Home / All / Deep into the Past / 02: Panaginip

Share

02: Panaginip

last update Last Updated: 2021-09-03 17:16:49

NATIGALGAL si Leticia sa narinig. Kaya ni Andro pumunta sa hinaharap? May kaparehas siya ng sumpa? Pero paano? How did he manage to accept that? Which was not a normal thing to do. To have. And for someone who had the same ability like her, sobrang kampante nito. 

Imposible.

Wala pa siyang kilalang tao na may kakayahan din. Maybe he was just bluffing? But if what he said was true, she would be grateful. Someone would finally understand her. Maiintindihan din nito kung bakit ilag na ilag siya sa mga tao. Na parang virus ang mga ito at ayaw niyang mahawaan. 

Nangilid ang luha sa mga mata niya. “T-talaga? Kailan mo nalamang may kakayahan kang ganyan? Ako, when I was young. I did not know that time na may kakayahan akong mag-time travel papunta sa past. I was—”  

"Naniwala ka roon?" tanong ni Andro kay Leticia at pinutol ang anumang sasabihin niya. Mayamaya’y humalakhak si Andro. At nakita niya ang ngalangala nito. "Ang bilis mo namang maniwala. Huwag kang ganyan. Madali kang maloloko niyan. Ang daming manloloko pa naman ngayon," palatak nito habang naiiling nang mahimasmasan sa katatawa.

Leticia's heart sank. Bigla na lang nangilid ang mga luha niya, subalit agad din niyang pinigilan iyon.

Leticia was disheartened. Akala niya, may makakasama na siyang makakaintindi katulad ng sumpang mayroon siya. For one minute, naniwala siyang may pagkakaparehas din siya sa mga estudyanteng naririto. Na isang normal. Kahit isa lang. Kahit si Andro lang. She was just expecting so much. At anong nangyari sa kanya ngayon? Pinaasa siya. And it was all this man's fault.

Itinago niya ang mukha sa kanyang mga buhok. Nililipad ito ng hangin. H*****k sa dalampasigan ang mga alon at bumabalik din. She was embarrassed. Ang bilis niyang nag-open up kay Andro. Iyon pala, gino-good time lang siya nito.

Leticia should have known better. Walang naniniwala sa kakayahan niya. And on the bright side, it was better that way. Nobody would be afraid of her at walang mag-iisip na isa siyang weird.

That was a lie, Leticia, ani ng isip niya. Everbody thought you are weird. At kapag palagi kang makikipag-usap sa lalaking ito, baka gawin nilang miserable ang buhay mo. A freak like you should never let herself be entangled on this man's life. 

"Tapos na ba ang practice ninyo? Baka hinahanap ka na ng mga kaklase mo," pag-iiba niya sa usapan. "Baka kung anong sabihin ng mga ito kapag nakita ka nilang kausap mo ako. I'm an outcast of this university." And I preferred that way, gusto na sana niyang idagdag ngunit pinigilan na lang ang sarili. 

Nagsalubong ang kilay nito. "Tinataboy mo na ako? Nag-enjoy pa akong kausap ka. Gusto kong mas makilala ka pa. Not in a romantic way, Leticia. Masaya lang ako dahil para lang tayong barkada. Hindi ka rin nakikipag-flirt sa akin hindi katulad ng ginagawa ng ibang babaeng nakikipag-usap sa akin. They were after my looks at sa kaibigan kong si Milo."

“Wow. Sobrang pogi mo naman,” aniya na may pagbibiro. “Men were the ones who flirted with me, not the other way around,” dagdag niya. "Hindi ko type ang makipag-flirt sa ibang tao. For your information."

It was true.

Kahit na may peklat ang mukha niya, may naghahabol pa rin sa kanya. Iyon nga lang, siya itong umaayaw. She couldn’t afford na ilagay sa panganib ang katinuan ng mga ito. Sana nga dumating iyong point na magpaka-selfish siya at magpaligaw sa kabila ng kakayahan niya. She longed for human’s physical touch. Maskin sa mga magulang niya, hindi niya magawang yakapin ang mga ito. Salamat na lang at naiintindihan ng mga ito ang sitwasyon. Balang-araw, she would look for a witch na kayang gumawa ng spell upang kontrahin ang kakayahan niyang ito. Upang ang kahit na sinong mahawakan niya ay hindi masisiraan ng bait.

