Home / Romance / Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig / Kabanata 1261 - Kabanata 1270

Lahat ng Kabanata ng Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig: Kabanata 1261 - Kabanata 1270

2077 Kabanata

Kabanata 1261

Hindi talaga ganun kagusto ni Sabrina si Mrs Sear, kaya ang tono niya ay medyo naiinip. "Mrs Sear, ako ay medyo mahuhuli na sa trabaho, anong problema?""Mrs Ford, alam ko na hindi mo gusto ang ilan sa amin simula nung insident nung huling beses, pero sinisigurado ko sayo ang karakter ko, hindi na talaga kami gumawa ng kahit anong gulo pagkatapos nun. Sa grupo na meron kami, hindi namin ipinagyayabang ang mga bag o ang yaman namin, pinag-uusapan lang namin ang ilan sa mga karanasan ng pagpapangaral sa mga bata."Si Sabrina ay hindi nagsalita ng kahit ano.Nagpatuloy naman si Mrs Sear, "Kailanman ay hindi ko siya pinilit na sumali sa maliit na grupo namin dahil ito rin naman ay kusang loob. Pero, alam mo ba kung ano ang minsang sinabi ni Susan sa akin nung umuwi siya? Sinabi niya na si Jennifer ay hindi masyadong masaya sa eskwelahan. Gu...gusto lang talaga namin makipag-usap sa nanay ni Jennifer. Totoo nga na siya ay walang asawa, at bilang mga babae tulad natin, gusto lang namin si
Magbasa pa

Kabanata 1262

"Sigurado ako na dalawa lang ang kamag-anak ni Marcus, ang isa sa kanila ay si Ruth, at ang isa naman ay si Sabrina," sabi ni Ryan nang wala masyadong pag-iisip."Kulit mo!" si Sabrina ay nagkunwaring galit."Tita Sabrina, ako ang nakakataas sayo. Hindi ka pa ba magtatrabaho ngayon? Tanong ni Ryan nang may pag ngisi. Saka lang napagtanto ni Sabrina na late nga pala siya ngayon.Agad siyang pumasok sa elevator. Nung oras na sumaea ang elevator, gusto ulit kumpirmahin ni Sabrina. "Sigurado ka bang walang ibang kamag-anak si Marcus?""Siguradong sigurado!" sabi ni Ryan. Gumaan naman ang loob ni Sabrina. Inisip niya sa sarili niya na nagkataon lang siguro ito. Pagkatapos ng lahat, maraming tao ang may apelyidong Shaw.Matapos na mag-isip sa ganung paraan, hindi na inintindi pa ni Sabrina ang tungkol sa bagay na ito. Nung siya ay nagtatrabaho, siya ay seryoso at masipag pa rin. Pagkatapos ng trabaho, sinundo niya pa rin si Aino. Si Sabrina ay nagmamadaling pumasok sa trabaho nitong mga
Magbasa pa

Kabanata 1263

“Malinaw ang intensyon ni Holden. Ayaw niyang magpahanap, kaya sa oras na pilitin mo siyang lumabas, hindi siya magdadalawang isip na magpakamatay. Ilang milyong dolyar ang ginastos niya para lang mabili yung bombang suot niya, at alam naman natin kung gaano kakilala ang Keicrekreth pagdating sa mga ganung teknolohiya, diba?” Huminga ng malalim si Sabrina. “Ano ba talagang gusto niyang mangyari?” Malayong malayo ang Holden na nakikita niya ngayon sa nakilala niya noon… Ang Holden na nakilala niya ay rasyonal, marunong kumontrol ng emosyon, at higit sa lahat, may malasakit sa lahat… Pero ngayon? Ganun na ba siya kalungkot na umabot na sa puntong pati pagpapakamatay ay hindi na siya natatakot? Sobrang lungkot ni Sabrina para kay Holden. “A…anong plano mo?” Tanong ni Sabrina kay Sebastian. “Kung wala akong gagawin, hindi niya titigilan ang mga tao dun sa mansyon.” Sagot ni Sebastian. “At dapat lang naman yun sakanila!” “Pero sa oras na saktan niya kayo ni Aino, sisiguraduhin
Magbasa pa

