. Hindi na rin siya matigil kakatanong sa akin tungkol sa magandang balitang namutawi kani-kanina lang.
"Dali na, Aly! Patingin! Super excited na ako! Mygod, finally!" Kanina pa siya gan'yan. Hinihila-hila ang laylayan ng damit ko.
Pinagtitinginan na nga kami ng ibang pasaherong kasama namin dito sa loob ng jeep. Nawewerduhan na sila sa pinaggagawa nitong katabi ko. Masyado siyang magaslaw kaya wala akong nagawa kundi ibigay sa kan'ya ang cellphone ko. Kaagad naman niya iyong tinanggap para tingnan ang e-mail na natanggap ko galing sa secretary ng mga Madrial.
Masyado akong masaya para maimbyerna. Habang nasa byahe ay hindi na mawala ang ngiti ko. Feeling ko kahit may nakakainis na bagay pa akong makita o maranasan ay mananatili akong masaya. Walang sinuman man o ano man ang makakapagtanggal ng ngiti ko ngayon. Hinayaan ko si Gen na hiramin muna ang cellphone ko hanggang sa makababa kami sa checkpoint ng aming lugar.
Nag-inat ako. Walang tigil si Gen kakadaldal sa akin habang ako ay patawa-tawa lang. Nagkahiwalay na kami nang makarating sa aming mga bahay. Ibinalik na niya sa akin ang cellphone bago nagtatakbo sa bahay sa tapat ng amin. Iyong kanila ay wala pang pinta kasi babagong gawa pa lamang noong isang araw.
Pa-sway sway pa ako sa hawak kong brown envelope at iba pang papeles habang naglalakad papalapit sa munting tahanan namin. Bago ko pa mabuksan ang kahoy naming pintuan na may nakasabit na windchime sa itaas, iniluwa na niyon si Zoren. Kaagad lumiwanag ang mukha ng bunso namin 'pagkakita sa akin.
"Ate Yana, dito ka na ulit!" Tumalon siya at nag-squat naman ako para salubungin siya ng yakap.
Sobrang nakaka-miss ang batang ito.
"Kamusta ang gwapong Renren namin? Good boy ka ba dito habang wala si ate? Hindi ka naman naging pasaway, 'di ba? Hmm, bango bango!" Sininghot-singhot ko pa ang leeg ng bata.
Todo iwas na siya dahil nakikiliti na yata. Kumalas na ako at tiningnan siyang humahagikhik.
"Good boy po ako dito, ate! Promise!" Itinaas niya ang kamay habang taas din ang noo na para talagang nangangako.
Naiiling akong nakangiti parin."True 'yan, ah? Baka mamaya malaman ko nalang na palagi ka pa lang nasa labasan at nakikipag-away sa mga batang kalye d'yan. Nako, nako!" Nang sabihin ko iyon ay todo na ang simangot niya.
"Hindi po! Ang bait bait ko kaya palagi!" Giit niya. Pinaningkitan ko siya.
"Sus, daga ka ba?" Tumawa ako nang mas nalukot ang cute na cute niyang mukha."Charot lang, bhe! Bagong ligo ikaw?"
Proud siyang tumango."Oo naman yes po, ate! Kahit amuyin mo pa kili-kili ko!" Wala sa sariling itinaas niya ang kan'yang underarms.
Ngumisi ako."Ay, bet. Wala nang bawian 'yan, ikaw na nag-offer..." 'yung ngisi ko mala-demonyo na.
Kaya naman nabalisa siya at kaagad natauhan.
"J-joke lang pala, ate!" Bawi niya, humahakbang na paatras.
"Wala nang bawian, 'di ba?" Mas nataranta siya.
"H'wag, ate! Hahaha!" Kumaripas na siya ng takbo nang umisang hakbang pa ako.
Parang bumalik ako sa pagkabata habang nakikipaghabulan sa kaniya. Ang saya ko lang ngayon kaya no to bad vibes talaga. Well, kahit naman tamaan ako ng bad vibes ay hindi ako magpapaapekto.