“Maganda ka naman. Unique ang kagandahan mo kung ako lang ang tatanungin. Bagay sa hugis ng mukha mo ang haba ng buhok mo. Singkit ang mga mata mo. May lahi ka bang Intsik or Koreana? Hindi rin masyadong mataba ang katawan mo pero kahit na mataba ka, you’re still beautiful on your own way. Regardless of women’s size, ayos lang sa akin. Hindi naman ako mapili.”

“Wow. Bakit? Pinapapili ba kita? But thank you for appreciating me. Kahit na may peklat ako sa mukha. It is one of my insecurities. Others use it as a reason kung bakit naging pangit ako sa paningin nila.”

Umiling ito. “Hayaan mo sila. Nakakapangit i-please ang mga tao. Minsan ko rin namang naranasan iyan. Hindi ako pa ako nagka-when puberty strikes. Sobrang payatot ko pa noon. Daming nambasted sa akin. Pero noong nagsimula na akong sumali sa frisbee, doon na nagsimulang lumapit mga babae.”

Ngumiti si Leticia kay Andro. 

Natatakot siyang baka mamihasa siya sa presensya nito. Baka kung saan-saan lumipad ang isipan niya at umasa sa hinaharap na masyadong napakalayo sa realidad. Ayaw niya sa romantic thinking. Iyong ilusyon na lang ang iisipin niya, hindi ang totoong nangyari sa kanyang buhay. Dahil siya at the end of the day, siya ang halimaw at si Andro ang Beauty. Sa fairytales lang naman nangyayari na magkakagusto ang isang beauty sa isang halimaw. 

"Ganyan talaga. Attractive kasi sa iba iyong athletic type. Andro, kahit hindi ka naniniwala sa kakayahan ko, oras na may maramdaman at ma-experience kang weird, please see me.”

Napakamot ito sa batok. "Naniniwala naman ako. Maliban doon sa sinasabi mong may kakayahan kang makapunta sa nakaraan. Napakaimposibleng mangyari iyon. High-tech na tayo ngayon, Leticia. And if you really had that ability, itago mo iyan. Huwag mong basta-basta sabihin sa iba. Pagtatawanan ka nila at sasabihan ng kung ano-ano. Or worst, i-upload nila ang videos mo na bigla ka na lang nawala."

Marahan siyang napabuntong-hininga. "Mas imposible pa sa lalaking tanggap ang mukha ko? At mamahalin ang itsura kong ito?"

"Pisikal na anyo lang naman iyan. Huwag mong sabihing pangit ka. Sabi nga nila, 'God created man on His likeness and image.' Wala siyang ginawang pangit. Believe me. May tatanggap sa physical imperfections mo. Tanggap ko nga. Dapat ikaw rin. Sino pa ba ang magmamahal sa atin kundi mga sarili natin? If you will not love yourself first, Leticia. Sino na lang ang tatanggap sa atin?"

Muling itinuon ni Leticia ang atensyon sa dalampasigan. Sinasayaw ng hangin ang dahon ng mga niyog. Nilalaro ng hangin ang mga buhok nilang dalawa.

Sa gilid ng mga mata, tinapunan niya ng tingin si Andro. Tuluyang natuyo ang dati basa nitong damit. Pero parang wala pa ring pakialam ang lalaki. Baka magkasakit ito. 

"Sinabi mo ngang pangit ako. Anong tawag mo sa akin? Paano kung magkapalit tayo? Masasabi mo pa rin ba iyan? Tanggapin na natin. Hindi iyan matatanggap ng ibang babaeng insecure sa katawan at mukha nila. Problema ng mga tao. Hindi nila matanggap ang mga katulad namin kaya nga ninyo kami pinagtatawanan. Itinuturing ninyo kaming walang silbi."

