Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Kabanata 341 - Kabanata 350

Lahat ng Kabanata ng Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Kabanata 341 - Kabanata 350

2346 Kabanata

Kabanata 341

Catherine, “...”Inireserba niya ang buong sinehan makapanood lang ng isang pelikula… Ano nga ba naman ang kanyang inaasahan mula sa isang big shot, o marahil ay ayaw lamang nitong makitang kasama siya manood sa sinehan.Matapos ang kalahating oras, inihatid siya ni Shaun papunta sa movie hall ng Northern Sky Mall. Ang general manager pa mismo ng sinehan ang tumanggap sa kanila at naghatid sa kanila patungo sa VIP couple’s hall.Pumili ng isang action movie si Catherine dahil pinagbibidahan iyon ng isang lalaking artistang iniidolo niya. Panonoorin niya dapat ito kasama si Freya.Habang nanonood, inilagay siya ni Shaun sa dibdib nito. Hindi naging kumportable ang pakiramdam ng likuran ni Catherine, ngunit tila’y hindi ito napansin ng lalaki. Dalawang beses tumunog ang phone ni Shaun, at napansin ni Catherine na ang unang tawag ay mula kay Melanie at ang pangalawa naman ay mula kay Old Madam Hill.Inilagay ni Shaun sa mute ang kanyang phone sabay hagis nito sa kanyang bulsa. Pagyuk
last updateHuling Na-update : 2021-09-22
Magbasa pa

Kabanata 342

“Tito, Tita, hindi ko na ho kayo iistrobohin. Aalis na ho ako.” Ayaw nang manatili ni Catherine. Umalis agad ito matapos silang batiin.“Liam, gusto mo ba siya?” Diretso ni Lea.Kumislap ang mga mata ni Liam at iniyuko ang kanyang ulo. “Medyo, pero may boyfriend na eh.”Natigilan at nadismaya si Lea. “Hindi siya ang para sa’yo. Ano ang mapapala mo sa anak sa labas ng mga Yule? Isa pa, balita ko’y malapit ‘yan kay Chester Jewell. Alam mo naman siguro kung gaano kalanturay si Chester.”“Ma, hindi gano’ng klaseng tao si Catherine. Huwag kang basta-bastang tumawag ng bastardong anak. Kung tutuusin nga’y maituturing din naman akong anak sa labas dati, ha.”“Ikaw…” Puno ng galit ang dibdib ni Lea.“Oh, tama na.” Marahang sinabi ni Mason. “Hindi ba’t sinabihan mo si Liam na humanap siya ng taong tunay niyang gusto para hindi siya sumunod sa mga yapak mo?”Napabuntong-hininga si Lea. “Ayoko lang namang maloko siya. Pakakasalan na ni Shaun si Melanie. Kapag naging kayo ng anak sa labas n
last updateHuling Na-update : 2021-09-22
Magbasa pa

Kabanata 343

Sa kanyang opisina, tumingin si Catherine sa orasan. 6:00 na pala ng gabi.Kailangan niya nang maghanda upang umuwi.Noong mga sandaling iyon ay nakatanggap siya ng text mula kay Shaun. [Hindi ako makakabalik ngayong gabi. Matulog kang maaga.]Mukhang wala na siyang dahilan upang magmadali.Idinampot niya ang kanyang planner ngunit wala naman siyang nakitang nakasulat dito.Sasamahan niya kaya si Melanie? Babalik na kaya siya ng Hill Manor upang pag-usapan ang kasal?Malapit na siyang ikasal, at kung patuloy pa rin silang magkikita nang ganito matapos siyang ikasal, habambuhay ay mag-iiba na ang tingin ni Catherine sa kanyang sarili.Kinakailangan niyang maging matatag upang tuluyan na siyang makapumiglas sa kapit nito....Sa loob ng Hill Manor.Nakalabas na si Shaun ng sasakyan at nakita niyang hawak hawak ni Melanie ang kamay ni Old Madam Hill habang naglalakad sila sa may hardin.Sumimangot ito at sa loob-loob niya’y gusto na niyang umalis, ngunit napansin na siya ni Old
last updateHuling Na-update : 2021-09-22
Magbasa pa

