Share

Deep into the Past
Deep into the Past
Author: Ashanti Everly

01: Andro

last update Last Updated: 2021-08-27 18:14:57

MUNTIK nang matakpan ni Leticia ang mga tenga niya sa harutan ng magnobyong estudyante. Tirik na tirik ang araw subalit naglalampungan na ang mga ito ng napakaaga. Nakaupo sa kandungan ng lalaki ang babae.

Tapos na kaya ang dalawa sa school works at activities nila? tanong ni Leticia sa kanyang isipan.

Spell Public Display of Affection in caps lock para mas intense. Kaysa pag-aaral ang inaatupag, kalandian ang inuuna. Kaya mas lalong lumubo ang kaso ng teenage pregnancy. Some were even normalizing the issue saying na mas mabuti ng naging batang ama o ina kaysa naman pinalaglag ang baby. Ibang usapan na rin iyong nabuo dahil sa abuso. She hated those people na nag-take advantage sa kahinaan ng iba. 

Leticia understood the circumstances but she was after the welfare of their future children. Madali lang sa iba ang manganak, but napakalaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat ng mga bagong magulang. At kung siya ang tatanungin, hindi pa siya handa sa responsibilidad na iyon. 

Heck. That was one of the reason bakit hindi na muna siya nag-boyfriend sa kabila ng mga suitors niya noong bata pa siya. She was afraid of the responsibilities na baka matukso silang dalawa at makabuo ng baby. 

Leticia wasn't also the type of woman na mahilig sa mga babies. Yeah. She find them cute, but sobrang laki ng responsibilities na nakaatang. What if hindi kaagad lalabas iyong breastmilk niya? Eh, iyak nang iyak ang baby? Bawal pa naman sa mga ospital ngayon ang mga formula milk kapag bagong silang.

Inggit ka lang naman, eh. Wala na kasing nanliligaw sa iyo.

Wala ngang sa kanya. Palibhasa, hindi na kaakit-akit ang mukha niya. Nagkapeklat ang chin ni Leticia. She was young when she burned her own chin. Well, she was playing at that time ng apoy. Walong taong gulang pa lamang siya noon. She was too young to know how dangerous it was. With no adult around, inisip niyang ayos lang ang ginawa niya. Hanggang sa dilaan ng apoy ang baba niya. Nadala naman siya sa ospital at nabigyan ng gamot pero hindi na talaga nawala ang peklat.

Hindi katulad ng mga kaklase niya. Sa mundong panget ang pagiging maitim maging ang pagiging pango at pagka-flat-chested. Na ginagawang joke ng iba. Sa mundong pisikal na kaanyuan ang unang tinitingnan, hindi ang kagandahan ng loob. Sa mundong sinakop na ng impluwensya ng media na nagdedekta sa mga tao kung ano ang pinagkaiba ng maganda sa panget. Oo. Panget siya kung society ang tatanungin, but she learned to embrace her flaws. Hindi din niya maitatanggi na may mga araw na pakiramdam niya, siya ang pinakapangit sa lahat ng tao sa buong mundo. 

Nagtuloy-tuloy na lang si Leticia sa paglakad. Hindi pinansin ang magkasintahan. Doon na lang muna siya sa baybayin, magpapahangin habang hinihintay ang susunod na subject. Isang oras pa mula ngayon. 

Ang maganda sa San Benedict University, malapit lang sa dagat. Makakalanghap siya ng sariwang hangin kapag gusto niyang makap-unwind. 

Second year college si Leticia sa kursong Animal Science. Hindi niya iyon gusto dahil mas gusto niya ang Fishery subalit iyon ang binigay sa kanya noong mag-enrol siya. Iyon na lang daw ang tanging bukas. Magkagayunman, natutunan na rin niya iyong mahalin ang nasabing kurso. 

Parang palengke ang school campus... Ang daming nagpa-practice sa oval. May naglalaro ng frisbee at soccer. 

Sana... may intelligence din siya sa paglalaro ng sports ngunit wala, eh. She's more on writing. Hindi rin siya kumikibo kapag hindi inuunahan sa pagsalita na malimit na mangyari. Nakaka-drain din sa enerhiya niya ang maki-fit in sa mga tao. 

