Home / Werewolf / The Cursed of Eternity / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of The Cursed of Eternity: Chapter 41 - Chapter 50

54 Chapters

CHAPTER 40

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Mataman kong tiningnan si Nay Celeste habang naglalakad ito palapit sa akin.   "Are you okay? Nasaktan ka ba?" she asked then scanned my body. “Bakit may dugo ang mga kamay mo? Ayos ka lang ba talaga?”   "Ayos lang po ako," mahinang sagot ko dito habang matamang tinitingnan ito. Mayamaya lang ay niyakap niya ako kaya naman ay mas lalo akong napako sa kinatatayuan ko.   "Alalang-alala ako sa'yo, Ice!"   "No need to worry about me, Nay Celeste. Ayos lang po talaga ako," marahang sambit ko at binalingan ang mga kasamahan ko. Humiwalay nang yakap sa akin si Nay Celeste at tiningnan ang kabuuan ng sala na aming kinaroroonan. "We saved Mavi and my mother from Mavireck," matamang sambit ko pa at tiningnan kong mabuti ang magiging reaksiyon nito. "Really? Is Lady Esmeralda… your mother, okay?" mahina na tanong nito at hinanap niya si mommy. Ramdam kong natigila
Read more

CHAPTER 41

"Mavireck's men are here again."   Ito agad ang bungad ni Klaus noong makapasok muli kami sa safe house ni Mavi. Napabaling ako kay mommy at nakita ko itong nakaupo na ngayon. Napabuntong-hininga ako at marahang lumapit sa puwesto nito.   "Are you okay now?" I asked her. Kita kong tumango ito sa akin at hinawakan ang may sugat na tagiliran nito. "If you can't fight, stay here. May magbabantay sa'yong Lasombra dito."   "I can handle myself," anito na siyang nagpabuntong-hininga muli sa akin. I know she won't listen to me but damn, I need to keep her safe! Mas magiging ligtas ito kung hindi na ito lalabas pa sa lugar na ito! Napatingala na lamang ako at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. Muli akong napabuntong-hininga at hinayaan na lamang ito sa nais niya.   "Fine," mabilis na sambit ko at binalingan si Zachary sa tabi ko. "Look after her. Make sure na magiging ligtas siya hanggang sa matapos ang
Read more

CHAPTER 42

Mabilis akong kumilos noong makakita ako ng dalawang bulto ng lalaki ‘di kalayuan sa kinatatayuan. Iniwan ko ang katawan ng hybrid na nakalaban ko kanina at tinakbo ang daang patungo sa nakitang mga kalaban.   Inalerto ko ang sarili noong makaramdam ako ng kakaiba. Tumigil ako sa pagtakbo at nagpalinga-linga. Mariin kong hinawakan ang baril ko at nagpatuloy sa pagtingin sa paligid.   "Show yourself!" sigaw ko at itinaas na ang baril. "Damn it!" mabilis na bulalas kong muli noong makarinig ako nang putok ng baril ‘di kalayuan. Nasundan pa ito ng mga ilang putok ng baril kaya naman ay lalo akong naalarma. Humugot ako ng isang malalim na hininga at pinagpatuloy ang paghahanap sa pinanggagalingan ng kakaibang enerhiyang nararamdaman ngayon.   May tiwala ako sa mga taong kakampi ko. They can handle this. Tiyak kong magiging ligtas sila sa gulong ito!   "Focus, Ice!"   Nanlaki ang mga
Read more

CHAPTER 43

Mabilis ngunit maingat ang bawat galaw namin ni Mavi.   Sa tansya ko ay mukhang malayo na kaming dalawa ngayon sa safe house niya. Kanina, may mga nakasalubong pa kaming mga tauhan ni Mavireck. Mavi deal with them while I scanned the whole area. Bigla kasing nawala ang malakas na presensiya ni Mavireck sa paligid. Nagpatuloy ako sa pagmamasid sa paligid hanggang sa muling nagsalita si Mavi sa tabi ko.   "Let's go," aniya na siyang ikinatigil ko. Binalingan ko ito at natigilan na lamang noong makita ang sugat nito sa pisngi.   "May sugat ka," mariing sambit ko habang hindi inaalis ang paningin sa sugat nito. Kita kong hinawakan nito ang pisngi niya at napailing na lamang.   "Just a scratch, Ice. Come on. Mukhang wala na sila dito sa gubat."   Napailing na lamang ako at humugot ng isang malalim na hininga. Muli kong tiningnan ang paligid at bumaling muli sa puwesto nito. &n
Read more

CHAPTER 44

Malakas na pagsabog sa loob ng Blood Clan palace ang siyang nagpatigil sa aming tatlo. Nagkatinginan kami at muling tiningnan ang matayog na gate sa harapan. "Paano tayo makakapasok sa loob?" tanong ni Zachary at pinagmasdan ang gate ng palace. Napakagat ako nang pang-ibabang labi at pinakiramdaman ang paligid. Naglakad ako palapit sa gate at marahang inilapat ang kamay dito. Heartbeats. I can hear different heartbeats behind thisgate. Sa tansya ko ay mahigit sampu ang nasa kabilang bahagi ng gate na ito. Napangiwi ako at muling napabuntong-hininga! "Mavi, may iba pa bang lagusan papasok sa loob ng Blood Clan palace?" tanong ko dito sabay baling sa kanya. "There is," seryosong sagot nito na siyang nagpakunot ng noo ko. "Iyong daang dinaanan ni Claire noong pinatakas namin ito ni Master Aki." I froze where I’m standing. "I think we can manage to pass through the traps," dagdag pa nito at nagsimula nang maglakad patu
Read more

