Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 521 - Kabanata 530

1942 Kabanata

Kabanata 521

Gusto lang ni John na mabuhay.Pinag-isipan niya ito nang mabuti. Kahit na namatay ang kanyang anak, maaari namang siya laging manganak ng isa pa.Kahit na hindi makapanganak si Olivia, makakahanap naman siya ng ibang babaeng gagawa nito.Bukod dito, hindi magiging problema para sa kanya na makakuha ng pito o walong anak na lalaki.‘Mayaman ako, anong problema dito?’Agad niyang sinabi, “Sikreto ito tungkol sa pagkakakilalanlan ng iyong ama. Gusto mo bang malaman ‘yon? Maaaring patay na ang iyong ama, ngunit hindi mo ba gustong malaman ang anumang bagay tungkol sa iyong kadugo? Sa iyong mga ninuno? Ayaw mo bang mahanap ang tunay mong lolo’t lola?”Parehong gusto malaman nina Alex at Brittany.“Magsalita ka.”Umiling si John. “Brittany, pinag-isipan ko na ito. Kung pakakawalan mo ako sa pagkakataong ito, hindi na kita guguluhin mula ngayon. Sinong may pake kung namatay si Spark? Ginusto niya ‘yon. Ngunit kailangan mong hayaan akong mabuhay pagkatapos kong sabihin sa’yo ang sikreto ni Wi
Magbasa pa

Kabanata 522

Nakahinga nang maluwag si John. “Salamat sa Diyos at handa kang tuparin ang iyong pangako.”Pero muling nagsalita si Alex. “Ngunit kumuha ka ng mga assassin para dakipin ang aking ina at para patayin ang aking pamilya. Ang malala pa ay nagkaroon ka ng mga kasuklam-suklam na pantasya sa aking ina. Parang hindi tama para sa’kin na hayaan kang mabuhay.”Nataranta si John. “A-Anong ibig mong sabihin?”Sabi ni Alex, “Hahayaan kitang mabuhay at masaksihan ang pagkawasak ng Rockefeller Group! Noon, pareho kaming itinuring mo ng iyong ama na parang mga tanga, niloloko at ginagamit ang aking ama bilang susi para tulungan kayong kumita ng pera... Kukunin lang namin ang iyong kalayaan upang mapagbayaran mo ang iyong mga kasalanan.”“Are... dadakipin mo ba ako at ipapakulong?”“Tama, pero hindi kita ikukulong sa pisikal na paraan. Ikinulong ko ang iyong kaluluwa.”“Ha? Kaluluwa?”Gustong tumawa ni John. ‘Niloloko mo ba ako?’Sa sandaling iyon, inabot ni Alex ang kanyang braso habang nakabuka ang k
Magbasa pa

Kabanata 523

“Pwede ba kitang makatabing matulog ngayong gabi?” Tinaasan ng balahibo si Alex sa sinabi ni Waltz.Noon lang niya naalalang palabas na sana ang kanyang asawang si Dorothy mula sa banyo, hinihintay siyang sumulong sa ikatlong base ng kanilang relasyon.Gayunpaman, tumakbo siya palabas ng kwarto at tinakasan si Dorothy. Wala siyang ideya kung anong reaksyon ni Dorothy.Noong una ay gusto niyang magmadaling bumalik sa Apollo Hotel, ngunit naalala niya ang hitsura niya ngayon.Mukha siyang tumanda ng tatlumpung taon pa. Maaari pa nga siyang magmukhang ama ni Dorothy..Kung nakita ni Dorothy ang hitsura niya ngayon, malamang na hindi siya maniniwala na si Alex ang nasa harapan niya, lalo na’t kung itutuloy ang dapat na dati pa nilang ginawa.Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.Ngumuso si Waltz. “Bakit ka bumubuntong-hininga? Sabihin mo lang kung gusto mo! Bakit ba parang manok ka? Hindi ko naman sasabihin kay Dorothy. Sasalungat ka ba sa mga sinabi mo? Paano pa kita pagkakatiwa
Magbasa pa

