Umayos ako ng upo at tumingin kay Sir Isac. His face is just normal na parang wala lang sa kanya ang walang modong pagsagot ng kanyang anak, na parang sanay na sa ganoong pananalita nito.
Ang iba naming kasamahan ay kumakain pa rin at parang walang nangyari. They didn't even give him a single glance.
"Saan ka pupunta?" tukoy ng babae kay Leon.
Hindi ito sumagot. Naglalakad ito na may hawak na silya.
"What the heck Leon?!" bulalas ni Jacob nang isiniksik ni Leon ang upuan sa may pagitan namin at doon umupo. Leon is facing the sharp edge of the long table.
"Pakiabot nga ng plato Dad," wika niya.
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ulit ni Jacob na kunot na kunot ang noo.
"I'm going to sit and eat here. May problema ba?"
"Bakit diyan? Eh ang lawak pa ng espasyo doon!" ani Jacob sabay turo sa banda nila George kung saan siya galing kanina.
"Eh sa dito ang gusto ko. Pakialam mo ba? Kung ayaw mo akong katabi then umalis ka diyan
"I'm sorry Jacob. It's just my adrenaline and my emotions that took over. Hindi ko sinasadyang saktan ang iyong damdamin," wika ko."Sinaktan mo ang damdamin ko~.." pakanta ni blonde na hawak ang sariling dibdib pero hindi ko siya pinansin."I'm fine Lauren. I understand how you feel," aniya."So what are we waiting for? Pumunta na tayong Galha," wika ni Leon."You're not going with them Leon," ani Sir Isac."What?" angal niya."Pumapayag ka na Uncle?" tanong ni Jacob."Do I have a choice? Masyado pang bata si Lauren para hindi makatayo at makalakad. Marami pa siyang magagawa dito sa mundong ibabaw kaya sige na, pumunta na kayo ng Galha."Hindi ko magawang tumutol. Dahil kahit alam kong mapanganib ang pagpunta sa Galha ay kailangan kong sumugal. Kailangan kong gumaling. Ayaw kong uuwi ng Asthad na baldado ang aking katawan dahil baka pag nakita ako ng aking ama sa ganung kalagayan ay baka lalo siya magkasakit."Sigurado
"Those jerks," Jacob cursed under his breath. His face is grim while his gripping the doorknob tightly.What happened? May nagnakaw ba sa bahay niya?"I'm sorry that you have to see that," paumanhin niya nang nilingon ako."Anong nangyari?""It's my cousins. They used to do this to pester me, naghahalungkat ng mga gamit at pag may nagustuhan sila ay kinukuha nila. Ang masama pa doon ay sinasadya nilang magkalat."Seriously? May gawain pala silang ganun. But I think it's too much to mess Jacob's house."Diyan ka lang muna ha? Lilinisin ko lang ito. It'll be fast," aniya.Tumango lang ako. Nang makapasok siya ay sinara niya ang pintuan. Ilang saglit lang ay nakarinig na ako ng mga mabibilis na galaw sa loob at kalampagan ng mga gamit. Marahan akong napatawa, mabilis nga.Wala pang limang minuto ay bumukas na ulit ang pintuan at bumungad sa akin ang pawisan niyang mukha at leeg."Let's get inside."Pagpasok nam
Pinagmasdan ko si Jacob na nag-aayos ng mga kanyang pinamili. Kung nakakatayo lang sana ako ay tutulungan ko siya sa pag-aayos.I stared at his back, wondering while he was left behind. Responsable siyang tao, maalaga at perpekto. Kung pupunta lang siya sa lugar namin ay tiyak na magkakandarapa ang mga babae sa kakahabol sa kanya."Hindi ka ba magpapahinga?" baling niyang may hawak na isang bote ng alak."Magpapahinga sana pero gusto ko munang maligo," wika ko."Gusto mong maligo?"Natigilan siya at sinapo ang noo. "I'm sorry. Hindi ko iyon naisip," paumanhin niya saka nagkamot ng ulo at nag-isip."Now, who should I call?" kausap niya sa sarili."Right!" bulalas niya saka ipinitik pa ang mga daliri sa hangin. "Remember Kristine?" tanong niya sa akin."Kristine. Yung batang babae?" kunot noo kong tanong. "Bakit siya?""Everyone is busy and they have their own work. Don't underestimate Kristine. Kahit bata pa iyon ay malak
I checked the time upon waking up. It's almost 6 in the evening. Mukhang napahaba ang tulog ko. It feels strange though dahil wala akong naramdaman na pamamahay at kumportableng kumportable pa nga ako habang natutulog.I grab the wheelchair and it took me a lot of effort to transfer myself and sit there. I should be doing it by myself. Hindi pwedeng iasa ko na lang ang lahat sa iba and I'm not sure if Kristine is still in the house. Wala kasi siyang kaingay-ingay.Lumabas ako ng kwarto at sinalubong ako ng nakakabinging katahimikan. I think I'm all alone in the house. Meron pang kaunting liwanag sa labas kaya hindi na ako nag-abala pa na buksan ang mga ilaw at hindi ko rin naman mabubuksan dahil hindi ko maabot ang switch ng ilaw.Dumiretso ako sa sala at nagulat nang maabutan ko si Kristine doon sa may mahabang sofa na natutulog.Sa tabi niya ay ang platong walang laman at gatas na hindi naubos.Napapailing akong lumapit sa kanya at inabot a
