Maybe this was really my life after all. Maybe I was indeed a daughter of a mafia boss, and the heir of the company I never deemed to be part of. Life is indeed ironic, and twisted. Nanatili akong nakaupo sa upuan kung nasaan kami kanina nag-usap ni Mommy. Napatingin pa ako sa kalangitan bago ako napabuntong hininga. "That was deep," narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Mabilis ko naman kaagad siyang tinignan. Nakatayo ngayon sa tabi ng upuan na inuupuan ko si Michael habang may dala-dalang dalawang baso. Hindi naman ako sumagot, tanging pag-ngiti lamang ang ginawa kong pagsagot. "Happy birthday," sabi niya bago iniabot sa akin ang hawak niya pa ring baso. Mabagal ko namang inabot 'yon bago ako muling ngumiti. "Salamat," tanging sagot ko habang nakangiti pa rin. Hindi naman na sumagot si Michael, pero sa pagkakataong ito, tinignan niya lamang ako sa mga mata. "May I?" biglang tanong niya bago tumingin sa tabi ko at bago niya ibalik ang kanyang paningin sa akin. Tumango
Read more