Kabanata 524

Isinama ni Azure ang kanyang mga tauhan mula sa Thousand Miles Conglomerate at nilinis ang lahat ng bangkay sa Rockefeller Manor.Isang oras pagkatapos ng kanilang paglaho, nagkaroon na ng malay si Carol at ang iba pa.Ilang minuto lang ay nagkukumpulan na ang buong pamilya sa sala.“Anong nangyari ngayon lang?”“Hindi ko alam!”“Biglang nawalan ng kuryente. Saka sumakit ang ulo ko at nawalan ako ng malay. Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos noon.”“Ako rin! Ako rin!”“Buweno, kakaiba ‘yon. Ninakawan ba tayo?”Maya-maya lang ay lumabas na rin si Natalie ng kwarto niya.Pagkagising ay agad niyang binuksan ang kanyang laptop at nagsimula ng isa pang stream. Ipinaalam sa kanya ng kanyang mga tagahanga na may taong nakamaskara ang nagpatumba sa kanya at tinapos ang kanyang livestream.Sa pamamagitan nito, naalala niyang nakaengkwentro niya nga ang taong nakasuot ng diyablong maskara na may pigura ng isang babae.Agad niyang isinigaw sa kanyang pamilya pagdating niya sa sala. “M
Magbasa pa

Kabanata 525

‘Anak ng!’Laking gulat ni Alex na parang sasabog na ang utak niya at namamanhid ang anit niya.Kung hindi siya nagkakamali, abo ito ng baboy.Sa nakalipas na anim na buwan, umiiyak siya sa harap ng libingan ng kanyang ama nang wala siyang ibang mapagsabihan ng kanyang kalungkutan.Hindi bababa sa anim na beses siyang pumunta rito.‘Bale nakikipag-usap pala ako sa baboy? Walanjo?‘Pero ang totoong tanong, bakit nilagay ang abo ng baboy sa urn?‘Saan napunta ang abo ng aking ama?“Pinaltan ba ito?‘Di kaya… noong una pa lang, wala naman talagang abo?’Nagulat si Alex sa sarili niyang mga palagay.‘Ang aking ama’y... hindi patay?’Pagkatapos ay itinabi niya ang saloobing ito. Noong nakaraang Oktubre, nakita niya ang bangkay ng kanyang ama nang isugod siya sa ospital mula sa kanyang kasal sa araw ng aksidente sa sasakyan.Siya ang nagpadala ng kanyang katawan sa incinerator.Kung hindi siya namatay doon, tiyak na isa siyang diyos.Gayunpaman, meron lamang isa pang posibilidad dito. Noong
Magbasa pa

Kabanata 526

Mapagpakumbaba si Keith Yowell nang makipagkita siya kina Alex Rockefeller at Brittany Rockefeller. Sobrang lawak ng kanyang ngiti, na bumakas ang mga kulubot sa mukha niya nang lumapit siya para salubungin sila.Nagalak si Brittany. “Mr. Yowell, bakit ka nandito? Pasok, pasok. Alex, pakihiwa ang pakwan para kay Mr. Yowell. Masyadong mainit ngayong tanghaling tapat, makakatulong ito sa kanya para labanan ang init! Mr. Yowell, sana sinabi mo na lang sa’kin kung anong kailangan mo. Personal sana kaming pumunta ni Alex para bisitahin ka. Bakit pa namin hahayaang ikaw pa ang pumunta sa’min?”Nang marinig ito ni Michelle Yowell, napangiti siya.Nanghina ang mga binti ni Keith at halos mapaluhod siya.Hindi mangangahas si Keith na hayaan si Grandmaster Rockefeller na maghiwa ng pakwan para sa kanya kahit gaano pa siya katapang. Mas gugustuhin pa niyang putulin na lang ang sarili niyang ulo. “Hindi na kailangan iyon, hindi na... hindi ako nauuhaw,” mabilis na sabi ni Keith.“Tingnan mo sarili
Magbasa pa

Kabanata 527

“Patulugin at hindi na magigising pa?” Bahagyang natigilan ang maitim na matandang babae. Inikot niya ang kanyang mga mata at nagsimulang tumawa.“Joanne, kailan ka pa naging mamamatay tao? Malaking bagay ito.”“Hindi ko sinabing gusto kong pumatay ng sinuman. Gusto ko lang na magkasakit sila nang malubha at hindi na sila gumaling pa, para gugulin nila ang natitirang bahagi ng kanilang buhay sa kama.”Mas lalong nakakatakot ang tawa ng matanda at maitim na babae. “Pagkatapos ko, na si Granny Blackwood, mahawa sila ng aking parasitic disease, mas magiging malala ang pagdurusa nila kaysa kung sila ay mamamatay! Joanne, matanda ka na at balo. Sino naman ang maaring maging dahilan para labis mo silang kamuhian?”Nang marinig ito ni Madame Joanne, mas naging malupit ang ekspresyon ng mukha niya.Lumitaw sa kanyang isipan ang mga mukha nina Dorothy Assex at Alex Rockefeller.Nang isipin ni Madame Joanne kung paano—sa kabila ng pagiging lola ni Dorothy—paulit-ulit siyang sinasaktan ng maldi
Magbasa pa