I'm not dumb para hindi maramdamang interesado si Leon sa akin. Akala ko ay inanyayahan niya akong lumabas upang masolo but he really invited Kristine to join us. I think I'm being too assuming.Tinaasan ako ng kilay ni Leon saka napangisi. "Why? Gusto mong tayo lang na dalawa?"Inirapan ko siya. Leon just laughed as he brushed his hair back. I can't help but to study his features. Given the height and beautiful body, Leon's face is kinda exotic with high cheek bones and very long and thick eyelashes. He has a rugged and playboy look and that's what highlights him the most."Ano Tintin?" tanong niya sa bata."Saan po kayo pupunta?""Sa may lawa," sagot ni Leon.Natigilan saglit si Kristine at muntik pa akong mapatalon nang matinis siyang tumili ng sunod-sunod.Si Leon ay napangiwi at nagtakip sa tenga. "Damn. That's painful to eardrums," aniyang nakapikit pa ang isang mata.Si Kristine ay nagtatatalon sa tuwa at nagpakandong pa
Nakahanap kami ng magandang pwesto upang umupo. Maraming mga upuan na nagkalat sa buong kahabaan ng lawa. Sa paligid ng lawa ay mga berdeng damo at mga puno. It's like a park in the middle of the forest.Sa itaas ng mga puno ay may mga nakasabit na mga ilaw na kulay dilaw upang bigyan ng magandang liwanag ang buong paligid."Ang gandaaa!" bulalas ni Kristine na nasa aking tabi. Nakatingin siya sa tubig na nasa harap namin."Ang ganda ate!" wika niya ulit sabay yugyog sa aking kamay na hawak niya.Natawa ako at tumingin din sa may lawa. Malawak ito at merong malaking bridge na nagdudugtong sa magkabilang parte nito, and it's crowded on the bridge dahil nandun halos lahat ng mga tao."Look! It's Nemo!" bulalas ni Kristine sabay turo sa isdang tumalon sa ere.Tumawa ako at sinabayan siya sa trip niya. Si Leon ay nasa aking tabi at tahimik lang. Kanina ko pa napapansin na iba na ang aura niya simula nang dumating kami dito. I thought that we cam
Habang lumilipad ang katawan ko sa ere ay nakita ko ang pagpapalit nila ng anyo sa kanilang lobo.I clenched my fist and gritted my teeth as my tears fell non stop. How heartless. How could they..Nang malakas na tumama ang aking katawan sa puno ay halos malagutan ako ng hininga. Bumagsak ako sa lupa at pakiramdam ko ay hindi na tumitibok ang aking puso. Hindi ko na rin maramdaman ang aking katawan."Lauren! Lauren!!"I saw how Leon's eyes widen upon seeing me.Lumuhod siya. Ang mga kamay niya ay nalilito at hindi alam kung paano ako hahawakan. Sa huli ay hinawakan ako ni Leon at marahan na inilagay ako sa kanyang mga bisig.He wiped the blood that came out from my nose."Hey, stay with me. Stay with me," aniya sa nanginginig na boses. Marahan niyang tinatapik ang aking pisngi. "Lauren please, don't close your eyes," aniya sa basag na boses.May mga nagsilapit sa amin."Leon.""Go and chase that bastard of M
Nagkagulo ang lahat. Habang papalapit kami sa pasukan ay parami nang parami ang mga tao."Tabi!" sigaw ni Sir Isac sa nagmamadaling mga galaw.Mabilis na nagsumiksik si Uncle sa kumpol ng mga tao. Meron na ring pumasok na hindi mga Da Silva upang makiusyoso."Sabi na ngang tumabi kayo!" galit na sigaw ni George.Nang tuluyan ng nahawi ang kumpol ng mga to ay naitulos ako sa aking kinatatayuan. I was stunned on the view in front of me. Leon on his wolf form is covered with his own blood. He is full of wounds and his breathing is low and unstable. Bagsak siya sa lupa at tuluyan ng nawalan ng malay."Leon.."Ang mga kasamahan ko ay napamura nang makita ang kanyang malagim na sinapit."My son!" sigaw ni Uncle at hindi alam kung ano ang gagawin habang nakatingin sa kanyang anak.Madali akong lumapit kay Uncle at kinalma siya. May mga ilan na gumagamot sa mga sugat ni Leon pero nahihirapan sila dahil sa kanyang makapal na balah