"Zoren, come here! I'm gonna amoy amoy your kili-kili!" Humagalpak ako sa tawa nang mas tumakbo pa si Zoren papasok sa kwarto at ni-lock ang pintuan niyon.
Tumigil ako at saglit nagpahinga. Kinatok ko ang pinto nang ilang beses, natatawa habang hinihingal. Akala ko magiging lumbay na ang buong araw ko. Thanks God, may himala.
"Nakikipaglaro ka na naman kay Zoren? Para talagang bata,"
Ang sabi ko ay walang sino man o ano man ang makakabura sa ngiti ko ngunit matapos marinig iyon galing sa pamilyar na boses ay awtomatikong napanis ang kanina ko pang binuong ngiti. Nakapameywang si Ate Bridgette sa harapan ko.
"Ate, ikaw pala..." bahagya akong napayuko kasi ang talim ng tingin niya sa akin.
Kunsabagay, palagi naman siyang ganiyan kung makatingin, minsan nga lang ay may halong pagka sarkastiko. Maputi din naman si Ate Bridgette, kaso iba ang pagkakaputi ng kutis ko kumpara sa kaniya. Pumuti siya dahil nagtrabaho siya ng apat na taon sa Taiwan. Hanggang ibaba ng balikat ang bagong rebond niyang buhok at palagi siyang nakasuot ng daster kasi buntis siya, tatlong buwan na.
Walang nakakaalam kung sino ang ama ng batang dinadala niya. Basta isang gabi umuwi na lamang siya rito dala ang mga bagahe niya at halata na ang umbok sa tiyan niya. Pero hindi malayong Taiwanese ang nakabuntis sa kaniya, iyon nga lang masaklap kasi tinakbuhan siya at hindi pinanindigan.
Kaya siguro siya masungit lagi at parang may galit sa mundo kasi tinakbuhan siya ng lalaking minsan na siyang pinangakuan. Kung ako man ang nasa posisyon niya, baka hindi lang pagsusungit ang gawin ko. Kaya iniintindi ko nalang at patuloy na iintindihin.
"Ano na? May napala ka ba sa pagpunta sa kabilang bayan? O nganga na naman? Kung nganga na naman, itigil mo na 'yan. Lumalaki lang ang utang mo nang wala ka namang napapala sa huli." Humalukipkip siya pagkatapos.
Nag-angat ako ng tingin. Sa malayo na siya nakatingin, magkakrus ang mga braso at panaka-nakang umiismid.
Napalunok ako. Sasabihin ko ba? Deserve niya ba malaman? Siyempre naman! Pero dapat isang bagsakan nalang para happy happy ang lahat.
"Uhm, nasaan ba sina nanay, ate?" Tanong ko.
Tumaas ang kilay niya."Lumabas sila pareho ni tatay, may pinuntahan. Bakit?"
"Ano kasi---"
"Alyana, anak?" Ang malambing na tinig na iyon ang pumutol sa sasabihin ko.
Pareho kaming lumingon ni ate sa may pinto at nakita ko doon si nanay Narisa at tatay Arthur. Kapwa gumuhit ang matamis na ngiti sa kanilang mga labi. Tumalon ang puso ko.
"Nay! Tay!"
"Nagbalik ka na pala, anak!" Hindi na namin pinalampas pa ang segundo at niyakap namin ang isa't-isa.
Tumikhim si ate Bridgette dahilan para kumalas din kami kaagad, pero hindi parin nawawala ang saya sa mukha naming tatlo. Hinaplos ni tatay Art ang buhok ko habang si nanay ay hindi na magkaintindihan kung saan ako hahawakan.
"Nanay naman, para namang ilang taon akong nawala. Miss na miss nyo kaagad ako?" Biro ko.
"Aba'y siyempre! Dalawang buwan ka yatang wala rito! Na-miss ka namin sobra, Yana!" Nanggigigil niya ulit akong niyakap na ikinatawa ko.
"Kayo naman, na-miss nyo agad ang maganda!" Biro ko ulit. Ganito ka-kapal ang mukha ko, e.
