I'm not dumb para hindi maramdamang interesado si Leon sa akin. Akala ko ay inanyayahan niya akong lumabas upang masolo but he really invited Kristine to join us. I think I'm being too assuming.
Tinaasan ako ng kilay ni Leon saka napangisi. "Why? Gusto mong tayo lang na dalawa?"
Inirapan ko siya. Leon just laughed as he brushed his hair back. I can't help but to study his features. Given the height and beautiful body, Leon's face is kinda exotic with high cheek bones and very long and thick eyelashes. He has a rugged and playboy look and that's what highlights him the most.
"Ano Tintin?" tanong niya sa bata.
"Saan po kayo pupunta?"
"Sa may lawa," sagot ni Leon.
Natigilan saglit si Kristine at muntik pa akong mapatalon nang matinis siyang tumili ng sunod-sunod.
Si Leon ay napangiwi at nagtakip sa tenga. "Damn. That's painful to eardrums," aniyang nakapikit pa ang isang mata.
Si Kristine ay nagtatatalon sa tuwa at nagpakandong pa
Nakahanap kami ng magandang pwesto upang umupo. Maraming mga upuan na nagkalat sa buong kahabaan ng lawa. Sa paligid ng lawa ay mga berdeng damo at mga puno. It's like a park in the middle of the forest.Sa itaas ng mga puno ay may mga nakasabit na mga ilaw na kulay dilaw upang bigyan ng magandang liwanag ang buong paligid."Ang gandaaa!" bulalas ni Kristine na nasa aking tabi. Nakatingin siya sa tubig na nasa harap namin."Ang ganda ate!" wika niya ulit sabay yugyog sa aking kamay na hawak niya.Natawa ako at tumingin din sa may lawa. Malawak ito at merong malaking bridge na nagdudugtong sa magkabilang parte nito, and it's crowded on the bridge dahil nandun halos lahat ng mga tao."Look! It's Nemo!" bulalas ni Kristine sabay turo sa isdang tumalon sa ere.Tumawa ako at sinabayan siya sa trip niya. Si Leon ay nasa aking tabi at tahimik lang. Kanina ko pa napapansin na iba na ang aura niya simula nang dumating kami dito. I thought that we cam
Habang lumilipad ang katawan ko sa ere ay nakita ko ang pagpapalit nila ng anyo sa kanilang lobo.I clenched my fist and gritted my teeth as my tears fell non stop. How heartless. How could they..Nang malakas na tumama ang aking katawan sa puno ay halos malagutan ako ng hininga. Bumagsak ako sa lupa at pakiramdam ko ay hindi na tumitibok ang aking puso. Hindi ko na rin maramdaman ang aking katawan."Lauren! Lauren!!"I saw how Leon's eyes widen upon seeing me.Lumuhod siya. Ang mga kamay niya ay nalilito at hindi alam kung paano ako hahawakan. Sa huli ay hinawakan ako ni Leon at marahan na inilagay ako sa kanyang mga bisig.He wiped the blood that came out from my nose."Hey, stay with me. Stay with me," aniya sa nanginginig na boses. Marahan niyang tinatapik ang aking pisngi. "Lauren please, don't close your eyes," aniya sa basag na boses.May mga nagsilapit sa amin."Leon.""Go and chase that bastard of M
Nagkagulo ang lahat. Habang papalapit kami sa pasukan ay parami nang parami ang mga tao."Tabi!" sigaw ni Sir Isac sa nagmamadaling mga galaw.Mabilis na nagsumiksik si Uncle sa kumpol ng mga tao. Meron na ring pumasok na hindi mga Da Silva upang makiusyoso."Sabi na ngang tumabi kayo!" galit na sigaw ni George.Nang tuluyan ng nahawi ang kumpol ng mga to ay naitulos ako sa aking kinatatayuan. I was stunned on the view in front of me. Leon on his wolf form is covered with his own blood. He is full of wounds and his breathing is low and unstable. Bagsak siya sa lupa at tuluyan ng nawalan ng malay."Leon.."Ang mga kasamahan ko ay napamura nang makita ang kanyang malagim na sinapit."My son!" sigaw ni Uncle at hindi alam kung ano ang gagawin habang nakatingin sa kanyang anak.Madali akong lumapit kay Uncle at kinalma siya. May mga ilan na gumagamot sa mga sugat ni Leon pero nahihirapan sila dahil sa kanyang makapal na balah