Nawala ang ngiti nito. Nagdilim ang itsura nito at pinigilan ni Leticia ang sariling mapaatras. "Ganyan ba kaliit ang pagtingin mo sa akin? Hindi ako katulad nila, Leticia."

"Oo. Dahil pare-pareho lang kayong mga tao."

"Tao? Kami? Anong tawag mo sa sarili mo?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Halimaw. Hindi ito ang mundo ko."

Disappoiunted siya nitong tiningnan. "Mas malala ka pa sa aming tinuturing mong tao. Hinuhusgahan mo ang sarili mo base lang sa pisikal na kaanyuan. Ano naman ang mundong tinutukoy mo? Hangga't hindi nawawala ang standards ng mga tao sa kung ano ang maganda at pangit, walang mundong bagay sa iyo. Dahil kaibigan kita, iniimbitahan kitang pumasok sa mundo ko. Kahit na puno ito ng flaws at lapses at napapaligiran ako ng mga taong mapanghusga, asahan mong poprotektahan kita."

Ang sarap pakinggan ng mga salitang binitiwan nito subalit hindi na nagiging totoo sa pandinig niya. "Hindi ba nagiging matamis na ang dila mo ngayon? O ganyan ka talaga. Iniisip mo bang isa akong damsel-in-distress na kailangan mong sagipin? Hindi na kailangan. Kaya kong protektahan ang sarili ko. Sana ito na ang huling pag-uusap natin."

Kahit na mahapdi pa rin ang sugat, tumayo siya at walang paalam na iniwan ang lalaki. 

NAGING mabilis ang mga araw kay Leticia. Hindi na nga ulit nasundan ang pag-uusap nilang iyon ni Andro. Sana lang hindi pa ito nasiraan ng bait. Patuloy siya sa pagpasok sa klase. Sa madaling salita, patuloy na umiikot ang mundo niya at ng mga taong nakapalibot sa kanya. 

Tinatahak niya ang hallway papuntang computer laboratory. Makikiusap siya sa isa sa propesor na kilala niya na makikigamit muna kahit isang pc. Sigurado naman siyang puno ang e-library. Lalo na ngayong malapit ng mag-lunch. Wala pa siyang sariling laptop kaya pahirapan ang paggawa ng mga requirements na need na i-encode. Pwede namang gamitin ang cellphone niya pero may limitations pa rin like pag-insert ng equations at iba pa. Dapat na talaga siyang mag-save nito para may pambili. 

May research paper siya na kailangang tapusin. Kung sana may sarili siyang laptop o pc lang sa bahay, hindi magiging ganito kahirap. Sobrang gastos kapag pumupunta siya sa computer shop. 

"Leticia. Kailangan nating mag-usap."

Napahinto siya. Si Andro. Malalaki ang eyebags nito na parang hindi nakakatulog nang maayos. Laylay ang mga balikat nito at magulo ang buhok hindi katulad noong huli nilang pag-uusap na naka-gel pa. 

Dinamba ng takot si Leticia. Isang linggo na ang nakalipas nang huli silang mag-usap ng lalaki. “Andro. Did something happen to you?” tanong niya. “Ilang araw ka na bang walang tulog?” 

Akmang hahawakan siya nito ngunit umilag siya. Ayaw niyang mahawakan ulit siya ng lalaki. Mas lalong lalala ang mararamdaman nito. 

Pumunta si Leticia sa may pader nang may dumaan na mga estudyante. Nakakunot ang mga noo ng mga ito nang makita silang dalawang magkasama.

“Mababaliw na yata ako, Leticia,” saad ni Andro at sinabunutan ang buhok. "Kasalanan mo kung anong nangyayari sa akin. Hindi na ako makatulog. Laman ang panaginip ko ng isang lalaking hindi ko kilala. Paulit-ulit. Nagsimula iyon noong magkakilala tayo. Totoo ba ang sinabi nila? Na isa kang mangkukulam at may sumpa kang ibinigay sa akin? Totoo lahat ng sinabi mo sa akin noon?"

Mangkukulam. Mas malupit pa rin ang salitang halimaw. 

