Para bang nanghina na nang husto si tatay Albert. Madalas ko siyang nakikita na malayo ang tingin. Minsan naiisip ko, bakit sa kabila ng pagiging mabuti nito ay kailangan niyang makaranas ng ganito. Hindi ito tama, parang dinudurog ang puso ko, sa tuwing tinitingnan ko siya ay naaalala ko pa rin ang dating matatamis niyang ngiti na nagbigay sa akin ng pag-asa sa mundo. Nung mga panahon na tuliro ako ay nandiyan siya, nandiyan sila ni nanay Mildred. Sila ang naging sandigan ko, ako ay isang batang paslit lamang na ulila at inabandona sa lansangan, bukod kay Lino ay sila ang tunay na tumuring sa akin na pamilya. Hindi ko nais na maging ganito si tatay. Masyado na din na naapektuhan pati ang kalusugan ni nanay Mildred. Sinisi ni nanay Mildred ang sarili niya sa ginawa niyang pagbenta sa lupa ng shop naming. Ito na lang kasi ang natititrang paraan at tanging paraan na alam niya para maoperahan si tatay. Masakit din sa kalooban ng Nanay Mildred ang ginawa niyang ito, pero meron nga ba kamin
Last Updated : 2021-08-20 Read more