Kabanata 1264

Si Marcus, na may dalang paso, ay biglang natigilan. “Hmm Sabrina, bakit bigla mo yang natanong? May… may nalaman ka ba?” Inasahan na ni Sabrina ang naging sagot ni Marcus pero nalungkot pa rin siya noong narinig niya talaga ito. “Wala naman. Napansin ko lang na napapadalas ang pagbisita mo sa Mommy ko, kaya naisip ko na baka wala ka ng ibang kamag anak. Haha.” Tumawa ng malakas si Sabrina. Dahil dun, biglang nakahinga ng maluwag si Marcus. “Haay, sa tuwing iniisip ko yung iba kong mga kamag anak, kinikilabutan ako.” Hindi alam ni Sabrina kung anong sasabihin niya kaya medyo matagal bago siya nakasagot, “Ba…Bakit? So may iba ka pa ngang mga kamag anak?” Nagbunting hininga si Marcus at ngumiti, “Oo! At kilala rin siya ng Mommy mo. Magkaklase sila noong kindergarten. Magbest friends sila noon pero mula noong nalaman niya ang tunay na pagkatao ni Aunt Gloria, isa sa siya sa mga nang api sakanya noon. Hindi nakapag salita si Sabrina. Sa tuwing binabalikan nila ng Mommy niya a
Magbasa pa

Kabanata 1265

Gusto niya sanang ipalaglag ang bata pero hindi niya nagawa. Pagkapanganak ng bata, sinabi ng boyfriend nito, “Kung sa akin ang batang yan, bibigyan kita ng isang daang milyon, pero kukunin ko ang bata dahil hindi ako papayag na palakihin ng isang malanding babaeng kagaya mo ang anak ko! Pero kung hindi sa akin yan, magpakalayo-layo ka na!” Galit na galit si Jennie at umiiyak na sinabi sakanyang boyfriend. “Hindi ba ikaw nagdala sa kaibigan mo para pagsamantalahan ako?! Tapos sasabihin mo sa akin na malandi ako?” Haha! Wala namang problema sa akin kahit gaano ka pa kalandi kasi wala rin naman talaga akong planong seryosohin ka, pero ibang usapan na pagdating sa anak ko!” Hindi nakasagot si Jennie. Sa sobrang pagkainsulto niya, pumayag siyang magpapaternity test. Pero sa kasamaang palad, lumabas nga na hindi ang boyfriend niya ang tatay ng anak niya. Sinubukan niyang hanapin ang tatay ng anak niya, pero simula noong gabing may nangyari sakanila, hindi na ito nagparamdam
Magbasa pa

Kabanata 1266

Nang makita niya ang reaksyon ni Marcus, nagulat si Sabrina. Pero bandang huli ay ngumiti nalang din siya, “Haha! Ikaw talaga, Marcus! Hinulaan ko lang naman yun. Pwedeng mayroon o walang asawa ang pinsan mo. So tama ang hula ko?” Natawa si Marcus, “Hahaha! Hindi ko inakala na pilya ka rin pala, Sabrina.” Ngumiti si Sabrina. “Matagal na.” “Wag na nga natin siyang pag usapan, Sabrina! Sa totoo lang, hindi ko pa sila nakikita nganak niya, at para sa akin, kayo lang ni Ruth ang mga pinsan ko.” Tumungo si Sabria. “Sige, pumasok na tayo at tulungan mo kaming magluto ng ravioli.”“Mhm! Ay sandali, balita ko plano raw sumali ng auntie ko sa dance party ng mga senior?” “Haha! Oo nga raw eh. Ang alam ko, magaling magpiano ang Mommy ko, pero parang parehong kaliwa ang mga paa niya. Mukhang dinibdib niya ang practice niya!”“Tara, silipin natin.” Pagkapasok nila, nagmamasa si Gloria ng dough. Naihanda na niya ang fillings na ilalagay niya rito. “Mommy, sabi mo nagpractice ka bu
Magbasa pa

Kabanata 1267

Pinsan pa rin ng daddy niya si Jennie at sa oras na malaman nito na pinagtaasan niya ito ng boses, siguradong may kalalagyan siya kaya pinilit niyang kumalma. “Tumawag ba kayo sa mansyon?” “Haha! Mhm! Pero ayaw sagutin ni Lolo. Ang daddy mo ang sumagot at alam mo naman kung gaano kamahal ni Uncle si Mommy, diba?” Hindi alam ni Marcus kung anong isasagot niya. “Noong nalaman ni Uncle na tumatawag sakanya si Mommy, tumawag siya sa amin at pinapunta niya kami.” “Lori….” Pero bago pa man din matapos ni Marcus ang sasabihin niya, bigla siyang binabaan ni Lori. Gusto niya sanang magtagal sa bahay ng Auntie niya dahil yun din naman ang gustong mangyari ng lolo at daddy niya, pero mukhang kailangan niyang umuwi kaagad. Ang sabi sakanya ng daddy niya, “Marcus, sobrang nasaktan ng lolo mo ang auntie mo, at hindi ko naman ikinakaila na nasaktan ko rin siya noon. Pero siyempre, sa paglipas ng mga panahon, natanggap ko na magkapatid pa rin kami kahit anong mangyari kaya dalasan mo ang p
Magbasa pa