Lumiko si Leticia. 

Mayamaya'y bigla na lang sumabog ang sakit sa may uluhan niya hanggang sa mahulog ang isang disk ng freesbi.  

Hinawakan ni Leticia ang nasaktang ulo. Nalaglag sa lupa ang frisbee disk. Kinuha niya iyon.

Isang lalaki ang pumunta sa harapan niya at kinuha ang disk na. Nang hindi man lang tumingin or nag-sorry sa kanya.  Napasinghap siya nang aksidente siyang mahawakan ni Andro. 

She knew him. Si Sandro o Andro, ang tinaguriang crush ng campus. He was tall at well-built. Dati na rin itong sumali sa Mr. and Ms. Palakasan at pinalad na manalo.

Everybody seemed not to notice his rude behavior. Dahil para sa mga ito, kapag nagkasala ang katulad nito, ayos lang. At ayos lang din sa nasaktan nito dahil pasalamat siya at nakaharap niya ito nang malapitan. Pero kapag mga walang maipagmamalaki sa hitsura at walang kaya sa lipunan ang nagkamali sa maliit na bagay, animo nakapatay na.

The people and their sick notion of right from wrong. Double standard much.

"Salamat," aniya. Kung hindi ito magpapasalamat, siya na lang. Iyon naman ang inaasahan nito, hindi ba?

Nagsalubong ang kilay nito. "Problema mo, Miss?" naguguluhang tanong nito. 

Nag-init ang ulo ni Leticia. Siya na nga ang nasaktan, siya pa ang may problema? Dapat turuan ng leksyon ang mga taong katulad nito. 

Hinawakan niya ang pawisan nitong palapulsuhan. "Ngayong nahawakan mo ako at nahawakan na kita, dadalhin mo rin ang sumpa na nakuha ko. Gigisingin ka ng mga nakaraan mo. Gabi-gabi hanggang hindi ka na makatulog. Babalik ka sa akin at hihingi ng tulong."

"Weird mo. Diyan ka na nga." Hinablot nito ang kamay nito at bumalik sa mga kasamahan. 

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya kasalanan kung ano man ang susunod na mangyayari kay Andro. Hindi. 

PINAGPAPAWISAN nang malapot si Leticia. Nagsisimula na naman. Unti-unti na siyang hinihila ng nakaraan subalit hindi siya nagpatangay. Hindi siya dapat magpatangay. Ito palagi ang nangyayari kapag may hinawakan siyang tao o may humawak sa kanya. Basta-basta na lang siya makakapunta sa nakaraan nang walang sabi-sabi. Sa kahit anong taon. Sa katunayan, nakapunta na nga siya sa panahong binaril si Jose P. Rizal. 

Walang tiyak na oras kung kailan siya makakabalik. Ang problema, oras na mamatay siya roon, hindi na siya makakabalik. Kapag nasaktan siya roon, madadala niya ang sakit hanggang sa pagbalik sa kasalukuyan.

It was her curse. But her own mother considered it a blessing. Her blessings. Kaya na raw niyang gumawa ng isang aklat tungkol sa kasaysayan ng bawat mapuntahan niya at bonus na rin iyon sa History nila. Napakalaki ng mga grado niya sa subject na iyon. At na-guilty siya. Sobrang unfair sa mga kaklase niyang subsob sa pag-aaral gabi-gabi. Ngunit ang problema, malaki ang tsansang maipit siya sa digmaan o sa panahong iyon. Ang pinakamalala, maaari siyang mamatay.  

"Anong ginagawa mo? Gusto mo bang magpakamatay?" Si Andro. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa kanya. 

Hinawakan nito ang magkabila niyang kamay upang tigilan niya ang ginagawa. May mga dugo na lumalabas sa kanyang sugat. Maging sa hita. 

Kinuha nito ang matulis na kawayan na ginamit niya. 

Tiningnan ni Leticia si Andro. Bakit pag-aalala ang nakikita niya sa mga mata nito? Hindi siya nito kilala. Siya ang nakakakilala rito. Bakit siya nito pinag-aaksayahan ng panahon gayong hindi siya katulad ng mga babaeng gusto nito? Mga magaganda at sexy. 

