All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 391 - Chapter 400

1942 Chapters

Kabanata 391

Dahil magkausap sila sa phone, hindi alam ni Heath kung anong ekspresyon ang biglang namuo sa mukha ng kanyang ama.Gayunpaman, pagkatapos na muling sagutin ng kanyang ama ang phone, taos-puso niyang binalaan siya na hindi siya dapat magmadaling kumilos o subukang siyasatin si Alex, lalo na ang maghanap ng taong magliligpit sa kanya. Pag-uusapan nila ang tungkol dito pagbalik ni Frank.Doon niya nalaman na ang Alex na ito—na tinawag ni Chloe na ubod nang duwag—ay malamang merong malakas na kapit na umabot sa puntong kahit ang kanyang amang bigatin ay nagpakita ng pahiwatig ng takot sa kanya.“Anong nangyayari dito, Dad?” Labis na nagulat si Heath, ngunit hindi pa rin niya mapigilang magtanong.“Huwag kang magtanong masyado. Magpanggap ka na lang na hindi mo nakita ang taong iyon,“ sabi ni Frank.“Sige!”Matapos ibaba ang tawag, nakaramdam ng lamig si Heath sa kanyang likuran.Una niyang binalak na tipunin ang ilang mga masters mula sa Valtameri para ipain si Alex at atakehin siya bilan
Read more

Kabanata 392

“Kasama ang babaeng doktor?”“Syempre hindi. Kasama si Jack Trent mula sa Thousand Leaves Construction, ang nagbigay sa atin ng kontrata. Kailangan kong panatilihin ang mainam na relasyon sa kanya, tama? Para kanino ko kaya ginagawa ang lahat ng ito, hmm?“ Tanong niya, umaasang mabigyan ng kredito para sa kanyang trabaho.“Kung gayon… kapag tapos ka na, magdala ka ng mga damit.”“Para saan?”“Ano sa tingin mo? Para matulog.““Hindi ako matutulog sa kwarto ng katulong!”“Gawin mo kung anong gusto mo!”Pagkatabos ibaba, halos sumalpok ang kotse ni Alex sa sasakyan sa harapan niya.Ano kaya ang ibig sabihin noon?!Ibig bang sabihin ay maaari silang matulog sa iisang kama?P*ta, hindi ganoon kadali na palaging makita ang liwanag sa dulo ng lagusan!Para naman sa washboard, imposible para sa kanya na bumili ng isa sa panahon ngayon…***Pagsapit ng alas-singko, dumating si Alex sa commendation meeting na espesyal na inareglo ng kumpanya ni Leanne.Upang hindi makaakit ng pansin, nag-isa siy
Read more

Kabanata 393

Sumunod si Alex, ngunit ang kanyang mga mata ay patuloy na napapatitig sa puwet ni Ate Weber.Naparito siya upang hanapin ang taong naglagay ng parasite kay Leanne.Hindi niya balak na labis na magsumikap para gawin ito, inaasahan ang sagot na darating lamang sa kanya.Panigurado nga, natagpuan niya ang taong ‘yon pagdating niya pa lang.Nang lumapit sa kanila si Ate Weber kanina, ang bulating parasitong inilagay ni Alex sa garapon sa kanyang bulsa ay nagkaroon ng mabangis na reaksiyon. Nagsimula itong lumundag sa paligid ng bote, nais na bumalik sa piling ng ina nito.Sa kabutihang palad, nagawa na niya ang mga kinakailangang preparasyon sa bulate.Kahit na ang parasito ay nababalisa at kumilos nang mabangis, ninanais na bumalik sa ina nito, hindi ito mararamdaman ng kanyang ina.Kung hindi man, si Ate Weber, na merong parasito ng ina sa kanyang katawan, ay nakaramdam na sana kanina.“Heto na. Ilipat ninyo ang lahat ng alak at inumin sa loob. Pagkatapos, ipamigay ang limang bote ng pu
Read more

