All Chapters of The Story of Us (Tagalog): Chapter 81 - Chapter 90
165 Chapters
Author's Note #4
To My Dear Valued Readers, MERRY CHRISTMAS EVERYONE! 'Yun oh! Kamusta kayong lahat? I pray everyone is safe and doing well in life. Despite nga na nasalanta tayo nang bagyong Odette ay pilit pa rin tayong bumabangon. Fighting lang tayo... basta alive and healthy sa araw-araw at kasama ang mga mahal sa buhay, that's all that truly matters... Bear with mga Moonbebe ('yan na tawag ko sa inyong mga readers ko HAHAHA cute naman iiihhh). Si Luna King niyo po ay naging abala dahil sa sunud-sunod na mga pangyayari... Christmas is always the busiest time for me and my fam... Maraming tradisyong finafollow iiihh... Kayo ba, share niyo naman sa comment section mga ginagawa niyo tuwing pasko... <3 Enjoy your Christmas mga pipz... and don't forget to always thank God for the blessings of this yuletide season. Pahinga muna tayo, ha? Bonding-bonding with the family na muna... 'wag puro si Miguel ang hinahanap... lilitaw din ulit 'yun HAHAHAHA Last but not
Read more
Chapter 78 - You Were Born To Tell Stories
For what seemed like the tenth time that night, nayanig na naman ang mundo nang dalaga. Her father’s sudden confession shook her being. It was not really the kind of revelation she expected to hear from him. “First Light Orphanage to be exact. It was managed by a religious congregation at ang nagpalaki sa aming mga kabataang naroon ay mga madre. Hmm… I think I was about ten years old when I asked Sister Superior about my parents. Ang sabi niya, hindi rin daw niya alam ang tungkol sa kanila. Ang tiyahin ko lang daw kasi ang naghatid sa akin doon sa bahay-ampunan. She stole me from my birth parents because according to her, they were about to sell me to a child syndicate… or something to that extent.”Habang nakikinig sa mga kwento nang kanyang ama ay hindi napigilang magbalik sa isipan ni Sky ang makailang ulit na tagpo sa p
Read more
Chapter 79 - Love and Determination
“Bilis na! Lumakad na kayo… mamaya niyan hindi niyo na maabutan ‘yung bus.”Umungol lang si Maymay bilang tanda nang pagrereklamo. Nagpapadyak pa ito habang sinusuklay ang mahaba at tuwid na buhok. Kanina pa pati panay ang simangot nito nang kumakain sila nang agahan.Sinadya niya talagang bumangon nang maaga para ipaghanda nang almusal ang dalawang kabataan. Kahit pa nga halos madaling-araw na silang tatlo nakatulog ay tila ba nakaset na ang kanyang body clock upang magising nang alas kwatro impunto. And because she had extra time after preparing their breakfast, Sky decided to make lunch for the two para hindi na nang mga ito mabawasan ang baong pera.“Ate naman… pwede bang umabsent na muna kami ni Kaloy kahit ngayon lang? Magbonding na lang tayo, please…” Nakangu
Read more
Chapter 80 - Keeping A Promise
“Sky, anak… ‘yung ticket mo sigurado bang nasa bag mo na? How about your passport and visa?” For the hundredth time during that day ay muling itinirik ni Sky ang mga mata sa daddy niya. Kanina pa ito makailang ulit na nagtatanong sa kanya nang ganoon. Kung hindi ticket, passport, at visa ay mga damit panlamig naman niya ang itinatanong nito. Kinukulit din siya nito tungkol sa phone charger, laptop, at kung anu-ano pang gamit niya, to which she was a thousand percent sure naimpake na niya noong isang araw pa. “Yes, Dad. Nasa bag ko na. You already asked me that kanina, diba?” Her father grunted in response. “Just making sure. Alam mo namang mahigpit ang immigration. One requirement you forget at hindi ka na makakalusot. Malayu-layo pa naman ang bahay natin sa airport.”