This was reality. Her reality. 

Hindi mangyayaring sa dulo ng kwento niya o sa kalagitnaan, magpapaganda siya dahil sinaktan siya nito. Tapos, si Andro na ulit ang maghahabol sa kanya. 

Kung sana... ganoon kadali ang pagbuo ng sarili niyang love story. Katulad ng mga love story na nasasaksihan niya kapag bumabalik sa nakaraan. Masaya at malungkot. Trahedya at hindi. Mga pag-ibig sa pagitan ng dalawang lahi. Ng Pilipino at Kastila. Ng Hapon at Pilipina. Ng Amerikano at Pilipina. O Pilipino at Pilipino. Nandoon din ang pag-iibigan na bawal. Pag-iibigan na hindi dapat magbunga ngunit kailangan niyang ibaon iyon sa limot katulad ng paglimot ng mga tao sa sakripisyong ibinigay ng mga bayani para sa kalayaan ng bansa, ang kanilang buhay. 

"H-hindi," sagot niya. 

Kinuha ni Andro ang panyo saka itinali sa sugat niya. "Anong hindi? Miss! Kahit gaano pa kalaki ang pinagdadaanan mo, hindi ito solusyon."

Parang may kung anong emosyon na dumaan sa puso ni Leticia. Here came a stranger na gumawa ng mabuti para sa kanya. It was too late when she realized he already touched her. 

Huli na rin naman, Leticia. Siya ang unang humawak sa iyo kanina sa oval.

"Bakit ka nandito? Hindi ka ba natakot sa sinabi ko sa iyo kanina? Mapapasaiyo ang sumpa. Naipasa ko sa iyo ang sumpa ko." That was true. Hindi siya sigurado kung kailan magsisimula.

Pokus na pokus ito sa ginagawa at tila hindi man lang narinig ang pananakot niya. "Kinonsensya ako ng mga katropa ko nang hindi man lang nakapag-sorry sa iyo. Tama naman sila. I was a jerk.”

Napa-aray si Leticia sa hapdi ng sugat. Tumingala si Andro; umiwas siya ng tingin.

“Sinundan kita at ito ang makikita ko? Mabuti na lang at sinundan talaga kita. Miss, maaring depress ka. Pero may maraming dahilan upang labanan ang depression. Kung kikitlin mo ang sarili mong buhay, naisip mo na rin ba ang epekto nito sa mga mahal mo sa buhay? Sisisihin nila ang mga sarili nila dahil wala sila sa panahong kailangan mo sila. Maraming handang tumulong sa mga tulad mo. May guidance counselor naman tayo na handang makinig sa mga problema mo."

"Huwag kang mag-alala. Malayo sa bituka ito." Hindi niya planong magpakamatay. Natatakot siya sa maaring epekto nito. Hindi siya handang harapin ang Panginoon oras na kunin niya ang sariling buhay.

Iyon lang naman ang nakita niyang solusyon para hindi makapaglakbay sa nakaraan. Who knows kung saan siya dadalhin ng pag-travel niya?

Umupo ito sa tabi niya nang matapos. "Nag-aalala ako para iyo. Para sa mga mahal mo sa buhay. Iniisip mo ba kung ano ang maaring maramdaman nila oras na may mangyari sa iyo?"

"Hindi mo alam kung bakit nagawa kong saktan ang sarili ko. Hindi rin ako masokista." It’s for me to stop travelling into the past.

Tumingin si Andro sa asul na karagatan. Nilalaro-laro ng hangin ang basang buhok nito dahil sa pawis. Basa rin ang damit nito. Magkakasakit si Andro kung hindi ito mag-change ng damit. 

"Ano ba ang dahilan?" tanong nito.

"May kakayahan akong pumunta sa nakaraan. Wala akong kontrol sa bagay na iyan. Nagsimula iyan noong sampung taong gulang palang ako. Nakapunta ako sa isang tribu na itinuturing na hindi nag-exist pero totoo. Tatlong minuto lang ako roon pero sa sumunod na pag-time travel ko, mas lalong nadaragdagan ang oras ng pamamalagi ko sa nakaraan." 

