Home / Werewolf / The Cursed of Eternity / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of The Cursed of Eternity: Chapter 1 - Chapter 10

54 Chapters

PROLOGUE

Pigil hininga akong nagtatago ngayon sa loob ng isang kabinet dito sa silid ko. Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko sa labas na siyang lalong nagpakabog ng dibdib ko. Mahigpit kong napahawak sa mga tuhod ko at maingat na sinubsob ang mukha ko dito. "Mommy," I cried silently as I called my mother. "Daddy... I'm... I'm scared." Muli kong sambit at nag-unahan na ang mga luha sa paglabas mula sa mga mata ko. I’m scared right now! I can't even think straight! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko! But…no! Dapat ay hindi ako umiiyak ngayon dito! I need to be strong! Kailangang maging malakas ako lalo na sa sitwasyong kinahaharap ko ngayon! Kailangan kong maging malakas. Para sa sarili ko at para na rin sa mga magulang kong nakikipaglaban para sa kaligtasan
Read more

CHAPTER 1

Napabalikwas ako nang bangon noong mapanaginipan ko na naman ang nakakatakot na panaginip na iyon. Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko at dinama ang malakas na tibok ng puso ko. Napapikit ako at pilit na ikinalma ang sarili. Iyong panaginip na iyon, iyong paulit-ulit na panaginip na iyon, ay tila totoong nangyari sa akin. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit, takot at galit ko sa panaginip na iyon. Napamulat ako ng mga mata at pilit na inalala ang nangyari sa panaginip ko. I was running away. Scared. At noong makakatakas na sana ako mula sa mga taong nais manakit at kumuha sa akin, someone aimed his gun and pulled the trigger towards me. Natamaan ako sa dibdib ko at iyon ang huling nangyari sa panaginip ko. Iyong takot na nararamdam ko tuwing nagigising ako mula sa p
Read more

CHAPTER 2

Pagkapasok namin ni Nanay Celeste sa bahay ay agad nitong isinara ang pinto. Mabilis ang bawat galaw nito samantalang nakatayo lang ako habang hawak-hawak ko pa rin ang patalim na dinampot kanina. Isinunod niyang isinara ang mga bintanang malapit sa amin at noong matapos siya sa ginagawa, mabilis itong bumaling sa gawi ko. "Ayos ka lang ba, Ice?" She asked me worriedly. Napatango na lang ako dito at inilapag sa mesa ang patalim na dinampot ko kanina. Kita kong natigilan si Nay Celeste at agad na nilapitan ako. Kinuha nito ang patalim sa mesa at matamang isinuri. "Nay, what’s happening? Ba… bakit may nagtangka sa atin kanina?" Naguguluhang tanong ko dito habang matamang nakatingin sa kanya. Kita kong wala sa akin ang atensyon ni Nay Celeste kaya naman ay napatingin ako sa kung anong tinitingnan nito. It was the knife I bo
Read more

CHAPTER 3

"Celeste, napadalaw ka?" Ito agad ang bumungad sa amin ni Nanay Celeste noong bumukas ang pinto ng malaking bahay at isang lalaki ang sumalubong sa aming dalawa. Nakangiti ito sa amin at magiliw na iginaya kami papasok sa mansyon niya. Sa tansya ko ay mas matanda lang ang edad nito ng isa o dalawang taon kay Nay Celeste at Tay Manuel. Matangkad ito at kagaya nang inaasahan ko, nakaramdam ako nang kakaiba sa lalaking nasa harapan. "Dawnson, we need your help," ani Nay Celeste sa lalaki noong tuluyang nakapasok na kami sa mansiyon nito. "We've been chased by Bloods and Lunars earlier." Natigilan ang lalaking nagngangalang Dawnson sa pagkilos at nawala ang ngiti nito sa mga labi. Agad na pinitik nito ang mga kamay na siyang ikinapitlag ko at kusang nagsara ang pintuang pinasuka
Read more

CHAPTER 4

Sunod-sunod na putok ang namayani sa tahimik na mansyon ni Dawnson. Napatayo ako mula sa kinauupuan at tinungo ang pinto ng silid. Sinigurado kong naka-locked ito bago umatras at lumayong muli dito. I sighed as I tried to calm myself. Sana maging maayos lang sila Nanay Celeste at Dawnson. Sana’y walang masamang mangyari sa kanilang dalawa. Bumalik ako sa kinauupuan ko at tahimik na pinapakiramdaman ang paligid. Mayamaya lang ay impit na napatili ako noong biglang may pwersang nais buksan ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Napatakip ako ng bibig ko at mabilis na inihanda ang sarili. Paanong nakarating na ang kalaban dito sa palapag na ito? Anong nangyari kay Nay Celeste at Dawnson? Are they okay? Damn! 
Read more

