Home / All / Breaking The Rules / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Breaking The Rules: Chapter 71 - Chapter 80

149 Chapters

Chapter 71

Sobrang ingay dito sa Wrangler ni Jacob. Bukod kasi sa malakas na music na nanggagaling sa dalang speaker ni Leon ay sobrang lakas din ng tawa nilang dalawa ni Sebastian sa likod. Magkasundong-magkasundo pala silang dalawa pagdating sa kalokohan.Sasabihin daw sana nila sa akin na may lakad kami ngayon pero dahil hindi ko na sila nakausap pa kagabi ay hindi na nila nasabi.Ang plano nila ay sa bahay na lang ni Sebastian pero ang iminungkahi ni Leon ay sa dagat na lang daw para maipasyal naman ako doon. Pumayag din naman agad ang dalawa dahil mukhang gusto ring maligo sa dagat.Hindi ako nasabihan kaya hindi ako nakapaghanda. Basta na lang akong pumulot ng mga gamit na gagamitin ko. Mabuti na rin ito para marelax ang isipan ko. Halos wala kasi akong tulog kagabi sa kakaisip sa mga sandamakmak na problemang kinakaharap ko at ng pamilya ko ngayon.I need to unwind even just for a day. Hindi naman siguro masama iyon.And who would know that there's a b
last updateLast Updated : 2022-01-03
Read more

Chapter 72

Tumingin si Sebastian sa amin saka umiling. Tumabi kami ni Jacob nang lumapit siya at umakyat sa likod ng sasakyan.Tahimik lang namin na pinagmamasdan ni Jacob ang pagkuha ni Sebastian ng tubig ay sana ay kukunin namin.Nang makuha na niya ang mga tubig ay nagsalita si Jacob."Bro it's not—""Let's go back. Kanina pa raw nagugutom si Leon," sagot ni Sebastian saka niya kami nilampasan.Nagkatinginan kami ni Jacob at sabay na bumuntong hininga. Wala man siyang sinasabi pero alam kong naiinis siya sa amin dahil pinag-uusapan namin siya, ang tungkol sa buhay niya ng walang permiso na galing sa kanya."Tara na. Baka lalo pang magalit si Sebastian pag hindi pa agad tayo sumunod," ani Jacob.Pagbalik namin ay saktong katatapos lang ni Sebastian na maghugas ng kamay. His face is void as well as his eyes. I really step on a landmine. Wala naman akong planong makialam sa buhay niya. Wala akong tinatanong na kung ano pero kusa namang nag
last updateLast Updated : 2022-01-04
Read more

Chapter 73

Kaming dalawa lang ni Sebastian ang nagsalo sa agahan. Pagkatapos kasi na mawalan ng malay si Jacob ay agad siyang nagpatawag ng mga kasamahan nila sa first division upang dalhin si Jacob sa kanilang pribadong isla. Hindi na nila ipinagpabukas pa dahil baka makawala pa si Jacob sa paningin nila.Sumama rin si Sebastian at kami lang ni Leon ang natira doon sa dalampasigan kaya napagpasyahan namin na umuwi na rin. Si Leon na rin ang nagmameho pauwi sa Wrangler ni Jacob."Nakahanda na ba ang mga gamit mo?" tanong ni Sebastian."Yep. Mga dalawa o tatlong araw lang naman kami doon kaya kaunti lang ang dinala kong mga gamit. Siguro ay nakauwi na rin si Jacob sa mga araw na iyon," sagot ko.Nakatanggap kasi ako kagabi ng mensahe galing kay Dean. May kawal na nanggaling sa palasyo at may dalang sulat kung saan naglalaman ang kanyang mensahe.Ayon sa nakalagay sa sulat ay lalakad daw kami papuntang Ursul dahil sa pagpupulong na magaganap sa pagitan ng liman
last updateLast Updated : 2022-01-05
Read more

