Home / All / His Voice (Tagalog) / Chapter 41 - Chapter 47

All Chapters of His Voice (Tagalog): Chapter 41 - Chapter 47

47 Chapters

Chapter 40.1

SEBASTIAN'S POV Apat na araw na ang nakalipas mag-mula no'ng nalaman ni Vienna ang buong katotohanan. Hanggang ngayon tanda ko pa rin ang mga nangyari sa araw na iyon at hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Kahit pinigilan niya na 'ko sa paghahanap sa kaniya pero hindi ako tumigil. No'ng sinagot niya ang tawag ko, nagkaroon ako nang pag-asa na maaayos ko pa ang sitwasyon. Pero bigla 'yung nawala nang sabihin niya na ayaw pa niya 'kong makita. "Ayaw pa kitang makita.. kaya please hayaan mo muna akong mapag-isa sa ngayon. I'm sorry." Hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap kahit gano'n ang mga sinabi niya. But I suddenly remembered what I did 3 years ago. Hinanap ko siya kung saan-saan, kahit nasasaktan ako sa mga panahong 'yun dahil sa pagkawala niya at pag-iwan sa'kin ng mom ko, hindi pa rin ako tumigil. Ngunit lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon, saka ko na realize na iniwan niya na 'ko at hindi na siya
last updateLast Updated : 2021-10-30
Read more

Chapter 40.2

VIENNA'S POV   ------FLASHBACK------   "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko nang makapasok na siya sa loob ng bahay. Pero nagulat siya nang makita ako, halatang wala siyang alam na nandito ako ngunit agad niya 'kong niyakap ng mahigpit nang hindi ko inaasahan.   "Kumusta ka? ayos ka lang ba? wala bang nangyaring masama sa'yo?" tanong niya matapos akong yakapin. Ngunit hindi ko siya sinagot at napatingin lamang sa kabuuan ng mukha niya. Halata sa mga mata niya na pagod siya at kulang sa tulog. Parang piniga ang puso ko dahil sa itsura ngayon ni kuya. I couldn't help but blame myself, he became like that because of me.   "Ayos lang ako, huwag ka nang mag-alala sa'kin. Ikaw kumusta ka? tapos na ba exams mo?" walang emosyong tugon ko. Ngunit biglang lumitaw ang ngiti sa labi niya dahil sa mga sinabi ko.   Hindi na 'ko galit sa kanila, I just really don't want to see them afte
last updateLast Updated : 2021-11-03
Read more

Chapter 41

"Pre may kailangan pa ba 'kong gawin? may kulang pa ba?" tanong ni Britt habang kinukuhanan ng video ang sarili niya. "Oo, paki-kuha 'yung balloons sa room ko at dalhin mo rito," tugon ni Sebastian na abala sa pag-aayos ng mga pagkain sa mesa. Si Enzo naman ay abala rin sa paglagay ng mga decorations at kung anu-ano pa. "Copy that sir," ani Britt at sumaludo pa ito na parang sundalo. Umalis din naman siya at nagtungo sa room ni Sebastian. Nang makarating siya sa silid nito, hinanap niya rin naman agad kung saan nakalagay ang isang plastic ng balloons. "Pasalamat talaga si Sebastian, mahal ko siya pero mas mahal siya ng kaibigan ko. Iba talaga kapag in love, gagawin mo ang lahat para lang mapasaya ang taong mahal mo," wika ni Britt habang nakaharap a kausap ang sarili nitong camera. Nang makarating siya sa studio ng kaibigan, binigay niya rin naman agad kay Sebastian ang kinuha nitong isang plastic ng ballons.&nbs
last updateLast Updated : 2021-11-05
Read more

