Home / Werewolf / Breaking The Rules / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Breaking The Rules: Chapter 11 - Chapter 20

149 Chapters

Chapter 11

Mga 30 minutes din ang tinakbo namin bago kami makarating sa bahay ng mangkukulam. Maingat akong ibinaba ni Jacob sa lupa. "Ito na ba yun?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa maliit na bahay sa harap namin. "Yeah," sagot ni Jacob. Pinag-aralan ko ito. Ang bahay ay gawa sa purong kahoy, maliit lang ito pero mukhang matibay. Sa likod ng bahay ay isang napakalaking bato na natatabunan ng makapal na lumot. Sa paligid naman ng bahay ay isang maliit na ilog at ang asul na tubig ay kumikinang at mabilis ang ragasa ng tubig. Ang maliit na ilog ay nakapaikot lang sa bahay kaya ang tubig ay paikot-ikot lang, without no direct source of water. There's no doubt that this is a house of a Witch. Tumikhim ako. "T-Tao po?" wika ko sa medyo malakas na boses. Narinig ko na lang na umalingawngaw ang tawa nina Jacob at Sebastian. Naguguluhan ko silang tiningnan. What? Am I doing it wrong? "Lauren, you wouldn't see a Witch if y
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more

Chapter 12

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Pagmulat ko ng mga mata ay matagal muna akong tumitig sa kisame at inaalala kong ganito ba ang kulay ng kisame sa aking kwarto. Nang mapagtantong hindi ganito ang tamang kulay ay napabalingkwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga. "Shit," mura ko at nasapo ang noo dahil sa naramdamang pagkahilo dahil sa biglaan kong pagbangon. Dumako ang tingin ko sa mesa na nasa malapit at mabilis kong dinampot ang nakitang baso at isang pitsel ng tubig na nakalagay sa ibabaw nito. Halos saidin ko ang laman ng pitsel dahil sa matinding pagkauhaw. Nang mahimasmasan ako ay inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto. A combination of grey and white color. Sobrang elegante ng kwarto at kakaunti lang ang mga gamit, sobrang linis din. Ang kamang kinalalagyan ko ay sobrang laki at lawak, sobrang puti rin ng mga kumot at bedsheet. Saka ko lang napansin na iba na ang suot kong damit. Maluwag
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more

Chapter 13

Tuluyan na akong iniwan ni Jacob mag-isa dito sa sasakyan. Susubukan daw niyang maghanap ng tsinelas na sakto sa paa ko. Gumawi ang tingin ko sa may harapan ng sasakyan. Agad kong dinampot ang isang itim na baseball cap at madaling isinuot ito sa aking ulo. Nasisiguro kong kay Jacob ito dahil amoy vanilla. Medyo hinila ko pa pababa sa may harapan upang takpan ang aking mukha. Dinilaan ko ang aking pang-ibabang labi saka nagtaas ng tingin. Kahit na medyo kinakabahan ako ay hindi ko maiwasan na ilibot ang aking mga mata sa buong paligid. Kung sa amin sa Centro ay parang Spanish ang itsura ng mga gusali, dito ay European at gawa sa maiitim na bricks ang mga gusali. Ang mga kagamitan din ay mas luma. At ang namumukod tangi sa lahat ay ang mga halaman sa bawat pamilihan. Hindi ako mahilig sa mga bulaklak pero masasabi kong ngayon lang ako nakakita ng mga ganong klaseng halaman. "Oh bili na kayo ng gulay mga suki! Murang-mura lang at bagong ani pa a
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more