Kinabukasan....Nabulabog ang mahimbing kong pagtulog nang makarinig ako ng mga boses sa labas.What's happening? It's still early. Ano ba ang pinagkakaguluhan nila sa labas?Bumangon ako at lumapit sa pintuan sa may sala. Medyo tumigil muna ako dahil kumirot ang aking ulo at nakaramdam ako ng konting pagkahilo. Nang bumuti na ang aking pakiramdam ay hinawakan ko ang doorknob. Bubuksan ko na sana ang pintuan pero napatigil ako dahil sa narinig na sigaw."The Alpha! The Alpha is here! The Alpha is home!"Tumingin ako sa nakasaradong pintuan. So nandito na siya.Humigpit ang kapit ko sa doorknob saka tumingin sa wall clock na nakasabit sa dingding. It's says there that the time is already 9 am.Sinapo ko ang aking ulo saka pasadlak na umupo sa may sofa. I opened my eyes and stared at the ceiling. I stayed up late last night. Umabot hanggang sa gabi ang paggamot kay Lauren and I'm just at Auntie Divina's house waiting. Nang lumabas
Agad na nagsiyukuhan ang mga tagapagsilbi pagpasok ko sa pintuan dito sa palasyo."Sir Jacob.""Magandang araw po sir Jacob."Isa-isa ko silang tinanguan upang tugunan ang kanilang mga mainit na pagbati.Tahimik akong naglakad sa marmol na sahig dito sa palasyo. Inilibot ko ang paningin, tulad pa rin ng dati at wala man lang nabago ni isa. Madilim at malamig, yun ang dalawang bagay na agad mapapansin pag papasok ang sino man sa palasyo.Cold and dark, the two qualities that my brother have.Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na ako ng higanteng pintuan. Bahagya kong inayos ang aking damit saka tatlong beses na kumatok.Nang wala akong narinig na tugon mula sa kabilang panig ng pinto ay hinawakan ko na ang doorknob at tuluyang pumasok sa loob.Pagkapasok ko ay sinalubong ako ng malamig na hangin. Kung malamig sa labas ay mas malamig pa dito sa loob ng opisina ng aking kapatid.Iginala ko ang paningin sa loob ng
Tahimik lang akong nakikinig sa mga pangaral ng Auntie ni Jacob sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata nang magsimula siyang masahein ang buo kong likod. Her hands are light, every stroke is gentle but firm at ang sarap sa pakiramdam.Nakaramdam n rin ako ng antok kaya upang hindi ako tuluyang makatulog ay nagsalita ako."Uhm. Asan nga po pala si Jacob?" tanong ko dahil sabi niya kanina ay tatawagan niya ito pero wala pa naman. Knowing Jacob, he will rush here over katulad ng lagi niyang ginagawa.Wala akong narinig na sagot mula kay Auntie Divina. Uulitin ko sana ang tanong dahil baka hindi niya ako narinig nang bigla siyang nagsalita."He is doing fine," sagot niyang parang wala sa sarili."Doing fine?" kunot noo kong tanong. Iba naman ang tanong ko sa sagot niya."Y-Yeah. I mean.. Yes, he is doing fine patrolling in the borders with Sebastian," maagap niyang wika.There's something off with her voice. Kahit hindi ko nakikita ang k
Nag-iwas ng tingin sa akin si Sebastian nang magtama ang aming mga paningin. Tumikhim siya at ibinaling ang tingin sa malayo.Sebastian is acting weird too. Dati rati ay nakangisi at lagi siyang nakatawa pero ngayon ay tahimik siya at walang kibo.Jacob's arms on me become tighter but still careful for not hurting me.Ang mga kamay kong humahaplos sa likod niya ay dumako sa kanyang buhok at marahang hinaplos ang kanyang malambot na buhok."Jacob. M-May problema ba?" tanong ko ng marahan.He didn't speak kaya hinayaan ko na lang muna siya na mag-isip at kumalma. Ilang sandali lang ay kumalas na siya sa akin saka tumitig sa aking mukha."May problema ba?" tanong ko ulit dahil nag-aalala at nagtataka na ako sa mga kinikilos niya ngayon.Doon ko napansin ang ilang galos sa kanyang mukha. Kumunot ang mukha ko at wala sa sariling inangat ang aking kamay upang haplusin ang kanyang mga galos."What happened to your face?