Ngumiti ito. Kung nandito lamang ang mga babaeng nagkakagusto sa lalaki, marahil matagal ng hinimatay ang mga ito sa kilig.

Hindi siya naniwala. Hindi naman ako na-shock. Unbelievable naman talaga ang sinabi ko.

"Ano nga pala ang pangalan mo?"

“Why do you want to know my name?”

Nagkibit balikat ang lalaki. Unti-unti ng nawala ang basa sa t-shirt nito. Magkakasakit na talaga ito.

“Weird makipag-kwentuhan kapag hindi ko alam ang pangalan ng kausap ko.”

"Leticia Lopez." Kaklase mo sa isang subject. Ang palaging nakaupo sa likurang bahagi ng classroom upang hindi mapansin ng marami. Upang makapagtago. Upang hindi pakialaman. Upang hindi tingnan. 

"Sandro or Andro na lang. Hindi ako iyong tipong nakikipag-usap sa mga estranghera pero tingin ko naman, hindi ka katulad ng ibang babae riyan na ang daming expectations. Lalong-lalo na sa akin. Kaya simula ngayon, babantayan na kita. Ayokong maulit ang nangyari kanina. I will protect you. Sorry pala kanina."

Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo. Kung pinaniniwalaan lang niya ang sinabi ko, marahil matagal na siyang nagtatakbo upang makalayo sa akin. 

"Bakit? Isa ba akong charity case para sa iyo? Naaawa ka ba para sa akin? Palagi na akong nagse-self-pity sa sarili ko. Hindi ka rin ba nandidiri sa hitsura ko? Kung makikipaglapit ka sa akin, tutuksuhin ka lang ng mga kaibigan mo."

Pumunta ito sa harap niya at walang ano-ano ay hinawakan ang magkabila niyang pisngi, ibinaling sa magkabilang direksyon saka pinakawalan. 

"Ano nga palang nangyari sa mukha mo? Bakit animo may lapnos?"

"Noong bata pa ako. Sa kakulitan ko." 

"Eh, ano naman kung pangit ka?”

"Hindi ba iyon masama sa image mo?"

Humalakhak ito. "Image ka riyan. Hindi ako celebrity. Pabayaan mo na ang mga tao. Palibhasa, may standards ng kagandahan ang society. Iba ang maganda at pangit sa kanila. But for me, you are beautiful. Just the way you are."

"Bakit ang bait-bait mo sa akin? Hindi mo ako kilala. Ngayon pa lang tayo nagkausap."

Imbes na sagutin siya, nagwika ito, "May kwento ako. Kung ikaw may sikreto, mayroon din ako. Kaya kong pumunta sa hinaharap."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Reena Sain
this is not English I can't understand this language
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Deep into the Past   02: Panaginip

    NATIGALGAL si Leticia sa narinig. Kaya ni Andro pumunta sa hinaharap? May kaparehas siya ng sumpa? Pero paano? How did he manage to accept that? Which was not a normal thing to do. To have. And for someone who had the same ability like her, sobrang kampante nito. Imposible. Wala pa siyang kilalang tao na may kakayahan din. Maybe he was just bluffing? But if what he said was true, she would be grateful. Someone would finally understand her. Maiintindihan din nito kung bakit ilag na ilag siya sa mga tao. Na parang virus ang mga ito at ayaw niyang mahawaan. Nangilid ang luha sa mga mata niya. “T-talaga? Kailan mo nalamang may kakayahan kang ganyan? Ako, when I was young. I did not know that time na may kakayahan akong mag-time travel papunta sa past. I was—”