"May kinulam na ba ako? Hindi porke't nananahimik ang isang tao sa isang sulok, may karapatan na kayong paratangan siya ng kung ano-ano. Maging fair naman kayong mga tao. Besides, I told you before na mangyayari ang bagay na ito. Hindi ka nakinig sa akin, Andro."

"Naniniwala na ako," sambit nito, na may desperation sa mga mata. “Please, patahimikin mo na ako. Tulungan mo akong mag-stop na ang panaginip ko tungkol kay Felipe.”

Parang may kung anong humaplos sa puso niya. Hindi deserve ni Andro na mag-suffer ng ganito pero anong magagawa niya? Nangyari na ang lahat. So far, sa lahat ng nahawakan at aksidenteng nakahawak sa kanya, wala pang tumitino. 

Natahimik siya sa sinabi nito. "Ikaw na rin ang nagsabing huwag agad-agad maniwala sa sasabihin ng iba. Nakalimutan mo na ba ang sinabi mong iyon?"

“I was wrong! Tama ang mga sinasabi mo. Please,” pagsusumamo nito. "Naniniwala akong mali ang paratang nila sa iyo. Masyado ka ng nasaktan, Leticia. Hindi na ako dadagdag sa paghihirap na iyon. Hahanap ako ng paraan upang mawala ang mga panaginip. Diyan ka na. Salamat."

Nagkukumahog itong umalis at iniwan siya. 

Parang nawala ang hangin sa baga ni Leticia. 

Hangal ka, Andro. 

Hindi na lingid sa kaalaman niya ang sinasabi nito. Dahil siya man, may napapanaginipan din. Mas swerte nga lang siya at nakilala niya ang babaeng iyon noong makapunta siya sa nakaraan. She was able to talk to the woman, also. Isang beses lang iyon pero pagkatapos noon, nawala na ang mga panaginip niya.

Maaari namang matulungan si Andro. Iyon nga lang, kailangang maglakbay sa nakaraan at hanapin ang sinasabi nitong Felipe. 

Pagkatapos ng mga panaginip...kung hindi makakayanan ni Andro ang lahat ng iyon, ang pinaka-worst ang mangyayari at iyon ang masiraan ng bait. At simula pa lang ito. Simula pa lang ng pagdurusa nito.

He was wrong when he said he could settle it alone. It was her who could only do that. But may problema. Hindi stable ang kakayahan niya. Hindi specific ang timeline na mapupuntahan niya. 

Sana hindi mo na lang ako aksidenteng hinawakan, Andro. At sana pinigilan ko na lang din ang emosyon ko. 

Related chapters

  • Deep into the Past   03: Desisyon

    "ANDRO, please remain," saad ng guro nina Leticia na coach din ng lalaki sa freesbi. "The rest, you may go."Isa-isang nagsilabasan ang mga kaklase nila samantalang umakto siyang natutulog. Tapos na ang klase niya sa araw na ito. Magkaklase sila Andro sa isang subject sa English. Maaari na siyang umuwi pero hindi na muna.Isang linggo na mula nang magkita sina Leticia at Andro. At ginawa ng lalaki ang sinabi nito. Hindi na ito ulit nagsalita tungkol sa mga panaginip nito. Hindi na rin siya nito kinulit na tulungan.There were times that she was tempted to approach him and help him, but in the end, she chose not to. Natatakot siyang baka bumaliktad ang nangyayari rito sa kanya. Baka dalawin siya ng babae.Mas naging worst ang itsura ni Andro. Usap-usapan na ba

    Last Updated : 2021-09-03
  • Deep into the Past   04: Pagbisita

    SABAY na pumunta sa bahay nina Andro sina Leticia after ng pasok nila ng five o'clock. Mabuti na lang at same sila ng bakante sa hapon.They walked side by side, but Leticia made sure there was enough distance that would separate her from Andro. Mahirap na. Baka mamihasa siya at sige na siya sa paghawak sa lalaki.Pero kahit pala kahit anong ingat niya na huwag na magkaroon ng isyu sa pagitan nilang dalawa, masyadong malikot ang imaginations ng ibang mga estudyante. Lalong-lalo na sa mga naging kaklase nila sa ibang subjects.Sa daan pa lang, marami na ang nagtaas ng kilay noong nakita silang magkasama ni Andro. Na para bang isang napakalaking pagkakamali ng ginawa nilang pagsabay. They murmured to each other while eye