Mura ako nang mura sa aking isipan dahil sa nangyari. Malakas din ang tibok ng puso ko at ramdam ko na nag-iinit ang aking mga pisngi.Biglang gumuhit sa aking isipan ang imahe ng lalaking pumunta dito kanina. His cold and handsome face is unforgettable. Nang maalala ko ang nakakaloko niyang ngisi ay nainis ako.Damn that man.He just kissed me suddenly, without warning and without my consent. He's a total stranger and he dared to do that bold move.Ang kinaiinisan ko pa lalo ay nagustuhan ko ang halik niya! Fudge. I mentally face palmed.Wala tuloy ako sa tamang isip habang nagluluto at hindi ko alam kung masarap ba ang kinalabasan o ano.Halos napatalon pa ako sa gulat nang marinig ko ang marahang pagbusina ng sasakyan. That's Jacob's Wrangler.Sunod na narinig ko ang katok sa may pintuan pagkatapos ay ang pagtawag sa pangalan ko."Lauren," aniya."S-Sandali lang!" sigaw ko upang marinig niya ako.Mabilis kong i
The aftermath scent of rain lingers in my nose as I drove the Wrangle full of goods from the market. I was covered with thick clothes from head to toe to avoid the freezing temperature but it's not enough that some spike of chills still enter between my skin pores.This is the coldest time of this season where you really need a tons of clothing before going out or even inside your house. The temperature drops incoherently than last year.Ngumiti ako nang may bumati sa akin sa gilid ng daan. Bumuka ang bibig ko upang batiin din ito at nakita ko pa kung paano lumabas ang usok galing sa bibig ko sa sobrang lamig, kulang na lang talaga ay magyelo ang paligid.Palapit na ako sa palasyo nang mapansin ko si Zeke na nakatayo sa bukana ng pintuan at kunot na kunot ang noo habang diretso na nakatingin sa akin.Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan nang magsimula na siyang putaktihin ako ng mga tanong.Huminga ako ng malalim. "Zeke—""Lauren naman. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na magpa
Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakakalipas simula nang magsimula ang matinding lababanan sa pagitan ng mga Vaughan laban sa mga malalakas na Alpha sa Timog at Kanluran na Distrito.At kahit na sabihin pa na malalakas ang mga Vaughan, hindi pa rin maipagkakaila ang katotohanan na iba talaga ang lakas ng isang Alpha, kaya nga nilang makipagsabayan sa mga ito pero kita ko sa kanilang mga mata kung paano sila nahihirapan na talunin ang mga ito.Bukod pa doon ay sobrang dami ng mga kalaban na nakapalibot sa amin at nahihirapan din ako na bantayan ang bawat likod ng lahat. Pero hindi ako pwedeng manghina sa mga oras na ito. Nandito sila upang tulungan kami sa laban na ito na wala naman silang kinalaman. Kaya hangga't may lakas pa akong natitira, hinding-hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanila, hindi iyon kakayanin ng aking konsensya.While fighting, my eyes quickly diverted to where Christy is fighting. She's busy fighting to an Alpha and all her focus and attention is on
"They are so cool!" hindi na rin napigilan na bulalas nitong mga kasamahan ko habang pinapanuod sila Tyrone sa kanilang mga kalokohan na pinaggagagawa."Ikaw ang tumawag sa kanila dito diba Ate Lauren?" baling ni Ivee sa akin. "Paano yun nangyari? Bakit mo sila nagawang papuntahin dito?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.Lahat ng kanilang mga mata ay nabaling sa akin. Punong-puno iyon ng mga katanungan at hindi ko alam kung saan uumpisahan ang pagkukwento sa kanila."Charrggggee!!"Nabaling ang lahat ng atensyon namin sa sigaw na iyon.It's Alpha Wilson together with other Alphas from West District.At mula sa border naman ay ang sangkaterbang mga lobo galing sa Timog na Distrito."How.. How come that they still have that number?!" bulalas ng mga kasama ko.Pati ako ay nabigla. Ang dami nang nalagas sa kanila mula pa kanina pero sa bilang ng mga sumusugod ngayon ay parang wala man lang nabawas sa pwersa nila.If they're
"Hindi niyo pwedeng kunin sa akin si Da Silva! He is mine! You can't take him away you bastards!" malakas na sigaw ni Alpha Wilson na parang nababaliw na."Go now Dalton," ani Falcon sa kapatid at humanda na sa pakikipaglaban."Noooo! Putangina niyo! Ibigay niyo siya sa akin!" nanlalaki ang mga mata niyang sigaw nang makitang pumapasok na si Dalton sa portal kasama si Dean. Alpha Wilson's face is disoriented, kulang na lang ay magwala siya sa matinding inis at galit.Sa mabilis na galaw ay natawid niya ang distansya sa kinaroroonan nila Falcon.Lahat ng mga tauhan niya ay napawi at nagtilamsikan nang nadaanan niya. Galit na galit any mukha niya na parang inagawan ng sobrang importanteng laruan."Akin siyaaaaa!"Bago pa niya malapitan si Dalton at mahawakan ay biglang sumulpot si Tyrone sa harapan niya. Tyrone grabs Alpha Wilson's neck and slam him forcefully on the ground.Tyrone's face is serious and dark as his golden eyes are looki
