Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 131 - Chapter 140

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 131 - Chapter 140

2346 Chapters

Kabanata 131

"Tumayo ka diyan." Naghagis si Shaun ng kumpol ng susi at kard sa lamesa. "Lumipat na ako sa Riverside Manson. Ito ang mga susi sa main gate ng villa. Iyan din yung kard na ginamit mo dati para sa mga gastusin sa bahay."Nagulat si Catherine doon. "Bakit biglaan ka naman lumipat?""May tatlong kuting na si Fudge ngayon at hindi ganun kalaki yung lumang bahay. Kailangan nila ng hardin para magpaaraw," sinabi niya ng walang emosyon.“...”Hindi makapagsalita si Catherine. Bakit ba hindi na lang siya naging pusa? Nakakapagod maging tao.Hindi kailangan magluto ng pusa at matatamasa niya ang pribilehiyo na tumira sa isang renovated na marangyang villa."Huwag ka mainggit. Manatili ka lang sa tabi ko ng tapat at pwede ka rin mamuhay ng ganon." Kinibot ng lalaki ang manipis niyang labi ng konti. Basta tumigil lang siya sa pakikipag-kita sa ibang lalaki at kumilos ng maayos sa paligid niya, hahayaan niya ito maging Mrs. Hill habambuhay.Sa paanong paraan man, kailangan niya ulit magpak
last updateLast Updated : 2021-08-21
Read more

Kabanata 132

Dahan-dahan dumating ang kotse ni Shaun sa villa ng mga alas singko ng hapon.Nagulat si Aunty Linda sa pag-uwi niya nang maaga Kahit na kakalipat pa lang ng lalaki hindi katagalan, maaga siyang umaalis at bumabalik ng gabing-gabi araw-araw. Atsaka, palagi siya kumakain ng agahan, tanghalian, at hapunan sa ibang lugar. Para bang ang bahay ay inuuwian niya lang sa gabi."Young Master Hill, Hindi… Hindi ko inaasahan na uuwi ka sa ganitong oras. Hindi ako naghanda ng hapunan.""Okay lang yan, hindi mo kailangan gawin iyon." Alam niya na mas maaga siya nakauwi kaysa sa karaniwan niyang uwi. Well, masyado na siya nagulo para magtrabaho pagkatapos umalis ni Catherine sa opisina.Maaaring umalis siya sa trabaho nang maaga dahil hindi niya mapigilan mag-isip ng agahan, tanghalian, at hapunan na ihahanda ni Catherine para sa kanya Subalit, tatlong minuto na ang nakalipas simula noong pumasok siya sa bahay ngunit hindi pa rin siya nito sinasalubong. "Asan siya? Sa labas?"Tinignan n
last updateLast Updated : 2021-08-21
Read more

Kabanata 133

Naiinis na nakipag-away si Catherine, “Alam ko na villa mo ito, kaya sayo lahat ng kama. Pero dahil pumayag ako lumipat, payagan mo rin dapat ako magkaroon ng personal na espasyo. Ang sama mo naman para pumasok sa kwarto ko nang hindi kumakatok.”Tinignan siya pataas at pababa at mapang-asar ito ngumiti. “Natutulog ka sa kama ko sa loob ng kwarto ko ngunit may kakayahan ka pa magreklamo na hindi kita binigyan ng personal na espasyo? Umalis ka lang ng sandali ngunit ang kumpiyansa mo sa sarili ay panigurado na tumaas.”Nagulat siya sa narinig at napagtanto. “Saglit, sinasabi mo ba na kwarto mo ito?”“Tigilan mo na ang pagpapanggap.” Lumapit siya at siya ay likas na natumba patalikod sa kama. Nilagay ni Shaun ang mga kamay niya sa tabi ng parehong tenga ni Catherine.Isang ngiti ang nangibabaw sa mukha niya habang tinitignan siya. “Meron ka talagang grande na mga plano. Hindi pa sapat ang pagtira natin sa isang bahay? Kaya gusto mo magsama na rin tayo sa isang kama, huh?”Siya ay
last updateLast Updated : 2021-08-21
Read more