Tumawa si tatay."Miss na miss namin ang maganda naming anak," dahil doon ay nakipag-apir ako sa kaniya.
Mas close ako kay tatay, magkavibes kami kumbaga. Pero wala naman lamang. Lahat sila ay pantay-pantay para sa akin.
"Tch," natigil lang kaming tatlo nang nilampasan kami ni ate Bridgette.
Bumuntong hininga si nanay at sinuklay-suklay ang ilalim ng buhok ko. Sabi ko bawal bad vibes, e. Si ate Bridgette kasi ang main source ng bad vibes. Dapat ko na ba siyang iwasan para 'di ako mahawa? Charot lang.
Iwinaksi ko nalang iyon sa isipan ko at hinarap sina nanay.
"Nay... tay..."
"Ano iyon, anak? Kinakabahan kami sa iyo, ah." Sabi ni nanay pagkatapos kong hawakan pareho ang mga kamay nila.
Huminga muna ako nang malalim."May trabaho na po ako!"
Natulala sila pareho. Bumukas ang pintuan ng kwarto at nagtatakbo palapit sa amin si Zoren. Nabura ang ngiti ko. Teka, hindi ba nila nagustuhan ang napakaganda kong balita? Mas maganda pa sa akin. Oo, payag na ako doon.
Uulitin ko pa sana ulit nang sumigaw si tatay at niyakap naman ako nang mahigpit ni nanay. Bumalik ang masigla kong ngiti. Nakigulo na din si Zoren sa amin at idinetalye ko sa kanila ang nilalaman ng e-mail. Si ate Bridgette lang ang hindi nakisali. Bigla nalang siyang nawala, e. Ewan ba saan siya nagpunta.
Saktong pagsapit ng umaga ay naghanda na ako. Hindi naman ako halatang excited. Hindi talaga. Sinabi ko kina nanay na ngayon na ang pagpunta ko sa mga Madrial dahil kagabi ay nag-reply na sa akin iyong secretary nila. Naibigay na sa akin ang address at instructions.
Ngayon ay makikipagsapalaran ako sa Maynila dahil doon ang location ng pamilyang pagsisilbihan ko. Kaya ko ito.
"Bessy! I will miss you!" Halos masakal na ako sa higpit ng pagkakayakap sa akin ni Genelyn.
Siya ang naghatid sa akin dito sa bus station. Hinayaan ko na lamang dahil ito na ang huli naming pagsasama. Hindi ko sigurado kung kailan ulit kami magkikita.
"Mami-miss din kita. Pakabait ka na, ah? Dapat kapag bumalik ako, single ka parin para vibes parin tayo!" Kumalas siya nang sabihin ko iyon.
Pinunasan niya ang kunwaring mga luha sa mata."Bessy naman! Of course, hihintayin kita bago ako magjowa para sabay tayong maging taken!" Hinampas niya pa braso ko.
Hinimas ko iyon. Ang sadista talaga ng babaeng 'to. Kawawa naman magiging boyfriend niya. Charot.
"Goals!" Nagtawanan kami bago nagyakapan muli.
Kumaway ako sa kaniya sa huling pagkakataon. Huminga ako nang malalim at binitbit ang mga gamit na dadalhin ko patungo sa syudad. Iniiwas ko ang tingin sa konduktor at pumasok na sa loob ng bus. Humanap ako ng magandang spot para upuan, bet ko iyong sa may bintana kaya tipid akong napangiti nang may bakante pa sa bandang dulo.
Mahaba-habang byahe ito kaya nagpasiya akong umidlip muna. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya umusog ako nang bahagya. Nagsimula nang umandar ang bus, dinalaw ako ng agarang pangungulila.
Nagmulat ako at tiningnan ang kaibigan ko mula sa malayo. Pumatak ang mga luha ko kasi hindi pa pala siya umaalis hangga't hindi umaalis ang bus na sinasakyan ko. Kumakaway siya habang may ngiti sa mga labi ngunit bago pa ako kumaway ulit pabalik, unti-unti nang lumiit ang imahe niya sa paningin ko hanggang sa tuluyan na siyang maglaho sa mga mata ko.