Chapter 74

"W-What are you talking about? I told you that that's the only way to heal your father. Where did you get those ideas? Do you think that I'm lying?" sunod-sunod niyang wika.Pinag-aralan ko ang kanyang itsura. He is acting cool but I can feel the tension that is coming from him. Maputla siya pero hindi pa rin nakaligtas sa aking paningin kung paano siya lalong pumutla.Naningkit ang mga mata ko. Kinakabahan siya. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang kinakabahan."Kung ganun ay bakit wala man lang pagbabago sa kalusugan sa ama ko?""Because you need to fulfill your duty first before he can totally recover," puno ng kompyansa niyang sagot."What? Hanggang kailan? Paano kung matagalan? Sa lagay ng aking ama ngayon ay baka mahuli na ang lahat bago ko matapos ang mga responsibilidad ko dito.""Bakit mo ba kasi iniisip ang mga ganyan na bagay? Diba ang sabi ko sayo ay gagaling siya? Magtiwala ka lang sa akin," aniya."Hah. Ako? Mag
last updateLast Updated : 2022-01-06
Read more

Chapter 75

Hindi pa sumisikat ang araw pero sinimulan na namin na ituloy ang pagbiyahe papuntang Ursul.Hinawi ko ang kurtina na naghahati dito sa kwarto na tinulugan namin ni Dean at sa sala. Dalawa naman ang kama at magkalayo pa kaya walang problema.Kagigising ko lang din dahil nahirapan akong natulog kagabi.Naabutan ko si Dean sa upuan niya kahapon at kasalukuyan na nagkakape. Tulala siya na nakatingin sa labas at parang wala sa sarili.Hindi ko na lang siya inabala pa at umupo na rin sa kabilang upuan. May mga nakahanda na rin na mga pagkain para sa agahan.Kinuha ko na ang mga kubyertos at nagsimula nang kumain.Lumipad ang tingin ko kay Dean nang marinig ko ang pagbuntong hininga niya."I'm screwed up." Rinig ko pang bulong niya sa kanyang sarili.Problema niya? Umagang-umaga eh parang pinagbagsakan ng langit ang mukha niya.Kinuha niya ang tasa ng kape at hindi sinasadyang napabaling siya sa direksyon ko. Nagulat siya at n
last updateLast Updated : 2022-01-07
Read more

Chapter 76

"A-Anong nangyayari?" tanong ko kay Dean habang nakatingin sa aming paligid.People are coming near us. Ilang sandali nga lang ay sinimulan na nilang gibain ang karwahe na kinasasakyan namin.Malalakas na lagabog ang naririnig ko. Mula sa harap ay sumulpot ang isa sa mga kawal."Alpha Dean, the citizens are after Miss Lauren! Should we fight?""No. Stay out of this. I will deal with this alone," malamig na wika ni Dean.Isang suntok pa ay tuluyan nang nawasak ang kabilang dingding.Sa kabang nararamdaman ko ay napahawak ako sa damit ni Dean at nilakumos iyon.Galit sila sa mga tao. Pero pinapasok naman ako doon sa border kanina. Ang sabi ni Dean kanina ay sinabi na niya sa Alpha dito sa Ursul na may kasama siyang tao na darating dito. Hindi ba niya nasabihan ang kanyang mga mamamayan? Nakalimutan ba niya o sinadya talaga?Ang mga mata ng mga mamamayan ay mababagsik at nanlilisik na nakatingin sa akin. Wala rin silang pakialam k
last updateLast Updated : 2022-01-08
Read more

Chapter 77

Pagdating namin sa malapalasyong bahay ni Alpha Zenon ay agad kaming sinalubong ng mga tagapaglingkod. Kinuha nila ang mga gamit na hawak namin at nakayukong pumunta sa likod namin habang sinusundan kami sa paglalakad.Nagkalat ang mga kawal sa paligid ng malaking bahay at mahigpit ang kanilang pagbabantay. Mahahalata na meron talagang importanteng mangyayari ngayong araw na ito at sa mga susunod pa na mga araw."Ako pa lang ba ang nandito?" tanong ni Dean kay Alpha Zenon habang binabaybay namin ang mahabang pasilyo.Tumango ito. "Maaga pa naman. At kung sakali man na hindi sila dumating ay tayo na lang ang mag-uusap. Nakuha mo man ang loob ni Alpha Keith  pero hindi ako sigurado kung aapak siya dito sa teritoryo ko."Habang nasa daan kami kanina ni Dean ay nabigyan niya ako ng kaunting impormasyon tungkol sa mga Alpha. Normal lang na hindi sila nagpapansina at walang pakialam sa iba pero si Alpha Keith at Alpha Zenon daw ang meron talagang hidwaan s
last updateLast Updated : 2022-01-09
Read more

