“Nanay, nasabi ko ho ba sa iyo na may pupuntahan ako ngayon?” tanong ko habang sumasandok ng pagkain sa plato. Tinanghali ako ng gising. Umaga na kasi natapos ang kwentuhan namin ni Thunder. Partida, ako pa ang naunang nakatulog sa aming dalawa kaya naman ang almusal ko ay lunch na rin.
“Wala kang nabanggit sa akin. May kasama ka ba?” maging si Lali na katabi niya at nasa gilid ko ay napatingin sa akin. Maya-maya pa ay ngumiti siya nang nakakaloko.
“Susunduin po ako ni Thunder mamayang 2:00 PM.”
“Thunder?” Iba ang dating sa akin ng naging tanong niya. Sa halip na ‘sino si Thunder ay para bang tinatanong niya ako kung bakit si Thunder ang kasama ko. Nilingon niya si Lali na bumaling din naman sa kaniya. Nabalot ng katahimikan ang kanina ay maingay na dining. May kung ano sa mga tingin nila na para bang may gusto silang sabihin sa akin.
“Huwag kang magpapagabi.”
Ang akala kong alas-dos
“Nag-away ba kayo ng mama mo?” Abala si Thunder sa paglalagay ng mga pinamili namin sa ref. Nakatayo ako sa gilid niya at siyang taga-abot ng mga inilalagay niya roon. Sobra-sobra ang mga pinamili namin para sa isang gabing stay namin dito sa bahay nila. Wala akong narinig na response mula sa kaniya kaya nang wala na akong maiabot sa kaniya ay humakbang ako papunta sa dining counter. Sa pagkakaalala ko, nabanggit niya sa akin na pumupunta siya rito kapag may hindi sila napagkakaunawaan ng mama niya. Hindi naman siguro niya na-predict na mamamatay si Gum ngayon, dito, kaya imposible na ito talaga ang rason ng pagpunta niya rito. Isinawalang-bahala ko na lamang ang isiping iyon at inihanda na ang mga ingredients para sa Samyeopsal. “Saan ka pupunta?” tanong ko nang malingunan ko siyang papalabas sa kusina bitbit ang grill. “Sa kwarto. Akala ko ba gusto mong manood habang kumakain?” Napanganga ako sa naging tanong niya. Nagpatuloy
“Bakit ngayon ka lang umuwi?” bungad na tanong sa akin ni Nanay D nang makapasok ako sa gate. Humigpit ang pagkakahawak ko sa susi na siyang inabot sa akin ni Thunder bago ako bumaba sa kotse. Susi yata iyon ng bahay niya. Hinintay ko na maisara ni Nanay Dolor ang gate at sabay kaming naglakad papasok sa bahay. Alam kong may kasalanan ako. Hindi ako nagpasabi sa kaniya na hindi ako makakauwi kagabi. “Magkasama ba kayo buong magdamag?” Muli niyang tanong. Umiling ako bilang sagot. Akala ko sapat na iyon para tantanan niya ako at hayaang pumasok sa bahay nang matiwasay, pero hindi. “Huling beses na ito, Jehan. H’wag ka ng sasama pa ulit sa Thunder na ‘yon!” “Po?” Huminto ako sa paglalakad nang marating ang salas saka siya nilingon sa likuran ko. Nahagip ng mga mata ko si Lali na papalabas sa bukas na pinto ng kusina. “Bakit naman po? Kaibigan ni Mommy si Tita Elissa. What’s wrong with being friends with his son?” Hindi siya kumibo. Sa halip ay b
“Hindi pa ba sapat ‘tong mga pinamili natin?”Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang pumasok kami sa mall ay narinig kong nagreklamo si Thunder. Hawak niya sa kaniyang mga kamay ang dalawang malalaking plastic bags ng groceries. Ewan ko ba rito kung bakit niya inalis kaagad sa trolley pagkatapos naming magbayad. Based on my estimation, those goods could last at least a week. Sakto sa balak kong pag-stay sa bahay niya ng hindi sosobra sa isang linggo.Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi mapakali ang mga mata ko sa paglinga sa paligid. Baka sakaling may nakalimutan kaming bilhin. Wala rin naman akong narinig kay Thunder na nakasunod sa likuran ko. Nilingon ko siya para alamin kung nakasunod pa ba siya sa akin. Wala akong napansing pagrereklamo sa gwapo niyang mukha pero halatang mabigat at masakit na sa kamay ang mga bitbit niya.“Mauna ka na sa sasakyan.” Bumaling siya sa akin.“May bibilhin ka pa ba?”&ldq
