VIENNA'S POV "Vienna, gising ka na ba? Let me in, I just want to talk to you for a minute." Boses 'yon ni mom ngunit hindi ako tumayo para pagbuksan siya ng pinto. Wala ako sa mood para makipag-usap sa kaniya. Ang dami kong iniisip at ayoko na pati 'yan, dumagdag pa. "Vienna.. are you okay? please let me in. Nag-aalala na 'ko sa'yo, kagabi ka pa walang imik at hindi ka rin kumain ng dinner. What's your problem? sabihin mo sa'kin, makikinig ako." Hindi ko pinansin ang sinabi niya, nanatili pa rin akong tahimik at nakatingin lang sa box na nasa study table ko. 'I don't need her help, I can find answers by myself.' "I'm fine, just leave me alone," walang ganang sagot ko. Hindi na siya nagsalita pa pero ramdam ko pa rin ang presensya niya sa labas ng kwarto. "I'm just here sweetie, mom is always there for you. If you have problems or if there's something bothering you, please tell me
Read more