Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 541 - Kabanata 550

1942 Kabanata

Kabanata 541

Umiling si Lady Dorothy Assex. Medyo masakit ang ulo niya.Ang pakiramdam na ito ay mahahalintulad sa pagpupuyat ng dalawang gabi at sa pag-inom ng tatlong tasa ng matapang na kape. Bagama’t napakasigla na niya ngayon, masyado itong nakakapagod para sa kanyang ulo, at hindi niya ito masyadong makayanan.Pagkatapos noon, nagsimulang lumitaw sa kanyang isipan ang mga alaala ng nangyari bago siya nawalan ng malay.Naalala ni Lady Dorothy na nagsuka siya ng dugo at nahimatay pagkatapos noon.Saan ang lugar na ito?Maya-maya, napagtantuan niyang nasa Villa 8 siya!“Honey, anong nangyari sa akin?” tanong ni Lady Dorothy.Inabot niya si Alex Rockefeller, gustong yakapin ito.Hindi alintana kung nanghihina ang kanyang katawan o nagtatangkang ipahiwatig na mas lamang siya kay Cheryl Coney, sumunod pa rin ni Alex sa kanyang kagustuhan.Lumapit si Alex at niyakap siya. “Huwag kang matakot. Nahawaan ka ng isang lasong mula sa Canyonland. Sa kabutihang palad, nailigtas ka ni Cheryl sa oras. Maayos
Magbasa pa

Kabanata 542

Maiisip lamang ng sinuman kung gaano kakila-kilabot kapag ang mga uod na ito ay ipinanganak sa katawan ng isang tao.“Ano… Ano ang mga bagay na ito?” Naguguluhang tanong ni Lady Dorothy Assex.Sa sandaling ito, masyado nang natatakot gumalaw si Madame Claire, kaya hinayaan niya si Alex Rockefeller na gawin ang anumang gusto niya. Nagsitayuan ang lahat ng mga balahibo ni Madame Claire.Nagising na rin si Lady Beatrice Assex, at nakatingin siya sa kanila nang nakadilat ang mga mata.“Lahat ng iyan ay mga parasitic worm,” sabi ni Cheryl Coney.Hindi alam ni Cheryl kung bakit sinabi ni Alex na siya ang nagligtas kay Lady Dorothy, ngunit pagkatapos itong pag-isipan, nagpasya siyang makipagtulungan na lang kay Alex.“Parasitic worms? As in ‘yong mga tulad sa Canyonland? Ibig mong sabihin... katulad ba sila ng mga bulateng Blue Phoenix na ginamit sa martial arts para sa isang teleserye, The Smiling Proud Wanderer?” Bakas sa mukha ni Lady Beatrice ang hindi makapaniwalang ekspresyon. Bagama’t
Magbasa pa

Kabanata 543

Mag-isang dumating si Lord Lex Gunther.Dito naninirahan si Waltz Fleur. Dahil si Lord Lex Gunther ang ninong ni Waltz, siyempre alam niya ang address. Ngunit hindi niya basta-basta masisiwalat ang address ni Mr. Rockefeller sa ibang tao. Ang mga tao lang sa inner circle ang dapat makaalam.Kaya naman, nang gustong sumunod ng bodyguard ni Lord Lex Gunther sa kanya, tumanggi siya.Hindi karapat-dapat malaman ng bodyguard kung saan nakatira si Mr. Rockefeller!Naiwang bukas ang main gate. Bago pa man makapasok si Lord Lex Gunther, may narinig na siyang babaeng may sinasabi na may galit na tono.Bahagyang niyang narinig ang kanyang pangalan at nabanggit din ang galit ng isang tao.“Galit pa rin ba ang biyenan ni Mr. Rockefeller?”“Ipinadila ko na sa pamilya ni Penelope ang lahat ng inidoro sa California Plaza. Hindi pa ba iyon sapat? Paano kaya kung iutos ko din sa kanila na dilaan ang mga inidoro sa Grandview Mall?”Sa sandaling ito, naisuka na nina Penelope Fernandez at ng kanyang pamil
Magbasa pa