CHAPTER 45

"Ice!" Natigil ako sa pagtakbo noong marating ko na ang silid kung saan ko nararamdaman ang malakas na presensiya ni Mavireck. Mabilis na nakalapit ang dalawa sa akin at tahimik na pinagmasdan na rin ang pinto na nasa harapan namin ngayon. "This is not his office," ani Mavi at hinawakan ako sa braso ko. "Be careful, Ice. My father..." he sighed then let go of my arm. "He's cruel. Hindi kita pipigilan sa nais mong mangyari but please, be careful." Marahan akong napalunok at binalingan si Mavi sa tabi ko. Tinanguhan ko ito at muli kong hinarap ang pinto sa unahan ko at mabilis na binuksan ito. Agad kong itinaas at itinutok ang hawak kong baril noong mamataang prenteng nakaupo si Mavireck sa isang silya sa loob ng silid. Seryoso itong nakatingin sa akin at mayamaya lang ay tumayo na. "Beatrice de Falcon," bigkas nito sa pangalan ko na siyang ikinataas ng mga balahibo ko. Damn! Naramdaman ko na ang ganit
Read more

CHAPTER 46

Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tinitigan si Mavireck sa harapan ko. Ramdam ko ang mas lalong pagtaas ng pressure sa loob ng silid na kinaroroonan namin. Sa kabilang bahagi ng silid, abala pa rin si Mavi at Johnson sa kanilang laban samantalang heto ako, pilit nag-iisip nang paraan kung paano matatalo si Mavireck.   "Ice!"   Napakurap ako noong marinig ang pagsigaw ni Mavi sa pangalan ko. Napamura na lamang ako at halos mapaatras noong mamataang nasa harapan ko na pala ang ama nito!   Damn it!   "You'll end up dying here, de Falcon. Ako ang kalaban mo kaya dapat ay nakatuon lang sa akin ang buong atensiyon mo," anito at mabilis na naman akong hinawakan sa may leeg ko. Damn! Pakiramdam ko ay namamaga na ito dahil sa pagsakal niya sa akin nang paulit-ulit!   "Let her go!" rinig kong sigaw ni Mavi habang patuloy pa rin sa pakikipaglaban sa tauhan ng ama. Masama kong tiningna
Read more

CHAPTER 47

Pilit akong gumalaw mula sa pagkakaupo upang pigilan si Mavireck.   No! He can't kill Nay Celeste! Not on my fucking sight! Damn it!   "Sige, ituloy mo ang binabalak mo at nang matapos na rin ang buhay mo," mapanganib na banta ni mommy at inilapat na ang dulo ng baril nito sa sintido ni Mavireck. "Let her go now, Mavireck. Hindi ko na uulitin pa ito. Bitawan mo na si Celeste,” dagdag pa ni mommy at humakbang ng isang beses palapit sa dalawa. “Don't test my patience, Mavireck. Alam mong kaya kong kalabitin ang gatilyong ito nang walang pagdadalawang-isip."   Halakhak ni Mavireck ang namayani sa buong silid na kinaroroonan namin ngayon. Ilang saglit lang ay binitawan na nito si Nay Celeste at nagtaas ng dalawang kamay at humarap kay mommy. Agad namang hinila ni Zachary, na kanina pa sa likod ni mommy, si Nay Celeste at dinala sa likuran nito. Hindi ako kumibo sa kinauupuan at matamang tiningnan lamang ang dalawa. &
Read more

CHAPTER 48

Bata pa lang ako ay alam ko na kung ano ang mga espesyal na kakayahan ko.   I’m a hybrid, an offspring of a Lunar and Blood from Underworld. My mother is Esmeralda Lunar, the current leader of Lunar Organization. She’s fierce, talented and can use a special spell that makes her the best Lunar of her generation. Benjamin de Falco, a Ventrue, ruler of Blood Clan, is my father.   My parents saved both Lunar Organization and Blood Clan, but in the end, they were both betrayed.   Peace. That was all they wanted. They wanted to end the war between the Lunars and Blood. They wanted us to be civil with each other but… not everyone wanted that to happen.   Napamulat ako ng mga mata ko noong makarinig ako ng ilang kaluskos sa paligid. Mabilis kong inilagay sa magkabilang tenga ang mga kamay at hindi binigyan pansin ang mga naririnig ngayon. Muli kong ipinikit ang mga mata at pinilit ang sariling matulog.
Read more

CHAPTER 49

Napapitlag ako noong may kung anong tumama sa bintana ng silid ko. Agad akong napaatras muli hanggang sa bumunggo na ako sa gilid ng kama ko.   Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at tiningnan ang nakasarang bintana. Nasundan pa ng isa pang putok ang ingay na narinig kanina kaya naman ay napako ako sa kinatatayuan ko. Oh my God! They're targeting my window!   Mayamaya lang ay napabuntong-hininga na lang ako noong maalalang bullet proof ang mga salamin ng bintana ko. Bahagya kong ikinalma ang sarili at kinagat ang pang-ibabang labi. Ito marahil ang dahilan kung bakit dito ako nais manatili ng mga magulang ko sa silid kong ito. Dahil sa pagkakagawa sa silid na ito, tiyak kong magiging ligtas ako laban sa mga atake mula sa labas ng mansiyon namin.   Naglakad akong muli patungo sa kabinet kung saan nakalagay ang mga baril ko at matamang tiningnan ang mga ito. Dumampot ako ng isa pang baril at mabilis na inilagay ito sa likura
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status