Chapter 14

Akala ko ay tuluyan ng hindi magsasalita si Jacob. Pero maya-maya lang ay nagsalita siya. "Do you know the word 'mates' at kung gaano kaimportante sa amin ang bagay na iyon?" umpisa niya matapos ang mahabang katahimikan. Mates. "They are your lifetime partner right? Like soulmates?" wika ko. Marahan na tumango si Jacob. "Something like that but there's more to that. Supposedly, Leon should find his mate last year but the whole year had passed without any single trace from his mate." So maybe that's the reason kung bakit ganun si Leon. "Most of the population of wolves finds their mate at a young age. Ang pinakamababa ay edad kinse but most of the time ay sa pagitan ng edad disi-otso hanggang bente at wala pang lumalagpas dun pag normal na lobo ka." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang sabi niya kanina ay dapat ay noong nakaraang taon sana matatagpuan ni Leon ang kanyang kapareha. Jacob mentioned that Leon's already 24 now so
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more

Chapter 15

Am I being selfish again? Kanina habang kausap ko si Jacob ay nakagawa na ako ng desisyon. Mananatili muna ako dito sa Magnuth tutal at nandito naman na ako. I can't risk going back in Asthad without an answer or cure dahil wala ng kasiguraduhan pa kung makababalik ulit ako dito, lalo na at wanted ako sa mga Rogues. Pwede naman akong bumalik pero hindi na ako makakasiguro kung papalarin ako sa ikalawang pagkakataon na pagpunta ko rito. Mawawalan ako ng contact kay Jacob once na bumalik ako sa Asthad. Higit pa doon, ayaw ko na siyang abalahin pa dahil mukhang inaabala ko talaga siya. He is supposed to be patrolling around gaya ng sinabi ni Leon kanina pero heto siya ngayon at inaalagaan ako. Kaya hindi muna ako pwedeng bumalik. Saka lang ako babalik pag meron ng gamot sa sakit ng aking ama. At sisiguraduhin kong aabot ako bago pa mahuli ang lahat. "Pa, I promise. This will be the last time. Pagkatapos nito ay hindi na ako ulit aalis. Ju
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more

Chapter 16

"Tara na? Kailangan na nating bumalik sa baba. Nagugutom na rin ako," ani Jacob. Bahagya lang akong tumango. Kita ko pa ang pagkaasiwa niya nang alalayan niya akong tumayo. Kailangan na talagang gumaling ng likod ko. Ayaw kong laging ganito. Na lagi akong inaalagaan ni Jacob na parang isang bata. At dahil sa nangyari kanina ay medyo naiilang na rin ako na malapit siya. Nang maiupo niya ako sa passengers seat ay agad rin siyang umikot papunta sa kabila. Pasimple ko siyang tiningnan habang kinakabit ko ang aking seat belt. Sobrang tahimik niya pero napansin kong namumula ang leeg at tenga niya. Hindi ko na lang yun pinagtuunan pa ng pansin at tumahimik na lang din katulad ng ginagawa niya. Kinuha ko ulit ang baseball cap niya at muling isinuot kahit wala ang basbas niya. Umandar na ang sasakyan at nagsimula na kaming bumaba ng bayan. At habang patagal nang patagal na walang nagsasalita sa amin ay palaki rin nang palaki ang tension sa pag
last updateLast Updated : 2021-10-22
Read more

Chapter 17

"Asan nga pala ang bahay mo dito?" tanong ko kay Jacob dahil diretso pa rin ang takbo ng kanyang sasakyan."My house? Nalampasan na natin," simple niyang sagot."Ano?" baling ko sa kanya. "Eh kung ganun ay saan tayo pupunta?"Mabilis na sumulyap sa akin si Jacob, ang mga mata niya ay nananantiya. Tinatantiya niya siguro ang magiging reaksiyon ko pag sinabi niya kung saan ang destinasyon namin."In the Pavilion. Doon tayo manananghalian."Pavilion..."B-Bakit doon pa? Hindi ba pwedeng sa bahay mo na lang?" wika kong medyo kinakabahan."Nagpahanda na ako ng pagkain doon. At sa Pavilion talaga kami madalas na kumain.""M-May kasama tayong kakain?" dagdag kong tanong.Jacob sighed. "Meron Lauren," sagot niyang hindi tumitingin sa akin.Itinikom ko ang bibig at hindi na umimik pa. I'm getting the same concern again. Ayaw ko ng magsalita pa dahil malamang na uulitin ulit ni Jacob ang kanyang mga salita. Alam kung para n
last updateLast Updated : 2021-11-01
Read more