Read more
Author's Note #5
To My Dear Valued Readers, Nandiyan pa ba kayo?? Kamustaaaaaa? Woiiii nasa 850 subscribers na po ang story... omo... Pahug mga Moonbebe... Thank you sa support! So ayun, one day to go before 2021 ends. How was your year so far? I hope you had a good one despite the struggles... and don't forget to thank God for the past, present, and future blessings. I'm sure marami pa darating na biyaya kaya laban lang tayo. Ako rin... I'll keep bleeding ink for you guys... wait tama ba? Uhm... I'll keep bleeding on my keyboard yata dapat hehe... (^.^) Just a heads up pipz, I'll be posting new updates by January 1, 2022. Uwuuu... new year means new chapters... cliffhanger na muna tayo for now... sana nandiyan pa rin kayo pagbalik ko.. Enjoy na lang muna natin ang bagong taon with our families and friends...  Let's continue to spread love and positivity... May we all have a warm, happy, and prosperous New Year!  ~Luna King  
Read more
Chapter 81 - New Beginnings
Five years later….   “We’re really going to miss you, Sky. Are you a hundred percent sure about your decision? You can still take it back you know…” Ani Caroline, ang kanyang editor-in-chief for the past three years. Sky smiled at the woman whom she not only considers her mentor but also her friend. “I’m going to miss all of you, too, especially you, Caroline. But I’ve been away from home long enough. My family and friends are already driving me nuts asking me every time when I’ll be going home.” “Just in case you change your mind and you miss New York, you can still knock on our doors anytime.” Nakangiting singit naman ni Bryan, isa sa mga kaclose niyang officemate.  Blooming na blooming pa ang bruho dahil kagagaling lang nito sa honeymoon nito wit
Read more
Chapter 82 - The Heir
Nanlaki naman kaagad ang mga mata nang dalaga habang nakatitig sa screen nang laptop. “What?! Are you out of your mind? Have you heard about what the media have said about this guy?” Napabuntong-hininga naman mula sa kabilang linya ang kaibigan niya. “Yeah, I’ve heard… but how hard can it be for someone like you? I know you have wide connections! And besides, don’t try to deny it dahil alam kong nakapagseal nang bagong deal ang kompanya ninyo sa Vontillon Corp. It’s all over the news, you know.” Sky knew what her friend was talking about. Masayang ibinalita iyon sa kanya nang daddy niya noong nakaraang linggo lang nang mag-usap sila. Isa na namang successful business project ang nagawa sa pagitan nang kompanya nila at nang Vontillon Corp. That would be the tenth one in the last five years, at mukhang tuloy-tuloy na talaga ang pagtitiwalang ibinubuhos nang nat
Read more
Chapter 83 - Homecoming
“....Ladies and gentlemen, on behalf of Centurion Airlines and the entire crew, we would like to give you a warm welcome at Ninoy Aquino International Airport Terminal 1. The local time is exactly eleven o’clock PM with a temperature of twenty-eight degrees celsius. Thank you for choosing to fly with us and we are looking forward to seeing you onboard again in the near future. Have a nice evening and enjoy your stay!”Nag-inat na si Sky upang maalis ang namumuong pangangalay nang kanyang likod at balikat. She had just been through a seventeen and a half hour flight and it’s starting to take a toll on her body. Ngayon ngang ligtas na nakalapag na ang eroplanong sinasakyan ay ramdam na niya ang pagbaba nang kanyang adrenaline level sa katawan. She just wanted to roll over her bed and let sleep wash away her jet lag.Sinimulan na niyang ayu
Read more
Chapter 84 - Bargain
“Ang gwapo ni Sir Julienne kanina, noh, Señorita? Eeeeh! Akala ko pa naman gwapo na siya kapag nagsusuplado. Hay! Pero mas pogi pala siya kapag nakangiti at tumatawa…” Kinikilig pang turan ni Ana habang naghuhugas nang mga plato. Pasado alas dos na nang  madaling-araw nang matapos ang pawelcome party kay Sky. Subalit imbes na matulog ay heto ngayon siya at tinutulungan si Ana sa paglilinis nang mga pinagkainan nila kanina. Kasalukuyan silang nasa service kitchen nito at siya ang taga-punas nang mga nabanlawan na nitong mga pinggan. Tinanggap ni Sky ang inabot nitong basang plato. “Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin nawawala ‘yang pururot na paghanga mo kay Julienne?” Napayuko naman ang dalagang katiwala na tila ba nahihiya ito. Her ears also turned a shade of pink habang pigil-pigil ang kilig.
Read more
Chapter 85 - Hello, Love
Sky immediately sat up as she heard a car pull over by their garage. Kilala niya ang tunog nang sasakyan at sigurado siyang kay Bernard iyon. Besides, no one else would stop by their house this early. Eksaktong alas sais pa lang kasi nang umaga. Iyon talaga ang oras nang pagdating nito sa kanila araw-araw tuwing weekdays upang sunduin ang kanyang daddy. He was never late nor absent, pwera na lang siguro kung may emergency ito. But that’s just it, he seldom had an emergency sapagkat matandang binata naman ito. Minsan nga ay naiisip niyang siguro kaya hindi na ito nagkapag-asawa ay dahil sa sobrang dikit nito sa kanyang ama.Mula kasi nang magkaisip siya ay ito na talaga ang namulatan niyang kanang-kamay nito. There was no one else for the past thirty two years of her life… just him and her father working together side by side.
Read more
PREV
1
...
7891011
...
17
DMCA.com Protection Status