Kabanata 394

Tiningnan nang mabuti ni Alex at nalamang si Megan iyon.Dala-dala niya ang kahon ng pulang alak, ngunit hindi sinasadyang nadapa at nahulog siya.Nagkataon, matapos na mabasag ang mga bote ng alak, tumalsik sa puting takong ni Cindy ang ilang likido.“Pasensya na, humihingi ako ng paumanhin, Ate Weber. Hindi ko sinasadya.“ Nagmamadali namang humingi ng paumanhin si Megan.Pak!Sinampal ni Cindy si Megan sa mukha.“Niloloko mo ba ako? Hindi mo man lang mabuhat ang ilang bote ng mga alak? Anong silbi mo para manatili ka sa kumpanyang ito? O sadyang ginawa mo ‘yan? May hinaing ka ba sa akin dahil sa pagpapalipat ko sa’yo ng mga inumin kaya nagpanggap kang nadulas ka? Nais mo ba akong durugin hanggang sa kamatayan gamit ng mga ito? Umalis ka sa paningin ko. Hindi mo na kailangang pumasok sa trabaho bukas.“ Hindi pinakitaan ni Cindy si Megan ng kahit anong awa habang sinampal niya pa ito ulit.Ang lahat ng naroroon ay hindi makatiis na panoorin ang eksena, ngunit wala sa kanila ang naglaka
Read more

Kabanata 395

“Ano?”“Si Miss Leanne! Anong sinabi niya?““Ang sesesantahin ay hindi si Megan, kundi... si Cindy!”Sa sandaling iyon, lahat ay nawalan ng imik.Walang makalutas kung anong nangyayari. Si Cindy ang paborito ni Leanne. Narinig pa nilang nailigtas ni Cindy ang buhay ni Leanne noon, samakatuwid ito ang nagdulot ng mga chismis na si Cindy ang nagmamay-ari ng kalahati ng shares ng Alluring Paradise.Kadalasan, ang dalawa ay maayos na nakikitungo sa isa’t-isa at magkasundo.Para sa kanyang biglang sabihin na si Cindy ay tanggal na sa trabaho ay ganap na hindi kapani-paniwala.“Miss Leannne, nagkakamali ba kayo?” Natigilan din si Cindy. “Bakit ako ang masesesante sa trabaho?”Malamig na sinabi ni Jack, “Ikaw talaga, Cindy Weber. Mula ngayon, wala ka nang trabaho.“Inulit niya ang kanyang mga naunang salita.Sa wakas ay malinaw na narinig ng lahat na talagang si Cindy ang matatanggal.Si Megan ay gulat na gulat tulad ng lahat..Ang eksenang ito ay sobrang hindi inaasahan!Napatingin si Cindy
Read more

Kabanata 396

“Uy, saan ka pupunta, Alex? Bakit mo siya kinakarga palayo?“ Gulat na sigaw ni Megan at dali-dali siyang hinabol.Sa katunayan, lahat din ay mukhang nalilito. Walang nakakaintindi kung bakit biglang inilabas ni Alex ang nakakasuklam na parasitong iyon at pinatumba si Cindy. Naguguluhan talaga sila.Biglang binuka ni Leanne ang kanyang bibig para magsalita sa sandaling ito, “Meg, kakilala mo si Mr. Alex?”Mr. Alex?Tumango si Megan nang hindi masyadong nag-iisip. “Kami… dati kaming magkaibigan noong kolehiyo. Hindi niya sinasadya, sinusubukan lang niya akong tulungan.“Nanlambot ang mga mata ni Leanne, saka niya tinapik sa balikat si Megan habang tumatango. “Ah, kaklase mo pala dati si Mr. Alex. Ikaw na ang magiging unang sekretarya mula ngayon. Tulungan mo akong pamunuan ang mga bagay na kinakailangan para sa commendation meeting. May kailangan lang kaming asikasuhin ni Mr. Alex, babali
Read more

Kabanata 397

Matapos pakinggan ang usapan sa tawag ng lalaki sa susunod na cubicle, ang mukha ni Alex ay naging seryoso kaagad.Napakadumi at walang kahihiyan!Si Beatrice ay kanyang hipag, at kahit na marami siyang mga pagkukulang, pamilya pa rin siya.Paano niya matitiis at panoorin siyang magalaw ng iba?Gayunpaman, ang pangunahing punto dito ay nalinlang siya dahil sa kanyang alias, ang ‘Mask’.‘Grabe, wala akong masabi!‘Na humantong nang ganito kalala ang iyong pagnanasa, ano pa bang masasabi ko tungkol sa’yo?’Hindi gumawa ng anumang tunog si Alex at naghintay siya hanggang sa umalis ang lalaki. Hindi siya masyadong naglikot dahil mahina lang ang usapan sa phone ng lalaki. Mahirap para sa mga ordinaryong tao na pakinggan ang usapan. Gayunpaman, para sa dalubhasang tulad ni Alex, hindi ito problema sa kanya.Sa pamamagitan ng maliit na butas sa pintuan, nakita niya na ang lalaki ay isa sa mga dating nakasama ni Beatrice.***Kasabay nito, dalawang lalaki ang nasa kwartong may numerong 0804 n
Read more