Kabanata 528

Pinitik ni Granny Blackwood ang ilang halos hindi makitang mga bulating parasito sa swimming pool.Ang kanyang kakaibang kilos ay ikinainis ni Claire Assex.Nakita ni Claire kung gaano kapangit si Granny Blackwood. Sa katunayan, inisip ni Claire na kasuklam-suklam ito at ang ekspresyon nito ay nakakainis. “Hoy, sino ka? Bakit ka nakatayo dito? Umalis ka na. Anong tinitingin-tingin mo?” Tinuro ni Claire si Granny Blackwood at sumigaw.Tumawa si Granny Blackwood at inilabas ang naninilaw niyang mga ngipin. “Matalim ang dila mo. Totoo nga, nakakainis ka. Sulitin mo na ‘yang mga huling sandali ng kaligayahan mo. Hindi ka na makakalangoy muli.”“Anong kalokohan ang sinasabi mo, matandang babae? Sino ka para sumpain ako?” Tatawag ako ng mambubugbog sa iyong mga ngipin. Tanda-tanda mo na, mas maigi pa atang mamatay ka na. Bakit ka ba nagsasalita ng kalokohan dito? Baliw ka ba?” Galit na sigaw ni Claire habang tumatalon-talon.Nagalit agad si Granny Blackwood. Gusto niyang turuan ng leksyon an
Magbasa pa

Kabanata 529

Inakala talaga ng babaeng iyon na si Alex Rockefeller ang nobyo ni Claire Assex.Hindi nakaimik si Alex.Nitong mga nakaraang araw, sineseryoso niya ang pagpapaganda at pangangalaga sa balat. Gumawa siya ng napakaraming Blood Energy Pills at lumalagok siya ng mahigit sampu nito araw-araw. Naghanda pa siya ng palayok ng medisina na maigi para sa kanyang balat. Sa katunayan, ginagamit niya ang cream-based face mask ng Lush Cosmetics.Humigit-kumulang pitumpu hanggang otsenta porsyento na ang ginaling ng kanyang mukha. Kung hindi ito pagtutuunan ng pinsan ninoman, ang mga diperensya sa kanyang mukha ay halos hindi na halata.Sina Claire at Beatrice Assex ang tanging mga tao na hindi makapagsabi ng pagkakaiba.Tiningnan nang mabuti ni Alex ang babaeng nagsalita.Maikli ang buhok niya at hugis-itlog ang mukha. Nakasuot din siya ng dilaw na dress na inilalahad ang kanyang mga balikat. Magkakaroon ng malalaswang saloobin ang sinuman kapag nakita nila ang mga puting strap ng bra sa magkabilang
Magbasa pa

Kabanata 530

Sa sandaling iyon, nakita ng dalawang staff ng Chanel ang nangyaring salungatan at mabilis na lumapit.Agad namang nakilala ng dalawa si Vanya Tyler at nilapitan ito. “Ms. Tyler, anong nangyari? Bakit kayo nag-aaway?”Para sa mga staff, si Vanya ay anak ng kanilang amo. Natural na kailangan nilang tulungan siya.“Wala naman. Sinigawan lang naman ako ng malditang babaeng ito at sinabing patay na ang nanay ko. Sa tingin mo, anong dapat kong gawin sa kanila?” sabi ni Vanya.“Ano? Hindi ‘yan kapatawad-tawad!” May lumapit na babae.Nakasuot siya ng disenteng office outfit at parang nasa edad tatlumpung taong gulang. Isa pa, medyo maganda siya. Siya pala ang store manager nitong Chanel outlet. “Gusto mo na bang mamatay? Bakit ka mangangahas na sabihing patay na si Ms. Fernandez? Wala kang ideya kung ano ang pinasok mo. Alam mo ba kung sino si Ms. Fernandez? Hindi lang siya ang CEO ng California Plaza, ngunit isa rin siyang high-level executive sa Thousand Miles Conglomerate. Nagtatrabaho siy
Magbasa pa
PREV
1
...
5152535455
...
195
DMCA.com Protection Status