Ang dami kong isinakripisyo para sa oportunidad na ito kaya dapat maging maganda ang kalabasan nito. Simula bata pa ay hindi na kami mapaghiwalay ni Gen. Palagi kaming magkasama saan man. 'Tapos iyong pamilya ko... iniwan ko alang-alang sa trabahong naghihintay sa 'kin.Ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Ngunit wala na akong magagawa pa. Nandito na ako, babyahe na patungong Manila kung saan pumabor sa akin ang swerte.Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na may trabaho na ako. After my countless attempts... hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Masaya ako at excited pero nalulungkot rin. Nalulungkot ako kasi kinailangan kong iwan ang pamilya ko at kaibigan ko para kumita ng pera. Wala, e. Ganito talaga ang buhay. Kailangan makipagsapalaran kahit walang kasiguraduhan, kahit mahirap man mawalay sa mga minamahal.That's why I salute those OFW since then. They are the real heroes. The real strong people. Dahil patuloy parin sila sa pag
"S-siya po? Siya po ang ib-babysit ko? Nagbibiro po ba kayo?" Halos hindi ko maalis ang tingin sa matangkad at guwapong lalaking nasa harapan ko ngayon."No, hija. We aren't bluffing around. You heard it right. You're going to babysit our son." Nginitian ako ni Madam Anisha.Ngunit hindi na ako makangiti! Sa lagay na ito? Sa tingin nila makakangiti pa ako? I'm super shock to the highest level!"Don't you worry. He's not that hard to deal with. Trust me. But, I just want you to know that he's still that kind of brat because he's been spoiled for a long time. Please, bear with my son, hija. Can you do that for us?" Wika naman ni Senyor Theodore.Napakurap ako at hindi agad nakasagot. Nanatili lamang ang titig ko sa anak nilang nakatitig din sa akin. Iyon nga lang, kahit anong rahas ng tabas ng panga nito at katulis ng ilong, nagmumukha parin itong inosente para sa akin. Ang mga mata nito ay nagtatanong, parang bata na walang kamuwang-muwang.Bakit?
Hindi ako mahilig sa mga bata, kahit pa noong nag-aaral pa ako. Tanging si Zoren lamang ang nakahiligan ko. Kasi para sa akin, ang mga bata ay nakakainis, makukulit at maiingay. Ngunit bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hindi nga bata ang dapat kong alagaan ngayon, pero isa namang makisig at mala-adonis na nilalang. Napapatanong tuloy ako kung ano ba talaga ang mas maganda?Ang mag-alaga ng isang bata o ng tulad niyang isip-bata?Sabi ko sa sarili ko, kahit anong trabaho nalang ay papasukin ko. Kaya kahit gaano pa kahirap ang isang ito, paninindigan ko hanggang dulo."Sir Gio, upo ka muna riyan..." sabi ko at itinuro sa kaniya ang isang high chair dito sa may kitchen.Tumingin lang siya sa akin at nanatiling tuod na nakatyo roon. Narinig ko ang bulungan ng mga kasambahay na kasalukuyang naririto. Sa pagkakatanda sa mga pangalan nila ay sila sina ate Carmen, ate Susan, ate Jody at ate Malou. Sa tingin ko din ay kasapi sila ng mga kapitbahay nam