The aftermath scent of rain lingers in my nose as I drove the Wrangle full of goods from the market. I was covered with thick clothes from head to toe to avoid the freezing temperature but it's not enough that some spike of chills still enter between my skin pores.This is the coldest time of this season where you really need a tons of clothing before going out or even inside your house. The temperature drops incoherently than last year.Ngumiti ako nang may bumati sa akin sa gilid ng daan. Bumuka ang bibig ko upang batiin din ito at nakita ko pa kung paano lumabas ang usok galing sa bibig ko sa sobrang lamig, kulang na lang talaga ay magyelo ang paligid.Palapit na ako sa palasyo nang mapansin ko si Zeke na nakatayo sa bukana ng pintuan at kunot na kunot ang noo habang diretso na nakatingin sa akin.Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan nang magsimula na siyang putaktihin ako ng mga tanong.Huminga ako ng malalim. "Zeke—""Lauren naman. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na magpa
Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakakalipas simula nang magsimula ang matinding lababanan sa pagitan ng mga Vaughan laban sa mga malalakas na Alpha sa Timog at Kanluran na Distrito.At kahit na sabihin pa na malalakas ang mga Vaughan, hindi pa rin maipagkakaila ang katotohanan na iba talaga ang lakas ng isang Alpha, kaya nga nilang makipagsabayan sa mga ito pero kita ko sa kanilang mga mata kung paano sila nahihirapan na talunin ang mga ito.Bukod pa doon ay sobrang dami ng mga kalaban na nakapalibot sa amin at nahihirapan din ako na bantayan ang bawat likod ng lahat. Pero hindi ako pwedeng manghina sa mga oras na ito. Nandito sila upang tulungan kami sa laban na ito na wala naman silang kinalaman. Kaya hangga't may lakas pa akong natitira, hinding-hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanila, hindi iyon kakayanin ng aking konsensya.While fighting, my eyes quickly diverted to where Christy is fighting. She's busy fighting to an Alpha and all her focus and attention is on
"They are so cool!" hindi na rin napigilan na bulalas nitong mga kasamahan ko habang pinapanuod sila Tyrone sa kanilang mga kalokohan na pinaggagagawa."Ikaw ang tumawag sa kanila dito diba Ate Lauren?" baling ni Ivee sa akin. "Paano yun nangyari? Bakit mo sila nagawang papuntahin dito?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.Lahat ng kanilang mga mata ay nabaling sa akin. Punong-puno iyon ng mga katanungan at hindi ko alam kung saan uumpisahan ang pagkukwento sa kanila."Charrggggee!!"Nabaling ang lahat ng atensyon namin sa sigaw na iyon.It's Alpha Wilson together with other Alphas from West District.At mula sa border naman ay ang sangkaterbang mga lobo galing sa Timog na Distrito."How.. How come that they still have that number?!" bulalas ng mga kasama ko.Pati ako ay nabigla. Ang dami nang nalagas sa kanila mula pa kanina pero sa bilang ng mga sumusugod ngayon ay parang wala man lang nabawas sa pwersa nila.If they're
"Hindi niyo pwedeng kunin sa akin si Da Silva! He is mine! You can't take him away you bastards!" malakas na sigaw ni Alpha Wilson na parang nababaliw na."Go now Dalton," ani Falcon sa kapatid at humanda na sa pakikipaglaban."Noooo! Putangina niyo! Ibigay niyo siya sa akin!" nanlalaki ang mga mata niyang sigaw nang makitang pumapasok na si Dalton sa portal kasama si Dean. Alpha Wilson's face is disoriented, kulang na lang ay magwala siya sa matinding inis at galit.Sa mabilis na galaw ay natawid niya ang distansya sa kinaroroonan nila Falcon.Lahat ng mga tauhan niya ay napawi at nagtilamsikan nang nadaanan niya. Galit na galit any mukha niya na parang inagawan ng sobrang importanteng laruan."Akin siyaaaaa!"Bago pa niya malapitan si Dalton at mahawakan ay biglang sumulpot si Tyrone sa harapan niya. Tyrone grabs Alpha Wilson's neck and slam him forcefully on the ground.Tyrone's face is serious and dark as his golden eyes are looki