Chapter 18

Umayos ako ng upo at tumingin kay Sir Isac. His face is just normal na parang wala lang sa kanya ang walang modong pagsagot ng kanyang anak, na parang sanay na sa ganoong pananalita nito.Ang iba naming kasamahan ay kumakain pa rin at parang walang nangyari. They didn't even give him a single glance."Saan ka pupunta?" tukoy ng babae kay Leon.Hindi ito sumagot. Naglalakad ito na may hawak na silya."What the heck Leon?!" bulalas ni Jacob nang isiniksik ni Leon ang upuan sa may pagitan namin at doon umupo. Leon is facing the sharp edge of the long table."Pakiabot nga ng plato Dad," wika niya."Anong ginagawa mo diyan?" tanong ulit ni Jacob na kunot na kunot ang noo."I'm going to sit and eat here. May problema ba?""Bakit diyan? Eh ang lawak pa ng espasyo doon!" ani Jacob sabay turo sa banda nila George kung saan siya galing kanina."Eh sa dito ang gusto ko. Pakialam mo ba? Kung ayaw mo akong katabi then umalis ka diyan
last updateLast Updated : 2021-11-02
Read more

Chapter 19

"I'm sorry Jacob. It's just my adrenaline and my emotions that took over. Hindi ko sinasadyang saktan ang iyong damdamin," wika ko."Sinaktan mo ang damdamin ko~.." pakanta ni blonde na hawak ang sariling dibdib pero hindi ko siya pinansin."I'm fine Lauren. I understand how you feel," aniya."So what are we waiting for? Pumunta na tayong Galha," wika ni Leon."You're not going with them Leon," ani Sir Isac."What?" angal niya."Pumapayag ka na Uncle?" tanong ni Jacob."Do I have a choice? Masyado pang bata si Lauren para hindi makatayo at makalakad. Marami pa siyang magagawa dito sa mundong ibabaw kaya sige na, pumunta na kayo ng Galha."Hindi ko magawang tumutol. Dahil kahit alam kong mapanganib ang pagpunta sa Galha ay kailangan kong sumugal. Kailangan kong gumaling. Ayaw kong uuwi ng Asthad na baldado ang aking katawan dahil baka pag nakita ako ng aking ama sa ganung kalagayan ay baka lalo siya magkasakit."Sigurado
last updateLast Updated : 2021-11-03
Read more

Chapter 20

"Those jerks," Jacob cursed under his breath. His face is grim while his gripping the doorknob tightly.What happened? May nagnakaw ba sa bahay niya?"I'm sorry that you have to see that," paumanhin niya nang nilingon ako."Anong nangyari?""It's my cousins. They used to do this to pester me, naghahalungkat ng mga gamit at pag may nagustuhan sila ay kinukuha nila. Ang masama pa doon ay sinasadya nilang magkalat."Seriously? May gawain pala silang ganun. But I think it's too much to mess Jacob's house."Diyan ka lang muna ha? Lilinisin ko lang ito. It'll be fast," aniya.Tumango lang ako. Nang makapasok siya ay sinara niya ang pintuan. Ilang saglit lang ay nakarinig na ako ng mga mabibilis na galaw sa loob at kalampagan ng mga gamit. Marahan akong napatawa, mabilis nga.Wala pang limang minuto ay bumukas na ulit ang pintuan at bumungad sa akin ang pawisan niyang mukha at leeg."Let's get inside."Pagpasok nam
last updateLast Updated : 2021-11-04
Read more
PREV
123456
...
15
DMCA.com Protection Status