Chapter 78

Dahil sa gulat ko sa sinabi niya ay bigla ko siyang nasampal. Malakas na lumagapak ang kamay ko sa kanyang pisngi at napabaling pa sa kanan ang kanyang ulo.Nanlaki ang mga mata ko sa ginawang reaksyon ng katawan ko. Bahagya akong lumayo habang tutop ang aking bibig.I.. I didn't mean it. Nagulat lang ako at basta na lang na gumalaw ang aking kamay.Dean slowly looked at me. His peircing eyes are shooting daggers on me. Kinabahan ako at hindi ko alam kung tatakbo ba ako palayo o hihingi ng tawad.Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko si Caleb na nakaantabay at handang sumaklolo kung sakali mang manakit si Dean.Hinaplos ni Dean ang kanyang pisngi na sinampal ko. Namumula iyon at bakat na bakat sa makinis niyang pisngi ang buong palad ko. Nakaramdam ako ng pagsisisi dahil alam kong mahapdi iyon."D-Dean.." mahina kong wika habang alanganin na lumalapit sa kanya."I-I'm sorr—"Tinalikuran niya ako. Nabitin sa lalamun
last updateLast Updated : 2022-01-10
Read more

Chapter 79

Kasalukuyan akong nakatitig sa bagong karwahe na sasakyan namin pauwi. Bigay ito ni Alpha Zenon kapalit ng karwahe namin na nasira dahil na rin sa mga pakulo niya. Inaayos na ngayon ang pagkakabit ng mga kabayo dito.I was bothered with the name that I've heard. Hindi ko man ito kilala pero bigla na lang akong nabagabag.Hindi ko na tinuloy ang pakikinig sa usapan nila Dean dahil baka mahuli pa ako. Ang Alpha na kausap niya kanina ay si Alpha Gibson. Sa lahat ng limang mga Alpha, siya ang pinakamatanda sa kanila. Pero kahit ganun ay wala pa raw itong balak na magretiro dahil may problema raw ito sa kanyang anak."Miss Lauren, hindi pa ba nakapag-ayos si Alpha Dean?" tanong ng kawal na kasama namin."Tapos na. Nadaanan ko siya kanina at kausap si Alpha Gibson. Baka matagalan sila," sagot ko."Ganun po ba? Kung ganun ay pumasok na kayo sa loob at doon mo na siya hintayin. Baka mangawit pa kayo sa kakatayo," aniya.Tumango ako at pumasok na nga
last updateLast Updated : 2022-01-11
Read more

Chapter 80

Hindi ako dumiretso sa pavilion bagkus ay dumiretso agad ako sa bahay ni Jacob.Hindi ako makapag-isip ng matino dahil sa nalaman ko. Nasasaktan ako. Buong akala ko ay wala pang mate si Dean pero meron na pala. Kung ganun ay bakit ganun ang mga pinagsasabi niya kanina? Na parang may gusto siya sa akin. Minsan pakiramdam ko ay may nararamdaman siya para sa akin. Hinahalikan din niya ako kahit kailan niya gusto tapos ngayon ay malalaman ko na may sabit na pala siya.Mapait akong napangiti. He was just playing with me. He's the worst.Nanatili lang akong nakatayo habang nakatitig sa pintuan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito.Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Sebastian na nagsusuklay ng buhok, bihis na bihis din siya."Lauren! You're back!" natutuwa niyang wika pagkakita sa akin.Tipid lang na ngiti ang isinagot ko. Mukhang pati pagngiti ay hindi ko na rin magawa."May pupuntahan ka?" tanong ko.
last updateLast Updated : 2022-01-12
Read more
PREV
1
...
678910
...
15
DMCA.com Protection Status