    Last Updated : 2021-09-22
  • Deep into the Past   05: Milo

    DID SHE SUCCEED in removing Andro’s memories?Iyan ang paulit-ulit na tinatanong ni Leticia sa sarili almost everyday. She wasn’t given the chance to see Andro. Hindi niya alam kung sinadya nitong huwag magpakita sa kanya dahil naaalala pa siya nito, o baka lumiban ulit ito sa klase. He seemed to be absent for the past few days. And it was all her fault.Isang linggo ang lumipas simula nang burahin ni Leticia ang alaala ni Andro. At ipinangako niya sa sariling si Andro na ang huling taong hahawakan niya kahit anong mangyari. Siya na lang ang mag-aadjust para sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kahit gaano man ito kahirap.Napabuntong-hininga siya.Isinalampak niya ang headset sa tenga niya. She wanted to be relaxed. Patuloy ang pagsakit ng ulo niya

    Last Updated : 2021-10-12
  • Deep into the Past   06: Pakiusap

    MALUNGKOT ang mga mata ni Esmeralda Gonzales habang pinagmamasdan ang nagkikislapang bituin sa kalangitan mula sa azotea ng kanilang bahay. Malalim na ang gabi subalit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Ilang araw mula ngayon ay ang kanyang napipintong kasal sa isang lalaking hindi niya naman mahal. Palibhasa may kaya. At naglilingkod para sa pamahalaan ng Espanya. Hindi Pilipino ang lalaking ipinagkasundo sa kanya—si Ferdinand na purong Espanyol ngunit sa katagalan nito sa bayan nila, natutunan nito ang salita ng mga indio.Hindi niya mahal ang lalaki. Magaspang ang ugali nito at kung kumilos ay parang may-ari ang buong bayan. Ang mga kadalagahan ay pilit na kinukuha ang atensyon nito, subalit nakatutok lang ang mga mata sa kanya. Na hindi niya gusto.Kumukulo ang dugo niya sa tuwing b

    Last Updated : 2021-10-13
  • Deep into the Past   07: Uwian

    NAGTATAHI si Esmeralda ng kamiseta na ibibigay niya sa kanyang pinakamamahal na si Teban. Pinili niya ang kulay itim na tela na sa tingin niya ay babagay sa kulay ng balat nito. At dahil iyon din ang paboritong kulay ng kanyang sinisinta. Pero hindi maitim ang budhi nito."Upang hindi agad makita ang dumi," naalala niyang wika nito nang tanungin niya kung bakit ito ang napili nitong kulay.Napabuntong-hininga siya habang nagtatahi. Kailan kaya sila magkakaroon ng pagkakataong magkitang muli? Masyado na raw itong abala sa pakikipagkalakalan sa mga dayuhan sa tuwing dumarating ang galyon.Gusto rin niyang pumunta sa Look ng Maynila kung saan dumaraong ang galyon sa tuwing dumarating ito. Gusto niyang siya mismo ang makakita sa mga karga nitong pilak, mga ginto, ib

    Last Updated : 2021-10-18
  • Deep into the Past   08: Kesbook

    NAKABUSANGOT ang mukha ni Esmeralda habang nagsusulat ng liham para kay Teban. Paano ba naman kasi. Dumalaw dito si Ferdinand at walang ginawa kundi magyabang sa mga paglalakbay na ginawa nito sa dagat dalawang taon na ang nakaraan. Ikinuwento nito kung paano nito narating ang isang isla na maraming pampalasa. Masaya ang mga itong tinanggap ng mga katutubo na nakatira sa islang iyon. Nagkaroon ng sanduguan sa pagitan ng dalawang lahi.Sa kasalukuyan, si Ferdinand ay isang encomendero na namamahala sa encomiendas. Ang huling salita ay nagmula sa Kastilang wika na encomendar na ang ibig sabihin ay ipagkatiwala. Ito sistema ay nabuo u

