Home / Urban / Realistic / Sukdulan ng Buhay / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 91 - Chapter 100

1942 Chapters

Kabanata 91

“Oh? Azure, inimbita mo talaga si Jarsurya ng Obloha Nuvem?”Tumalikod si Lex, nagulat sa paglitaw ng monghe. Isang maliwanag na ngiti ang lumitaw sa kaniyang mukha noong mabilis niyang pinakita ang kaniyang lubos na paggalang sa monghe. “Ah, Jarsurya the Venerable One! Salamat sa pagpunta sa aking bahay. Hindi ito masyadong malaki, patawad.”Hindi pa nakikita ni Alex si Lex na kumilos nang ganoon kagalang.Nanigas siya at inisip, ‘Ang monghe ba na ‘to ay isang makapangyarihan na anyo?’Nang tingnang mabuti, may napansin siya.Ang monghe ay mayroong malakas-lakas na Chi—mayroon nga talaga siyang antas ng kapangyarihan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nakita si Alex na katulad niya at hindi mapigilan na magtaka. Ninais niyang tumingin muli sa Chi ng monghe.Noong suriin niyang mabuti sa huling pagkakataon ang monghe, nakaramdam siya ng pagkabigo.Sinanay nga ng monghe na ‘to ang kaniyang Chi. Gayunpaman, ang kaniya ay hindi kayang tapatan ang kay Alex. Kumpara sa Chi ni Alex, a
last updateLast Updated : 2021-08-15
Read more

Kabanata 92

Ang mga mata nina Lex at Azure ay nanlaki—hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita.Sumulyap nang sandali si Jarsurya kay Alex, umaasa na makita si Alex na nagulat at hindi rin makapaniwala. Gayunpaman, ang binata ay kumakain pa rin ng sitsirya, tumatawa noong panoorin nito ang kaniyang trabaho na para bang ito ay isang palabas sa sirko.Ang monghe ay sobrang nagalit muntik na siyang magkamali sa kaniyang spell. Agad niyang pinakalma ang kaniyang sarili at sumigaw upang kontrolin ang talisman upang lumapag sa lugar kung saan nakagat si Waltz.Ang talisman ay dumilim sa sandaling ito ay lumapag sa sugat. Sa isang iglap, nagpira-piraso ang talisman. Ang itim na lugar sa hita ni Waltz ay naging maliwanag din.“Waltz, kumusta ang nararamdaman mo?” Nag-aalalang tanong ni Azure kay Waltz.Tumango nang bahagya si Waltz. “Medyo maayos na.”Gayunpaman, mukha pa rin siyang may sakit at hindi mapakali.Sinabi ni Jarsurya, “Ang lason sa kaniyang katawan ay mukhang malakas. Kahit sa kapangyarih
last updateLast Updated : 2021-08-15
Read more

Kabanata 93

“Ah! May multo!”“Tulong!”Ang lahat ay nagsimulang sumigaw nang napakalakas—walang sinumang karaniwang tao ang may kayang titigan ang ganoong nakasisindak na eksena.Ang bungo na nabuo sa itim na usok ay kontrolado ni Master Vaudou. Sa isang malakas na sigaw, kumagat ang bungo sa braso ni Azure. Kahit na nagawa ni Azure na makatanggap ng ilang tama dahil sa mala-halimaw niyang katawan, hindi niya kayang tapatan ang masamang espiritu na ‘to.Nagsimulang sumigaw si Azure sa sakit at naramdaman ng pagyanig ng kaluluwa niya sa loob ng katawan niya.Ang masamang espiritu ay sinisipsip ang dugo at kaluluwa ng isang tao. Ito ay nagsanhi kay Azure ng matinding sakit.Dahil si Jarsurya ay inimbita ni Azure, hindi niya magawang tumayo lang doon at walang gawin. Humiyaw siya sa espiritu at sinabi, “‘Wag mong saktan ang inosente, demonyo ka! Wala akong ibang magagawa kung ‘di ang palayasin ka sa mundong ‘to!”Naglabas si Jarsurya ng isa pang talisman at binato ang kaniyang Chi roon. Ang mga letra
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more