    Last Updated : 2021-09-03
  • Deep into the Past   03: Desisyon

    "ANDRO, please remain," saad ng guro nina Leticia na coach din ng lalaki sa freesbi. "The rest, you may go."Isa-isang nagsilabasan ang mga kaklase nila samantalang umakto siyang natutulog. Tapos na ang klase niya sa araw na ito. Magkaklase sila Andro sa isang subject sa English. Maaari na siyang umuwi pero hindi na muna.Isang linggo na mula nang magkita sina Leticia at Andro. At ginawa ng lalaki ang sinabi nito. Hindi na ito ulit nagsalita tungkol sa mga panaginip nito. Hindi na rin siya nito kinulit na tulungan.There were times that she was tempted to approach him and help him, but in the end, she chose not to. Natatakot siyang baka bumaliktad ang nangyayari rito sa kanya. Baka dalawin siya ng babae.Mas naging worst ang itsura ni Andro. Usap-usapan na ba

    Last Updated : 2021-09-03
  • Deep into the Past   04: Pagbisita

    SABAY na pumunta sa bahay nina Andro sina Leticia after ng pasok nila ng five o'clock. Mabuti na lang at same sila ng bakante sa hapon.They walked side by side, but Leticia made sure there was enough distance that would separate her from Andro. Mahirap na. Baka mamihasa siya at sige na siya sa paghawak sa lalaki.Pero kahit pala kahit anong ingat niya na huwag na magkaroon ng isyu sa pagitan nilang dalawa, masyadong malikot ang imaginations ng ibang mga estudyante. Lalong-lalo na sa mga naging kaklase nila sa ibang subjects.Sa daan pa lang, marami na ang nagtaas ng kilay noong nakita silang magkasama ni Andro. Na para bang isang napakalaking pagkakamali ng ginawa nilang pagsabay. They murmured to each other while eye

    Last Updated : 2021-09-22
  • Deep into the Past   05: Milo

    DID SHE SUCCEED in removing Andro’s memories?Iyan ang paulit-ulit na tinatanong ni Leticia sa sarili almost everyday. She wasn’t given the chance to see Andro. Hindi niya alam kung sinadya nitong huwag magpakita sa kanya dahil naaalala pa siya nito, o baka lumiban ulit ito sa klase. He seemed to be absent for the past few days. And it was all her fault.Isang linggo ang lumipas simula nang burahin ni Leticia ang alaala ni Andro. At ipinangako niya sa sariling si Andro na ang huling taong hahawakan niya kahit anong mangyari. Siya na lang ang mag-aadjust para sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kahit gaano man ito kahirap.Napabuntong-hininga siya.Isinalampak niya ang headset sa tenga niya. She wanted to be relaxed. Patuloy ang pagsakit ng ulo niya

    Last Updated : 2021-10-12
  • Deep into the Past   06: Pakiusap

    MALUNGKOT ang mga mata ni Esmeralda Gonzales habang pinagmamasdan ang nagkikislapang bituin sa kalangitan mula sa azotea ng kanilang bahay. Malalim na ang gabi subalit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Ilang araw mula ngayon ay ang kanyang napipintong kasal sa isang lalaking hindi niya naman mahal. Palibhasa may kaya. At naglilingkod para sa pamahalaan ng Espanya. Hindi Pilipino ang lalaking ipinagkasundo sa kanya—si Ferdinand na purong Espanyol ngunit sa katagalan nito sa bayan nila, natutunan nito ang salita ng mga indio.Hindi niya mahal ang lalaki. Magaspang ang ugali nito at kung kumilos ay parang may-ari ang buong bayan. Ang mga kadalagahan ay pilit na kinukuha ang atensyon nito, subalit nakatutok lang ang mga mata sa kanya. Na hindi niya gusto.Kumukulo ang dugo niya sa tuwing b

    Last Updated : 2021-10-13
  • Deep into the Past   07: Uwian

    NAGTATAHI si Esmeralda ng kamiseta na ibibigay niya sa kanyang pinakamamahal na si Teban. Pinili niya ang kulay itim na tela na sa tingin niya ay babagay sa kulay ng balat nito. At dahil iyon din ang paboritong kulay ng kanyang sinisinta. Pero hindi maitim ang budhi nito."Upang hindi agad makita ang dumi," naalala niyang wika nito nang tanungin niya kung bakit ito ang napili nitong kulay.Napabuntong-hininga siya habang nagtatahi. Kailan kaya sila magkakaroon ng pagkakataong magkitang muli? Masyado na raw itong abala sa pakikipagkalakalan sa mga dayuhan sa tuwing dumarating ang galyon.Gusto rin niyang pumunta sa Look ng Maynila kung saan dumaraong ang galyon sa tuwing dumarating ito. Gusto niyang siya mismo ang makakita sa mga karga nitong pilak, mga ginto, ib