Kabanata 344

Agad na naalala ni Melanie na mayroong babaeng nagtatago sa mansyon na iyon noong isa pang araw. Nagpadala siya ng tao upang imbestigahan ito ngunit wala pa rin siyang makita tungkol dito.“Ay, naalala ko lang, sinabihan ko pala siyang kumuha ng para kay Queenie.” Marahang hinampas ni Old Madam Hill ang kanyang ulo. “Nagiging ulyanin na ata ako.”“Ah, para doon pala ‘yon.” Bumuti ang kalagayan ni Melanie....Bandang 7:30 ng gabi, biglang dumating ang butler na may dala-dalang mga mamahalin na bagay matapos nilang maghapunan.“Kapag inihatid mo pabalik si Melanie, ibigay mo rin ito sa mga Yule. Magkikita kayong muli bukas upang kuhanin ang inyong marriage license.” Sabi ni Old Master Hill.Mahiya-hiyang namula si Melanie sabay tingin kay Shaun. May inaasahan siyang sabihin ang lalaki, ngunit ibinaba lamang nito ang kanyang kubyertos at malamig na tinanong, “Kailan ako sumang-ayon na magpakasal?”“Kung hindi kayo magpapakasal ngayon, gaano mo pa itong balak patagalin?”Madalang
last updateHuling Na-update : 2021-09-22
Magbasa pa

Kabanata 345

Kinilabutan si Melanie, ngunit nginisi niya pa rin ang kanyang mga ngipin at nagpatuloy. “Eldest Young Master Hill, hindi ako makikipaghiwalay sa’yo. Ikaw rin naman ang nagkusang suyuin ako noon.”“Sige, slow game tayo.” Pinakawalan siya ni Shaun at pumasok na ito sa sasakyan.Buong takot na pinanood ni Melanie na makalayo ang sasakyan. Ang kanilang koneksiyon sa mga Hill ang tangi nilang pinanghahawakan ni Nicola kung kaya’t malakas pa rin sila sa mga Yule. Nang dahil dito’y tinatrato pa rin sila nang may respeto ni Old Master Yule. Hindi niya maaaring pakawalan ang Eldest Young Master Hill.Marahil ay ang babae nito ang naghuhudyat sa kanyang gawin ito. Kinakailangan niyang malaman kung sino iyon at dispatiyahin ito nang tuluyan....Sa loob ng kanyang sasakyan ay tinawagan ni Shaun si Catherine. “Ano’ng ginagawa mo? Pauwi na ako.”“Nag-overtime ako sa opisina.” Nagulat si Catherine. Sinabi niya naman kaninang hindi siya uuwi?“Bakit nandiyan ka pa rin? Gabi na.” Hindi natutuw
last updateHuling Na-update : 2021-09-22
Magbasa pa

Kabanata 346

Kinaumagahan.Nang bumangon si Catherine, gaya ng kanyang nakagawian ay inilabas niya ang kanyang phone upang tignan ang mga trending na balita.Ang nasa top trending search noong araw na iyon ay [Kasama ni President Hill ang kanyang nobyang pumitas ng mga strawberry.]Kita sa litratong nakatagilid ang ulo ni Melanie upang tignan si Shaun habang nakakunot ang kanyang mga mata dahil sa kanyang ngiti. Napaka-sweet tignan ng dalawa. Mayroon siyang hawak na strawberry na may kadikit na isa pang pirasong strawberry, at tinitignan ito ng kaakit-akit na mukha ni Shaun. Bumuhos sa kanila ang ilaw ng palubog nang araw na mas lalo silang pinamukhang mag-irog na nagtatapat ng kanilang pag-ibig sa isa’t isa.Bigla niyang naalala ang sinabi ni Shaun noong nakaraang gabi. “Hindi ba’t parang tayo lang itong strawberry na ito?”Heh, kalokohan.Kinuha niya ang strawberry na pinitas ni Melanie upang sabihan ng ganon ang ibang babae. Wala na ba talagang natitirang kahihiyan sa kanyang katawan?Kun
last updateHuling Na-update : 2021-09-22
Magbasa pa

Kabanata 347

Pumunta sa Internet si Shaun at nakita niyang binibigyan na siya agad ng mga official account ng tinatawag na “wife-loving persona”. Ang nakakainis pa rito ay mayroong mga taong nagbabalita na magpapakasal na sila ni Melanie sa susunod na buwan. Ang gulo lang ng lahat.Galit niyang tinawagan ang manager ng PR department. “Hindi niyo magawa ang trabaho ninyo sa pagbabalita ng bagong development plan ng kumpanya, pero pagdating sa pagpapalaganap ng tsismis nangunguna kayo. Alisin niyo agad ang balitang iyon.”Nasaktan dito ang manager. “P- pero ang laki ho ng pinagbago ng inyong imahen sa publiko.”“Ako ba o ikaw ang presidente?” Malamig na tanong ni Shaun.“Sige ho, aalisin ko na ho agad ang balita.” Nabibigong tumungo ang manager.Bagama’t tinanggal na ang mga dapat tanggalin, hindi maipagkakailang pinag-uusapan na ng lahat ang balita.Natural lamang na pati si Catherine ay alam na ito.Alam ng lahat na kasado nang ikasal sina Melanie at Shaun.Nag-text sa kanya si Wesley: [Mas
last updateHuling Na-update : 2021-09-23
Magbasa pa