Kabanata 94

Ito ay isang piraso ng sitsirya.Gayunpaman, ang maliit na piraso na ‘to ay puno ng kaniyang Chi. Pagkatapos itong ibuga sa bibig ng masamang espiritu, ang bibig ng espiritu ay napatikom at hindi na makagalaw na para bang isang immobility spell ang binato rito.“Huh, ano’ng nangyari?” Natuliro ang lahat.Ang espiritu ay hindi pa kailanman tumitigil sa kalagitnaan ng pag-atake.Inalog ni Master Vaudou ang bote ng espiritu nang malakas, paulit-ulit na sumisigaw. Gayunpaman, ang espiritu ay hindi pinapansin ang bawat utos, na para bang hindi na ito nakikinig sa kaniya.Nagsalita si Alex, “Masamang espiritu. Ang daming buhay na siguro ang nakuha mo. Hindi na kita pwedeng hayaan pa na gumala sa mundong ito.”Kinagat niya ang kaniyang daliri sa kanang kamay at gumuhit ng simbolo sa kanan niyang palad gamit ang dugo. Mukhang simple ang simbolo, ngunit ito ay may sinaunang pinanggalingan.Sinampal niya ang simbolo sa espiritu, nagsasanhi sa isang maliwanag na ilaw ang yumanig sa loob nito nang
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more

Kabanata 95

Tumitig si Alex kay Jarsurya. Si Jarsurya ay magalang sa kaniya tulad ni Lex. Gayunpaman, umiling si Alex at sinabi, “Hindi.”Sinampal ni Jarsurya ang kaniyang hita at sinabi, “Tama! Ang Thunder Palm Mantra ng Sanctuary of Light at hindi kayang baguhin ang enerhiya ng espiritu para magamit nila. Si Ginoong Rockefeller ay parang kalahating diyos na. Mas malakas ka kaysa sa kanila.”Walang masabi si Alex. Matanda na siguro ang monghe na ‘to, pero magaling siya sa pagiging sipsip kaysa kay Lex Gunther.Gayunpaman, napagdesisyunan ni Alex na ‘wag magpaliwanag. Tumingin siya kay Azure at sinabi, “Kayo na ang bahala sa iba. Titingnan ko na si Waltz ngayon.”Si Azure ay lubos na nagseselos noong marinig ang mga salitang ‘yon. Pero siya ay walang lakas kumpara sa kakaiba at misteryosong mga pamamaraan ni Alex.At saka, siya ay nakagat din ng masamang espiritu, kaya ang kaniyang kondisyon ay mas malala kaysa kay Waltz. Ngunit hindi siya kilala ni Alex, kaya normal lamang na uunahin niyang gamut
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more

Kabanata 96

Nagpaalam na si Jarsurya at umalis ng Saintville.Hinila ni Alex si Lex sa gilid dahil may gusto siyang sabihin dito nang walang ibang nakikinig. “Gusto kong tulungan mo ako.”Yumuko si Lex at sinabi, “Sige po, master.”Hinila ni Alex si Lex patayo at sinabi, “Ayos lang ‘yon, tumatanda ka na kaya hindi mo na kailangang yumuko sa ‘kin tuwing kinakausap mo ako! Oh, tumigil ka na rin sa pagtawag sa ‘kin na master. Ang lahat ng mga titulo na ‘to ay nakakalito lang! Tawagin mo na lang akong Ginoong Rockefeller mula ngayon!”“Opo, master… Ginoong Rockefeller.”“Oo nga pala, heto ang card mo.”Binabalik ni Alex ang isang itim na card sa bangko na mayroong 10 bilyong dolyar sa loob. Nagulat si Lex. “Para sa ‘yo ‘to! Paano mo magagawang mawalan ng pera sa ganitong ekonomiya?”Sumagot naman si Alex, “Naglipat na ako ng 30 milyon sa account ko. Ang card na ‘to ay masyadong nakakapukaw-tingin at ang sampung bilyon ay labis-labis na. Kapag nalaman ng asawa ko o ina ang tungkol dito, hindi ko alam k
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more

Kabanata 97

Iniisip pa rin ni Alex ang tungkol sa insidente kasama sina Jarsurya at Vaudou sa kaniyang paguwi.Mayroon nga si Jarsurya na malakas na Chi sa loob niya. At si Vaudou ay mayroong kaparehong enerhiya na dumadaloy sa kaniyang katawan ngunit ito ay mas masama.Ano ang ibig sabihin nila sa ‘nasanay’?Noong oras na ‘yon, ininsulto ni Vaudou si Jarsurya noong kontrolin niya ang espiritu, sinasabi na hindi pa nasasanay ni Jarsurya ang kaniyang mga kakayahan. Patuloy na sinusubukan ni Alex na alamin ang tungkol sa skill mastery sa kaniyang isipan, ngunit hindi pa rin siya makahanap ng mga sagot.Ayon sa natanggap niya mula sa kaniyang ninuno, ang pagsasanay ng Force ay palalakasin ang kaniyang Chi. Kapag ang ika-apat na antas ng Force ay nakamit, saka lamang siya makakakuha ng mas malakas na pundasyon. ‘Bahala na. Anumang ‘kasanayan’ ang ibig nilang sabihin ay mas mahina pa rin sa Force na binigay sa ‘kin ng ninuno ko,’ naisip ni Alex at nagmaneho pabalik sa Maple Villa.Gayunpaman, nanigas
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more