    Last Updated : 2021-10-21
  • Deep into the Past   09: Lover’s Quarrel

    HINANAP NI Milo ang call button sa app na iyon. Agad niya namang nakita. He pressed it. Pagod na ang isipan niya pero dinagdagan ng babaeng ito. Nabuhay ba ito upang gawing miserable ang buhay niya? Calling Leticia. “Oh? Bakit hindi ka na sumasagot diyan? Natatakot ka na?” tanong niya sa screen na para bang sasagutin siya nito.Pick up, woman. Let us settle this, once and for all. Ano? Natatakot ka na ngayon?Mahal niya ang mga babae. Hindi na iyon dapat itanong sa kanya. P

    Last Updated : 2021-10-23
  • Deep into the Past   10: Gong Yoo

    BIGLANG NAPUNTA ANG atensyon ng lahat ng manggagawa kay Milo. Nagsalubong ang mga kilay ng mga ito. Walang anumang palatandaan na pamilyar sila sa kanya.Hinagod siya ng mga ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagtataka ang mga ito sa suot niya. Isang kupasing pantalon at sando. Magkaibang-magkaiba sa mga suot ng mga itong baro at saluales. Si Ferdinand naman ay naka sombrero, doublet, breeches sa pang-ibaba. Sinapawan ng doublet ang cloth nito. Nakasuot din ito ng stockings at sapatos. Kahit na mataas na ang sikat ng araw at sobrang init. Kunsabagay, wala naman itong ginagawa kundi sumilong sa lilim at mag-utos nang mag-utos.If they stopped working, tiyak na magagalit na naman ang Ferdinand na iyon.“Ginoo? Taga-saan ka?” tanong ng matanda.

    Last Updated : 2021-10-26

Latest chapter

  • Deep into the Past   Chasing and Pursuing

    After six months…Humahangos na tumatakbo si Bituin sa direksyon na hindi niya mawari. She was just done jumping back when suddenly dangerous men sprang out of nowhere. Kagagaling niya lang sa paghatid sa isang kliyente niya pabalik sa kasalukuyan. The client wanted to know if she will be successful in the future or gain more clients. Satisfied naman ito sa serbisyong binigay niya.Now…where was she? Right. Strange men with the intention to kill and scare her was hot on her heels. Sa pagkakaalam niya, wala naman siyang naaalalang may nakagalitan siya.No. Mukhang may nakagalitan siya. Si Leticia. Basta na lang siyang umalis sa campus na pinapasukan. Mas nag-focus siya sa negosyo niya. Nawalan ng gana sa pag-aaral. Nasilaw sa salapi. She could be successful even without finishing her degrees. Iyon ang nasa isipan niya. Hindi niya alam kung tuluyang hindi na magtatapos sa pag-aaral. Her parents and siblings did not care anyway. Bakit siya magpapagod kung wala namang nakaka-apprecia

  • Deep into the Past   112: Promises and Ending

    Walang imikan na naganap sa pagitan nina Leticia at Andro sa loob ng kotse ng lalaki. Mabuti na lang at hindi nagmatka ang ginawa sa kanya ni Samuel. Or else, baka mag-worry na naman si Andro sa kanya at tatanungin ng hindi matapos-tapos na katanungan. Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Leticia kung saan siya dadalhin ng lalaki. She was not even familiar with the route they were following.Kahit saan siya dalhin ng lalaki, she still trusted him.Masaya siya dahil sa nakikita niyang improvement sa katawan nito. Bumalik na ang dati nitong maumbok na pisngi at mga matang puno ng kulay. He looked so happy. At ito ang klase ng kaligayahan na gusto niyang makita sa lalaki which she robbed off him. Manaka-naka niya itong sinusulyapan nang palihim. Nahihiya siyang mahuli nito dahil baka kung ano ang isipin nito.“You must be curious kung saan tayo pupunta,” basag nito sa mahabang katahimikang namayani sa pagitan nilang dalawa. “Huwag kang mag-alala, Leticia. I will not kidnap you. Bes