Kabanata 544

Merong hindi mabilang na mga eksperto sa ilalim ng numero unong manlalaban sa underworld ng California.Kahit na sa mata ng publiko, si Lord Lex Gunther ay dapat ituring sa mga pinaka-maimpluwensyang tao.Ngunit ang lalaking ito, na nasa harap ni Alex Rockefeller, ay nakayuko, sinusubukan ang kanyang buong makakaya para pasayahin si Alex, mas mapagpakumbaba pa kaysa sa pulubi. Paano maihahambing ang isang tulad nito kay Lord Lex Gunther mula sa Thousand Miles Conglomerate?Ang taong ito ay hindi man lang karapat-dapat na maging tauhan ni Lord Lex Gunther.Natigilan sandali si Lord Lex Gunther. Hindi siya makagalaw.Ilang taon na ba?Sa California, pinamumunuan niya ang buong underworld. Sinong hindi magpapakita sa kanya ng respeto? Kahit na ang alkalde ng California ay tinatawag siya sa kanyang pangalan at binilhan pa siya ng tasa ng tsaa. Gayunpaman, ang nakakainis na babaeng ito sa kanyang harapan ay may lakas ng loob na talagang duruan ang kanyang mukha.Kung ibang tao lang ang baba
Magbasa pa

Kabanata 545

Ipinakita ni Alex Rockefeller kay Lady Beatrice Assex ang parehong video ni Vanya Tyler na dinidilaan ang mga inidoro na ipinadala ni Lord Lex Gunther kay Alex.“Oh, diyos ko!”Bagama’t inilayo ni Alex ang kanyang phone, nandidiri pa rin siya sa pagsulyap sa screen.Hindi na niya nakayanan, at nagsimula siyang mag-isip kung tatawagan na ba niya si Lord Lex Gunther para patigilin sila sa pandidila sa mga inidoro.Nagulat siya nang bigla siyang sinunggaban ni Lady Beatrice at niyakap siya.“Uhh?” Natigilan si Alex.Hindi niya akalaing tratratuhin siya nang ganito.Ngunit hindi niya alam, matagal nang naging pinakamasamang bangungot ni Lady Beatrice si Vanya. Kahit ngayon, madalas pa ring managinip si Lady Beatrice na inaapi siya ni Vanya.Ngayon, tinulungan siya ni Alex na bugbugin si Vanya. Ngayon, nagawa pa niyang ipadila kay Vanya ang mga inidoro. Dahil dito, parang nawala sa isang iglap ang lahat ng naunang trauma.“Kay Michelle ka ba nagpatulong? O kay Zendaya?” Sa wakas ay nakaramd
Magbasa pa

Kabanata 546

Pumasok silang dalawa sa basement.Ginising ni Alex Rockefeller si Granny Blackwood sa pamamagitan ng direktang sipa.“Sabihin mo sa akin. Sinong nagpadala sa’yo para saktan sina Madame Claire, Lady Dorothy, at ako?” tanong ni Alex.Pwe!Nagluwa ng laway ang matandang babae kay Waltz Fleur.Gayunpaman, madali itong naiwasan ni Waltz.Naramdaman na ni Waltz na kakaiba ang matandang babaeng ito, na kayang manghawa ng taong ito ng parasitic disease sa sinuman. Ang matandang babae ay malamang na nagtataglay ng hindi mabilang na mga lason sa katawan. Matapos makaiwas sa dura, direktang kinuha ni Waltz ang isang mahabang kahoy na patpat at sinimulang hampasin ang matandang babae.Pak! Pak! Pak!Agad na napasigaw si Granny Blackwood sa sakit.Hindi nagpakita ng awa si Waltz. Tinira niya ang mga pinakamahinang bahagi ni Granny Blackwood na magdudulot ng matinding sakit.Ang lahat ng babae ay may parehong mga weak-spot sa kanilang mga katawan. Hindi mahalaga kung ang isa ay matanda o bata; wala
Magbasa pa

Kabanata 547

Nang makitang buhay na buhay si Lady Dorothy Assex, natigilan si Lady Emma Assex.“Ikaw... Hindi ba nahawa ka ng parasitic disease at hindi mo na magawang magising?” Nagulat si Lady Emma.Nang mapagtantong nagkamali siya ng sinabi, mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig, at hindi na nangahas pang magpatuloy.Parehong nagulat sina Benny Assex at Madame Joanne, at ang mga ekspresyon sa kanilang mga mukha ay kapansin-pansing nagbago.Kung ayos lang si Lady Dorothy, paano nila maitutuloy ang kanilang plano?“Ms. Assex, ayos ka lang ba? Sila... Anong ibig nilang sabihin? Ibinenta mo ba talaga ulit ang Dorothy-Alex Constructions sa Assex Construction?” Tinakpan ng sekretarya ang kanyang mukha, nagulat, galit na galit, at nalilito.Naging malamig ang tingin ni Lady Dorothy. “Huwag makinig sa kalokohan ng mga taong ito. Nanaginip lang sila nang gising,” ngumisi siya.Malamig at mahigpit ang kanyang mga mata. Isa-isa niyang tinitigan nang malamig ang bawat miyembro ng pamilyang Assex.Tumawa
Magbasa pa

