Home / All / Settled To The Bad Guy / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Settled To The Bad Guy: Chapter 31 - Chapter 40

62 Chapters

CHAPTER 30

Vhan’s POV “Hi! Si Aquinah?” Napaatras ang babae. Nagulat yata sa biglang pagsulpot ko sa harapan niya. Kanina pa ako nakatayo rito sa tapat ng room nila. It’s been a month since the classes started and I am on my freshman year in junior high. “S-si Quin?” Kumurap-kurap siya. Tinitigan niya ako. Nginitian ko naman siya habang naghihintay ng sagot. She’s Maine Alexis Valiente. Sa pagkakaalam ko, siya ang nag-iisang kaibigan ni Aquinah noong grade school. Maputi siya at may maliit pero matangos na ilong. May pilat siya sa noo na pilit na itinatago ng manipis niyang bangs. Hindi ko iyon kaagad napansin sa unang tingin. Umiwas ako nang mapagtantong napatagal na ang pagtitig ko sa kaniya. “H-hindi na kami nagkikita ni Quin. Sa pagkakaalam ko, sa ibang school siya nag-enrolled.” Napatango ako sa narinig. “Saang school daw?” Umiling siya. “Hindi ko alam, e.”
last updateLast Updated : 2021-10-04
Read more

CHAPTER 31

JEHAN’S POV “Sabi ko, paabot ng brush!” nanlaki ang mga mata ko nang makita ang gahiblang pagitan ng mga mukha namin ni Thunder. Naka-squat siya sa harapan ko at tanging lalagyan lang ng paint brush at ilang lata ng pintura ang nakapagitan sa amin. Sa lapit ng mukha niya ay naaamoy ko ang yosi na hinithit niya kanina.Today is the third day of our community service at tulad ng na-assign sa akin, nandito ako ngayon sa gilid ng daan—sa harap ng pader kung saan gagawin ang mural painting. Dalawang araw din namin itong nilinis at ngayon nga ay nagsisimula na si Thunder sa pagguhit. Naroon lang siya sa taas ng ladder kanina, paanong nandito na siya sa harapan ko?“S-sorry?” Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na halos nabigyan ng pansin ang mga nasa paligid. Nasa walo kaming nandito at ang ilan sa kanila ay sinisimulan na ang pagpinta sa pader, ayon sa utos ni Thunder. Nakatitig siya sa akin kaya naman tinitigan ko
last updateLast Updated : 2021-10-06
Read more

CHAPTER 32

JEHAN’S POV “I heard, sinisiraan ako ni Alexis sa ‘yo?” panimula ni Liane matapos maisara ang pinto. Umayos ako ng upo paharap sa kaniya at pinakatitigan. “Oh? Bakit ganiyan ka makatingin?”Tinaasan ko siya ng kilay. “I’ve been looking for you. Saan ka ba nagsususuot?”“Sa bahay?” Natawa siya—pekeng tawa. “I’ll go straight to my point on meeting you. Baka makailang stick ng yosi si Kuya kahihintay sa atin.” Nilingon ko si Thunder sa hindi kalayuan—sa smooking area—na nagsisimula na ngang humithit sa yosi na hawak.“I stopped being friends with her. Nahahawa ako sa ka-toxic-an niya. The last time that we were together is noong birthday niya. Actually, Thunder and I fought because of her,” kwento niya. Iyon marahil ang sinasabi ng mga kasama niya sa camp na may pinag-awayan sila ni Thunder.“Imagine the shame that I go
last updateLast Updated : 2021-10-10
Read more

