"Almhera, I'm so sorry for everything. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa 'yo," naluluhang wika ni Giovanni sa akin. "Imbes na ako ang humarap sa mga problemang ako ang rason. Ikaw pa itong nasaktan at nahirapan nang dahil do'n. I'm so sorry, Almhera." Sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak si Giovanni sa harap ko at ako pa rason no'n. Hindi ko nakakalimutan ang mahigpit niyang yakap nang yakapin ko siya para tahanin sa pag-iyak. Malalim akong napabuntong-hininga. Naaawa sa sitwasyon ni Giovanni. Pinapanalingin ko na lamang na sana'y matanggap siya ng pamilya niya kung ano siya. Sana'y mahanap niya na ang kanyang kasiyahan at kapayapaan. "Almhera, tapos ka na ba sa paghuhugas ng pinggan— Jusko! Ano ka ba naman, Almhera! 'Yong tubig umaapaw na o." Natataranta akong napatingin sa lababo. Umaapaw na nga ang tubig. Hanggang sa sahig ng aming kusina ay basang-basa na. "Pasensya po, Mama. Hindi ko po napansin—""E kasi namam, KDrama na
Last Updated : 2022-03-27 Read more