Kabanata 548

“Mmphhh...”“Tumahimik ka!”Sampal!!!Kumapit si Alex Rockefeller sa buhok ni Lady Emma Assex at sinampal siya.“Sinong nagsabi sa’yong magsabi ka ng kalokohan?”Sampal!“Anong sabi ng doctor sa’yo? Umuwi ang asawa ko pagkatapos sumaglit sa ospital. Ni hindi nga alam ng doktor kung ano ang mga parasitic disease. Ikaw lang ata ang may kakayahang hulaan ang hinaharap?”Sampal!“Sinong nagbigay sa’yo ng lakas ng loob na pumunta sa aming kumpanya at mang-agaw ng mga bagay? Sino ka sa tingin mo? Sinong nagbigay sa’yo ng karapatang gawin ang lahat ng ito?”Pagkatapos ng ilang sampal, namamaga na parang ulo ng baboy ang mukha ni Lady Emma. Tumalsik ang dugo sa lahat ng direksyon.Sobrang bilis ng mga kilos ni Alex na walang sinuman mula sa pamilyang Assex ang nagawang magkaroon ng anumang rekasyon sa oras.Kahit na makayanan man ni Anderson Assex na magkaroon ng reaksyon sa oras, hindi siya mangangahas na magsalita para sa kanyang anak.Iyon ay dahil talagang natatakot siya kay Alex, natatako
Magbasa pa

Kabanata 549

“Mom, mom. Anong nangyari sa’yo?”“Anak ng. Anong ginawa mo sa nanay ko?”Nang makita nina Benny at Anderson Assex na nahimatay ang kanilang ina sa sahig, agad silang nataranta. Mabilis nila itong binuhat. Sa sobrang galit, tinulak pa ni Anderson si Granny Blackwood.Natakot si Benny, at mabilis niyang pinigilan si Anderson sa ginagawa nito.Narinig ni Benny mula kay Madame Joanne na si Granny Blackwood ay isang nakakatakot na tao. Ang kanyang katawan ay diumano’y natatakpan ng lason, at maaari siyang magdulot ng mga parasitikong disease sa sinuman nang hindi man lang gumagawa ng anumang ingay.Kaya naman, alam ni Benny na malamang may ginawa si Granny Blackwood sa kanyang ina. Hindi rin siya naglakas-loob na suntukin siya. May mga surveillance camera sa lahat ng dako, at makikita ng mga tao na wala namang ginawa si Granny Blackwood kay Madame Joanne mula sa footage nito. Hindi siya maakusahan ng anuman.Medyo napasimangot si Alex Rockefeller.Inutos niya kay Granny Blackwood na ilagay
Magbasa pa

Kabanata 550

Niyakap ni Alex Rockefeller ang kanyang asawa na para bang bola ng apoy ang niyayakap niya.Nang walang anumang pasabi, binuhat niya si Lady Dorothy Assex.***“Argh!”Pagkaalis ng pamilyang Assex, mabilis nilang dinala si Madame Joanne sa ospital.Habang nagmamaneho, nagsimulang magwala si Benny Assex, hinahampas ang kanyang mga kamay sa manibela.Sa sobrang takot nina Anderson at Lady Emma Assex, hindi na sila makapagsalita.“Kuya, ano... Anong ginagawa mo?” tanong ni Anderson.Preno!!!Biglang inihinto ni Benny ang sasakyan sa gitna ng kalsada at sinampal si Anderson sa mukha. “Nangyari ang lahat ng ito dahil sa inyo ng anak mo! Kayong dalawang talunan! P*takte! Nasasayang ‘yong mga perang binibigay sa inyo. Wala na kayong naiambag na kapaki-kapakinabang at puro gulo lang ang idinulot ninyo.”Nagalit din si Anderson. “Kuya, anong kinalaman nito sa amin ni Emma?” protesta niya.“Lahat ito ay dahil sa kagustuhan ng anak mong pamunuan ang Lady Dorothy’s Dorothy-Alex Constructions, hind
Magbasa pa
PREV
1
...
5354555657
...
195
DMCA.com Protection Status