"Psst! Manang Helen!" Pasimple kong tinatawag si Manang habang sinasamahan ko si Sir Gio na manood ng TV sa sala.Lumingon naman sa akin si Manang."Oh, Alyana? May kailangan ka?" Naglakad siya papalapit sa akin."Ganoon po ba talaga si Sir Zadge? Ang cold niya tapos nakakatakot iyong aura niya!" Mariin kong ibinulong.Pagkatapos kasing dumating ng kapatid nitong si Sir Gio ay nacurious tuloy ako sa pagkatao ni Sir Zadge. Mukhang masungit at may menstrual period. Kanina lamang dumating ang parents nila galing Italy Italy sinalubong ang panganay nilang bagong dating. Oh 'diba? Ang angas ng pamilyang ito, grabe. Kaya din pala hindi ko nakikita noong mga nakaraang araw ko rito si Sir Zadge ay doon ito namalagi sa Las Vegas dahil hilig din daw nito ang music at nagkaroon ng concert roon bukod sa paghahandle ng kanilang kumpanya.Maraming kumpanya ang mga Madrial. Mayroon sa iba't-ibang panig mundo kaya siguro ang busy nilang pamilya. Pero dahil nagkagani
May banyo naman ang sariling kuwarto ni Sir Gio kaya doon ko siya papaliguan. Hindi na din pala siya nagsusungit kapag pumapasok ako sa kaniyang kwarto hindi katulad noon na ayaw niya talaga akong papasukin. Excited na ako! Ahihi.Okay, Alyana. Remember, trabaho lang.Nag-inhale exhale muna ako bago siya sinamahan umakyat patungong kuwarto niya. Ang laking lalaki niya, napakatangkad. Kahit second born siya ay parang magkasing tangkad na sila ng kaniyang Kuya. At napansin ko rin na namimintog ang kaniyang mga muscles tapos maumbok rin ang kaniyang pwetan.Siguro suki 'to ng gym noon? May abs rin kaya siya? Ilan naman kaya?Gosh! Stop na, Aly! Behave!"Ngayon ay magsasando ka kasi medyo mainit ang panahon. Ayos ba?" Pagkapasok namin sa kuwarto ay ipinakita ko sa kaniya ang damit na susuotin niya.Kumunot ang kaniyang noo, hindi yata nagustuhan ang kulay. Yellow iyon, eh. Sumimangot ako at binuksan ang walk in closet niya. Nilingon ko siy
Masyadong busy ang mga tao ngayon kaya wala kaming ginawa ni Sir Gio sa buong araw kundi ang mag movie marathon. Na-realize ko din na maganda ang katayuan ko dito, hindi na ako masyadong nahihirapan at bukod pa doon, tinupad nga ng mag-asawang Madrial ang magandang pagpapasuweldo sa akin.Kaya nangako ako sa sarili ko na hindi na ako aalis sa trabahong ito. Dahil bukod sa unti-unti ko na itong nagugustuhan, sa palagay ko ay ayaw ko na din mahiwalay sa kay Sir Gio. Napamahal na kasi siya sa akin, e.Napamahal. Hayyy...Hindi ako sumuko sa kakaturo sa kaniya ng ilang baby words. Nakakatuwa nga kasi success namin ang iba, 'yun nga lang mas marami ang failed. Kaya nagdesisyon akong 'wag nalang pilitin muna. Siguro kasi malaki talaga ang naging epekto sa kaniya ng trauma."Kawawa ka naman, Sir Gio..." nasabi ko nalang habang pinupunasan ang basa pa niyang buhok.Nandito ulit kami sa kaniyang kwarto at katatapos ko lang siyang paliguan. Oha. Alagang Alya
"Huwag ngayon, Sir Gio." Malamig kong sinabi.Pagkatapos ng nangyaring kiss ay agad akong umalis sa kaniyang kuwarto. Ngunit sinundan niya ako dito sa garden habang nagdidilig ako ng mga halaman. Kanina pa siya riyan, kinukulbit ako o 'di kaya ay umuungot sa tabi ko para lang mapansin ko.Nasa shock stage pa ako, eh. Aba, sino ba namang hindi mash-shock doon? All my life, virgin pa ang lips ko 'no! Bakit niya kaya ginawa iyon? Trip niya lang? Naku, kung trip niya lang, bahala siya sa buhay niya! Pesteng pogi na mapang-abuso sa aking marupok na puso.Kanina pa din kami dito parang magjowa na nagkatampuhan. Naguguluhan na nga sa amin sina Manang at sa ikinikilos nitong si Sir Gio. Baka kapag nagtagal ay madiskubre pa nila ang kalapastanganang ginawa niya sa akin.Nasa tapat ako ng mga gumamela nang kinulbit niya ako sa likod."Yana..." 'yan, palaging ganiyan. Puro pangalan ko binabanggit niya.Ang hinihintay ko ay 'yung 'sorry, baby' niya! My go