    Last Updated : 2021-10-18
  • Deep into the Past   08: Kesbook

    NAKABUSANGOT ang mukha ni Esmeralda habang nagsusulat ng liham para kay Teban. Paano ba naman kasi. Dumalaw dito si Ferdinand at walang ginawa kundi magyabang sa mga paglalakbay na ginawa nito sa dagat dalawang taon na ang nakaraan. Ikinuwento nito kung paano nito narating ang isang isla na maraming pampalasa. Masaya ang mga itong tinanggap ng mga katutubo na nakatira sa islang iyon. Nagkaroon ng sanduguan sa pagitan ng dalawang lahi.Sa kasalukuyan, si Ferdinand ay isang encomendero na namamahala sa encomiendas. Ang huling salita ay nagmula sa Kastilang wika na encomendar na ang ibig sabihin ay ipagkatiwala. Ito sistema ay nabuo u

    Last Updated : 2021-10-21
  • Deep into the Past   09: Lover’s Quarrel

    HINANAP NI Milo ang call button sa app na iyon. Agad niya namang nakita. He pressed it. Pagod na ang isipan niya pero dinagdagan ng babaeng ito. Nabuhay ba ito upang gawing miserable ang buhay niya? Calling Leticia. “Oh? Bakit hindi ka na sumasagot diyan? Natatakot ka na?” tanong niya sa screen na para bang sasagutin siya nito.Pick up, woman. Let us settle this, once and for all. Ano? Natatakot ka na ngayon?Mahal niya ang mga babae. Hindi na iyon dapat itanong sa kanya. P

    Last Updated : 2021-10-23

Latest chapter

  • Deep into the Past   Chasing and Pursuing

    After six months…Humahangos na tumatakbo si Bituin sa direksyon na hindi niya mawari. She was just done jumping back when suddenly dangerous men sprang out of nowhere. Kagagaling niya lang sa paghatid sa isang kliyente niya pabalik sa kasalukuyan. The client wanted to know if she will be successful in the future or gain more clients. Satisfied naman ito sa serbisyong binigay niya.Now…where was she? Right. Strange men with the intention to kill and scare her was hot on her heels. Sa pagkakaalam niya, wala naman siyang naaalalang may nakagalitan siya.No. Mukhang may nakagalitan siya. Si Leticia. Basta na lang siyang umalis sa campus na pinapasukan. Mas nag-focus siya sa negosyo niya. Nawalan ng gana sa pag-aaral. Nasilaw sa salapi. She could be successful even without finishing her degrees. Iyon ang nasa isipan niya. Hindi niya alam kung tuluyang hindi na magtatapos sa pag-aaral. Her parents and siblings did not care anyway. Bakit siya magpapagod kung wala namang nakaka-apprecia

  • Deep into the Past   112: Promises and Ending

    Walang imikan na naganap sa pagitan nina Leticia at Andro sa loob ng kotse ng lalaki. Mabuti na lang at hindi nagmatka ang ginawa sa kanya ni Samuel. Or else, baka mag-worry na naman si Andro sa kanya at tatanungin ng hindi matapos-tapos na katanungan. Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Leticia kung saan siya dadalhin ng lalaki. She was not even familiar with the route they were following.Kahit saan siya dalhin ng lalaki, she still trusted him.Masaya siya dahil sa nakikita niyang improvement sa katawan nito. Bumalik na ang dati nitong maumbok na pisngi at mga matang puno ng kulay. He looked so happy. At ito ang klase ng kaligayahan na gusto niyang makita sa lalaki which she robbed off him. Manaka-naka niya itong sinusulyapan nang palihim. Nahihiya siyang mahuli nito dahil baka kung ano ang isipin nito.“You must be curious kung saan tayo pupunta,” basag nito sa mahabang katahimikang namayani sa pagitan nilang dalawa. “Huwag kang mag-alala, Leticia. I will not kidnap you. Bes