Kabanata 134

Pagkatapos lamunin ni Shaun ang tatlong plato ng pagkain, lumapit si Fudge sa kanya kasama ang tatlong kuting. “May mga pangalan na ba sila?” Tanong ni Catherine habang kinuha niya ang isa sa kanila.“Wala pa.” Tinignan niya ang babae at tinignan ang mga kuting bago biglang sinabi, “Pero nakapagdesisyon na ako ngayon. Ang tawag sa kanila ay Cath, Erine, at Jones.”Hindi siya makaimik. “Bakit?”“Bigla lang lumabas sa utak ko. Madali iyon,” ani ni Shaun. Pagkatapos ay dumiretso siya sa study.Naglakad si Aunty Linda papunta sa kanya ng may ngiti. “Sobrang kaibig-ibig kayong mag-asawa.”“...”‘Aunty Linda, okay lang ba ang paningin mo? Paano ka napunta sa ganon na konklusyon’ Naisip ni Catherine sa sarili niya.Hindi na siya nakipag-usap pa kay Aunty Linda pagkatapos ng dati nilang pag-uusap. Dali-dali siyang umakyat at nilipat ang mga gamit niya papunta sa bakante na guest room.Alas dyis ng gabi at napansin ni Catherine na hindi pa rin umaalis ng study si Shaun.Siguro nahih
last updateLast Updated : 2021-08-21
Read more

Kabanata 135

Biglang naalala ni Shaun kung gaano katamis si Catherine at kaagad niyang inangat si Catherine na nasa braso. “Pumunta tayo sa kwarto.” Isang itsura ng pag pagkalito ang lumabas sa mukha ni Catherine, “Saglit lang, hindi ba nagtatrabaho ka?”“Akala ko gusto mo akong tumigil magtrabaho?”Nagtapon siya ng patagilid na tingin kay Catherine.“Kailan ko sinabi iyon?” Nanginig siya.“Sinabi mo iyon ng malakas at malinaw gamit mga mata mo.” Tinignan niya ito ng walang magawa bago nagpunta sa kwarto, bitbit siya sa mga bisig nito.Pakiramdam niya ay iiyak na siya sa saglit na iyon. Mali ba ang pagunawa niya o ano? Nang hubarin ng lalaki ang jacket nito sa harap niya, napagtanto niya kung ano ang maaaring susunod na mangyayari.Bigla siya napaupo ng diretso sa kama. “Hindi pwede, may regla ako ngayon.”Kumunot ang noo niya nang hindi nasisiyahan. Bihira lang ang mga saglit na gusto niya tuparin ang hinihiling ni Catherine.Panira naman.Si Catherine naman ay palihim na naglabas ng m
last updateLast Updated : 2021-08-21
Read more

Kabanata 136

Kahit pa nasa relasyon na si Catherine at Ethan dati at maayos ang pakikitungo ng lalaki, hindi sila nagsama sa iisang kama- at ngayon ay minamasahe pa nito ng dahan-dahan ang puson niya habang siya ay may regla. Hindi niya inaasahan na ang dominanteng si Shaun ay gagawa ng ganito. Bukod doon, sobrang haba ng pasensya niya. Sa dulo, siya ang nahihiya. "Okay na, hindi na siya ganun kasakit…""Manahimik ka na at matulog na," utos ni Shaun nang hindi tumitigil ang kamay.Hindi na siya nagsalita pa. Kalaunan, nawala na ang sakit at siya ay mabilis na nakatulog.Kinabukasan ng alas sais ng umaga, gumalaw si Shaun mula sa pagkakatulog niya habang siya ay umaalis sa kama para maghanda ng agahan."Saan ka pupunta?""Matulog ka lang. Gagawa lang ako ng agahan…""Hindi mo kailangan gawin iyon dahil hindi maganda ang pakiramdam mo." Hinila niya ito papunta sa mga bisig niya ulit. Nilagay nito ang mga palad nito sa tiyan niya ng likas."Hindi na ganun kasakit." Sinubukan niya ito pigilan.
last updateLast Updated : 2021-08-21
Read more

Kabanata 137

“Manahimik ka kung wala kang pruweba.” Tinignan ng masama ni Sally si Catherine. “Ano pa ba ang dadalhin mo sa pamilya bukod sa gulo? Nararapat sayo ang gulo na kinasasangkutan mo ngayon. Magkaroon ka nga ng oras para magmuni-muni tungkol sa sarili mo habang na sa bilangguan ka!” Isang panginginig ang dumapo kay Catherine. Palaging sinasabi ng mga tao na kahit ang mabangis na tigre ay hindi kakainin ang mga anak niya, ngunit pakiramdam niya ay mas mabangis sina Sally at Jeffret sa tigre.“Mapaparusahan kayong dalawa!” Galit niyang sinigaw, “Isang bagay na ang tratuhin ako ng malamig at may paglait dati ngunit hindi niyo dapat ako sineset up. Pinapangako ko na susulitin ko ang oras na sirain ang Summit!”Tumawa ng sarkastiko si Rebecca. “Sa tingin mo ba may natitira ka pang oras? Sabi ng abogado ni Clark na bibigyan ka ng sentensya ng hindi bababa sa benteng taon. My dear sister, mag-ingat ka sa bilangguan. Bibisita ako kapag may oras ako.”“Parang sigurado kayong lahat na matatal
last updateLast Updated : 2021-08-22
Read more