“Bakit nandito sa kwarto mo ‘yong TV?” What a nonsensical question I could ever ask. Katatapos lang naming palitan ang mattress ng kama niya ng binili ko kanina. Siya ang may-ari ng bahay pero siya itong nag-a-adjust para sa akin. “Dahil walang tao sa living room?” Well, it’s a given answer. Expected ko rin na ganoon ang magiging sagot niya. Sino nga naman ang manonood doon kung siya lang mag-isa ang tao rito sa bahay niya? Inirapan ko si Thunder at tumawa naman siya nang sarkastiko. May mga binago kami sa kwarto niya tulad na lamang ng ilang mga paintings na ikinabit namin sa wall pati na rin ang ayos ng walk-in closet. “Ayusin din natin ‘yong living room,” suggestion ko. Kinuha kasi namin ang painting doon ni Gum kaya nagkaroon ng awang sa ibang bahagi ng wall sa living room. “Hindi ka pa ba napapagod?” Ang totoo niyan, pagod na rin ako. Hapon na rin kasi. Gusto ko lang na tumuloy-tuloy ang usapan namin. It felt awkward talking to hi
“Jehan!” Mula sa nakabibinging katahimikan na bumabalot sa room habang nag-eexam kanina ay napalitan ito ng hindi magkamayaw na mga boses. Katatapos lang ng exam namin sa apat na subject at kani-kaniya na sa paglabas sa room ang mga classmates ko. May naulinigan akong tumawag sa pangalan ko pero dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagliligpit ng mga gamit pabalik sa bag. “Jey, tumawag sa akin si tita Mariz kagabi, hinahanap ka!” Umangat ako ng tingin at nakita si Cham na palapit sa pwesto ko. “Anong sinabi mo?” “Sinabi kong natutulog ka na. Mabuti na lang at gabing-gabi na siya tumawag. Paano kung tumawag ulit mamaya? Anong sasabihin ko?” “Ikaw na ang bahalang gumawa ng kwento.” Tumayo ako pagkatapos isira ang sling bag saka ito isinukbit sa kanang balikat. Iilan na lang kaming narito sa loob ng room at nauna nang lumabas si Thunder. Kung inaakala niyong nag-review siya kasama ko kagabi,
“Hoy, Jehan Xaimylle! Kanina ka pa, ha!? Bakit hindi mo ako pinapansin?”Magkasalubong ang mga kilay na nilingon ko si Thunder. Kanina pa niya ako ginugulo magmula nang maupo kami sa mga respective seats namin. Ilang oras na ang lumipas nang magsimula ang exams. Sa ngayon ay nakatapos na kami ng tatlo. I’m not confident with my answers. Kumpara kahapon, paniguradong babagsak ako sa lahat ng exam ko ngayong araw. Sino ba naman kasi ang makakapag-review nang maayos kung ginulat ka ng ganoong balita?We still have five minutes before the next and thankfully last exam. Pero sinayang ko lang ang limang minutong iyon sa pakikipagtitigan sa kaniya. Kusang bumalik sa wisyo ang isipan ko saka umiwas ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses ni Ma’am Elissa sa unahan. Habang namimigay ng mga examination papers ay nilingon ko si Thunder na nakatingin pa rin sa akin.Wala akong mapansing kakaiba sa kaniya. I mean, he doesn’t felt like guilty
“You’re awake.”Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata para makapag-adjust sa liwanag ng paligid. Tanging ang ilaw lang sa labas ang nagbibigay ng liwanag sa kinaroroonan namin. Gabi na yata. Ilang minuto pa akong nanatiling nakahiga sa matigas at makitid na higaan habang inaalala ang mga pangyayari bago ako mawalan ng malay. Bumangon ako nang mag-sink in sa utak ko ang lahat.“Vhan!” pagtawag ko sa pangalan niya. Nakita ko siyang nakaupo sa dulo ng wooden bench—sa bandang paanan—kung saan ako nakahiga. Sa unahan siya nakatingin. Iginala ko ng tingin ang paligid. Base sa mga locker na nakahilera sa unahan at tunog ng mga motorsiklo sa labas ay unti-unti akong naging pamilyar sa lugar. Dinala niya ako sa motocross camp.“Bakit tayo nandito? Vhan, ano ‘to?”“May gusto lang akong malaman.” Tumayo siya sa kinauupuan niya at humarap sa akin. Kinuha niya sa bulsa ng jeans ang cellphon
“Sir Martin, nandito na ho si Jey!” Sa halip na ipagpilitan ang sarili ko sa alam ko namang mali ay umalis na lang ako sa bahay ni Thunder at nagpahatid sa taxi na sinakyan ko sa bahay ni lolo Martin.Papasok pa lang ako sa main door ng bahay ay naririnig ko na ang malakas na boses ni Nanay Rosing. Naabutan ko siya sa harap ng double door ng library ni Lolo rito sa bahay niya. Bahagyang nakabukas ang isang pinto ng double door habang ang isa naman ay nanatiling nakasara at siyang kinakatok ng matanda. Nilapitan ko siya roon sa pag-aakalang naroon si Lolo sa library niya.Naroon nga si Lolo. Abala siya sa kung ano mang hinahanap niya sa drawing ng wooden desk kaya siguro hindi man lang niya narinig ang pagtawag at makailang katok ni Nanay Rosing sa pinto. Tila ba dinaanan ng buhawi ang nasabing silid, sa dami ng mga nagkalat na papel sa sahig. Mas dumarami pa nga iyon at nadaragdagan habang kinakalkal ni Lolo ang mga drawers. Humakbang ako papasok at pinulot