Kabanata 398

Nahihilo si Beatrice. Nang maalala niya ang kabayanihang imahe ni Mask na nagligtas sa kanya, lalo siyang nalasing. “Sige, sasama na ako sa’yo.”Sinundan ni Beatrice si Yeferson palabas ng silid.Sina Mona at Harry lang ang natira.Medyo matapat na tao si Harry, kaya't kinakabahan siya at nababalisang sinabi, “Hindi ba magiging masama tayo kung gagawin natin ‘to, Mona? Maaaring may mangyaring malaki pagdating ng panahon.“Nag-atubili si Mona sandali, pagkatapos ay pinindot ang mensaheng katatanggap niya lang ngayon, nagsasabing kakatanggap lamang niya ng kalahating milyon, bago sabihin, “Bakit ka nag-aalala? Halos mabaliw na si Beatrice dahil sa Mask na iyon. Ang hayaan siyang mapasubo sa kalokohan ay magiging mabuti para sa kanya. Magkakaroon siya ng muwang at makakalimutan niya ang tungkol kay Mask! Mas mabuti kung iisipin mo kung paano mo gagastusin ang perang katatanggap mo lang. Hindi ba gusto mong bumili ng kotse?“Agad na tumawa si Harry nang marinig niya ito.***Sinundan ni Be
Read more

Kabanata 399

Nagulat si Spark, at bumaling ang kanyang ulo para tumingin sa likuran niya at makita ang lalaking nakamaskara na malamig na nakatingin sa kanya habang nakatayo siya sa tabi ng camera.“I-Ikaw... sino ka?!”Ang kasabikan sa Spark ay naglaho agad, na parang apoy na pinatay.Ang kanyang mga mata ay lumilibot sa paligid, naghahanap para sa isang tao, para sa kanyang bodyguard.Ang kanyang bodyguard ay malinaw na nasa banyo, pero bakit hindi pa siya lumalabas? Bakit hindi siya nagkaroong ng reaksyon?“Nagpapanggap kang ako, at tinatanong mo kung sino ako?”Itinaas ni Alex ang kanyang binti, sinipa si Spark, at agad itong tumilapon sa hangin. Tumama ang kanyang katawan sa mesa sa may kama at malayang dumaloy ang dugo mula sa kanyang noo.Nahirapan si Beatrice na bumangon. Nang makakita siya ng isa pang Mask, lalo pang naguluhan ang kanyang isipan.“Ikaw... ikaw ba ang totoong Kuya Mask?”Kumunot ang mga mata ni Alex, at tumango siya.Ayaw niyang malaman niya na siya si Mask.Plinano niyang
Read more

Kabanata 400

Inabot ni Alex ang hangin, tinitipon ang kanyang Chi at dinampot si Spark nang direkta sa hangin at hinila siya pabalik.Pagkatapos, ginamit niya ang palad niya para magaang tapikin ang ulo ni Spark.Bang!Marahan umungol si Spark, bumabagsak sa lupa.Hindi siya nasaktan sa labas, ngunit ang mga tisyu sa kanyang utak ay ganap na nawasak bago pa niya malanghap ang kanyang huling hininga.“Dahil kamag-anak kita, bibigyan kita ng madaling kamatayan!“Paalam!”Pinugutan ni Alex ng ulo si Spark sa pamamagitan ng isang hampas.Hindi ito ang unang pagkakataong pumatay siya ng tao, at tila ito ay naging pangkaraniwan na lamang para sa kanya.Pagkatapos, tinawagan niya si Anna.“Kailangan ko ng tulong mo. Kapapatay ko lang ng dalawang tao.“Sinabi niya iyon na parang kasingdali ito ng pagpatay ng dalawang manok.Ang problema ay, nang natanggap at sinagot ni Anna ang tawag, naliligo siya. Agad na bumulusok ang kanyang mood. “Seryoso ka? Kapapatay mo lang ng dalawang tao at sasabihin mo pa sa’kin
Read more
PREV
1
...
3839404142
...
195
DMCA.com Protection Status