CHAPTER 5

"My name is Mavi," anito noong tumigil ang sasakyan nito sa kung saan.   Mayamaya pa'y may pinindot ito sa may dashboard sa harapan niya at humugot ng isang malalim na hininga. Tahimik at nakasunod lang ang tingin ko sa bawat galaw nito. Kaya naman noong makaramdam ako nang bahagyang pagyanig ng lupa ay naging alerto ako. Napahawak ako sa baril na nakasilid sa bag ko at napatingin sa unahan ng kotse nito.   Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang pag-angat ng lupa sa harapan namin. Mayamaya pa'y muling pinausad ni Mavi ang sasakyan nito at dumaan sa isang lagusan mula sa nakaangat na lupa.   "Where are we?" Wala sa sariling tanong ko dito at tumingin sa likuran nang sasakyan. Mangha akong nakatingin sa dinaraanan namin at noong mamataang nagkusang sumara ang lagusan na dinaanan namin kanina, napaangat ang gilid ng labi ko dahil sa pagkamangha.   "This is my place, my house," ani Mavi at itinig
Read more

CHAPTER 6

Hindi ako makatulog.   Dahan-dahan akong naupo mula sa pagkakahiga at tiningnan ang kabuuan ng silid na kinaroroonan. Napabuntong-hininga na lamang ako at tumayo na. Walang ingay akong naglakad patungo sa pinto ng silid at binuksan iyon. Pagkalabas ko ay agad akong naglakad patungo sa salas ng bahay ni Mavi. Walang ingay akong kumilos at noong nasa may salas na ako, nabungaran ko ang mahimbing na natutulog na si Mavi. I sighed again. Napabaling ako sa may kusina at napailing na lamang, nagdadalawang-isip kung pupunta ba ako roon o hindi.   Damn it! Gutom na talaga ako!   May matino kayang pagkain sa lugar na ito?   "Can't sleep?"   Mabilis akong napabaling agad kay Mavi noong magsalita ito. Nakapikit pa rin ang mga mata nito at hindi kumikilos sa kinahihigaan niya. He’s awake!   Napakagat ako ng labi ko at mariing ikinuyom ang mga kamao. God! Gutom na talaga
Read more

CHAPTER 7

Mabilis kaming kumilos ni Mavi. Agad kaming lumabas sa silid nito at dali-daling pumunta sa may garahe kung saan naroon ang mga sasakyan nito.   "Mavi, I can hear their footsteps," sambit ko noong makasakay na kami sa kulay itim na sasakyan na pagmamay-ari nito.   "I can feel them too, Ice," aniya at binuhay ang makina ng sasakyan.   "No. I can hear them," I sighed and tried to concentrate. Ipinikit ko ang mga mata at pinakiramdaman nang mabuti ang paligid. Mayamaya lang ay iminulat ko ang mga mata at binalingan ang lalaki. "Even their heartbeats, Mavi. I can hear every single beat of it.” Seryosong sambit ko na siyang ikinatigil ni Mavi sa kinauupuan nito. Segundo lang ay napailing ito at umayos na nang pagkakaupo.   "Kung may iba ka pang kayang gawin, mamaya mo na sabihin sa akin, Ice.” Ngumisi ito sa akin at pinindot na ang buton kung saan magbubukas ang lagusan palabas ng bahay nito. "This car is
Read more

CHAPTER 8

Aki?   Saan ko ba narinig ang pangalang iyon? Aki… Ipinilig ko ang ulo pa kanan at pilit na inaalala kung saan ko bai to narinig o nakita man lang. Alam kong pamilyar sa akin ang taong ito! Presensya at pangalan pa lang nito, alam at ramdam kong konektado ito sa nakaraan ko. Damn! I badly need my memories back!   "Thank you, Mavi. Alam kong maaasahan ka talaga sa mga ganitong bagay," sambit ng lalaking nag-ngangalang Aki habang hindi inaalis ang mga mata sa akin. Napaatras akong muli dito. Hindi ako kumibo at pinagmasdan lang ito sa harapan ko. May kung ano sa titig nito na nagsasabi sa aking mapanganib ang taong ito. Na kailangan ko nang umalis sa lugar na ito at magtago mula sa kanya! But damn, I can’t feel my own feet! Hindi ko ito maigalaw kahit gustuhin ko man!   "Let's go," ani Aki at tinalikuran na kami ni Mavi. "Sa taas tayo."   Mariin kong ikinagat ang pang-ibabang labi ko at nanatiling naka
Read more

CHAPTER 9

"What's happening?" Agad na tanong ni Mavi noong makita kaming dalawa ni Aki palabas ng silid kung saan ako nagpahinga. Namataan ko itong nakahilig sa may dingding at agad na umayos nang pagkakatayo noong makita kaming lumabas. "Ice, are you okay? You should be resting. Namumutla ka pa."   "We need to secure the perimeter, Mavi. Lady Beatrice will be moved to the basement. Doon niya ipagpapatuloy ang pagpapahinga niya," ani Aki at inalalayanng muli ako sa paglalakad. Nanghihina pa rin talaga ang buong katawan ko hanggang ngayon. Idagdag pa ang muling pagkirot ng ulo ko dahil sa mga nakita. Damn it! I can't even move my feet properly!   Noong hindi kumilis si Mavi sa kinatatayuan nito at marahan akong bumaling sa gawi nito. Tipid akong tumango dito noong mamataan ang seryosong titig nito sa akin.   "I saw a premonition, Mavi," wika ko at humugot ng isang hininga. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Mavi at pilit na itinayo ang
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status