"ANDRO, please remain," saad ng guro nina Leticia na coach din ng lalaki sa freesbi. "The rest, you may go."Isa-isang nagsilabasan ang mga kaklase nila samantalang umakto siyang natutulog. Tapos na ang klase niya sa araw na ito. Magkaklase sila Andro sa isang subject sa English. Maaari na siyang umuwi pero hindi na muna. Isang linggo na mula nang magkita sina Leticia at Andro. At ginawa ng lalaki ang sinabi nito. Hindi na ito ulit nagsalita tungkol sa mga panaginip nito. Hindi na rin siya nito kinulit na tulungan. There were times that she was tempted to approach him and help him, but in the end, she chose not to. Natatakot siyang baka bumaliktad ang nangyayari rito sa kanya. Baka dalawin siya ng babae.Mas naging worst ang itsura ni Andro. Usap-usapan na ba
Last Updated : 2021-09-03 Read more