The guilt was still there but I know that at the end of the day, I was wrong. Matapos lumabas ng team na nag-ayos sa akin. Kaagad akong nilapitan ni Redenn habang may ngiti sa labi. Wala na ang kaninang nakakatakot na awra niya habang nakatingin sa team na nag-ayos sa akin. "Nako, mabibighani na naman si Michael n'yan sa iyo, Renice," nakangiting sabi niya bago iniiling ang kaniyang ulo. Kaagad ko namang kinagat ang pang ibaba kong labi. "T-talaga ba? Hindi naman ba malaswa sa akin ang itsura ko ngayon?" kinakabahang tanong ko bago ako napahinga ng malalim. "Hindi. Bakit? Kinakabahan ka ba?" narinig kong biglang tanong ni Redenn sa akin. Napahinga naman ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit pero may part sa akin na natatakot sa maaaring sabihin ng lalaking 'yon. Na baka hindi niya magustuhan ang itsura ko. Hindi ko kasi alam kung bakit ganito, inamin ko naman na sa sarili ko na may kakaiba akong pagtingin kay Michael, pero bakit ba na-co-conscious ako masyado sa kung anong magi
Magbasa pa