Biglang akong napaiyak. Sa sobrang saya at galak na nararamdaman ko ay umiyak na ako na parang bata. I can't contain my tears. I can't contain my emotions.Akala ko ay hindi na sila darating pa, at kung dumating man sila ay baka nahuli na ang lahat.But thank goodness, they came in time, they made it out here before I lost everything.Malakas na humalakhak si Tyrone saka ako pinatayo at niyakap habang umiiyak ako."Hahaha! Para kang bata. Ganun ka ba kasaya na makita ulit ako?" tumatawa niyang wika habang hinahaplos ang buhok ko.Hindi ako sumagot at umiyak lang sa balikat niya. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat dahil sa pagdating nila."Uwaahh! Ate Lauren!" atungal din ni Enzo saka yumakap sa likod ko."Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo! Buti na lang at dumating ako! Hindi kita papabayaan na masaktan ulit!" iyak niya habang nakayakap din sa akin.Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa sinabi niya. Enz
I closed my eyes. They say that the world is cruel without realizing that it's us, the people are the one who is cruel.The greediness for power, not being satisfied of what you have, wanting more even though you already have enough, jealousy and envy, those are the reason why this world is full of violence and non-stop killing.If we only learn to be contented, if we appreciate the blessings and the things that we have, then the world Peace is not imposible to achieve.Hinablot ni Alpha Wilson ang buhok ni Dean saka pinaluhod sa lupa. Itinapat nito ang espada sa leeg ni Dean.Umapaw palabas ang mga mga luha ko habang pinagmamasdan ang nakapikit na mukha ni Dean.Para akong mamamatay sa matinding sakit na nararamdaman sa mga oras na ito. Bakit kailangang niyang mapunta sa kalagayan na yan?Hindi ko na napigilan ang aking nararamdaman at napasigaw na ako habang umiiyak ng malakas. Wala na akong pakialam kung pinagtatawanan nila ako dahil sa n
Tahimik kong pinanuod ang pag-alis nilang lahat. Akala ko ay sama-sama kaming pabalik sa palasyo pero heto na naman at naiwan ulit ako. Pera ayos lang. Ang importante ay makaalis sila dito.Kung totoo man ang sinabi ni Reid sa kanila ay hindi ko na kailangan pang alalahanin ang kaligtasan ko. Hindi ko nga lang alam kung ano ba ang kailangan niya sa akin at pilit niya akong kinukuha.Nang dumaan sa amin ang sangkaterba nilang mga kasamahan ay tumigil si Levis at sinapak si Reid sa braso."Hindi ko alam kung kanino ka ba talaga kakampi," aniya saka umiling pa na parang dismayado kay Reid."Alam mo kung ano ang sagot ko diyan," bale wala naman na sagot ni Reid.Hindi na muling nagsalita si Levis at pumunta sa harap ko. Hinawakan niya ang baba ko at tinitigan ako.His eyes glint mischievously."Man, who would thought that you have a Vaughan blood," aniya habang pinagmamasdan akong mabuti."How did you know?" tanong ni Reid.
Jacob's POVSome of us change to their wolf form while the others like me stayed in our human form.Damien, the remaining Captains of 10th Division and some suicidal men have joined us to save the Alpha.Karamihan sa mga hindi sumama ay ang mga pamilyado na gusto pang makita ang mga mahal nila sa buhay sa huling pagkakataon. Habang ang iba naman na sumama sa amin ay iyong mga tulad naming nakahanda na upang ialay ang mga buhay.All of us here has nothing to loose anymore.Kung hindi ako nagkakamali ay halos nasa singkwenta ang aming mga bilang.Fifty brave souls. If we get lucky, that's enough number to save the Alpha. We can still take him before the enemies from South will arrive here."Don't make any unnecessary actions! Our top priority is to rescue the Alpha and Lauren!" imporma ni Liam na siyang nangunguna sa amin.Hindi na namin naabutan pa si Leon dahil sa nangyaring pakikipag-usap namin sa mga nanggaling sa border kani
My vision started to get glitchy as I watched the terrifying scene in the midair.Leon...Mukhang hindi pa nakuntento ang lalaki sa ginawa kay Leon at lalo pang idiniin ang kanyang kamay sa sikmura ni Leon, kulang na lang ay ipasok na nito ang kanyang braso doon.Bumulwak ang masaganang dugo palabas sa bibig ni Leon nang lumusot palabas ang kamay ng lalaki sa kanyang katawan.Hinugot ng lalaki ang kanyang duguang kamay kasabay nun ang pagbagsak ni Leon sa lupa.My body started to tremble uncontrollably. Pakiramdam ko ay tumaas ang lahat ng dugo ko sa aking ulo dahil sa kahindik hindik na pangyayari."LEOONNN!!" I shouted in horror and fear.Masaganang bumuhos ang luha ko. Sunod-sunod ito at hindi ko alam kung paano ito patitigilin.Dahil sa nangyaring iyon ay natigagal ang lahat. Si Reid ay mukhang nabigla rin samantalang ang mga lobong tumatakbo ay biglang tumigil at pinanuod ang nangyari.Mahinahon na bumaba at tumapak