CHAPTER 33

“Nanay, nasabi ko ho ba sa iyo na may pupuntahan ako ngayon?” tanong ko habang sumasandok ng pagkain sa plato. Tinanghali ako ng gising. Umaga na kasi natapos ang kwentuhan namin ni Thunder. Partida, ako pa ang naunang nakatulog sa aming dalawa kaya naman ang almusal ko ay lunch na rin.“Wala kang nabanggit sa akin. May kasama ka ba?” maging si Lali na katabi niya at nasa gilid ko ay napatingin sa akin. Maya-maya pa ay ngumiti siya nang nakakaloko.“Susunduin po ako ni Thunder mamayang 2:00 PM.”“Thunder?” Iba ang dating sa akin ng naging tanong niya. Sa halip na ‘sino si Thunder ay para bang tinatanong niya ako kung bakit si Thunder ang kasama ko. Nilingon niya si Lali na bumaling din naman sa kaniya. Nabalot ng katahimikan ang kanina ay maingay na dining. May kung ano sa mga tingin nila na para bang may gusto silang sabihin sa akin.“Huwag kang magpapagabi.”Ang akala kong alas-dos
last updateLast Updated : 2021-10-13
Read more

CHAPTER 34

“Nag-away ba kayo ng mama mo?”  Abala si Thunder sa paglalagay ng mga pinamili namin sa ref. Nakatayo ako sa gilid niya at siyang taga-abot ng mga inilalagay niya roon. Sobra-sobra ang mga pinamili namin para sa isang gabing stay namin dito sa bahay nila. Wala akong narinig na response mula sa kaniya kaya nang wala na akong maiabot sa kaniya ay humakbang ako papunta sa dining counter.  Sa pagkakaalala ko, nabanggit niya sa akin na pumupunta siya rito kapag may hindi sila napagkakaunawaan ng mama niya. Hindi naman siguro niya na-predict na mamamatay si Gum ngayon, dito, kaya imposible na ito talaga ang rason ng pagpunta niya rito. Isinawalang-bahala ko na lamang ang isiping iyon at inihanda na ang mga ingredients para sa Samyeopsal.  “Saan ka pupunta?” tanong ko nang malingunan ko siyang papalabas sa kusina bitbit ang grill.  “Sa kwarto. Akala ko ba gusto mong manood habang kumakain?” Napanganga ako sa naging tanong niya. Nagpatuloy
last updateLast Updated : 2021-10-14
Read more

CHAPTER 35

“Bakit ngayon ka lang umuwi?” bungad na tanong sa akin ni Nanay D nang makapasok ako sa gate. Humigpit ang pagkakahawak ko sa susi na siyang inabot sa akin ni Thunder bago ako bumaba sa kotse. Susi yata iyon ng bahay niya. Hinintay ko na maisara ni Nanay Dolor ang gate at sabay kaming naglakad papasok sa bahay. Alam kong may kasalanan ako. Hindi ako nagpasabi sa kaniya na hindi ako makakauwi kagabi. “Magkasama ba kayo buong magdamag?” Muli niyang tanong. Umiling ako bilang sagot. Akala ko sapat na iyon para tantanan niya ako at hayaang pumasok sa bahay nang matiwasay, pero hindi. “Huling beses na ito, Jehan. H’wag ka ng sasama pa ulit sa Thunder na ‘yon!” “Po?” Huminto ako sa paglalakad nang marating ang salas saka siya nilingon sa likuran ko. Nahagip ng mga mata ko si Lali na papalabas sa bukas na pinto ng kusina. “Bakit naman po? Kaibigan ni Mommy si Tita Elissa. What’s wrong with being friends with his son?” Hindi siya kumibo. Sa halip ay b
last updateLast Updated : 2021-10-17
Read more

CHAPTER 36

“Hindi pa ba sapat ‘tong mga pinamili natin?”Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang pumasok kami sa mall ay narinig kong nagreklamo si Thunder. Hawak niya sa kaniyang mga kamay ang dalawang malalaking plastic bags ng groceries. Ewan ko ba rito kung bakit niya inalis kaagad sa trolley pagkatapos naming magbayad. Based on my estimation, those goods could last at least a week. Sakto sa balak kong pag-stay sa bahay niya ng hindi sosobra sa isang linggo.Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi mapakali ang mga mata ko sa paglinga sa paligid. Baka sakaling may nakalimutan kaming bilhin. Wala rin naman akong narinig kay Thunder na nakasunod sa likuran ko. Nilingon ko siya para alamin kung nakasunod pa ba siya sa akin. Wala akong napansing pagrereklamo sa gwapo niyang mukha pero halatang mabigat at masakit na sa kamay ang mga bitbit niya.“Mauna ka na sa sasakyan.” Bumaling siya sa akin.“May bibilhin ka pa ba?”&ldq
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more