Simula noong hinalikan ko si Sir Gio, bigla na lamang siyang umiwas sa akin. Hindi man siya umiimik ngunit ramdam ko at alam ko sa mga kilos niya. Iniiwasan niya ako.Kaya napaisip ako.Mali ba iyong ginawa ko? Mali ba na hinalikan ko siya? Nadala lang naman ako ng damdamin ko. Ano kayang iniisip niya? Siguro akala niya isa talaga akong manyak na babae na nagte-take advantage sa kaniya?But he answered my kisses! Sinuklian niya 'yung mga halik ko kaya inakala ko na okay lang! Tinanggap niya 'yung mga halik ko kaya hindi ko naisip na magkakaproblema, na iiwas siya.Akala ko kasi nagustuhan din niya. Marahil nadala lang din siya ng tukso. Kasi lalaki parin naman siya, at iyong ginawa kong paghalik ay maling-mali nga yata talaga.He's clearly avoiding me and I'm frustrated to think that he's also mad at me because of my sudden kiss. Kahit anong suyo ko, wala. Lalayo lang siya at lilipat sa pwesto kung saan malayo sa akin. Na para bang may sakit
Halos ilang ulit kong sinampal ang sarili pagkatapos ng nangyari. Baka kasi nananaginip lang ako. Baka hindi iyon totoo. Baka gawa-gawa lamang ng malikot kong imahinasyon.Pero hindi, eh. Nasaktan ako sa mga sampal ko kaya totoo 'to. Totoong muntik na naming magawa iyon. Shocks.Sino ba naman ang hindi makakapagpigil kung may inaalagaan kang pogi at mabango na adik sa kiss? Shet na malagket! Hindi parin naaalis ang amoy niya sa akin pati ang init na naramdaman ko no'ng ginawa namin iyon, tila bumabalik habang patuloy na rumerehistro sa utak ko ang senaryo."Alyana, ibigay mo ito kay senyorito Gio." Inabot sa akin ni Manang ang isang PSP controller."Aye aye, manang!" Malawak ang ngiting kinuha ko iyon at nilisan ang sala upang puntahan si Sir Gio sa living room ng kaniyang kwarto.Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang likod niya. Nakaangat ang mukha niya sa
Bakit nga ba sumusugal parin tayo kahit alam naman natin na mula una hanggang sa huli ay tayo parin ang talo? Natural na siguro sa tao ang maging marupok, ang sumugal sa mga bagay na sarili lang din ang dehado. Katapangan nga bang matatawag ito? Katangahan? O karupukan? Maalin sa tatlo ay hindi ko alam.Habang naglalakad patungong pamilihan ay hindi na nawala sa isip ko 'yong sinabi sa akin ni Manang Helen. Nagpaulit-ulit ang mga sinabi niya na parang sirang plaka at habang nangyayari iyon ay unti-unti ko nang naiintindihan ang mga salitang binitawan niya.Patungkol iyon sa akin at kay Sir Gio. Wala siyang alam sa namamagitan sa amin pero may pakiramdam na siya. Ramdam ko iyon. Simula noong nalaman niya ang aksidenteng halik na nangyari sa amin ni Sir Gio ay naging mapagmasid na siya, parang laging nay pag-aalinlangan kapag gagawin ko na ang duty ko sa senyorito nila.Hindi man halata pero sa totoo lang ay natatakot ako. N
