"Please, tama na, hi-hindi ko na kaya," nanginginig ang boses na turan ko sa lalakeng nasa harap ko.May hawak itong sinturon at akmang hahampasin na naman ako. Sobrang sakit sa pakiramdam. Hindi dahil sa pisikal na sakit, kun'di sa isiping ang lalakeng nananakit sa'yo, ay ang lalakeng buhay mo. Gusto ko nang sumuko.Sapagka't masyado na akong pagod. Pero hindi ko magawa. Naguguluhan ako. Ako daw ang may kasalanan kung bakit nagkaganito siya. Kung bakit naging demonyo siya. Dahil ako daw ang rason kung bakit namatay ang pinakamamahal niyang si Solenn. Maybe I deserved to be treated like this. Hilam sa luha ang mga mata ko nang dakmain niya ako sa leeg. Galit. Sobrang galit ang nakikita ko sa mga Mata niya. Tikom ang bibig at nanginginig sa galit. "If only I could kill you matagal ko nang ginawa!"
Last Updated : 2021-08-28 Read more