Chapter 42

"Mom.. I'm sorry," umiiyak na sambit ko habang yakap-yakap ang mom ko. Marahan niya 'kong kinabig papaharap sa kanya at agad nitong pinunasan ang mga luha ko. Namiss ko siya, I missed my mom. "You don't have to say sorry, wala kang kasalanan anak. Ako 'tong meron kaya ako ang dapat na humingi ng tawad sa'yo. I'm sorry anak, sana mapatawad mo 'ko sa ginawa ko." "Matagal na po kitang napatawad at hindi na rin po ako galit sa inyo." Tears started to flow from her eyes because of what I have said. Alam ko na ito ang gusto niyang marinig mula sa'kin, ang patawarin siya sa nagawa niya. Oo, hindi ko pa rin kayang kalimutan ang ginawa niya sa dad ko, ang ginawa niya sa'kin pero karapat-dapat siyang patawarin. Hindi lang ako ang nasaktan sa mga nangyari kundi pati na rin siya. She's my mom, siya na lang ang meron ako at ayoko na pati siya mawala din sa buhay ko.  ******************  
last updateLast Updated : 2021-11-07
Read more

Chapter 43

SEBASTIAN'S POV   Wala ni isa sa'min ang nagtangkang magsalita, nakayuko lang ako habang siya ay nakatingin sa'kin mag-mula pa kanina. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakita ko na siya.   "I'm sorry anak.." Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko dahil sa huling binanggit niya. Kay tagal kong hinintay na marinig muli ang katagang 'yan mula sa kanya.   "Alam ko na nasaktan kita at nasaktan ko ang dad mo pero sana mapatawad mo 'ko sa nagawa ko," umiiyak na sambit nito. Agad kong pinunasan ang pisnge ko bago ako nag-angat ng tingin sa kanya.   "Napatawad na kita pero hindi ko pa rin kayang kalimutan ang ginawa mo. Hindi lang kasi si dad ang nasaktan mo kundi pati na rin ako na anak mo. Kaya sana maintindihan mo kung hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa'yo," tugon ko na ikinatahimik niya. "Pero ngayon na kaharap na kita, parang unti-unting nawala ang
last updateLast Updated : 2021-11-11
Read more

Chapter 44

------AFTER 3 DAYS------   (MUSIC CONTEST)   "Vienna.."   "Yes kuya RJ?" tanong ko. Nandito kami ngayon sa back stage, siya lang ang kasama ko rito. After kasi akong ayusan nina Michelle at Therese, bigla silang umalis at ewan ko ba kung saan sila pupunta.   "Ayos ka lang ba? kanina ka pa tahimik diyan."   "I'm fine kuya, kinakabahan lang ako ng konti."   "Huwag kang kabahan, nandito naman kami para suportahan ka. Kaya mo 'yan," nakangiting sambit niya. "Lalabas na muna ako, may kailangan lang akong tawagan."   "Sige kuya." Nang makaalis siya, bigla akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Kinakabahan ako pero sigurado ako na kaya kong gawin 'to.   Ito na ang pinakahinihintay kong araw, ang araw kung saan aaminin at sasabihin ko sa harap ng maraming tao ang totoong pagkatao ko. Hindi ko alam kung ano ang magig
last updateLast Updated : 2021-11-14
Read more

Epilogue

Matagal ko nang pinapangarap ang kumanta sa isang entablado at pinapanuod ng maraming tao. Bata pa lamang ako natutunan ko na ang tumugtog ng kahit na anong instrumento at kumanta ng kahit na anong klase ng musika. Napamahal na ko rito dahil sa dad ko, siya ang nag-impluwensiya sa'kin na kumanta at tumugtog. Dahil sa kan'ya nagco-compose at nagco-cover ako ng mga kanta, sumali sa mga auditions hanggang sa naging isang sikat na singer.    Pangarap ko ang maging isang sikat na musikera kagaya ng mga artistang hinahangaan ko sa larangan ng musika. Gusto ko ring maramdaman na mahalin at hangaan ng maraming tao. Ngunit mag-mula no'ng nagkasakit ang dad ko hanggang sa binawian siya ng buhay, nawala na sa isip ko ang lahat ng mga pangarap ko. Gusto kong tuparin 'yun na kasama siya pero ngayong wala na ang dad ko, ayoko nang ituloy pa ang mga pangarap ko. At dahil sa nangyari, umabot ako sa isang desisyon na huwag sabihin sa publiko ang totoong pagkatao ko. Ginawa
last updateLast Updated : 2021-11-15
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status