Ano 'yon, Alyana? Anong nangyari? Akala ko ba tama na iyong halik lang? Bakit parang sumobra naman yata?Kasalukuyan akong naghahalo ng whipped cream na nasa bowl habang nakatulala. Nauulinigan ko ang mga boses nina ate Carmen sa aking paligid. Kasama ko din kasi sila rito sa kusina, saglit kong pinalitan si Manang dahil may ibang inutos sa kaniya si Madam Anisha."Ewan ko. Basta ako hindi ako basta basta pumapasok sa kwarto nina Senyor at Madam lalo na sa mga Senyorito. Ayokong magmukhang salang respeto..." boses iyon ni ate Jody."Agree ako dyan. Hindi ko nga alam bakit iyong iba dyan ay ang lakas ng loob gawin iyon. Hays, palibhasa masyadong pabida kina Madam." Si ate Malou naman iyon.Para akong natauhan bigla. Mariin ang pagkakatikom ng aking bibig. Bumagal ang paghahalo ko sa cream at malakas na tumikhim. Doon sila natahimik. Umirap ako sa kawalan. Itong mga nanay na ito talaga. Pagchichismisan na ng
Pagpatak ng alas dose ay tumulong ako kina Manang sa paghahanda nila para sa tanghalian. Ngunit sa gitna ng paghahanda ng mga pagkain sa hapag ay tumunog ang landline. Sinagot iyon ni ate Malou at pagkatapos ng tawag ay pinanood namin siyang bumalik sa tabi namin."Hindi daw matutuloy ang dinner para mamaya kasi parehong pagod si Madam at Senyor sa naging byahe nila." Pagbabahagi niya.Napatango kami at naiintindihan ko naman iyon. Sa ilang years na pabalik-balik at palipat-lipat sa ibang bansa ng mag-asawang iyon sino ba namang hindi mapapagod. I wonder kung nagsasawa rin kaya sila sa mga tanawin na nakikita nila? Duda ako doon. Ang sarap kaya magtravel around the world at kahit pa tungkol sa business ang dahilan nila, couple goals parin iyon para sa akin!Pangarap ko din makarating sa iba't-ibang bansa at libutin ang halos buong mundo. Kung ako 'yon, hinding-hindi ako magsasawa magtravel lalo na magsight-seeing ng mga tanawin. Mas maganda kung may kasamang jow
"Anong gusto mong panoorin ngayon? Harry Potter Series? Titanic? Shrek? Or... Fifty Shades of Grey?" Napangisi ako sa huling choices na ibinigay sa kaniya.Kasalukuyan kaming nandito sa kuwarto ni Sir Gio kung saan may malaking flat screen tv at para talagang nasa sinehan ang set-up. Sobrang manly ng kaniyang silid, mula sa kisame hanggang sa maliliit na detalye at furnitures. Humahalimuyak pa ang bango ng ginagamit niyang shower gel at pinaghalong aftershave at baby cologne. 'Yung baby cologne kasi nilalagay ko sa kaniyang pabango kapag bagong ligo siya, ako pa bumili niyon noon sa convenience store mabuti at nadala ko dito. Bagay naman kasi sa kaniya ang amoy. Kaya ang sarap-sarap tuloy niyang amuyin.Kita ko ang pagkunot ng noo ni Sir Gio habang pinapakita ko sa kaniya ang hilera ng mga papanoorin namin sa screen. Ni-highlight ko talaga iyong Fifty Shades of Grey. Natatawa nalang ako habang nahihirapan siyang pumili."Ano na? Tumatakbo ang oras!" Pinressure k
Simula noong hinalikan ko si Sir Gio, bigla na lamang siyang umiwas sa akin. Hindi man siya umiimik ngunit ramdam ko at alam ko sa mga kilos niya. Iniiwasan niya ako.Kaya napaisip ako.Mali ba iyong ginawa ko? Mali ba na hinalikan ko siya? Nadala lang naman ako ng damdamin ko. Ano kayang iniisip niya? Siguro akala niya isa talaga akong manyak na babae na nagte-take advantage sa kaniya?But he answered my kisses! Sinuklian niya 'yung mga halik ko kaya inakala ko na okay lang! Tinanggap niya 'yung mga halik ko kaya hindi ko naisip na magkakaproblema, na iiwas siya.Akala ko kasi nagustuhan din niya. Marahil nadala lang din siya ng tukso. Kasi lalaki parin naman siya, at iyong ginawa kong paghalik ay maling-mali nga yata talaga.He's clearly avoiding me and I'm frustrated to think that he's also mad at me because of my sudden kiss. Kahit anong suyo ko, wala. Lalayo lang siya at lilipat sa pwesto kung saan malayo sa akin. Na para bang may sakit