Kabanata 98

Biglang inangat ni Alex ang kaniyang braso at binato rin ang kaniyang kamao. Gumalaw siya nang mahina, na para bang ang kaniyang katawan ay gawa sa bulak.Ngunit noong magbanggaan ang dalawang suntok, nakaramdam si Brock ng malakas na daloy ng enerhiya na lumalabas mula sa kamao ni Alex.Nang bigla, narinig ni Brock ang tunog ng pagwasak ng mga buto sa kaniyang kanang braso, kasunod ng isang biglaang kuryente bago mamanhid ang kaniyang katawan. Tumingin si Brock sa wasak niyang braso noong bumagsak ito mula sa kaniyang braso, ngunit hindi siya makaramdam ng anumang sakit.Hindi siya makapaniwala na ito ay nangyayari.Si Alex, ka ninang tinawag niyang langgam, ay binaligtad na ang sitwasyon at winasak ang kaniyang braso.“Ito… Hindi ito totoo!”Inabot ni Alex ang kabilang braso ni Brock at hinawakan ito. Sa isang pang tunog, ang kaniyang mga buto sa pulso ay naghiwalay. Pagkatapos no’n ay binali rin niya ang mga binti nito.Sa isang huling suntok, ganap niyang winasak ang ubod ni Brock.
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more

Kabanata 99

Nagpaliwanag si Waltz. “Si Frank Accardo ay ang CEO ng Valtamero Co. sa California. Posibleng siya lamang ang nag-iisang tao na kapantay ng ninong ko sa underworld ng California. Gayunpaman, ang lalaking ‘to ay mahilig na manatiling ‘di kapansin-pansin, kaya siya ay isang misteryosong lalaki. Dati ay nagkaroon kami ng alitan sa Valtameri Co. at matatalo na sana. Pero umatras siya nang walang dahilan at ito ay hindi na muli nabanggit pang muli.“Dati, natalo sa kaniya si Azure.” Sinabi ni Waltz noong tumuro siya kay Brock.“Oh?” Napalingon din si Alex kay Brock, tinatapik ang kaniyang mga dili sa mesa.‘Kung talaga ngang makapangyarihan si Frank Accardo, bakit magtatrabaho ang kanan niyang kamay bilang bodyguard ni John Rockefeller? Sila ay hindi konektado sa isa’t isa.‘Mukhang tama nga si Ina, siguradong may tinatago si John na malalim na sikreto.‘Maaari kayang nauugnay ‘to sa pagkamatay ni Ama?’ Naisip ni Alex noong tumingin siya nang masama kay Brock. Gusto na lamang niyang patayin
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more

Kabanata 100

Noong magagalit na sana si Waltz, nagsalita si Alex, “Ang kanan mong dibdib ay nasugatan dati, ‘di ba? Kaya madalas kang makakaramdam ng sakit sa ilalim ng ikatlo mong tadyang sa kanan. Maaapektuhan nito ang pagsasanay mo. Sa tuwing sinusubukan mong kontrolin ang Chi mo, nakakaramdam ka ng matinding sakit sa mga baga mo.”Nagulat si Waltz. “Paano mo nalaman ‘yon?”Sumagot nang kalmado si Alex, “Kaya ko ‘yong gamutin para sa ‘yo, baka tulungan pa kitang pagalingin ang kakayahan mong makipaglaban. Pero kung ayaw mong maging alipin ko, ayos lang.”Nagliwanag ang mga mata ni Waltz at sinabi. “Gagawin ko na, gagawin ko na ‘yon!”Pagkatapos ng isang sandali, nahihiya niyang sinabi, “Pero… hindi ko alam kung paano maglingkod sa kama.”Ninais ni Alex na asarin siya. ‘Kaya kitang turuan no’n!’ Naisip niya.Ngunit pinigilan niya ‘yon at kumilos na parang walang iniisip. “Kahit na alam mo kung paano, hindi kita hahayaan. Bilisan mo na lang at pangalagaan ‘to.”Mabilis na tumawag si Watlz at may i
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more
PREV
1
...
89101112
...
195
DMCA.com Protection Status