  • Deep into the Past   111: Esmeralda in the Past

    Nagpupumiglas si Leticia. A two-handed front choke. Isang delikadong atake lalo na kung mas malakas at malaki sa kanya ang umaatake. Samuel really wanted to kill her? Bakit? She did not understand anything! Akala niya ba magkakampi silang dalawa? Wala naman siyang atraso sa lalaking ito kundi si Zephanie lang!Mas lalong bumaba ang daloy ng oxygen kay Leticia. She started to panic. She had to do something or else Samuel would really kill her!Then, Leticia extended her arms and went for Samuel’s jugular notch. She locked her elbow and extended her arm forcefully forward. Not yet enough, she curled her fingers down behind the top of his sternum. Samuel was in intense pain.Nabitiwan siya ng lalaki.Napaubo si Leticia ay pilit na hinahabol ang hininga niya. She glared at the man. “Asshole! What was that for?!” galit na tanong niya. Napaatras ito habang sapo ang lalamunan. “P-papatayin na lang kita, Esmeralda,” anito kahit hindi gaanong lumabas ang boses. “Hindi ako si Esmeralda.

  • Deep into the Past   110: Truths and Lies

    Kumaripas nang takbo si Samuel.Anong problema ng lalaking iyon? Napamura si Leticia. Were they playing hide and seek right now? Bakit ito tumatakbo mula sa kanya? What’s his purpose for coming here if he will only run away? She remembered his gaze. It was full of anger. Was it directed to her? Bakit? Ano bang ginagawa niya?Wait. Alam na kaya nito ang lahat ng nangyari? Simula sa nangyari sa papa nito? Kung bakit kinulong ito ni Zephanie sa isang dimensyon? Galit ba ito sa kanila ni Zephanie at ngayon ay gustong maghigante? There was only one way to find out. She had to go after him. Nararamdaman niya ang tingin ng ibang mga estudyante sa campus sa ginagawa niyang pagsunod sa lalaki. Maybe they were thinking she was a fool for running into someone who looked like he did not want to be caught. Lakad-takbo ang ginawa ni Leticia upang sundan ang lalaki. Manaka-naka itong lumilingon sa kanya na animo sinusuri nito kung nakabuntot ba siya rito o hindi. He wanted her to pursue him?

  • Deep into the Past   109: Closure with Cathy

    Three months later…Leticia’s life was peaceful now. At least that’s what she was thinking. There were no unexpected travels into the past. Isang sipa na lang at magtatapos na ang isang semester. Ngayon, tinatapos na nila ang mga final exams at iba pang final projects na pinapagawa sa kanila ng mga professors nila. Pa-chill-chill na siya ngayon pagkatapos maghabol noon ng mga projects at activities na na-missed niya dahil sa pag-una niya sa pag-time travel. Nakakapanibago ang serenity na nararamdaman niya ngayon. Kakaiba sa mga stressful days niya noon. One week pagkatapos niyang magising tatlong buwan ang nakakaraan ay bumalik na rin siya sa pag-aaral. Wala ring paltos kung dumalaw siya kay Andro. Mabuti na lang at hindi nakukulitan sa kanya ang mommy ni Andro. At mukha namang hindi ito naiinis sa kanya. She believed tanggap na siya nito kahit wala naman silang relasyon ni Andro. That was a small progress at masaya na siya roon. It was also odd when Milo was slowly loweri

  • Deep into the Past   108: Sweet Dreams

    Madilim ang paligid ng pinasukan ni Leticia gaya ng dati. Ano kaya ang importansya ng lugar na ito sa buhay ni Alpha Naji? Bakit pabalik-balik ito sa lugar na ito? At bakit din ito sugatan? Anong nangyari? Too many questions at hindi niya magawang sagutin ang lahat ng mga ito ngayon. Hindi bale. Magkakaroon din naman ng mga kasagutan ang lahat ng ito. Kailangan lang niyang maging patient sa bawat hakbang na gagawin niya ngayon. It took a while bago nakapag-adjust ang mga mata niya sa kadiliman. The place was dusty as before. It smells. Nagkalat din ang mga bote ng mga alak sa tabi ng dinaraanan niya. Did Alpha Naji drink all of these? Daig pa nito ang naging brokenhearted. Maybe it was because of his son. Hindi pa rin nito nahahanap kung saan ang anak nito kaya sa alak nito ibinibigay ang atensyon. Hindi man ito naging mabuti sa kanilang dalawa ni Zephanie, subalit mabuti itong ama kay Samuel. Kung sana naging mabuti na lang ito at hindi na binahiran ng kasamaan ang pagkatao.