Kabanata 1268

Nagulat si Lori.. Hindi niya alam kung anong isasagot niya hanggang sa bandang huli ay mangiyak-ngiyak niyang sinabi, “Ma…Marcus, anong ibig mong sabihin? Hindi lang naman ikaw ang nakatira dito, diba? Mansyon ‘to ng Lolo ko at gusto rin naming bisitahin si Uncle at si Auntie. Hinintay na nga kita dito, tapos gaganyanin mo lang ako!” Biglang nahimasmasan si Marcus. “Pasensya na. Medyo masama lang ang araw ko.” Pero lalong umiyak si Lori. “Kanina pa ako kinukulit ng anak ko kung gwapo raw ba ang Uncle niya kaya nandito kami sa labas para hintayin ka…”Napatingin si Marcus sa batang babae. “Uncle…” Hindi niya itatanggi, napukaw nito ang loob niya kaya yumuko siya para buhatin ang bata. “Ilang taon ka na?” “Six! Ang pangalan ko po ay Jennifer. Nagpunta po kami dito last week pero wala naman kayo nila lolo. May regalo pa naman ako sainyo!” “Talaga ba? Dala mo ba ang regalo mo?” “Opo.” “Pwede ko bang makita?” “Okay.” Masayang bumaba si Jennifer mula sa pagkakabuhat sakanya
Magbasa pa

Kabanata 1269

Kung hindi niya lang alam na nasa twenty-five na si Lori, iisipin niya na nasa forties o mas bata pa ang babaeng nasa harapan niya. Sobrang elegante ng ayos nito, na para bang wala itong pinagdaanang hirap sa buhay. Dahil dun, bigla niyang naalala ang Aunt Gloria niya. Ang Aunt Gloria niya ang tunay na tagapag mana ng mga Shaw, pero pinagtabuyan, kinahiya, at inapi ito ng sarili nitong pamilya, kaya ngayon ay mas minatamis nalang nitong magpakalayo. Pareho lang naman ang babaeng ito ang auntie niya na may pangarap na makapag aral, pero kinailangang humito sa pagaaral ng auntie niya dahil sa kahirapan. Bukod dun, pareho ring nakatagpo ang mga ito ng maling lalaki, pero malinaw na ang Jennie na nasa harapan niya, ay nabigyan ng pagkakataon na makabangon, hindi kagaya ng auntie niya. Nabuntisan din naman si Jennie, pero hindi nito kinailangang mag hirap. Samantalang ang Auntie niya ay halos humalik na sa lupa para lang makapagtrabaho mula umaga hanggang gabi. Sa kamalas-malasan pa nit
Magbasa pa

Kabanata 1270

Abot-tenga ang ngiti ni Jennie. “Oh my, Marcus, medyo maraming best friend ang Auntie mo noon. Sa totoo lang, halos hindi ko na nga mabilang kung ilan sila! Sino bang tinutukoy mo?” Ngumiti si Marcus, “A… wala naman.. Interesado lang akong malaman ang mga nangyari sayo noon!” “Hahaha! Masaya naman ako noon.” Huminga ng malalim si Marcus at pumikit, na para bang pinipilit niyang kumalma. Pagdilat niyam nakita niyang nakatitig sakanyang ang Daddy niya kaya natigilan siya. Buti nalang din at mukhang nakaramdam si Jennie na nang lumalaon ay ito na mismo ang nagkusang nagpaalam na uuwi. Pagkatapos ihatid ang tatlo sa labas, naiiritrang sinabi ni Marcus sakanyang mga magulang, “Hindi pa ba sapat na pinapunta niyo sila dito? Kailabgan ba talagang pauwiin niyo pa ako? Gusto ko lang namang tikman ang ravioli na gawa ng auntie ko, hindi ba pwede yun?”Nang makita kung gaano kagalit ang anak, lumapit ang Mommy ni Marcus para pakalmahin siya. “Wala nama talaga sana kaming intensyon na pau
Magbasa pa
PREV
1
...
125126127128129
...
208
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status