Kabanata 348

“...”Rinig ang iba’t ibang tinig ng mga taong kung ano-ano ang pinag-uusapan, ngunit hindi na nag-abala pa si Catherine na pakinggan ang mga ito at tumingin na lamang siya sa malaking screen sa kanyang harapan na nagsasabing, “Hill Foundation Charity Night’.Isa itong charity night ng mga Hill?Narito kaya si Shaun?Nagsimula siyang magmasid sa paligid, at pakiramdam niya’y hihimatayin na siya. Hindi lamang si Shaun, kundi pati sila Melanie, Old Madam Hill, Old Master Hill, Lea, Valerie, at iba pang miyembro ng pamilya Hill ay naroon.Kahit sina Nicola at Joel ay naroon.Nagulat ang lahat nang makita nilang magkasama ang dalawa.Naramdaman ni Catherine na nanginginig na ang kanyang mga binti. Sa mga sandaling iyon, si Shaun lamang ang kanyang nakikita. Nakasuot ito ng isang kulay itim na tailored suit. Nakatuon sa kanya ang mga malalim at madilim na paningin nito nang may panlalamig na siya lamang ang nakaiintindi.“Hindi ba’t sinabi mong… wala akong kakilalang pupunta rito?”
last updateHuling Na-update : 2021-09-23
Magbasa pa

Kabanata 349

Nakikita ni Nicola na malalim ang iniisip ng kanyang anak kaya’t bumulong ito sa kanyang tainga. “Kung gusto mong maipanalo ang puso ng isang lalaki, kailangan mong mabihag ang kanyang katawan.”“Pero hindi niya ako hinahayaang mahawakan siya…”“Samantalahin mo na ngayong gabi kapag siya’y nalasing. Sasabihin ko kay Old Madam na bigyan kayo ng isang kwarto at doon mo alagaan si Eldest Young Master Hill.” Kumunot ang mga kilay ni Nicola.Napagtantuan ni Melanie ang lahat. Nang inisip niyang magiging babae siya ni Shaun, namula ang kanyang maliit na mukha sa kahihiyan, ngunit inaasahan niya rin naman ito. “Ma, hindi naman magkakatuluyan sina Catherine at Second Young Master Hill, ‘di ba?”“Sino ba siya sa inaakala niya? Hindi siya nararapat. Isa lamang siyang vixen katulad ng kanyang ina.” Puno ng pangmamata ang kanyang itsura. “Panoorin mo kung ano ang gagawin ko sa kanya.”Pagkababa ni Shaun mula sa entablado, sunod-sunod na nagtanghal ang mga kilalang musikero ng bansa.Noong ma
last updateHuling Na-update : 2021-09-23
Magbasa pa

Kabanata 350

“Dinala ka ni Liam dito, pero iiwan ka lang niya nang ganito?” Malamig na kutya ni Shaun. Nang inisip niya kung paanong bababuyin ng lalaking iyon ang mukha ni Catherine kung hindi lamang niya inagapa’y nagsimula na agad kumulo ang kanyang dugo sa puntong gusto niyang magwala.Nanginig ang mga mahahabang pilikmata ni Catherine habang mahinang sinabi, “Isa itong dinner party ng Hill Corporation, kaya’t hindi ako guguluhin ni Director Irvine nang walang dahilan. Sigurado akong mayroong nag-utos sa kanya upang gawin iyon.”“Oh, at sino naman iyon?” Itinaas ni Shaun ang kanyang kilay. Ayaw niyang sabihin ang mga bagay na alam na niya.Ikinagat ni Catherine ang kanyang labi. Hindi ito naniniwalang hindi alam ng lalaki kung sino ang kanyang itinutukoy. Nagbubulag-bulagan lamang ito dahil fiancée niya ang taong iyon.“Hindi ko alam…” Matapos ng ilang segundo’y tumingin si Catherine sa malayo.Ilang sandali siyang tinignan ni Shaun. Pagkatapos ay ngumisi ito at ihinila siya paakyat.Wala
last updateHuling Na-update : 2021-09-23
Magbasa pa
PREV
1
...
3334353637
...
235
DMCA.com Protection Status