Kabanata 138

Kabadong tinignan ni Catherine si Shaun at nakita niya lang na nanatili itong walang pake na para bang hindi siya ininsulto.“Ang isang piraso ng basura ay hindi karapat dapat na kausapin ako.”Binalik niya ang malamig niyang titig at lumingon papunta kay Catherine. “Sumama ka sa akin.”Pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa courtroom. Mabilis siyang sumunod dito.Ngumiti si Haldley kay James. “Sabihin mo na kung ano gusto mo habang may pagkakataon ka pa.”Ang ngiti niya ay reserba at magalang, ngunit nagdala ito ng nginig pababa sa gulugod ni James. “Aunty, magiging okay lang ba ako?”Malambing siyang tinignan ni Sally. “Huwag ka mag-alala, binura na ng Uncle Jeffery mo lahat ng natitirang ebidensya. Andito ka lang bilang isang testigo.”“Sa susunod magpakabait ka kung duwag ka.” Suminghal si James ng may paglait. Sa totoo lang, hindi niya ganon kagusto si James ngunit gusto ni Sally ang pamangkin niya. Bukod doon, alam ni James kung paano sila pasayahin sa pagdala ng mga re
last updateLast Updated : 2021-08-22
Read more

Kabanata 139

Subalit sa loob ng courtroom, nakakahindik ang pakiramdam ng atmospera sa panig ng nagdemanda.Si Miles ay may suot na nalugi na ekspresyon. Sa tabi niya, si Mr. Stewart, ang abogado, ay umiinom ng tubig habang mukhang kabado.Sa kabilang banda, si Catherine ay masayang nakikipag-usap kay Freya. Hindi makatigil sa pagtawa si Freya.Ang abogado sa tabi niya ay naglalaro sa phone niya "Titignan ko kung ano ang nangyayari." Kinakabahan si Jeffery habang lumalapit kay Miles. "Young Master Clark, anong problema ni Mr. Stewart? Hindi maayos ang itsura niya para sa akin."Sumagot si Miles ng may malamig na titig, "Kakaiba talaga ang anak mo "Naguguluhan si Jeffery. Ipaliwanag ni Mr. Stewart ng may buntong hininga, "Kinuha ni Catherine Jones ang alamat na hindi pa natatalo sa Australia bilang abogado niya. Mahihirapan talaga ako mapanalo ang kaso na ito."Hindi, wala siyang tiyansa ipanalo ito."Anong alamat na hindi pa natatalo?!" si Jeffery ay gulat. "Iyon ang pinangako mo. Sina
last updateLast Updated : 2021-08-22
Read more

Kabanata 140

Di kalaunan, dinala sa loob ng courtroom si Terry Miller.Tinignan ni Shaun ang lalaki ng may nakakatakot na titig. “Sino ang tumulong sa iyo na palitan ang mga kable ng kuryente sa mas mababang kalidad?”Nakakandado ang mata ni Terry kay James at tinuro siya. “Siya iyon.”Sumigaw si James ng gulat, “Nagsisinungaling ka. Nakatanggap ka ba ng suhol mula kay Catherine?”Walang ekspresyon na sumagot si Terry, “Hindi siya iyon, ngunit ikaw ang nagsuhol sa akin. Pagkatapos ng sunog sa hotel, naglipat ka ng dalawang milyong dolyar sa anak ko na nakatira sa ibang bansa, at inutusan mo akong ibaling ang sisi kay Catherine Jones.”Lahat ng kulay sa mukha ni James ay nawala. Nagsisimula na rin mag-alala si Sally.Nagagalit si Miles. “So ikaw pala ang nagpalit ng mga kable ng kuryente! Anong problema mo? Sinusubukan mo ako lokohin sa paglipat ng sisi kay Catherine Jones?”Isang nakakaengganyong ngiti ang napunta sa mukha ni Shaun. “Mr. Clark, isinasakripisyo nga ng mga Jones ang sarili nil
last updateLast Updated : 2021-08-22
Read more
PREV
1
...
1213141516
...
235
DMCA.com Protection Status