  • Deep into the Past   111: Esmeralda in the Past

    Nagpupumiglas si Leticia. A two-handed front choke. Isang delikadong atake lalo na kung mas malakas at malaki sa kanya ang umaatake. Samuel really wanted to kill her? Bakit? She did not understand anything! Akala niya ba magkakampi silang dalawa? Wala naman siyang atraso sa lalaking ito kundi si Zephanie lang!Mas lalong bumaba ang daloy ng oxygen kay Leticia. She started to panic. She had to do something or else Samuel would really kill her!Then, Leticia extended her arms and went for Samuel’s jugular notch. She locked her elbow and extended her arm forcefully forward. Not yet enough, she curled her fingers down behind the top of his sternum. Samuel was in intense pain.Nabitiwan siya ng lalaki.Napaubo si Leticia ay pilit na hinahabol ang hininga niya. She glared at the man. “Asshole! What was that for?!” galit na tanong niya. Napaatras ito habang sapo ang lalamunan. “P-papatayin na lang kita, Esmeralda,” anito kahit hindi gaanong lumabas ang boses. “Hindi ako si Esmeralda.

  • Deep into the Past   110: Truths and Lies

    Kumaripas nang takbo si Samuel.Anong problema ng lalaking iyon? Napamura si Leticia. Were they playing hide and seek right now? Bakit ito tumatakbo mula sa kanya? What’s his purpose for coming here if he will only run away? She remembered his gaze. It was full of anger. Was it directed to her? Bakit? Ano bang ginagawa niya?Wait. Alam na kaya nito ang lahat ng nangyari? Simula sa nangyari sa papa nito? Kung bakit kinulong ito ni Zephanie sa isang dimensyon? Galit ba ito sa kanila ni Zephanie at ngayon ay gustong maghigante? There was only one way to find out. She had to go after him. Nararamdaman niya ang tingin ng ibang mga estudyante sa campus sa ginagawa niyang pagsunod sa lalaki. Maybe they were thinking she was a fool for running into someone who looked like he did not want to be caught. Lakad-takbo ang ginawa ni Leticia upang sundan ang lalaki. Manaka-naka itong lumilingon sa kanya na animo sinusuri nito kung nakabuntot ba siya rito o hindi. He wanted her to pursue him?

  • Deep into the Past   109: Closure with Cathy

    Three months later…Leticia’s life was peaceful now. At least that’s what she was thinking. There were no unexpected travels into the past. Isang sipa na lang at magtatapos na ang isang semester. Ngayon, tinatapos na nila ang mga final exams at iba pang final projects na pinapagawa sa kanila ng mga professors nila. Pa-chill-chill na siya ngayon pagkatapos maghabol noon ng mga projects at activities na na-missed niya dahil sa pag-una niya sa pag-time travel. Nakakapanibago ang serenity na nararamdaman niya ngayon. Kakaiba sa mga stressful days niya noon. One week pagkatapos niyang magising tatlong buwan ang nakakaraan ay bumalik na rin siya sa pag-aaral. Wala ring paltos kung dumalaw siya kay Andro. Mabuti na lang at hindi nakukulitan sa kanya ang mommy ni Andro. At mukha namang hindi ito naiinis sa kanya. She believed tanggap na siya nito kahit wala naman silang relasyon ni Andro. That was a small progress at masaya na siya roon. It was also odd when Milo was slowly loweri

  • Deep into the Past   108: Sweet Dreams

    Madilim ang paligid ng pinasukan ni Leticia gaya ng dati. Ano kaya ang importansya ng lugar na ito sa buhay ni Alpha Naji? Bakit pabalik-balik ito sa lugar na ito? At bakit din ito sugatan? Anong nangyari? Too many questions at hindi niya magawang sagutin ang lahat ng mga ito ngayon. Hindi bale. Magkakaroon din naman ng mga kasagutan ang lahat ng ito. Kailangan lang niyang maging patient sa bawat hakbang na gagawin niya ngayon. It took a while bago nakapag-adjust ang mga mata niya sa kadiliman. The place was dusty as before. It smells. Nagkalat din ang mga bote ng mga alak sa tabi ng dinaraanan niya. Did Alpha Naji drink all of these? Daig pa nito ang naging brokenhearted. Maybe it was because of his son. Hindi pa rin nito nahahanap kung saan ang anak nito kaya sa alak nito ibinibigay ang atensyon. Hindi man ito naging mabuti sa kanilang dalawa ni Zephanie, subalit mabuti itong ama kay Samuel. Kung sana naging mabuti na lang ito at hindi na binahiran ng kasamaan ang pagkatao.

