“Masaya naman ang magtanim,” pag-uulit ni Dina, kinokombinsi talaga ako. Heto na naman siya sa masaya niya.“Of course, masaya talaga ang magtanim,” I sarcastically told her.Padabog kong kinuha ang backpack ko at sinukbit iyon. Nagmartsa ako palabas ng classroom at nilagpasan siya. Last period na namin ngayong hapon at pupunta raw kami roon sa garden ng school para mag-gamas ng mga damo, magtanim, at gumawa ng bakod sa mga tanim. My God, bakit kasi hindi na lang mag-discuss? Kailan pa naging related ang subject na Filipino sa pagtatanim at pag-gagamas ng mga damo?Pagdating namin sa likod ng school ay hindi lang ang mga kaklase namin ang nandoon. Halos lahat ata ng section sa taas ay kasama, pati na ang dalawa pang teacher, isa roon si Mrs. Pascual.I looked around, not quite sure to expect. Sa right side ko ay nakita ko roon ang mga tanim na gulay, may mga bunga na rin iyon. Sa likod ko naman ay may kulungan ng kuneho, sa loob no'n ay
Last Updated : 2022-03-06 Read more