CHAPTER 37

“Bakit nandito sa kwarto mo ‘yong TV?” What a nonsensical question I could ever ask. Katatapos lang naming palitan ang mattress ng kama niya ng binili ko kanina. Siya ang may-ari ng bahay pero siya itong nag-a-adjust para sa akin. “Dahil walang tao sa living room?” Well, it’s a given answer. Expected ko rin na ganoon ang magiging sagot niya. Sino nga naman ang manonood doon kung siya lang mag-isa ang tao rito sa bahay niya? Inirapan ko si Thunder at tumawa naman siya nang sarkastiko. May mga binago kami sa kwarto niya tulad na lamang ng ilang mga paintings na ikinabit namin sa wall pati na rin ang ayos ng walk-in closet. “Ayusin din natin ‘yong living room,” suggestion ko. Kinuha kasi namin ang painting doon ni Gum kaya nagkaroon ng awang sa ibang bahagi ng wall sa living room. “Hindi ka pa ba napapagod?” Ang totoo niyan, pagod na rin ako. Hapon na rin kasi. Gusto ko lang na tumuloy-tuloy ang usapan namin. It felt awkward talking to hi
last updateLast Updated : 2021-10-21
Read more

CHAPTER 38

“Jehan!” Mula sa nakabibinging katahimikan na bumabalot sa room habang nag-eexam kanina ay napalitan ito ng hindi magkamayaw na mga boses. Katatapos lang ng exam namin sa apat na subject at kani-kaniya na sa paglabas sa room ang mga classmates ko. May naulinigan akong tumawag sa pangalan ko pero dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagliligpit ng mga gamit pabalik sa bag. “Jey, tumawag sa akin si tita Mariz kagabi, hinahanap ka!” Umangat ako ng tingin at nakita si Cham na palapit sa pwesto ko. “Anong sinabi mo?” “Sinabi kong natutulog ka na. Mabuti na lang at gabing-gabi na siya tumawag. Paano kung tumawag ulit mamaya? Anong sasabihin ko?” “Ikaw na ang bahalang gumawa ng kwento.” Tumayo ako pagkatapos isira ang sling bag saka ito isinukbit sa kanang balikat. Iilan na lang kaming narito sa loob ng room at nauna nang lumabas si Thunder. Kung inaakala niyong nag-review siya kasama ko kagabi,
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more

CHAPTER 39

“Hoy, Jehan Xaimylle! Kanina ka pa, ha!? Bakit hindi mo ako pinapansin?”Magkasalubong ang mga kilay na nilingon ko si Thunder. Kanina pa niya ako ginugulo magmula nang maupo kami sa mga respective seats namin. Ilang oras na ang lumipas nang magsimula ang exams. Sa ngayon ay nakatapos na kami ng tatlo. I’m not confident with my answers. Kumpara kahapon, paniguradong babagsak ako sa lahat ng exam ko ngayong araw. Sino ba naman kasi ang makakapag-review nang maayos kung ginulat ka ng ganoong balita?We still have five minutes before the next and thankfully last exam. Pero sinayang ko lang ang limang minutong iyon sa pakikipagtitigan sa kaniya. Kusang bumalik sa wisyo ang isipan ko saka umiwas ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses ni Ma’am Elissa sa unahan. Habang namimigay ng mga examination papers ay nilingon ko si Thunder na nakatingin pa rin sa akin.Wala akong mapansing kakaiba sa kaniya. I mean, he doesn’t felt like guilty
last updateLast Updated : 2021-10-25
Read more
PREV
1234567
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status