Biglang akong napaiyak. Sa sobrang saya at galak na nararamdaman ko ay umiyak na ako na parang bata. I can't contain my tears. I can't contain my emotions.Akala ko ay hindi na sila darating pa, at kung dumating man sila ay baka nahuli na ang lahat.But thank goodness, they came in time, they made it out here before I lost everything.Malakas na humalakhak si Tyrone saka ako pinatayo at niyakap habang umiiyak ako."Hahaha! Para kang bata. Ganun ka ba kasaya na makita ulit ako?" tumatawa niyang wika habang hinahaplos ang buhok ko.Hindi ako sumagot at umiyak lang sa balikat niya. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat dahil sa pagdating nila."Uwaahh! Ate Lauren!" atungal din ni Enzo saka yumakap sa likod ko."Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo! Buti na lang at dumating ako! Hindi kita papabayaan na masaktan ulit!" iyak niya habang nakayakap din sa akin.Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa sinabi niya. Enz
I closed my eyes. They say that the world is cruel without realizing that it's us, the people are the one who is cruel.The greediness for power, not being satisfied of what you have, wanting more even though you already have enough, jealousy and envy, those are the reason why this world is full of violence and non-stop killing.If we only learn to be contented, if we appreciate the blessings and the things that we have, then the world Peace is not imposible to achieve.Hinablot ni Alpha Wilson ang buhok ni Dean saka pinaluhod sa lupa. Itinapat nito ang espada sa leeg ni Dean.Umapaw palabas ang mga mga luha ko habang pinagmamasdan ang nakapikit na mukha ni Dean.Para akong mamamatay sa matinding sakit na nararamdaman sa mga oras na ito. Bakit kailangang niyang mapunta sa kalagayan na yan?Hindi ko na napigilan ang aking nararamdaman at napasigaw na ako habang umiiyak ng malakas. Wala na akong pakialam kung pinagtatawanan nila ako dahil sa n
Tahimik kong pinanuod ang pag-alis nilang lahat. Akala ko ay sama-sama kaming pabalik sa palasyo pero heto na naman at naiwan ulit ako. Pera ayos lang. Ang importante ay makaalis sila dito.Kung totoo man ang sinabi ni Reid sa kanila ay hindi ko na kailangan pang alalahanin ang kaligtasan ko. Hindi ko nga lang alam kung ano ba ang kailangan niya sa akin at pilit niya akong kinukuha.Nang dumaan sa amin ang sangkaterba nilang mga kasamahan ay tumigil si Levis at sinapak si Reid sa braso."Hindi ko alam kung kanino ka ba talaga kakampi," aniya saka umiling pa na parang dismayado kay Reid."Alam mo kung ano ang sagot ko diyan," bale wala naman na sagot ni Reid.Hindi na muling nagsalita si Levis at pumunta sa harap ko. Hinawakan niya ang baba ko at tinitigan ako.His eyes glint mischievously."Man, who would thought that you have a Vaughan blood," aniya habang pinagmamasdan akong mabuti."How did you know?" tanong ni Reid.
Jacob's POVSome of us change to their wolf form while the others like me stayed in our human form.Damien, the remaining Captains of 10th Division and some suicidal men have joined us to save the Alpha.Karamihan sa mga hindi sumama ay ang mga pamilyado na gusto pang makita ang mga mahal nila sa buhay sa huling pagkakataon. Habang ang iba naman na sumama sa amin ay iyong mga tulad naming nakahanda na upang ialay ang mga buhay.All of us here has nothing to loose anymore.Kung hindi ako nagkakamali ay halos nasa singkwenta ang aming mga bilang.Fifty brave souls. If we get lucky, that's enough number to save the Alpha. We can still take him before the enemies from South will arrive here."Don't make any unnecessary actions! Our top priority is to rescue the Alpha and Lauren!" imporma ni Liam na siyang nangunguna sa amin.Hindi na namin naabutan pa si Leon dahil sa nangyaring pakikipag-usap namin sa mga nanggaling sa border kani
My vision started to get glitchy as I watched the terrifying scene in the midair.Leon...Mukhang hindi pa nakuntento ang lalaki sa ginawa kay Leon at lalo pang idiniin ang kanyang kamay sa sikmura ni Leon, kulang na lang ay ipasok na nito ang kanyang braso doon.Bumulwak ang masaganang dugo palabas sa bibig ni Leon nang lumusot palabas ang kamay ng lalaki sa kanyang katawan.Hinugot ng lalaki ang kanyang duguang kamay kasabay nun ang pagbagsak ni Leon sa lupa.My body started to tremble uncontrollably. Pakiramdam ko ay tumaas ang lahat ng dugo ko sa aking ulo dahil sa kahindik hindik na pangyayari."LEOONNN!!" I shouted in horror and fear.Masaganang bumuhos ang luha ko. Sunod-sunod ito at hindi ko alam kung paano ito patitigilin.Dahil sa nangyaring iyon ay natigagal ang lahat. Si Reid ay mukhang nabigla rin samantalang ang mga lobong tumatakbo ay biglang tumigil at pinanuod ang nangyari.Mahinahon na bumaba at tumapak