  • Deep into the Past   107: Move Forward

    Leticia was having her freaking exam! Nakalimutan niya ang bagay na iyon. There she thought bakante siya sa araw na iyon at pwede ng makapag-focus sa araw na ito sa paghahanda sa pagdating ni Alpha Naji. Iyon pala, ang isa sa pinakaimportanteng pangyayari sa buhay niya ay ngayon pala mangyayari.Shoot.Hindi na niya alam ang gagawin niya. Wala na ring saysay ang pag-scan niya sa notes na binigay ni Bituin. She was running out of time for goodness sake! Kailangan na niyang habulin ang oras kung ayaw niyang ma-close ang door sa pagmumukha niya.“Someone help me now,” usal niya. Kaya nagkukumahog siyang asikasuhin ang mga gamit niya. What was worse was she did not even review! Sigurado na siya kung ano ang magiging resulta ng pagsusulit. She will fail the exam. Capital F-A-I-L. Fail. Failed. Baka multiple choice ang exam. Pwede pa siguro niyang piliin kung ano-ano ang feeling niya sa kung ano ang sagot. Napatingin siya sa salamin ng kwarto niya.Natutulog pa rin kama niya si Zephanie.

  • Deep into the Past   106: I Am Not God

    “It’s impossible to change the past, Leticia. Alpha Naji is the living proof of that. It will drive you mad kung mag-i-insist ka na baguhin kung ano ang nangyari. Let the past rest. Gawin mo lang lesson ang nangyari na. Don’t change anything or fate will bite you back. Rawr,” natatawang wika nito.Hindi niya tuloy malaman kung nagsisinungaling ito o hindi. “I can change the future, right?”“Change it all you want. Hindi pa naman iyan nangyayari. Huwag lang ang past. I am serious. Listen to a powerful witch like me. I’ve been there and that and karma has been nothing but a bitch ever since.”Tumalon ang tingin niya kay Andro. Ito iyong nakita niya sa future. Unti-unti na ring nagkakatotoo ang lahat ng kinatatakutan niya. Kung hindi ba siya sumama sa outing nila sa Tagaytay, hindi darating sa ganito ang lahat? Nag-focus sana siya sa paghahanap kay Alpha Naji. “Tomorrow is the day, then.”“Tama ka. Kaya maghanda ka. We will kill someone. The alpha of a pack of werewolves.”"I'm really s

  • Deep into the Past   105: Leticia's Fears

    "Is this your house?" tanong ni Zephanie kay Leticia. For the first time, Leticia successfully traveled to the place where she intended to go and this time, her house. Masaya siya sa kaunting improvement na ito sa kabila ng pagkamuhi niya sa sariling kakayahan.Did it mean she was getting better?Dapat ba siyang matuwa or hindi?They were in her room. Hindi niya narinig na umuwi na ang parents niya mula sa trabaho ng mga ito. "Oo naman. Hindi kita dadalhin sa hindi ko bahay," sagot niya sa babae. "Feel free at home. Tell me what you want to have. Ibibigay ko."Sumilay ang pilyang ngiti sa mga labi nito. "Anything? Do you really mean it, my sweet little darling?"Hindi niya gusto ang ngiti sa mga labi nito. She should be careful dahil baka kung ano-ano ang maisip nito na ikapapahamak niya. "Anything within my reach. Iyong kaya ko lang. Hindi iyong hindi ko kaya."Iginala nito ang tingin sa buong kwarto niya. There was nothing noteworthy sa kwarto niya maliban sa mga Filipino boybands

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status