"Huwag ngayon, Sir Gio." Malamig kong sinabi.Pagkatapos ng nangyaring kiss ay agad akong umalis sa kaniyang kuwarto. Ngunit sinundan niya ako dito sa garden habang nagdidilig ako ng mga halaman. Kanina pa siya riyan, kinukulbit ako o 'di kaya ay umuungot sa tabi ko para lang mapansin ko.Nasa shock stage pa ako, eh. Aba, sino ba namang hindi mash-shock doon? All my life, virgin pa ang lips ko 'no! Bakit niya kaya ginawa iyon? Trip niya lang? Naku, kung trip niya lang, bahala siya sa buhay niya! Pesteng pogi na mapang-abuso sa aking marupok na puso.Kanina pa din kami dito parang magjowa na nagkatampuhan. Naguguluhan na nga sa amin sina Manang at sa ikinikilos nitong si Sir Gio. Baka kapag nagtagal ay madiskubre pa nila ang kalapastanganang ginawa niya sa akin.Nasa tapat ako ng mga gumamela nang kinulbit niya ako sa likod."Yana..." 'yan, palaging ganiyan. Puro pangalan ko binabanggit niya.Ang hinihintay ko ay 'yung 'sorry, baby' niya! My go
Masyadong busy ang mga tao ngayon kaya wala kaming ginawa ni Sir Gio sa buong araw kundi ang mag movie marathon. Na-realize ko din na maganda ang katayuan ko dito, hindi na ako masyadong nahihirapan at bukod pa doon, tinupad nga ng mag-asawang Madrial ang magandang pagpapasuweldo sa akin.Kaya nangako ako sa sarili ko na hindi na ako aalis sa trabahong ito. Dahil bukod sa unti-unti ko na itong nagugustuhan, sa palagay ko ay ayaw ko na din mahiwalay sa kay Sir Gio. Napamahal na kasi siya sa akin, e.Napamahal. Hayyy...Hindi ako sumuko sa kakaturo sa kaniya ng ilang baby words. Nakakatuwa nga kasi success namin ang iba, 'yun nga lang mas marami ang failed. Kaya nagdesisyon akong 'wag nalang pilitin muna. Siguro kasi malaki talaga ang naging epekto sa kaniya ng trauma."Kawawa ka naman, Sir Gio..." nasabi ko nalang habang pinupunasan ang basa pa niyang buhok.Nandito ulit kami sa kaniyang kwarto at katatapos ko lang siyang paliguan. Oha. Alagang Alya
May banyo naman ang sariling kuwarto ni Sir Gio kaya doon ko siya papaliguan. Hindi na din pala siya nagsusungit kapag pumapasok ako sa kaniyang kwarto hindi katulad noon na ayaw niya talaga akong papasukin. Excited na ako! Ahihi.Okay, Alyana. Remember, trabaho lang.Nag-inhale exhale muna ako bago siya sinamahan umakyat patungong kuwarto niya. Ang laking lalaki niya, napakatangkad. Kahit second born siya ay parang magkasing tangkad na sila ng kaniyang Kuya. At napansin ko rin na namimintog ang kaniyang mga muscles tapos maumbok rin ang kaniyang pwetan.Siguro suki 'to ng gym noon? May abs rin kaya siya? Ilan naman kaya?Gosh! Stop na, Aly! Behave!"Ngayon ay magsasando ka kasi medyo mainit ang panahon. Ayos ba?" Pagkapasok namin sa kuwarto ay ipinakita ko sa kaniya ang damit na susuotin niya.Kumunot ang kaniyang noo, hindi yata nagustuhan ang kulay. Yellow iyon, eh. Sumimangot ako at binuksan ang walk in closet niya. Nilingon ko siy