  • Deep into the Past   107: Move Forward

    Leticia was having her freaking exam! Nakalimutan niya ang bagay na iyon. There she thought bakante siya sa araw na iyon at pwede ng makapag-focus sa araw na ito sa paghahanda sa pagdating ni Alpha Naji. Iyon pala, ang isa sa pinakaimportanteng pangyayari sa buhay niya ay ngayon pala mangyayari.Shoot.Hindi na niya alam ang gagawin niya. Wala na ring saysay ang pag-scan niya sa notes na binigay ni Bituin. She was running out of time for goodness sake! Kailangan na niyang habulin ang oras kung ayaw niyang ma-close ang door sa pagmumukha niya.“Someone help me now,” usal niya. Kaya nagkukumahog siyang asikasuhin ang mga gamit niya. What was worse was she did not even review! Sigurado na siya kung ano ang magiging resulta ng pagsusulit. She will fail the exam. Capital F-A-I-L. Fail. Failed. Baka multiple choice ang exam. Pwede pa siguro niyang piliin kung ano-ano ang feeling niya sa kung ano ang sagot. Napatingin siya sa salamin ng kwarto niya.Natutulog pa rin kama niya si Zephanie.

  • Deep into the Past   106: I Am Not God

    “It’s impossible to change the past, Leticia. Alpha Naji is the living proof of that. It will drive you mad kung mag-i-insist ka na baguhin kung ano ang nangyari. Let the past rest. Gawin mo lang lesson ang nangyari na. Don’t change anything or fate will bite you back. Rawr,” natatawang wika nito.Hindi niya tuloy malaman kung nagsisinungaling ito o hindi. “I can change the future, right?”“Change it all you want. Hindi pa naman iyan nangyayari. Huwag lang ang past. I am serious. Listen to a powerful witch like me. I’ve been there and that and karma has been nothing but a bitch ever since.”Tumalon ang tingin niya kay Andro. Ito iyong nakita niya sa future. Unti-unti na ring nagkakatotoo ang lahat ng kinatatakutan niya. Kung hindi ba siya sumama sa outing nila sa Tagaytay, hindi darating sa ganito ang lahat? Nag-focus sana siya sa paghahanap kay Alpha Naji. “Tomorrow is the day, then.”“Tama ka. Kaya maghanda ka. We will kill someone. The alpha of a pack of werewolves.”"I'm really s

  • Deep into the Past   105: Leticia's Fears

    "Is this your house?" tanong ni Zephanie kay Leticia. For the first time, Leticia successfully traveled to the place where she intended to go and this time, her house. Masaya siya sa kaunting improvement na ito sa kabila ng pagkamuhi niya sa sariling kakayahan.Did it mean she was getting better?Dapat ba siyang matuwa or hindi?They were in her room. Hindi niya narinig na umuwi na ang parents niya mula sa trabaho ng mga ito. "Oo naman. Hindi kita dadalhin sa hindi ko bahay," sagot niya sa babae. "Feel free at home. Tell me what you want to have. Ibibigay ko."Sumilay ang pilyang ngiti sa mga labi nito. "Anything? Do you really mean it, my sweet little darling?"Hindi niya gusto ang ngiti sa mga labi nito. She should be careful dahil baka kung ano-ano ang maisip nito na ikapapahamak niya. "Anything within my reach. Iyong kaya ko lang. Hindi iyong hindi ko kaya."Iginala nito ang tingin sa buong kwarto niya. There was nothing noteworthy sa kwarto niya maliban sa mga Filipino boybands

DMCA.com Protection Status